Chapter 40 - Epilogue

NAGTATAKA si Thunder kung bakit hindi sumundo sa kanya sa airport si Ella katulad nang napag-usapan nila noon kaya pagkagaling niya sa airport ay agad siyang dumeretso sa Isabella’s Café dahil alam niyang naroon ito. Pagdating niya roo’y agad niyang hinanap kina Ate Jeya, Syrene, Jed at Selena si Ella. Sinabi ng mga itong nasa opisina daw nito ang girlfriend niya ngunit bago pa man siya makapunta roon ay nakatanggap siya ng banta sa mga ito.

“May kinikimkim na galit ‘yon sa’yo, Thunder. Magpaliwanag ka na lang,” sabi ni Ate Jeya. Napakunot-noo siya sa sinabi nito at nagtaka siya kung ano ang nagawa niyang kasalanan. Nagkakatext at nagkakausap naman sila ni Ella sa phone ngunit wala itong nababanggit sa kanyang mali.

“Masyadong vulnerable si Ella kaya gano’n. Intindihin mo na lang. Sabi ko nga sa kanya, kausapin ka na lang,” sabi naman ni Syrene.

“Nadala lang siya sa mga sinasabi ng fans mo,” sabi naman ni Jed.

“Oh, come on, you guys! Baka mamatay sa suspense si Thunder. Puntahan mo na si Ella. Nagseselos lang ‘yon,” ani Selena saka siya tinulak papunta sa opisina ni Ella.

Pagpasok niya sa opisina ni Ella ay nakita niya itong nakapangalumbaba habang nakatingin sa laptop nito. Mukhang hindi nito narinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina nito dahil hindi man lang siya nito tiningnan. Kaya kumatok siya sa pintuan nito. Noon lang siya nito nakita.

“Thunder!” gulat na bulalas nito.

“Engrossed na engrossed ka d’yan sa laptop mo ah. Ano bang tinitingnan mo d’yan?” tanong niya rito.

Nang makalapit siya rito ay agad niya itong hinalikan sa mga labi hanggang sa halos kapusin na sila pareho ng hininga. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya pero nakabawi din ito dahil ito naman ang muling humalik sa kanya. Missed na missed niya ito. Hindi sapat ang komunikasyon nila sa telepono. Sa susunod ay isasama na niya ito sa mga tour niya.

“So, galit ka sa’kin?” tanong niya rito habang yakap ito sa baywang. Tiningnan niya kung ano ang tinitingnan nito sa laptop ngunit tinago pa nito iyon sa kanya dahil sinara nito ang laptop nito. Ngunit muli niya iyong ibinukas at nakita niya ang tinitingnan nito.

Nakabukas sa isang tab ng Google Chrome nito ang Twitter nito at ang Google. Tiningnan niya kung ano ang tinitingnan nito sa Google at naintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang bungad sa kanya nina Selena.

“You know the truth, Ella. Bakit kailangang magbasa ka pa ng mga ganito?” tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang pagbabasa ni Ella ng mga online news tungkol sa “girlfriend” niya.

“Alam ko, alam ko. Pero hindi ko mapigilang hindi maging affected. Ako kaya ‘yong pinag-uusapan nila,” katwiran nito sa kanya. Dahil doon ay mahigpit niya itong niyakap.

“Ella, don’t read stuffs like that again. I love you, you love me. That’s all that matters,” aniya rito.

“I’m not perfect,” anito.

“I know. And I hate perfect. Perfect is boring,” aniya rito.

“Weh? Eh, bakit nakipag-‘perfect lunch’ ka kay Jeanina Lopez?” sita nito sa kanya.

“Oh, that. Hindi ako ang nagsabi no’n. It just happened na pareho kami ng tinutuluyang hotel ni Jeanina kaya nagkasabay kaming mag-lunch. May mall tour din kasi siya doon. And it’s not really perfect dahil wala ka do’n,” paliwanag niya rito.

“I’m sorry dahil nagselos ako sa kanya,” anito sa kanya.

“I understand that. May karapatan ka namang magselos. You’re forgiven.”

“Sabi ng fans mo—“

“Why do you care about what they say, anyway? Ella, don’t mind them. They might tell me ‘I love you’ but you’re the only one I’ll say ‘I love you too’.”

“I’m sorry,” muli ay sabi nito.

“Being Thunder’s girlfriend one-o-one, you have to always remember that you’re the only one I love. Ikaw lang talaga, wala ng iba.”

“Okay. ‘Kuha ko na po, boss.”

IT WAS Thunder’s repeat concert at the MOA Arena. Nasa front row seat si Ella kasama niya ang big boss ng Dream Records na si Red Fonacier, ang mga kaibigan nito, ang Daddy Tyrone ni Thunder, ang mga kaibigan niya, sina Hunter, Selena at ang kanyang Tita Bettina. Nagkaayos na silang dalawa nito dahil humingi na ito ng tawad sa kanya at pinatawad na niya ito.

Malapit nang matapos ang concert ni Thunder at may after party muli ito. Ngayon ay makakasama na siya sa after party na iyon hindi katulad ng dati.

“Are you happy with Thunder?” tanong sa kanya ni Hunter na “Jand Ceasar Eduque” pala ang tunay na pangalan. Katabi niya ito sa kanyang kanan.

“Very happy. Thank you, Hun—Jace pala,” nakangiting sabi niya rito. Totoo naman siya. Wala na siyang ibang mahihiling pa dahil masayang-masaya na siya sa buhay niya ngayon. Pagkatapos ng tour ni Thunder ay naging extra sweet ito sa kanya at tuwing magkasama na lang sila’y kinukunan siya nito ng picture at itinu-tweet nito iyon sa Twitter at sa Instagram. Ngayon ay alam na alam na talaga ng lahat na mahal na mahal siya nito.

Ang sabi nga ng Ate Jeya niya sa kanya, “Care mo sa kanila. Mamatay sila sa inggit.”

“Sigurado ka ba? Baka—“

“Jand Ceasar Eduque!” nagbabantang sabi niya rito.

“Okay, okay. Malay mo, ‘di ba?”

“Look to your right, Jace,” utos niya rito na sinunod naman agad nito.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” aniya rito.

“Si Selena?”

“Yeah. Bagay kayo,” nanunudyong sabi niya rito.

Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. “Yuck!”

“Ang sama ng ugali—“

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil nagsigawan na ang mga tao at lumabas na sa stage si Thunder para sa last act nito bago mag-encore. Simpleng putting t-shirt, maong pants at Vans shoes lang ang suot nito pero ang gwapo pa rin nito.

“Once upon a time, in Cubao near the dome and exactly at a parking lot, I saw a girl standing under the rain. She wore a floral dress, a cap and a black Chuck Taylors. And then, I heard her shout ‘I love you, Thunder’,” napatawa ito nang maalala iyon at maging siya’y abot hanggang tainga ang ngiti ng maalala ang eksenang iyon.

“So, lumapit ako sa kanya at sinabi kong mahal ko rin siya. Siguro ay pamilyar kayo sa istorya no’ng tweet ko sa Twitter na sinagot ng ‘mysterious girl’ na ‘yon. I asked her to meet me in the same parking lot on The Buzz but she stood me up,” kwento nito sa audience habang naglalakad pauna sa stage. Nagulat pa siya ng bumaba ito sa stage at lumapit sa kanya.

“What are you doing? Bumalik ka do’n,” pagtataboy niya rito. But he just held her hand and stared at her lovingly. Niyaya siya nito paakyat sa stage. Umiiling siya at humawak din siya sa upuan niya ngunit itinulak siya nina Jace at Red patungo sa stage.

Oh, god, sambit niya sa sarili. Nang makaakyat sila sa stage ay nagtago siya sa likuran ni Thunder pero lumalayo ito ng bahagya sa kanya para makita siya ng mga tao.

“Maraming bagay ang nangyari bago maging kami at hindi ko na idedetalye kung ano ang mga iyon. Ang mahalaga ay kami na ngayon,” sabi ni Thunder saka nito itinaas sa ere ang magkahugpong nilang kamay.

Nakakabingi ang sumunod na sigawan at tilian ng mga fans. Dahil sa ginawa ni Thunder ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na humarap sa mga ito. Siya nga naman pala ang girlfriend ni Thunder at wala siyang dapat ikahiya. She should feel proud.

“Okay. Ano ang dapat kong gawin dito?” tanong niya rito.

“Just look adorable, princess,” sabi nito sa kanya.

May nag-abot dito ng isang gitara at may naglagay naman sa stage ng dalawang stool na upuan. Pinaupo siya ni Thunder sa isang stool at ito nama’y doon sa isa.

“Allow me to sing to my princess,” sabi nito sa mga audience. At sa ilang segundo pa’y tumutugtog na ito ng gitara at kumakanta sa kanya.

“Am I asleep, am I awake or somewhere in between? I can’t believe that you are here and lying next to me. Or did I dream that we were perfectly entwined? Like branches on a tree or twigs caught on a vine? Like all those days and weeks and months I tried to steal a kiss. And all those sleepless nights and daydreams where I pictured this. I’m just the underdog who finally got the girl. And I am not ashamed to tell it to the world.”

Habang kumakanta ito’y muling naghiyawan ang mga fans at itinuturo ng mga ito ang likuran nila. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naka-flash sa malaking screen sa likuran nila ni Thunder ang mga picture nilang dalawa na magkasama, ang iba’y siya lang at ang iba’y ang mga produkto ng mga ginagawa nilang trip.

“Truly, madly, deeply I am foolishly, completely fallen and somehow you kicked all my walls in. So baby, say you’ll always keep me. Truly, madly, crazy, deeply in love with you…in love with you,” kanta ni Thunder saka ito kumindat sa kanya. Pakiramdam naman niya’y lumukso ang puso niya sa kilig.

“Should I put coffee and granola on a tray in bed? And wake you up with all the words that I still haven’t said? And tender touches just to show you how I feel. Or should I act so cool like it was no big deal? Wish I could freeze this moment in a frame and stay like this. I’ll put this day back on replay and keep reliving it. ‘Cause here’s the tragic truth if you don’t feel the same, my heart would fall apart if someone said your name.”

“Truly, madly, deeply I am foolishly, completely fallen and somehow you kicked all my walls in. So baby, say you’ll always keep me. Truly, madly, crazy, deeply in love with you…I hope I’m not a casualty. Hope you won’t get up and leave. Might not mean that much to you but to me it’s everything…everything.”

“Truly, madly, deeply I am foolishly, completely fallen and somehow you kicked all my walls in. So baby, say you’ll always keep me. Truly, madly, crazy, deeply in love with you…in love with you…in love with you…in love with you…in love with you…with you…”

Pagkatapos kumanta ni Thunder ay lumapit siya rito at hinalikan ito sa mga labi. That made the crowd went wild. Ngunit smack lang ang ibinigay niyang halik dito dahil baka maeskandalo nila ang mga taong nanonood sa kanila.

“I love you, Thunder,” masuyong sabi niya rito pagkatapos niya itong bigyan ng halik. Sobra-sobra ang ginawa nito para sa kanya ngayong gabi at hindi niya iyon inaasahan.

“I love you most, Ella,” sabi naman nito sa kanya bago siya niyakap.

That made the moment so surreal. She should really care less about what other people might say because Thunder loves her. And that’s all that should matter.

Once upon a time, she fell in love with the guy in a black leather jacket who sings to every girl. She thought she could never have him, but guess what, they’re together now. Love is not complicated. People and their crazy little ideas just complicate it. Don’t be afraid to fall in love, it’s wonderful.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.