Chapter 28

“A CAKE? HE’S A SEVEN YEAR-OLD BOY and you’re giving him a cake?”

Naiikot ni Kareene ang kanyang mga mata kay Darcangelo dahil sa sinabi nito. Dinaanan nila ang two-tier Batman cake na pina-customize niya sa Sugar Treats bilang regalo sa inaanak niyang si Prince na anak ng katrabaho niyang si Queencie para sa seventh birthday celebration nito ngayon. Patungo na sila ni Darcangelo doon ngayon.

“Favorite niya ang Batman ‘no at saka favorite din niya ang cake sa Sugar Treats,” katwiran niya rito. Pero ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang ibibigay kay Prince. Lahat na lang kasi yata ng Batman items na mayroon sa mga mall ay mayroon na ito. Ganoon ito kaadik sa Batman.

“Sigurado ako na Batman din ang cake niya doon ngayon,” ani Darcangelo.

“Bakit ikaw? Simpleng relo lang naman ang regalo mo sa kanya. It’s cheaper and simpler than this cake for sure,” sabi naman niya rito.

“Oh, babe. You don’t know what that watch can do.”

“Ano naman?”

“It’s waterproof. Pwede rin siyang maging flashlight. It’s a locator and a communication device. Parang walkie-talkie lang, ‘di ba? But with its built-in satellite, you can communicate to whoever the bearer of the pair without paying phone bills. Dalawa ang ibibigay ko sa kanya para bahala na siya kung kanino niya ibibigay ‘yong isa,” paliwanag ni Darcangelo.

“It’s a gadget! Seven years old pa lang siya! Bakit bibigyan mo na siya ng gano’n? Bakit hindi mo ako binibigyan no’n? At kailan ka pa nagkaro’n n’yan?” kastigo niya rito.

“Sabi ko na nga ba sasabihin mo ‘yan. So, I got you one too. Mamaya mo na isuot pagkababa mo d’yan sa cake na ‘yan. To answer your question, nakita ko lang sa ibang gamit ko at kay Shaun. Madalas kasi na ‘yan ang ginagamit naming communication device dati,” sabi naman nito sa kanya.

“Wow! You guys are really cool,” aniya.

“But the thing we used to do then isn’t,” sabi naman nito.

“Pwede bang ‘wag na nating pag-usapan ‘yon? Get over na tayo, okay?”

“Okay,” sang-ayon naman nito sa kanya.

Nang makarating sila sa bahay nina Queencie ay naunang bumaba ng kotse si Darcangelo para kuhanin sa kanya ang kalong niyang cake saka sila pumasok sa loob ng bakuran ng mga ito kung saan ginaganap ang birthday party ni Prince. Binati niya ang mga kasamahan niya sa trabaho. Maging si Sir Ranz ay naroon din at ipinakilala niya rito si Darcangelo dahil ito na lang ang hindi nakakakilala dito. Pagkuwa’y binati nila ang birthday celebrant at ibinigay nila rito ang kanya-kanyang regalo. Napangiwi siya ng makitang halos kapareho ng dala niyang cake ang birthday cake ni Prince na nakalagay sa buffet table.

“Happy birthday, Prince! Sorry sa regalo ni ninang ha? Babawi ako sa’yo next time,” aniya sa inaanak saka ito niyakap at hinalikan sa pisngi.

“Batman cake naman po kaya okay lang, Ninang K,” nakangiting sabi naman nito sa kanya.

“Yay! Ang bait talaga ng inaanak ko. Anyway, siya ang Ninong Darc mo,” pakilala naman niya rito kay Darcangelo.

“Boyfriend mo po?”

“Yes. Bagay kami ‘no?” nakangiting tanong niya rito.

“Siyempre naman, ninang. Maganda ka yata at gwapo si Ninong Darc,” bibong sabi ni Prince. Kaya ito ang paborito niyang inaanak ay napaka-honest nitong bata.

“Hello, Prince. Ito nga pala ang regalo ko sa’yo,” masuyong sabi ni Darcangelo dito saka nito ipinakita sa bata ang dalawang kulay itim na relo. “Hindi siya Batman watch pero mas cool naman siya kaysa kay Batman,” dugtong pa nito.

Isinuot nito kay Prince ang isa at may pinindot doon na parang on button. Ganoon din ang ginawa nito sa isa pagkuwa’y ipinakita nito kay Prince kung ano ang mga nagagawa ng relong iyon. May pinindot itong isang button sa gilid ng relo at umilaw iyon ng parang sa flashlight. Pero siyempre ay hindi pa na-impress doon si Prince dahil may mga lumabas ng ice watch ngayon na maaari ring maging flashlight.

“It’s also waterproof, it’s a locator and a communication device. Gusto mo bang subukan natin?” ani Darcangelo kay Prince. Tumango naman ang bata. “Okay. Magtago ka at hahanapin kita. Ite-test natin ang locator capability nito. Pindutin mo ang button na ‘to kapag kakausapin mo ako. Sabihin mo kapag nakapagtago ka na, okay?”

“Ako ang bahala sa kanya, Prince. Magtago ka na at tatakpan ko ang mata niya,” sabi naman niya sa inaanak. Lumapit siya kay Darcangelo at tinakpan ang mga mata nito gamit ang kanyang dalawang kamay. Tumakbo naman palayo si Prince para magtago.

“O, bakit tumakbo ‘yon palayo?” tanong sa kanila ni Queencie ng makalapit ito.

“Sinusubukan lang namin ‘yong regalo sa kanya ni Darc,” aniya rito.

“O, sige. Pero kumain na kayo ha? Besides, may karaoke session tayo mamaya. Kakanta daw si Sir Ranz. At saka, Darc, makikipag-inuman ka daw sa mga lalaki,” ani Queencie sa kanila.

“Sure. Pagkatapos kong i-demo kay Prince ‘yong regalo ko,” sabi naman ni Darcangelo dito.

“Iinom ka talaga?” tanong niya dito nang makaalis si Queencie.

“Sure. Hindi naman ako nalalasing,” anito.

“Ninong Darc, nakapagtago na po ako,” anang boses ni Prince mula sa relong hawak ni Darcangelo na ikinamangha niya. Totoo ngang communication device iyon.

“Okay. Hahanapin na kita,” nakangiting sabi ni Darc habang tiningtingnan ang relo. Nakitingin na rin siya rito. “There he is,” anito na itinuro sa kanya ang red dot na malamang ay si Prince.

May arrow din na nagtuturo kung nasaan si Prince maliban sa red dot. Pumasok sila sa loob ng bahay at mas nag-blink ang red dot. Siguro’y dahil malapit na sila sa kanilang target. Nang tumapat sila sa cabinet sa ilalim ng kitchen sink ay tumunog ang relo at lumaki ang red dot. Nang buksan ni Darcangelo ang cabinet ay nakita nila roon si Prince.

“Gotcha, buddy!” ani Darcangelo dito.

“Wow! Astig!” namamanghang komento nito.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Darcangelo dito.

“Oo naman po. Ito na po ang the best kong birthday gift,” masayang sagot dito ni Prince.

“Hey! Nakakabusog naman ang cake ko ‘no,” singit niya sa mga ito.

“Pero makakabili ka naman basta ng cake, ‘di ba, Prince? Itong relong ‘to, limited edition lang,” pang-aasar pa sa kanya ni Darcangelo pagkuwa’y tinawanan siya nito at ni Prince. “Oo nga pala, Prince. Ito pa ang isa. Bahala ka na kung kanino mo gustong ibigay ‘yan.”

“Wow! Talaga po? Ang galing naman. Thank you so much, Ninong Darc!” masayang pasasalamat ni Prince dito saka ito niyakap bago tumakbo ang bata palabas ng bahay.

“I’m sure marami ang maiinggit sa kanya dahil sa relo na ‘yon,” aniya kay Darcangelo.

“And he’ll be the coolest kid in town.”

“SO, DARCANGELO, KAILAN pa kayo ni Kareene?” tanong kay Darcangelo nang isa sa mga katrabaho ni Kareene na si Bob. Kasalukuyan silang nasa may likod-bahay at nag-iinuman.

Kanina lang ay pinag-uusapan nila ang naging kaso ni Kareene at Congressman Go maging ang pagtatago nila at ngayon nama’y napunta sa love life nila ang usapan. Mabuti na lang at hindi nagtatanong ang mga ito tungkol sa trabaho niya noon. Mukhang ang alam ng mga ito’y sa secret service agency nina River siya nagtatrabaho.

“Two weeks pa lang,” simpleng sagot niya rito.

“Akalain mo ‘yon? Pagkatapos nang nangyaring eskandalo sa kanila ni Geoff ay magkaka-boyfriend din pala siya,” sabi pa ni Bob pero hindi niya masyadong nagustuhan ang tono ng pananalita nito.

“Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila noon ni Geoff?” tanong naman sa kanya ni Ferdie.

“Oo. Actually, nando’n ako nang gabing ‘yon at ako ang nambugbog sa Geoff na ‘yon,” seryosong sabi niya sa mga ito.

“Talaga? Ibig sabihin ay nasa NBI protection na pala noon si Kareene. Mabuti na lang,” ani Ferdie.

“Thank you, Darcangelo,” pormal na sabi ni Ranz sa kanya na noon lang nagsalita. Ito ang boss ni Kareene at siyang may-ari ng Daily.

“Gusto ko naman ang ginagawa ko. Pero matigas talaga ang ulo ng isang ‘yon eh,” aniya rito.

“Tell me about it. Pero isa talaga yata ‘yon sa characteristic ng isang journalist,” sabi naman ito.

“I know. I’m getting used to it,” aniya.

“You better. Dahil sigurado akong hindi magpapapigil ‘yang si Kareene,” ani Ranz.

“Alam n’yo, kahit na ano pa ang ugali ng taong mahal n’yo, tatanggapin n’yo iyon ng buo dahil mahal n’yo sila. Kahit na nakakairita ang pagiging demanding ng isang babae, kailangan n’yo pa rin silang intindihin at pagpasensiyahan kaysa naman mawala sila sa inyo, ‘di ba?” sabi naman ng asawa ni Queencie na si Henry.

“At kahit na gaano pa ka-corny ang mga pinagagawa niya sa’yo, gagawin mo pa rin para ma-please siya,” segunda naman ni Bob dito. Naalala tuloy niya ang mga ginawa nilang “cheesy” ni Kareene. Nagreklamo man siya ay hindi pa rin naman niya pinagsisihan na ginagawa niya ang mga iyon kasama ito. Kaya nakaka-relate siya sa mga sinasabi ng mga lalaking ito.

He would really do anything and everything for Kareene.

Nang tumunog ang cell phone niya ay akala niya’y may tumatawag sa kanya. Iyon pala’y mag nag-text lang. Pero isa iyong mahalagang text na may kinalaman sa dati niyang buhay.

We need to talk. -Cross

“SAAN MO BA NAKUHA ANG BOYFRIEND mo, Kareene? Baka may mga kalahi pa siya? Ipakilala mo naman kami,” sabi kay Kareene ni Camille.

Proud girlfriend siya dahil gusto ng lahat si Darcangelo at bidang-bida ito sa mga bata dahil sa regalo nito kay Prince. Ito na nga yata ang paboritong ninong ng bata. Ayaw pa nga itong tantanan ni Prince kanina kung hindi lang nagsimula ang parlor games.

“Magsulat ka muna ng isang exposé, ‘tapos may magtatangka sa buhay mo. Baka sakaling makakilala ka ng katulad niya,” pabirong sabi niya rito.

“Pwede ba si River Eduque na lang?” kinikilig na tanong ni Valerie sa kanya.

“Go. Single naman si River eh. Ipapakilala ko kayo sa kanya. Iyon nga lang, mas seryoso pa ‘yon kaysa kay Darc eh,” aniya.

“Akala ko nga no’ng una’y magiging kayong dalawa. Iyon pala, may darating na isang Darcangelo,” sabi naman ni Queencie.

“Magkaibigan lang kami ni River. Besides, mas mahalaga do’n ang trabaho niya—the betterment of the country,” aniya sa mga ito.

“Oh, well. Naalala ko lang ‘yong two month-team up n’yo dahil sa imbestigasyon n’yo kay Congressman Go. Hinahatid-sundo ka rin niya sa opisina noon. Parang si Darc ngayon,” sabi pa ni Queencie.

“’Tapos si Geoff—ooops, sorry,” ani Camille. Pagkuwa’y sumulyap ito sa kasama nilang si Jade.

“Sorry nga pala sa pang-aaway ko noon sa’yo dahil kay Geoff, Kareene. It’s just that, I thought I was in love with him. Pero hindi naman pala. At hindi ako makapaniwala na nagkagusto ako sa kanya pagkatapos ng mga sinabi niya sa’kin. Sabihan ba naman ako na pangit daw ako at walang magkakagusto sa’kin ever? To think na ipinagtanggol ko pa siya sa lahat. Iyon pala’y wala siyang kwentang lalaki,” paliwanag ni Jade.

“Ang mahalaga ay nagising ka na sa katotohanan ngayon, Jade. Find someone new,” aniya rito.

“Oo nga eh. Nagpapagala-gala nga muna ako ngayon. Baka-sakaling makahanap ako ng lalaki at magandang balita. I’ll be hitting two birds with one stone,” anito na ikinatawa na lang nila.

Ang mga pagkakamali, darating ang panahon ay magiging katawa-tawa na lang para sa iyo. Pero siyempre, dapat mong tandaan kung ano ang natutuhan mo sa mga pagkakamaling iyon. Isa lang ang sigurado niya ngayon, loving Darcangelo isn’t a mistake. And if ever it was, she won’t ever regret it.

“Excuse me, ladies,” paumanhin ni Darcangelo sa kanila nang lumapit ito. Pagkuwa’y bumulong ito sa kanya. “We need to go. Nag-text sa’kin si Shaun at kailangan daw naming mag-video conference ngayon sa bahay,” anito.

“Oh. O, sige,” aniya rito pagkuwa’y bumaling siya sa mga kasamahan niya. “Hey, girls. Kailangan na naming umuwi ni Darc. May kailangan kasi siyang kausaping tao eh. Work,” paalam niya sa mga ito.

“Oh, sure. Next time na lang ulit,” sabi naman ni Queencie.

“Thank you for inviting us,” pasasalamat niya rito.

“You’re always welcome.”

“Bidang-bida ka sa mga bata ah,” aniya kay Darcangelo nang makasakay sila ng kotse.

“Yeah,” tanging sabi nito. Parang may mali sa boses nito. Iyon iyong tipikal na tono ng boses nito noong nasa Palawan sila at nalaman niya ang tunay na pagkatao nito.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Wala. Iniisip ko lang kung ano ang maaaring sabihin sa’kin ni Shaun. Baka may nagawa akong mali at may nagsumbong sa kanya,” anito na ikinangiti niya.

“Natatakot ka kay Shaun? That’s not so you, Darc. Whatever happened to ‘I fear nothing, babe’? Siguro, may naisip lang na magandang ideya si Shaun o ‘di kaya, name miss ka lang niya. Magkaibigan naman kayo eh. Normal lang ‘yon,” aniya rito para mapagaan ang pakiramdam nito.

“Thanks, babe. You always know how to make me feel good.”

DEAR DIARY,

Um-attend kami ni Darc kanina ng birthday party ng inaanak kong si Prince. Everything went well. Hindi ko inakala na maaari pala siyang makitungo ng gano’n sa mga bata. Sumali siya sa mga laro at gustong-gusto siya ng mga bata. Must be because of the cool watch. Nakipag-bonding din siya sa mga kaopisina ko. Parang nag-iibang tao na siya. Hindi ko na masyadong makita sa kanya ang dating siya. Although, hindi pa rin siya sang-ayon sa ‘cheesy, silly, stupid but romantic’ ideas ko. Hihi.

He really did change for the better. Hindi ko sinasabing hindi ko mahal ang dating Darc pero mas mahal ko ang Darcangelo ngayon. Nakakatawa na siya marunong na rin siyang maging carefree. Hindi na rin siya nakakainis katulad ng kadalasang maramdaman niya dito noon dahil palagi niyang ipinaparamdam sa’kin na importante ako para sa kanya at mahal niya ako. Ang haba ng hair ko! At gustong-gusto ko ang mga nangyayari. Pinapatunayan niya sa’kin, sa kanyang sarili, kay River at sa ibang tao—kahit hindi alam ng mga ito ang tungkol sa dating siya—na nagbago na siya. And I can only be a proud and happy girlfriend.

He might not have the perfect background and personality but she wouldn’t exchange him for anyone else. His past comes with him and she loved him nonetheless.

Yours,

Kareene

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.