Chapter LTFC 38

POSITIVE.

Sapo ni Lexie ang puson habang nakatitig sa view ng Marina Bay. Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala sa resulta ng pregnancy test niya. She was three months pregnant. Kung kailan malapit na ang enrollment niya sa masteral niya para sa International Hotel Management sa Institut Vatel sa Singapore ay saka naman niya nalaman ang resulta.

Isang buwan na siya sa Singapore at nagtatrabaho bilang business development manager. She was enjoying her new job. Challenge para sa kanya na mag-analyze ng current at potential market, sales trends at mag-coordinate ng activities na magdadagdagda sa kita ng hotel.

Hanggang mag-collapse siya sa gitna ng isang presentation. Akala niya noong una ay pagod lang siya dahil sa dami ng trabaho niya. Dagdag pang pressure ang nalalapit na niyang pagpasok sa MBA class. But being pregnant was another issue. Hindi magiging madali na isabay sa trabaho at pag-aaral.

Kaya niyang mag-adjust doon. Pero ang pinakamahirap ay kung paano niya sasabihin kay Aiden ang kalagayan niya. Wala na siyang nabalitaan dito tungkol sa kasal nito kay Esmeralda.

Siguro ay kasal na sila ni Esmeralda. A secret wedding maybe. Di na kailangan na kailangan ng magarbong kasalan. Di ko na rin masasabi sa kanya ang tungkol sa magiging anak namin. Hindi habang kasal pa siya kay Esmeralda.

Mariin siyang pumikit. “Baby, gusto kong malaman mo na love ka ni Nanay. Pero sorry kung di ko pa masasabi sa tatay mo ang tungkol sa iyo. Hindi pa sa ngayon. May mga pangarap pa na kailangan niyang tuparin.”

Maybe Aiden would hate her if he found out later. Pero sa ngayon ay di muna siya gagawa ng kahit ano na makakasira sa plano nito. Maghihintay siya dito gaya ng pangako nito. Isang taon, dalawang taon, bahala na. Pero sa ngayon ay kailangan niyang maging matatag para sa magiging anak nila.

“Where have you been lah?” tanong ng kasamahan niyang Singaporean na si Shirley nang pumasok siya sa opisina.

“I just walked around,” sabi niya. Di kalayuan sa area nila ang Marina Bay.

“The boss wants to see you.”

“Which boss?” kinakabahan niyang tanong. Hindi ito sumagot at tumuloy sa opisina ng Sales Director kung saan siya under. Parang tinamaan siya ng kidlat nang hindi ang boss niyang Indiano ang nandoon. “Sir Aiden,” tawag niya sa binata na nakaupo sa gilid ng mesa habang nagkakape.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. As if he was drinking on the sight of her. “How are you?”

“G-Great.” She wanted to cry and touch his gorgeous face. She wanted to tell him that she missed him. Na masaya siya na makita ulit ito. Gusto niyang sabihin dito na malapit na silang magkaanak. Na mahal niya ito. Pero baka hindi pa iyon ang panahon. Kaya kinuyom niya ang palad para pigilan ang sarili. “Are you here on business? O nandito ba kayo para sa… honeymoon? Naka-check in kayo dito si Esmeralda? Congratulations! Nabasa ko ang message mo tungkol sa flower farm…”

Ibinaba nito ang tasa ng kape at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Are you okay? Sabi sa akin basta ka na lang nag-collapse sa meeting kahapon. Sorry kung late akong dumating.”

Natigagal siya. “Late?”

“Kahapon pa sana ako dito pero gabi ko na nalaman na nag-collapse ka. I tried to come here as fast as I can.”

Napakurap si Lexie. “Nagpunta ka dito para sa akin? Alam ba ni Esmeralda na dito ka pupunta?”

Tumango ito. “Yes.”

“Alam ba niya na ako ang pinuntahan mo?”

“Yes.”

“Hindi ba weird iyon para sa asawa mo?”

Itinaas nito ang kamay. “Ang alam ko single pa rin ako hanggang ngayon. He touched his ring finger. “See? No wedding band.”

Nahigit niya ang hininga. “Hindi ka pa kasal?”

“Hindi na ako magpapakasal kay Esmeralda.”

Lalong naguluhan ang dalaga. “Oh! I am sorry to hear that. Aalukin mo ba ako ng kasal para sa trust fund mo?”

“No. I want you to allow me to be with you.”

“Sir Aiden…”

Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Kahit di mo ako pakasalan. I don’t need a trust fund. I don’t need the flower farm. Pero kailangan kita. I feel miserable when I had to let you go. I love you.”

“You love me?” Her lips trembled. Ni sa hinagap ay di niya naisip na sasabihin nitong mahal siya nito. Sure, they had a bond. Pero hindi na siya umasa na susundan siya nito para sabihing mahal siya.

“I didn’t know it was love. For me, love is destructive. Nakita ko kung paanong nasira ang nanay at tatay ko dahil sa pag-ibig. Kung paanong mababa ang tingin sa akin ng ibang tao. I don’t want to feel that anymore. I want full control of my emotions. Then you came. You see, I’ve been doing everything I can to leave my brother’s company but you made me stay. Noong una naaaliw lang ako na tuksu-tuksuhin ka pero naisip ko na kapag naakit ka sa akin, I have to kick you out of my life. I can’t do that because I really like you a lot.”

“Pero may nangyari sa atin,” paalala niya dito.

“I still don’t want to let you go even. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit di ako takot mamatay para sa iyo. Kung bakit handa kitang protektahan. Kung bakit kahit ikakasal na ako, ayoko pa ring mawala ka sa tabi ko. It was so selfish on my part, I know.”

“Pinalayo mo pa rin ako sa iyo sa huli,” aniyang mabigat ang dibdib.

Kinintalan nito ng halik ang dulo ng ilong niya. “Mahal kita kaya kailangan kitang pakawalan. I have nothing to offer you. Wala pa akong nabubuo sa mga plano ko. Ginagawa ni Kuya Amadeus ang lahat para sirain ako. I can’t risk you. Kung hindi mo na ako mahal, gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako.” Tell me what I should do to make you love me.”

Parang may bikig sa lalamunan si Lexie. His eyes were begging her. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. “Wala.”

“Wala?” dismayadong usal nito. “Am I not good enough?”

“Wala kang ibang kailangang gawin dahil mahal na kita!” Tumingkayad siya at yumakap sa leeg nito. She peppered his face with kisses while tears roll down her cheeks. “I love you. Wala akong pakialam kung bunga ka ng isang affair o jinx ka. Wala rin akong pakialam kung wala kang flower farm o kung may impakto kang kuya. We can work on our dreams together.”

“Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi mo tinanggap ang proposal ko. Kahit ialagay ko pa sa iyo ang buong trust fund ko, di sapat iyon kung hindi kita mahal. You deserve everything specially love.”

“Matapos iyon saka ko na-realize na mahal kita. Tatanggapin ko na sana ang proposal mo kundi lang pumayag nang si Esmeralda ang pakakasalan mo.”

“At di mo sinabi sa akin?” tanong nito.

“Kasi mawawala ka rin sa akin. Pansamantala lang ang kasal natin. At kapag nalaman mong mahal kita, you will surely kick me out. Kaya kinimkim ko lang ang nararamdaman ko. Nagkunwari ako na walang nararamdaman sa iyo. Itinago ko na lang kahit sobrang sakit na.”

Niyakap siya nito. “I am sorry. We are stupid. Pero di ako nagsisisi na itinaboy kita. I want you to live your dream. Ayokong di mo makuha ang masteral mo. At kapag pinuntahan kita, naghihintay ang flower farm sa iyo.”

“Sabi mo sa akin di na tuloy ang kasal ninyo ni Esmeralda. Paano na trust fund mo?”

“Hindi ko na kailangang magkasal ngayon. The bank approved the loan. Pwede ko nang simulan ang farm. Magkasundo na kami ni Kuya Amadeus.”

Tumaas ang kilay niya. “Sigurado ka?”

“Let’s say he fell in love. Na-realize niya na gagawin niya ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ni Esmeralda.”

Her jaw dropped. “Seryoso siya? I don’t expect that one.” Parang napaka-imposible na magkagustuhan ang dalawa. Esmeralda was too soft for Amadeus who was a devil incarnate. “Okay lang ba si Esmeralda sa kuya mo?”

Tumango si Aiden. “Yes.Di ka kakantiin ni Kuya Amadeus. I will protect you.”

“Mukhang kailangan naming sumama pauwi sa iyo.”

“Namin?”

Hinawakan niya ang kamay ito at inilagay sa puson niya. “Ng magiging baby natin. Magiging daddy ka na.”

Sinundan nito ng tingin kung saan nakapatong ang kamay nito. “You are pregnant?”

“Yes. Kahapon ko lang nalaman. Three months.”

Sumigaw ito at yumakap sa kanya. “I am so happy.”

Pagkuwan ay yumugyog ang balikat nito. Nang tingnan niya ang lalaki ay tigmak na ng luha ang mata nito. “O! Akala ko masaya ka?” kinakabahang usal ni Lexie. Paano kung di pa ito handa sa responsibilidad?

“Too much happiness. Sunud-sunod ang magagandang bagay na dumadating sa akin.” Lumuhod ito sa harap niya at kinintalan ng halik ang puson niya. “Baby, daddy’s here. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng wala sa akin. You will never be treated as a jinx. You will be loved.” Tiningala siya ng lalaki. “It is just weird.”

“Why?”

“Let’s say I did something good before I came here. Esmeralda and I pranked him that Esmeralda is pregnant. Just a test if he really loves her. Pero ako pala ang magiging totoong daddy na.”

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin noong una. Kung sasabihin ko sa iyo. Kung tatawag ba ako o itatago ko hanggang magpa-annul kayo ng kasal ni Esmeralda. I was so scared.”

“Alam mo na hindi kita tatalikuran. Kayo.” Tumayo ito. “We will have a different story. A different family. He or she won’t be unwanted like me. I won’t leave you like what your father did.”

“You are not unwanted. I love you. I want everything about you. Ayoko nang isipin mo iyan sa sarili mo. Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Wala akong pakialam kung anuman ang ginawa na mali ng mga magulang mo. You are perfect Eto me. I just can’t stop loving you.”

“And you won’t regret loving me. I will make sure that it is will be worth it.”

“I know.” Dahil di masusuklian ang saya na nararamdaman niya ngayong kasama ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.