PAPASOK NA SANA SI DARCANGELO sa bahay nina Shaun nang makita niya ang itim na motorsiklo sa labas ng gate ng bahay ng mga ito. It was a Triumph Tiger 800 XC ABS like his who exploded in Vancouver then. Gaya-gaya talaga si Cross sa mga gusto niya.
Itinigil niya ang kotse ni Kareene na pilit nitong ipinadala sa kanya para daw hindi siya ma-late sa video conference nila ni Shaun. Kung alam lang nito na nagsinungaling siya rito. Hindi naman niya gustong gawin iyon pero kailangan. Kailangan muna niyang malaman kung ano ang ginagawa doon ni Cross at paano siya nito nahanap. Kinuha niya mula sa kanyang glove compartment ang isang .45 na baril saka iyon nilagyan ng silencer. Kailangan niyang mag-ingat dahil may habit si Cross na manggulat na lang sa pamamagitan ng mga inembento nitong gadget.
Pagbaba niya sa kanyang kotse ay tumingala siya at ininspeksyon ang dalawang puno sa bahay nina Shaun. Sanay kasing umatake mula sa itaas si Cross.
“You know me too well, X,” anang pamilyar nitong tinig mula sa unang punong tiningnan niya.
“Where have you been?” tanong niya rito.
“Wandering and hunting you. You know I’d kill you, right?” anitong tumalon mula sa puno habang nakataas ang baril sa mukha niya. Kaharap na niya ito ngayon. Pantay lang silang dalawa at halos magka-katawan pero mas bata itong tingnan kaysa kanya dahil mas bata naman talaga ito kaysa sa kanya.
“Not if I kill you first. Ikaw ba ang nagtraidor kay Professor?” kastigo niya rito. Hindi rin niya ibinababa ang hawak niyang baril.
“No. Bakit ko naman ‘yon gagawin sa taong bumuhay sa’kin?” sagot nito sa kanya katulad nang rason niya kung bakit hindi niya magagawang saktan si Professor. Kung ganoon ay isang tao na lang ang natitira na maaaring magtraidor sa kanila.
Si Tanya.
“Okay. Bago natin patayin ang isa’t isa, kailangan muna nating mag-usap at kailangan mo rin akong pakainin dahil nagugutom na ako,” anito sa kanya. Iyon na yata ang pinakamahabang sinabi nito sa tagal nang pagkakakilala nila. Usually kasi, ang mga armas nito ang nagsasalita para dito.
Noon lang nito ibinaba ang baril nito kaya nagbaba na rin siya ng kanyang baril. Marunong itong magsalita ng Tagalog dahil half-Filipino at half-American din ito katulad niya. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung paano ito nakilala ni Professor.
Tinanguan niya ito. Pagkuwa’y binuksan niya ang gate at sumakay sa kotse para maipasok niya iyon sa loob. Sumunod naman sa kanya si Cross. Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng maaaring ipakain dito. Pero tanging cold pizza at pasta lang ang nakita niya. Ininit na lang niya iyon sa microwave at tumawag siya sa isang fast-food chain para magpa-deliver ng pagkain. Malakas kasing kumain si Cross at alam niyang kulang na kulang ang mga iyon dito.
“So, paano mo ako nahanap at ano ang nalalaman mo?” tanong niya rito.
“Well, for one, alam kong hindi ikaw ang pumatay kay Professor hindi katulad ng ikinalat nina Walter. Alam ko rin na ikaw ang pumatay sa ibang Rogue at alam ko rin na nakita mo na ang Black Chip. Oh, and I also know that you’ve bagged Professor’s daughter,” sunod-sunod na sabi nito. He flinched at what he said about Kareene. Hindi niya nagustuhan ang terminong ginamit nito. Pero kailan pa siya nito sinusubaybayan? Bakit hindi man lang niya ito naramdaman?
“Mabuti naman at hindi makitid ang utak mo. And by the way, Xander, I love her,” aniya rito. Ginamit niya ang tunay nitong pangalan na una niyang nalaman mula kay Kareene dahil sa journal ni Professor.
“How did you...? And love? Fuck! What do you know about it? You’re cold and heartless,” natatawang sabi sa kanya ni Cross. Nang tumunog ang microwave at ito na mismo ang nag-alis doon ng mga pagkaing ininit niya.
“Professor wrote a journal for Kareene. Nakasulat doon ang tungkol sa’tin. Binigyan yata niya ng misyon si Kareene na pagbaguhin tayo. Kailan mo pa kami sinusubaybayan? And just so you know, I thought I don’t have a heart too, until I met her. Tao pa pala ako,” paliwanag niya rito. Those cheesy-corny-things really is getting into him. He didn’t mind it with Kareene but not with Cross.
Eksaheradong umubo-ubo ito na halata namang pene-peke lang nito para asarin siya. He shot him a furious look. Bakit ba kasi nasabi pa niya iyon dito? Hindi nito maiintindihan ang nararamdaman niya.
“Holy shit! We’re getting cheesy here, aren’t we? Come on, X. That was just your libido talking,” anito sa kanya.
“I don’t think with my dick, asshole,” inis na sabi niya rito. “Ngayon, kailan mo pa kami sinusubaybayan at paano mo nalaman ang tungkol kay Shaun?” tanong niya rito.
“First of all, I’m here to help your fucking butt not because I like you but because I want to keep Professor’s daughter safe and also, to fucking thank you for all the food you’ve fed me. Second of all, our kind won’t and can never have those fucking ‘happy ever afters’ so you better stop whatever kind of relationship you have with Professor’s daughter immediately. Ipapahamak mo lang siya dahil hina-hunting ka ng natitirang Rogues ngayon. Third of all, matagal ko nang alam ang tungkol sa errand boy mo dahil nakikita kita lagi na pumupunta sa Fluffy Cakes noon. Na-late lang ako dahil may tinapos pa akong trabaho. Malaking gig din ‘yon para sa’kin. Nang malaman kong uuwi si Shaun dito ay sinundan ko siya. Nagpanggap akong piloto ng sinakyan niyang chopper kaya nakita ko kayo. The villa in Palawan was actually nice. And to answer your question, two weeks ko na kayong sinusubaybayan.”
“The biggest truth you need to know is Tanya plotted everything from Professor’s death—na hindi naman daw niya sinasadya pero alam kong alam niyang mangyayari—to wiping off Rogue and finding that fucking Black Chip. She was now Rogue’s master. At ang mga ungas naman ay naniniwala sa kanya dahil pinapaniwala sila ni Tanya na nasa kanya ang Black Chip. Except me. Alam kong hindi ‘yon ipagkakatiwala sa kanya ni Professor. But since she’s Ms. Know-It-All, the others trusted her. She may look like a nerd but she’s a total kick ass too. Plus, get this, she’s actually Walter’s daughter.”
“What? Paano nangyari ‘yon? Akala ko ba hindi siya pwedeng magka-anak?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Cross.
“Well, according to Tanya, naging mistress daw ni Walter ang nanay niya and they screwed for almost every hour. Hindi naman sinabing hindi siya pwedeng magka-anak. Hindi lang siya magka-anak sa asawa niya. Mababa ang sperm count niya but with frequent sex and if the woman he’s having it with is fertile, a baby could be made. You know that Walter is ambitious. Kaya lang naman niya pinakalasan si Mrs. Thermopolis ay dahil sa yaman at imahe nito. He didn’t really enjoy having sex with her that he did with Tanya’s mother. Kaya nabuo si Tanya and voila! Rogue’s heir is born.”
“At alam ni Walter ang tungkol kay Tanya?” tanong niya rito. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang lahat ng sinabi ni Cross dahil hindi siya makapaniwalang nagsasalita ito ng mahaba sa harapan niya ngayon. It’s not so him. He’s usually quiet and psychotic.
“Yes. Sa kanya nga ipinamana lahat ni Walter ang kayamanan niya. The day that Tanya stepped in Walter’s doorstep, they immediately went for a DNA test and obviously, the result was positive. But what Walter didn’t know is Tanya went to him because of revenge. Basta na lang daw kasing binale-wala ni Walter ang ina nito na ikinabaliw nito. Tanya was born in a mental hospital. Sa isang orphanage siya lumaki at dinadalaw lang niya ang ina niya sa mental. I really don’t know how she ended up being one of us.” Inubos muna nito ang kinakain nito bago muli itong nagsalita.
“Unfortunately, kapag nalaman ni Tanya na may relasyon ka sa anak ni Professor, she’d go berserk. Hindi niya kailangang sabihin sa’kin kung bakit niya ginawa ang lahat ng ‘to pero obvious naman na ginawa niya ito para sa’yo. She’s madly, crazy, fucking pathetically in love with you. She went to the moon and back for her plan to materialize. She even killed Walter to get all his money—“
“I killed Walter,” aniya rito.
“Oh, come on, why do you think Walter ended up in a hospital? Nilason siya ni Tanya. If ever I’m gonna plot a revenge, I’d kill him the moment I see him. Now, going back to Professor’s daughter. Unfortunately, makakadagdag sa problema mo kapag nalaman niya ang relasyon mo sa anak ni Professor. Baka utusan niya ang Rogue na patayin ito. Whoever said that love is pure is insane. Yeah, it is. Pure evil to drive you to kill. Kung inaakala mo na tumigil na ang operasyon ng Rogue ay nagkakamali ka. I actually killed Tiger last night. Pinatay niya si Fred Kingsley. Matagal na niyang target ang matandang ‘yon pero hindi niya napatay agad dahil sa naging problema ng Rogue. Aksidente na nakita ko siya kagabi sa isang convenience store sinabi niya sa’kin na hahanapin ka nga daw niya. So before he could even be at it, tinapos ko na ang journey niya.”
Kung nandito lang si Kareene, sigurado siyang sasabihin nitong may puso din si Cross.
“Gee, thanks. How can I ever repay you?”
“Pakainin mo pa ako. Bitin na bitin,” reklamo nito na ikinatawa at ikinailing na lang niya. “But seriously, X, alam kong hindi ako usually tumutulong sa ibang tao pero alam ko kung gaano kahalaga at kamahal ni Professor ang pamilya niya. The least I can do is to protect her. So I suggest that you—“
“I know, I know. I just have to call someone. Anyway, um-order na ako ng pagkain. Hintayin mo na lang. Tawagin mo ako kapag nand’yan na,” aniya rito saka niya ito iniwan sa kusina at pumanhik sa kwarto niya para makapag-isip ng maayos.
He had to leave Kareene for her own sake. Before Tanya and Rogue even know where to find him. Hindi kailangang malaman ng mga ito ang tungkol kay Kareene. He didn’t want to risk her safety again. It would be hard but he has to do it.
NAGTATAKA MAN SI KAREENE SA biglaang pagpapatawag sa kanya ni River sa headquarters ng secret service agency ng mga ito—Black Cosmos—ay agad pa rin siyang pumunta roon dahil may urgency siyang nahimigan sa boses nito at sinabi rin nitong importante ang sasabihin nito sa kanya. Pero may pakiramdam siya na hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya.
Nang magtanong siya sa receptionist tungkol sa opisina nina River ay agad siya nitong itinuro sa seventh floor kaya naman agad siyang nagtungo doon. May receptionist din doon at nang sinabi niya ang kanyang pangalan ay agad siya nitong pinapasok sa loob. Pagpasok niya’y nakita agad niya si River na may kausap na lalaki sa isang cubicle. Nang makita siya nito ay agad siya nitong nilapitan at iginiya patungo sa opisina nito.
“May problema ba?” agad niyang tanong dito. It was a silly question when his face and his actions told her there was a problem. Hinihiling na lang niyang sana’y hindi iyon malaki.
Bilang sagot ay iniharap nito sa kanya ang computer monitor nito kung saan may nagpe-play na video. “Kuha ‘yan sa CCTV camera ng Kingsley Incorporated two nights ago sa kanilang parking lot,” ani River.
Alam na niya ang tungkol sa pagpatay na iyon kay Fred Kingsley—ang may-ari ng Kingsley Incorporated—dahil narinig niya iyon sa balita. Umupo siya sa visitor’s chair nito sa unahan at pinanood ang video na medyo malabo. Pero nakita pa rin niya kung paano bumagsak ang isang lalaking naka-corporate attire. Pagkuwa’y nilapitan ito ng isang lalaking naka-itim na damit na nakasuot ng itim ng helmet at binaril nito ang bumagsak na lalaki. Noon lang niya napanood ang video na iyon.
“Okay. Ano’ng gusto mong gawin ko? Naibalita na ‘to eh,” aniya rito.
“Hindi ko naman sinabing gawan mo ng article ‘yan. I need you to look at it closely. Kaya ngayon ko lang ‘to sinabi dahil nag-imbestiga pa ako,” anito sa kanya. Z-in-oom in nito ang video at i-p-in-ause nito iyon nang lumapit ang gunman sa lalaki pagkuwa’y itinuro ni River ang letrang ‘X’ na naka-tattoo sa braso ng gunman. Katulad iyon ng tattoo ni Darcangelo.
“Ano’ng mayro’n sa tattoo niya?” maang na tanong niya rito kahit na pakiramdam niya’y nanghihina na siya.
“Ang ‘X’ na ‘yan ang simbolo ng Rogue, Kareene. Nakita ko ‘yan sa Black Chip na ibinigay mo sa’kin. May alam ka pa bang ibang Rogue na nandito sa bansa maliban kay X?” seryosong tanong sa kanya ni River.
Pakiramdam niya’y nawalan siya ng dila at napunta sa lalamunan niya ang kanyang puso kaya hindi siya makapagsalita. Ayaw niyang isipin ang kung anumang hinala o iniisip ni River pero...
Hindi! Imposible ‘yon. Nagbago na si Darc. At saka, abala siya sa Fluffy Cakes, sabi niya sa sarili.
“Itatanong natin kay Darc kung may alam siya tungkol dito—“
“Sa tingin mo aamin siya sa’yo?” ani River.
“Oo naman. Hindi siya magsisinungaling sa’kin.”
“Kung hindi man siya ang taong gumawa n’yan, ibig sabihin ay may ibang Rogue pa na nandito sa bansa—“
“Tanungin natin si Darc. Baka may paraan siya para malaman kung may ibang Rogue pa dito. Pwede niya tayong tulungan,” aniya rito. May pag-asang biglang umusbong sa puso niya.
Pero labis siyang nag-alala kay Darcangelo. Paano kung may ibang Rogue nga na naglalaboy sa Maynila ngayon? Baka hanapin nito si Darcangelo dahil sa Black Chip. Baka kung ano ang mangyari kay Darcangelo kapag nagkataon.
“Kailangan nating malaman kung nasaan si Darc. Baka siya naman ang atakihin ng taong ‘yon. Hina-hunting kasi ng ibang Rogue si Darc dahil sa Black Chip. Oh my god!”
“K, ‘wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama kay X. Masamang damo yata ‘yon. Pero kapag napatunayan kong siya ang may kagagawan nito, hindi ako mangingiming arestuhin siya,” pagkuwa’y sabi ni River sa kanya.
“O-oo. Ako na mismo ang magsusuko sa’yo sa kanya. May...usapan tayo,” malungkot at kinakabahang sabi niya kay River. Hindi niya akalain na may darating na ganitong issue sa kanila.
Lord, please naman po. Sana naman po ay walang kinalaman dito si Darc.
Sinubukan niyang tawagan ang cell phone ni Darcangelo pero unattended iyon. Nang tawagan naman niya ang numero ng Fluffy Cakes ay sinabi ni Angel na wala daw ito roon at nang tumawag naman siya sa bahay nina Shaun ay walang sumasagot doon. May kutob siya na may masamang nangyari dito.
“Weird. Hindi ko siya ma-contact. Unattended ang phone niya, wala siya sa Fluffy Cakes at walang sumasagot sa bahay nina Shaun. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya,” nag-aalalang sabi niya kay River.
“Calm down. Ita-track ko siya. In the meantime, bakit hindi ka muna umuwi para makapagpahinga ka?” mahinahong sabi ni River.
“Okay, sige. Pero balitaan mo ako agad ha?” aniya rito.
Oh, Darc? Where are you?