Chapter 34

Twelve years ago...

SHIT! LATE NA naman ako! sigaw ng isipan ni Ariadne habang patakbo niyang binabagtas ang mahabang hallway patungo sa classroom nila. Kinusot-kusot pa niya ang isang mata niya dahil parang nanlalabo pa iyon. Inaantok pa talaga siya. Nakalimutan niyang i-set ang alarm clock niya kagabi dahil nawili siyang magbasa hanggang sa nakatulugan na niya iyon. Kung hindi pa siya ginising ng isang kasambahay nila’y hindi siya makakapasok ngayon.

Kailangan niyang makaabot sa first period nila dahil may quiz sila ngayon sa Algebra II. Hindi pa naman nagbibigay ng make-up quiz si Mr. Fitz—ang American Math teacher nila. Nang marating niya ang pintuan ng kanilang classroom ay marahang nag-dive siya roon at gumapang siya patungo sa kanyang upuan. Narinig niyang nag-i-introduction pa lang si Mr. Fitz. Ibig sabihin ay hindi pa siya huli dahil hindi pa nagsisimula ang quiz nila.

Ngunit bago pa niya marating ang kanyang upuan ay may mga binti nang humarang sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay napakunot-noo siya. Hindi niya kilala ang lalaking nakaupo sa tabi ng upuan niya ngayon. Nasa ibang klase ba siya? Namali ba siya ng pinasukan? Pagkuwa’y inilibot niya ang kanyang paningin. Naroon naman sina Diane, Dean, Elia at Uly na kahilera niya sa upuan. Sino ang lalaking ito?

“What are you doing?” nakayukong tanong nito sa kanya.

Hindi siya nakasagot dito agad dahil namangha siya sa asul nitong mga mata. Sure, she saw different eye colors in their school. But his were different, it’s beautifully crystal blue. Sa isang international school kasi siya pumapasok kaya normal na ang iba’t ibang kulay ng mga mata ng mga mag-aaral doon dahil iba’t ibang lahi din ang pinagmulan ng mga ito.

Even hers were different too. Her eyes were light brown. Hindi iyon karaniwan sa mga Pilipino kahit Tagalog na Tagalog ang kanyang apelyido—“Tatlonghari”. Ayon kasi sa lolo niya’y banyaga daw ang tatay niya pero hindi niya alam kung ano ang lahi nito. Pero ang alam niya’y Griyego ang pangalan niya. “Ariadne”.

For her, her name was a curse. She was named after the Princess of Crete ‘Ariadne’ in Greek mythology. The one who helped the hero Theseus to find his way out of Daedalus’ labyrinth but then she got abandoned in the island of Naxos. ‘Abandoned’ as the key word. Ganoon din kasi ang naramdaman niya ng hindi siya pansinin ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Her mother made her feel left out. Kaya natatakot siya ngayon na mapalapit sa ibang tao dahil baka iwan din siya ng mga ito. Kaya wala siyang mga kaibigan, ‘kaklase’ lang.

“Hey,” untag sa kanya ng lalaki.

Iniiling niya ang kanyang ulo para magbalik ang tamang huwisyo niya. “Let me through,” pabulong na sabi niya rito.

“What’s your name?” tanong nito sa kanya. His eyes were smiling at her. There was no word to describe this guy except “gorgeous”.

Nag-atubili pa siyang sabihin dito ang pangalan niya pero para matapos na ang usapan nilang iyon ay sinabi na rin niya rito. “Ariadne,” aniya. Sa panggigilalas niya’y bigla itong nagtaas ng kamay.

“Mr. Fitz, Ariadne’s here,” hayag nito sa buong klase. Napatingin sa kanya ang ibang kaklase niyang maaaring makakita sa kanya at natawa at napailing ang mga ito sa kanya.

Just who the heck is this Blue-Eyed Devil? Whoever he is, he surely earned her annoyance. Sayang dahil gwapo pa naman ito. So what?

“Ariadne, where are you?” narinig niyang sigaw ni Mr. Fitz. Itinaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahan siyang tumayo. Nang makita siya nito ay napakunot-noo ito sa kanya. “You’re late. I’m so disappointed in you. You know my rules for tardy students. And because of that, you’ll have minus ten for this quiz! Go to your seat. We’ll start,” anito sa kanya.

Hindi na siya nagreklamo pa sa minus ten na iyon dahil kapag nagreklamo siya ay siguradong madagdagan lang iyon. Pinukol niya ng masamang tingin si Blue-Eyed Devil bago siya dumiretso ng upo sa kanyang upuan. Wala silang seating arrangement doon pero dahil nasanay na silang lahat na kung saan ka unang umupo sa first day of class ay doon na ang upuan mo sa buong taon. She loved her seat, not until now.

“I’m sorry. Kanina ka pa kasi niya hinahanap eh. Star student ka pala niya,” sabi sa kanya ni Blue-Eyed Devil. Hindi na siya nagtaka na marunong itong mag-Tagalog dahil kadalasan naman sa mga kaklase niya roon ay half-breed. Half-American siguro ito.

“Yeah,” malamyang sabi niya rito na hindi man lang ito sinusulyapan. Inilagay niya sa ilalim ng upuan niya ang kanyang bag at kumuha ng isang ball pen sa pencil case niya.

“Hey, can I borrow a pen? I forgot to bring one. First day jitters,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam na mayroon palang “first day jitters”.

He’s a transferee, aniya sa sarili. Iyon lang ang eksplanasyon kung bakit naroon ito at ngayon lang niya ito nakita. Late itong mag-enrol ng dalawang linggo.

“I don’t have another pen,” pagdadamot niya rito. Noon lang niya ito binalingan.

“Of course, you do. Nakita kong marami ka pang ball pen sa pencil case mo,” anito saka itinuro ang bag niya. She heaved a sigh. Pagkuwa’y kumuha muli siya ng isang ball pen sa pencil case niya at ibinigay iyon dito. “Thanks!”

Hindi na niya ito pinansin pa dahil ni-rewind niya sa kanyang isipan ang mga ni-review niya kagabi bago siya magbasa ng isang libro. Kaninang nasa sasakyan siya ay nag review din siya at fresh pa naman iyon sa memorya niya. Iyon nga lamang ay hindi siya mapakali ngayon dahil ramdam niya ang mainit na tingin sa kanya ni Blue-Eyed Devil sa tabi niya. Nang tumingin siya rito ay nahuli nga niya itong nakatingin sa kanya ngunit hindi man lang ito nag-iwas ng tingin.

“What?” aniya rito.

“So, ‘Ariadne’, huh. What a very rare name,” anito sa kanya.

“I am rare. One of a kind,” malamya pa ring sagot niya rito. Hindi ba nito makuha na ayaw niya itong kausapin?

“I know. Can I call you ‘Aya’?” pagkuwa’y sabi nito. Napatitig na naman siya sa kulay asul nitong mga mata na parang may magnet dahil tila mina-magnet nito ang mga mata niyang tumingin dito. “Ang dami kasing syllables ng ‘Ariadne’ eh,” katwiran pa nito.

Ngunit bago pa niya ito masagot ay nagbigay na ng test papers si Mr. Fitz at nagsimula na ang kanilang quiz. Pinilit niyang mag-concentrate sa kanilang quiz ngunit nadi-distract siya sa presensiya ni Blue-Eyed Devil. Pakiramdam niya’y nahigop nito ang lahat ng ni-review niya kanina. Pero pilit pa rin niyang sinagutan ang kanilang quiz kahit na distracted siya at nagdasal na sana’y makapasa siya kahit na tila nawala siya sa kanyang element ng mga oras na iyon. All because of the Blue-Eyed Devil’s presence.

What the heck is happening to me?

Pagkatapos niyang masagutan ang lahat ng tanong sa kanilang quiz ay ipinasa niya iyon kay Mr. Fitz. Pero nagulat siya ng makitang prenteng nakaupo sa tabi niya si Blue-Eyed Devil. Nauna pa pala itong magsagot sa kanya. Kinunutan niya ito ng noo. Hindi siya sanay na nauunahan siyang magsagot sa kanilang quiz. Tama ito sa sinabi nitong star student siya ni Mr. Fitz. She’s always on top of the class. Inisip na lang niyang baka naghula lang ng sagot si Blue-Eyed Devil. Besides, ngayon lang ito pumasok sa kanilang klase at sigurado siyang wala itong alam sa quiz nila.

“So, you haven’t asked my name yet,” anito sa kanya.

“Not interested,” aniya rito. Hindi naman talaga siya interesadong makipagkaibigan dito. At naiinis siya rito dahil kung hindi dahil dito’y hindi sana siya magkakaroon ng minus ten sa quiz nila ngayon.

“Can I call you ‘Aya’, then? Hindi mo na nasagot kanina,” paalala nito.

“No. I’m ‘Ariadne’ for you,” mariing sabi niya rito.

“’Aya’, then,” makulit na sabi nito.

She shot him an exasperating look. He just grinned at her.

DOUBLE TROUBLE, naisip ni Ariadne ng malaman niyang may kakambal pala si Blue-Eyed Devil na ang pangalan pala’y Fryth Adams at Wryth naman ang pangalan ng kakambal nito. Fryth was pronounced as “fright” and Wryth as “right”, both with an “H” sound in the end.

The whole school went a buzz because of the Adams twins. Lahat yata ng babae doon ay nagkaroon ng instant crush sa mga ito pero hindi siya. Hanggang maaari ay iniiwasan niya ang mga ito kahapon. Well, ganoon naman ang ginagawa niya sa iba pa nilang kaklase.

“Good morning, Aya. You’re not late today,” bungad sa kanya ni Fryth saka ito umupo sa tabi niya. Bahagya siyang nag-angat ng tingin dito mula sa binabasa niyang libro.

“Ayoko nang magkaro’n ng minus ten dahil may nagsumbong na late ako,” sabi lang niya rito. He still looked gorgeous that being annoyed with him is quite a struggle for her. Hindi na yata magbabago iyon at wala rin siyang pakialam kaya ibinalik na niya sa librong binabasa ang atensyon niya.

“I’m really sorry about yesterday. Dahil sa’kin kaya nagkaro’n ka ng minus ten. Let me make it up to you. I’ll treat you to lunch later,” alok pa nito sa kanya. He’s totally flirting with her. Ramdam na ramdam niya iyon. At wala pa sa plano niya ang makipagrelasyon o makipag-date sa ngayon. Lalo na dito.

“No, thanks,” malamig na sabi niya rito.

“Okay. May party sa bahay namin this coming Saturday. You should come,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.

“Hindi ako mahilig sa parties,” sabi naman niya rito.

“Food trips?”

“No.”

“Strolls?”

“No.”

“Reading, then.”

“Yes. At gusto ko nang mag-concentrate sa binabasa ko ngayon. Would you mind?” mataray na sabi niya rito. Bakit pa ba niya ito kinakausap?

“I didn’t know I was distracting you,” nanunuksong sabi nito sa kanya. Isinara niya ang librong binabasa at marahas na bumaling dito.

“For a guy, masyado kang madaldal. Sino’ng hindi madi-distract sa’yo?” sikmat niya rito.

“Ah. Everybody really says my mouth is quite distracting,” nakangising sabi nito sa kanya. Pagkuwa’y hinawakan nito ang pang-ibabang labi nito gamit ang hintuturo nito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa puso niya. Bigla na lang iyong kumabog ng mabilis. Napatitig siya sa mga labi nito. She absentmindedly swallowed on the thought about what if, he kissed her which is a very unusual one from her. Bakit ba niya naisip iyon?

“You’re staring,” sabi pa nito sa kanya.

“Iniisip ko lang kasi kung ano ang pwede kong ipasak d’yan sa bibig mo para tumahimik ka na,” mataray na sabi niya rito. Naiinis siya rito dahil sa mga kakaibang damdamin na ipinaparamdam nito sa kanya pero mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil hinahayaan niya itong maapektuhan siya.

“Ariadne! That’s rude,” saway sa kanya ni Clover na nasa unahan niya.

“No. Okay lang ‘yon, Clover. It’s my fault,” sabi naman nito kay Clover. Iningusan na lang niya ito at ibinalik muli ang atensyon sa librong binabasa. Pero hindi niya mapigilang makinig sa usapan nina Fryth at Clover.

“Anyways, ano’ng gusto mong gift para sa birthday mo sa Sabado? Wryth wants as many chocolates as possible. Sabi niya kahapon,” ani Clover dito.

Birthday ng mga ito sa Sabado?

“Your presence is all right,” sagot naman ni Fryth dito.

“Aw, you’re so sweet,” malambing na sabi ni Clover. She’s definitely flirting with him.

“Isa lang naman kasi ang gusto kong gift this year,” pagkuwa’y sabi ni Fryth.

“Ano? Baka pwede kong maibigay sa’yo,” overeager na sabi ni Clover dito.

“Ariadne’s friendship,” ani Fryth. Kung may kinakain siya ng mga oras na iyon ay baka nabulunan na siya.

What the heck? Friendship? Hindi niya alam kung disappointed pa siya sa sinabi nito. Pero nakaramdam siya ng hiya dito—kahit hindi nito alam kung ano ang iniisip niya kanina—at maging sa sarili nila. He’s not flirting with you then. Gusto ka lang niyang maging kaibigan. Ha!

“Ha! Hindi naman nakikipagkaibigan ‘yang si Ariadne eh. She always wants to be alone, you know,” ani Clover dito kahit na alam nitong naririnig niya ito. Not that she mind. Alam naman niyang iyon ang sinasabi sa kanya ng mga kaklase niya dahil iyon ang pino-project niya. Kung siya lang ang tatangunin, mas gusto niyang mag-home school na lang. Pero ipinilit ng lolo niya sa kanyang magkaroon siya ng regular schooling.

“I always want a gift that’s worth it. And I know Ariadne’s friendship is gonna be worth it,” narinig niyang sabi ni Fryth. Nakatutok man ang mata niya sa librong binabasa nga ngunit ramdam niya ang mainit nitong tingin sa kanya. At katulad kanina, mabilis na namang tumibok ang puso niya.

What the hell is happening to me?

Maya-maya ay dumating na si Mr. Fitz at isa-isa nitong ipinamigay sa kanila quiz results kahapon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang “B” ang nakuha niyang grade para sa quiz na iyon. She was used to getting “As”.

“Are you having problems, Ariadne?” tanong sa kanya ni Mr. Fitz.

“I just didn’t sleep well the night before this, Mr. Fitz. Sorry,” aniya rito.

“Well, just so you know, you earned the third spot this time. Looks like we’ll have one hell of a competition for our class’ top student this year,” sabi pa ni Mr. Fitz. Hindi na para sa kanya ang huling pangungusap nito kundi para sa buong klase nila. Pagkuwa’y lumipat ito sa tapat ni Fryth. “Congratulations, Fryth. You’re the highest for our quiz. Wryth’s the second.”

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Paano nangyaring ang dalawang transferee student pa nila ang nag-top sa quiz na iyon gayong kapapasok lang ng mga ito kahapon?

“We both love Math,” sabi sa kanya ni Fryth nang marahil ay nakita nito ang pagkagulat sa mukha niya.

“Well, we all should love Math,” sabi naman ni Mr. Fitz.

Well, fine. Sa inyo ang Math, sa’kin ang ibang subjects.

HINDI MAKAPANIWALA SI Ariadne. The Adams twins dominated their whole class the whole week. Kaya mas dumami pa ang nagkagusto sa mga ito at maging ang mga teachers nila ay magiliw din sa dalawa. Malinaw na silang tatlo ang naglalaban para sa pagiging top one at may kanya-kanya silang kahinaan. Wryth doesn’t like art and so does she. Pero art naman pala ang pinaka-forte ni Fryth. Sa kanilang tatlo ay ito pa lang ang hindi nakikitaan ng kahinaan. He excels in everything.

Ayon sa sabi-sabi’y trained in advanced na daw ang kambal dahil inihahanda ng lolo ng mga ito ang dalawa para humawak ng negosyo ng mga ito. Ganoon din naman siya. Kaya hindi niya matanggap na nauungusan siya ng mga ito. She’ll work harder and harder and harder than the two of them. Pero ayaw talaga niyang mag-paint. Wala nga siyang pasensiya sa pagdo-drawing, pag-paint pa kaya? Ang tanging art na ginagawa niya ay scrapbook at kung anu-ano pang idinidikit-dikit.

“You know what, if you can’t beat him, join him,” sabi sa kanya ni Wryth. Kalalabas lang nila pareho sa art room kung saan sila may painting class. Kinunutan niya ito ng noo. “I meant Fryth. Magpaturo ka sa kanyang mag-paint. From the looks of it, you’re worse than me. At gusto mo kaming matalo sa lahat ng klase, ‘di ba?”

“I can manage,” sabi naman niya rito.

“Suit yourself. By the way, please come to our birthday tomorrow. Ikaw lang ang in-invite ni Fryth, you know,” sabi pa nito sa kanya saka siya nito tinalikuran at naglakad palayo. Hindi niya alam kung bakit tila may naramdaman siyang mainit na kamay na bumalot sa puso niya ng sabihin iyon ni Wryth.

Maybe he really wants to be friends with me, aniya sa sarili. Pagkuwa’y natagpuan niya ang sariling ngumingiti.

“I hate that I don’t have a camera right now,” anang isang pamilyar na tinig sa may gilid niya. Nakita niya si Fryth na nakatayo sa may hamba ng pintuan ng art room nila habang matamang nakatingin sa kanya. May ngiti din ito sa mga labi.

“Hey. Um.” If you can’t beat him, join him...Magpaturo ka sa kanyang mag-paint, nag-rewind sa isipan niyang sabi ni Wryth kanina. “Can I talk to you?” atubili pang tanong niya rito.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito pero binigyan siya nito ng mas matamis na ngiti saka siya tinanguan. “Sure.”

This is just for my grade, aniya sa sarili.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.