Chapter 33 - Made For Each Other

NAPANGITI SI ARIADNE habang inaalala ang mga ngiti ni Maggie sa kanya kanina. Kagagaling lang niya sa bahay ng mga ito. Tuwing weekend ay sinisigurado niyang nabibisita niya ito dahil napamahal na ito sa kanya. Maggie now belonged to a few number of her friends. Isa kasi ito sa kakaunting taong nakakaintindi at hindi humuhusga sa kanya.

“Tita Aya, would Tita Maggie be okay?” tanong sa kanya ng sampung taong gulang na batang si Cash. Anak ito ng best friend niya—or, ex-best friend—na si Fryth Adams. Kasama niya itong bumisita kanina kay Maggie dahil gustong-gusto ito ng huli.

“She is okay, baby. Bukas-bukas, bibisita na rin siya dito. At baka in the near future, may little Maggie ka na ring makakalaro,” nakangiting sabi niya rito.

When she saw Maggie’s smile, she knew she was in love. Walang bagay na maaaring makapagbigay ng ganoong klase ng ngiti sa isang tao kundi pag-ibig. And whoever the guy Maggie’s in love with, she was happy for the both of them. Kaya mas na-inspire pa siyang magpatuloy na magsulat sa halos mapuno nang diary niya na ibinigay ni Maggie noong nakaraang taon sa kanya kahit na wala pa siyang naisusulat tungkol sa kanyang ‘the one’ doon.

“Uuy, thank you sa gift ha, new friend,” aniya kay Maggie matapos niyang abutin dito ang ibinibigay nitong diary. Kinuha nito ang order nitong charm bracelets sa shop nila. Nagulat pa nga siya ng bigyan din siya nito ng charm bracelet.

“Sulatan mo ‘yan ha? Dapat love story mo na may happy ending, okay?” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.

“Sure! My life is full of love,” masiglang sabi niya rito. As much as possible, she doesn’t want to see Maggie sad. Naiintindihan niya ang kalagayan nito at gusto niyang mapagaan ang loob nito kahit paano.

Inabutan siya nito ng isang papel at nang basahin niya iyon ay nalaman niyang isa pala iyong kontrata. Nakasaad doon na kapag napuno na ang mga pahina ng diary ay kailangan niya iyong ibalik dito pagkatapos.

“Ibabalik ko sa’yo? Oh, sure,” aniya rito saka pumirma sa kontrata. Pagkuwa’y binigyan siya nito ng isang kopya ng kontrata na may address kung saan niya ibabalik ang diary na iyon.

Nang ikwento sa kanya ni Maggie noon ang tungkol sa sakit nitong leukemia ay agad siyang nakisimpatya dito. Kaya nang um-order ito sa kanya ng charm bracelets noon ay agad niya iyong pinalagyan ng spell kay Madame Delfi na marunong gumamit ng mga incantations at “magic”. Gusto kasi niya talagang matulungan si Maggie sa kung anuman ang pinaplano nito. She was hoping that she could make her happy.

Ngunit nang malaman niyang hindi pala nagawa ng tama ni Madame Delfi ang pag-“charm” sa mga bracelets. Dahil heartbroken daw ito noon, imbes na i-‘charm’ ang mga iyon ay tila na-‘curse’ pa nito ang mga bracelets. Habang ginagawa daw kasi nito ang incantations para i-‘charm’ ang mga bracelet ay nasabi nito sa sarili na “real love takes time” at naisama nito iyon sa spell. Kaya kinontak niya agad si Maggie para sabihin dito na hindi masyadong magiging epektibo ang bisa ng mga bracelets na ipinagbili niya rito na sana’y makakatulong sa paghahanap ng mga pagbibigyan nito niyon sa kani-kanilang true love.

Kaya pala hindi pa rin niya nahahanap ang kanyang true love at soul mate. Love takes time. Ngunit nagulat siya ng ipakita sa kanya ni Maggie ang limang diaries na bumalik dito at naglalaman ng limang happy endings. Mas lalo siyang na-inspire na matagpuan ang kanyang one true love.

“Wow! Talaga po? I wish, I wish,” pagcha-chant ni Cash sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay nila at hinihintay nilang dumating si Wryth para sunduin si Cash doon.

“’Sus! Baka ligawan lang ni Cash ang batang ‘yon,” singit naman sa kanila ni Madame Delfi.

Ito ang resident fortune-teller ng Moon Stones—ang specialty shop niya na nagbebenta ng vintage dresses at accessories, candles, keychain dolls, charm bracelets at personalized stuffs. But actually, Moon Stones was popularly known for Madame Delfi’s love potions.

Ilang beses na niya itong sinabihan na huwag na itong magbenta ng love potions pero madalas nitong nakakalimutan ang mga sinabi niya. Ang palagi nitong katwiran sa kanya ay mataas ang sales nila dahil sa mga love potions nito. Piling tao lang ang pinagbebentahan nito ng love potions pero hindi pa rin siya sang-ayon doon kaya matindi ang ginagawa niyang pagbabantay sa mga kinakausap nitong tao. Sa tingin kasi niya’y masyadong “cruel” ang love potions. Naniniwala siyang hindi dapat pinaglalaruan ang pag-ibig.

Nang sabihin niya kay Maggie noon na ang buhay niya ay “full of love”, iyon ay dahil kay Madame Delfi. Kada-buwan yata ay iba ang mga idene-date nito. Natalo pa siya nito. Iyon nga lang ay puro short-lived ang mga affair nito. Minsan nga ay ibinubuyo niya ito sa Lolo Ynocencio niya pero choosy pa ito dahil ayon dito’y masyado raw stiff ang lolo niya na ikinatawa lang niya.

Friends don’t really do as lovers, paalala niya sa sarili. Matagal na kasing magkaibigan ang dalawang matanda ngunit tila hindi man lang nagkagustuhan ang mga ito.

“I’m gonna be too old for her, Lola Del. So, magiging big brother na lang niya ako. I’ll take care of her,” bibong sabi ni Cash kay Madame Delfi. Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit hindi niya ito anak at kadugo ay proud na proud siya sa sinabi nito.

Fryth is so lucky to have him. If that bastard would just really see Cash, sa loob-loob niya.

Hindi kasi in ‘good’ terms ang mag-ama. Nasasaktan siya para kay Cash dahil hindi ito itinuturing na anak ni Fryth. Ni hindi man lang ito magawang tingnan ng ama. Madalas ay wala sa bansa si Fryth dahil sa pagiging isang travel photographer nito at pagiging pintor. At tuwing umuuwi naman ito’y hindi pa rin nito magawang alagaan o kumustahin man lang ang anak nito. Mabuti na lang at inaalagaan ng kakambal nitong si Wryth ang bata.

What was more irritating about Fryth was that he banned Cash from seeing her. Matindi daw na bilin nito kay Wryth na huwag na huwag palalapitin sa kanya ang bata. Ngunit lahat sila ay sinuway ang utos nito. She saw Cash when he was five years old. Kababalik lang niya mula sa ibang bansa para mag-aral. Nang aksidente silang magkita ni Wryth ay kasama nito si Cash. She instantly fell fondly in love with the boy, up until now.

Dahil madalas ay wala sa bansa si Fryth, malaya silang nakakapag-bonding ni Cash. Mahal na mahal din ito ng Lolo Ynocencio niya at madalas ay sa bahay pa nila ito natutulog. Siyempre ay hindi iyon alam ni Fryth at kapag nalaman nito iyon ay siguradong malalagot dito si Wryth.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Fryth at kahit na anong tanong niya kay Wryth ay hindi naman ito nagsasalita tungkol sa kung ano ang nangyari sampung taon na ang nakararaan. They used to be best friends. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noong eighteen years old sila dahilan para magkasira sila bilang magkaibigan.

If I could just turn back time and change the past, aniya sa sarili. Pero siyempre, alam niyang hindi niya iyon magagawa. And then, she sounded so pathetic thinking like that. Dapat ay kamuhian niya si Fryth pero hindi niya iyon nagawa sa nakalipas na sampung taon. She was pissed, pero hanggang doon lang iyon at mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya magawang magalit dito.

“I am so proud of you, baby,” masuyong sabi niya kay Cash. Pagkuwa’y hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.

Cash was a very handsome boy. Kulay asul ang mga mata nito katulad ng sa ama nito. Oh, well. All of the Adams has blue eyes anyways. Maputi rin ito dahil may lahi itong Amerikano dahil kay Fryth at matangkad ito sa average ten-year olds.

“I love you, Tita Aya,” malambing na sabi nito sa kanya saka ito yumakap sa kanya. Pagkuwa’y hinalikan din siya nito sa magkabilang pisngi niya na ikinataba ng puso niya. Bago pa man niya masagot ang “I love you” nito ay may umeksena na sa kanila.

Nang may tumikhim sa likuran nila ay humiwalay siya kay Cash. Nang kapwa nila lingunin ang “umeksena” sa kanila ay naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Cash sa kamay niya. Naramdaman niya ang takot nito sa ama kaya pinisil niya ang kamay nito bilang pagsasabi na magiging maayos lang ang lahat.

“I think I made it clear that you two aren’t allowed to see each other,” bungad ni Fryth sa kanila sa malamig na tono. His blue eyes as cold as ice shot through her.

“Oh, Cash, bukas na bukas, magpapabulag na tayo,” sarkastikong sabi niya kay Cash pero pang-asar niya iyon kay Fryth.

Narinig niya ang pagtawa ni Wryth na katabi ni Fryth. Wryth shrugged at her and mouthed ‘I didn’t know’. Hindi nila kapwa alam na darating si Fryth ng araw na iyon. Kaya tinanguan na lang niya ito at inakbayan si Cash. Tumalim naman sa kanya ang tingin ng huli. Pagkuwa’y tumingin ito kay Cash.

“Let’s go,” anito sa bata. Tangkang lalayo na sa kanya ang bata pero pinigilan niya ito.

“Go upstairs and watch Thor again. Your father and I will talk first, okay?” aniya kay Cash. Alanganing tumango sa kanya ang bata. Iniabot niya ang kamay nito kay Madame Delfi at naintindihan naman nito ang gagawin niya. Dapat nga ay matagal na niya itong ginawa pero hindi niya magawang “hulihin” noon si Fryth.

“Oooh. Mother and father talk. I like it,” ani Wryth sa likod ni Fryth na may kapilyuhan sa mga mata.

“Would you mind?” pairap na sabi niya rito na ikinatawa lang nito.

“No. Uuwi na kami ngayon,” mariing sabi naman sa kanya ni Fryth saka siya nito pinukol ng masamang tingin pero nilabanan lang niya ang titig nito.

“No. You’ll stay and we’ll talk,” mariin ding sabi niya rito.

“Okay. Sa taas lang kami, ha? Talk and don’t kill each other with deadly stares,” bilin sa kanila ni Fryth saka nito iginiya sina Cash at Madame Delfi paalis sa garden.

“Why can’t you even say his name?” inis na sigaw niya rito nang silang dalawa na lang ang naiwan doon.

“Why can’t you even say mine?” balik naman nito sa kanya. Itinanong pa talaga nito sa kanya iyon?

“Fryth,” sabi na lang niya. Sinasabi naman niya ang pangalan nito pero hindi nga lang sa harapan nito. Makalipas ang tatlong taon ay noon lang niya ito muling tinawag sa pangalan nito. He’s right. She couldn’t say his name in front of him too. Pero iyon ay dahil hindi naman sila madalas magkita at walang rason para magkita pa sila. “There. Happy?”

“Not quite. Don’t see Cassius again,” he said in a deadly tone she couldn’t fathom. “Cassius” ang buong pangalan ni Cash. Siya ang nagbigay dito ng palayaw na “Cash” dahil sa tingin niya’y masyadong ancient ang “Cassius”.

“Ano ba ang problema mo sa pagkikita namin ng anak mo? He needs your love which you couldn’t and don’t want to give him. And I love him,” aniya rito.

Alam niyang paulit-ulit na itong sinasabi ni Wryth dito maging ng lolo ng mga ito pero hindi pa rin daw nakikinig si Fryth. Nagbabaka-sakali siyang makinig ito sa kanya ngayon. Kahit wala siyang matinding rason kung bakit maaari itong makinig sa kanya.

Right. We ‘had been’ best of friends.

“At least, you love him,” anito sa malamig pa ring tono pero may nahimigan siyang pait sa boses nito. And why is that? Ito ang may kasalanan kung bakit sila nagkasira!

“Eh, ‘di mahalin mo rin siya. Bakit ka ba ganyan? Ano’ng nangyari sa’yo? Kung hindi ka pa nakakapag-move on sa pagkamatay ni Jona at sinisisi mo si Cash dahil—“

“That’s why I don’t even want to see Cassius. He reminds me of what his mother did,” anito.

Kunot-noong napatingin siya rito. “Ano’ng ginawa ni Jona?” tanong niya rito.

Si Jona ang ina ni Cash ngunit pumanaw ito nang isilang nito ang una. Iyon ay dahil mahina pala ang puso nito at hindi nito nakayanan ang pressure ng panganganak.

That’s one of the things why she was so drawn on the boy. He grew up without a mother’s love like her. Alam niya kung gaano iyon kahirap at kasakit kaya hanggang maaari ay pinupunan niya ang pagmamahal ng isang ina para dito.

“Ruin my life,” ani Fryth na may pait sa tinig. Pagkuwa’y tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang maglakad palayo. Pero agad niya itong hinabol at pinigilan sa braso.

He stopped at the sudden touch of their skins and so did she. He bored his eyes on her when he turned. Agad niyang binawi ang kamay na naihawak niya sa braso nito. Pero may mga bagay na hindi niya kayang bale-walain dahil sa nangyari.

Naroon pa rin ang ‘spark’ na palagi niyang nararamdaman tuwing nagkakalapit sila ni Fryth noon pa man. Naroon pa rin ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso dahil lang sa presensiya nito. Naroon pa rin ang pagtigil sa pag-inog ng kanyang mundo tuwing tumitingin siya sa kulay asul nitong mga mata. At naroon pa rin ang pag-asang sana...sana...

“I don’t want you to see or go near or touch Cassius ever again. Kapag nakita ko ulit kayong magkasama, I’ll—“

“You’ll what? Separate us? Alam mo, Fryth, may magnetic power kami ni Cash sa isa’t isa. Kahit na pagbawalan mo kaming lumapit sa isa’t isa, magkakalapit pa rin kami no matter what,” aniya rito.

“You’re so unfair, did you know that?” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.

“I’m not. Ikaw ‘yon,” sabi naman niya rito. Matagal bago ito muling nagsalita na tila ba may gusto pa itong sabihin sa kanya pero mas pinili na lang nito iyong itago sa sarili.

“Call them down. We need to go,” utos nito sa kanya.

“Fryth...” aniya ng tumalikod ito sa kanya.

“I miss you, Ariadne,” anito sa mababang tono saka ito naglakad palayo sa kanya ng tuluyan. Pero malinaw na malinaw ang pagkakarinig niya sa mga salitang iyon. It made her knees weak that only he can do.

Just like then.

DEAR DIARY,

Some memories hurt, but some don’t. My memories hurt but it also makes me happy. Minsan, hinihiling ko na sana nando’n pa rin ako sa memory na ‘yon, na sana nararamdaman ko pa rin ang mga nararamdaman ko sa alaalang ‘yon.

Some people go, but some stays. May ilang tao nang dumaan sa buhay ko pero kakaunti lang ang nanatili at kakaunti lang ang binigyan ko ng halaga. But know that once I’ve made you a special part of my life, it’s gonna be ‘til the end.

Some love fade, some don’t, others blossom. Mine? It stayed deep within the bottom of my heart and in just a mere touch, it somehow bloomed again. Alam kong matagal nang nangyari ang lahat pero hindi ko mapigilan ang sarili ko tuwing naalala ko ang mga nangyari ten years ago. Imagine? It was ten years ago! Pero pakiramdam ko, kahapon lang ‘yon. Pakiramdam ko nga, hindi natapos ang lahat.

Pero sa tuwing nakikita ko si Fryth, o si Cash, alam kong nangyari ang lahat—na natapos ang friendship namin. (Big sigh) Hindi ko pa ito naikukwento dito kahit na isang taon—kung minsan isang beses sa isang linggo lang—akong nagsusulat dito. But after what happened today, I think you ought to know how my love story goes...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.