SA BAHAY muna nina Thunder tumutuloy si Ella habang naghahakot pa ng gamit sa bahay nila ang mag-inang Bettina at Selena. Ipinahanap niya ng apartment sa kanyang Ate Jeya ang dalawa na maaaring tirhan ng mga ito. Kinuha rin niyang crew sa Isabella’s Café si Selena para naman may maging trabaho ito. Niyayaya ng Uncle Henry niya na doon sa bahay nito tumira ang dalawa pero hindi pumayag ang Tita Bettina niya. Kung bakit ay sa pagitan na lang ng mga ito ang paliwanag doon. Wala na siyang pakialam sa problema ng mga ito.
“Breakfast has never been this wonderful,” bulalas ni Thunder nang matapos itong kumain ng agahan. Kasama nila sa garden ang ama nitong si Tyrone, ang manager nitong si Fred at ang matagal nang kasambahay ng mga ito na si Manang Betty.
“Naku naman, in love na in love talaga ang alaga ko o,” ani Manang Betty.
“Manang, naman. ‘Wag mo akong ibuking,” biro ni Thunder saka siya nito kinindatan.
“Thunder, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong tanong dito ni Fred.
“Fred, cancel all my appointments today. Bukas ko na sila haharaping lahat. May date kami ngayon ni Ella,” agad na sabi dito ni Thunder.
Ang date na tinutukoy nito’y ang napagkasunduan nilang dalawa. Tuturuan niya itong gumawa ng latte at tuturuan naman siya nitong mag-gitara.
“Thunder, pwede naman nating ipagpabukas ‘yong date natin eh. Okay lang,” sabi niya rito.
“I want to have a date with you today, Ella. Okay lang ‘yon. Kakayanin ko ang schedule ko bukas,” sabi nito sa kanya.
“Sige. Ikaw ang bahala. Halika na, manang. Magligpit na po tayo,” aniya kay Manang Betty. Iniwan muna nila ang tatlong lalaki doon sa garden para makapag-usap-usap.
Nararamdaman kasi niyang may gustong sabihin si Fred kay Thunder at baka hindi nito iyon masabi dahil nandoon siya.
“Manang, palagi po bang busy si Thunder?” tanong niya kay Manang Betty nang makarating sila sa kusina.
“Ay, oo. Ngayon lang nga ‘yan napirmi dito sa bahay eh. Mabuting impluwensiya ka talaga sa kanya. Nakapagpahinga siya ng maayos ngayon,” ani Manang Betty. Napatango-tango lang siya sa sinabi nito.
Nang matapos silang dalawa sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan ay bumalik na siya sa garden. Pero bago pa man siya makalapit sa tatlong lalaki ay narinig na niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Thunder, one week delayed na ang studio rehearsals mo. ‘Yong miniconcert series mo sa Visayas at Mindanao, hindi ko na pwedeng i-cancel ‘yon. Kailangan mo ‘yong gawin kung hindi ay magagalit ang mga tao sa’yo,” narinig niyang sabi ni Fred kay Thunder.
“Okay, okay. I’ll do it, Fred. Sinisigurado ko lang na okay si Ella. Babalik na ako sa trabaho bukas. I promise,” sabi naman ni Thunder dito.
Kinansela ba ni Thunder ang lahat ng dapat nitong gawin para sa kanya? Dahil sa naging problema niya?
“Hindi na baby si Ella, Thunder. Pero kung ituring mo siya ay parang baby. Kailangan din naman niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Tama na ang naitulong mo sa kanya. Ramdam na ramdam na niyang mahal mo siya,” sabi pa ni Fred dito.
She felt bad. Kahit hindi naman gawin ni Thunder ang lahat ng iyon para sa kanya ay alam niyang mahalaga pa rin siya dito. Hindi niya gusto iyong pakiramdam na siya ang may kasalanan kung bakit babagsak ang career ni Thunder. At tama si Fred, hindi na siya ‘baby’ para alagaan at alalayan palagi ni Thunder.
“Magpapaalam lang ako kay Ella,” ani Thunder. It was her cue to enter the scene.
“Anong ipagpapaalam mo sa’kin?” tanong niya rito.
“Magkakaroon ng miniconcert series si Thunder sa Visayas at Mindanao. Matatagalan kami ro’n at bago pa ang concert repeat niya sa Araneta kami babalik,” sabi sa kanya ni Fred.
“Ah, gano’n ba? Galingan mo ha?” baling niya kay Thunder.
“O, okay naman pala kay Ella eh,” ani Fred.
“Makakaya mong mawala ako ng matagal?” tila nagtatampong saad ni Thunder.
Pabirong tinampal niya ito sa noo. “Ang arte mo talaga. You’d be gone for what, two weeks lang ‘di ba? As if naman mami-miss kita,” biro niya rito.
“Ah, gano’n? Kaya pala pinapaalis mo na ako. Sige. Alis na tayo ngayon, Fred,” pag-iinarte ni Thunder. Tinawanan lang niya ito. “I’ll miss you,” anito sa kanya saka siya binigyan ng isang matunog na halik sa kanyang mga labi.
Ayieeee! Ka-kilig! I got the man I’ve been dreaming of, sabi niya sa sarili. She won’t ever let anything or anyone ruin what she and Thunder have now. Even his career.
TAWA NG tawa si Ella pagkakita niya sa nagawang lattѐ art ni Thunder. Simpleng smiley lang iyon pero natutuwa siya dahil nag-effort si Thunder gumawa. Kasabay nitong mag-aral ng lattѐ art si Selena. Pansamantala muna nitong iniwan ang paghahakot ng mga gamit ng mga ito. Fast-learner naman ito dahil nakagawa na agad ito ng magandang palm tree sa foam ng kape.
Kanina’y binigyan niya ng panahon para makapag-usap ng maayos sina Thunder at Selena. Nilinaw na dito ni Thunder ang lahat at sinasabihan din niya si Thunder na humingi ng tawad kay Selena. If ever Thunder had led her on. Nagpasalamat naman sa kanya si Selena kanina dahil hindi na niya itinuloy ang pagsasampa ng kaso sa Tita Bettina niya, sa ibinigay niyang apartment sa mga ito at sa trabahong ibinigay niya rito.
Niyaya niyang tumira sa kanya si Syrene kanina para hindi na ito mangupahan at maipon na lang nito para sa pamilya nito sa probinsya ang dapat sana’y ibabayad nito sa renta nito.
“Mayabang ka ha. Porke master ka na dito,” ani Thunder sa kanya.
“Eh, bakit si Selena? Talo ka pa niya. Tsk,” pang-aasar pa niya rito.
“Sandali. Gagawa lang ulit ako,” anito saka muling nag-prepare ng panibagong lattѐ. Nag-usap naman sila ni Selena habang abala si Thunder sa paggawa ng lattѐ nito.
“Salamat talaga, Ella. I’m sorry sa mga nagawa namin sa’yo ni mommy,” ani Selena sa kanya.
“Basta mag-promise ka na magiging good girl ka na ngayon,” aniya rito.
Binigyan siya nito ng isang kiming ngiti. Nahihiya siguro ito dahil sa mga nagawa nito sa kanya noon. Inamin nito kanina sa kanya na nahihiya ito sa kanya dahil ang lahat naman pala ng mayroon ito’y sa kanya.
“Good girl na ako,” anito sa kanya.
“Good. May irereto ako sa’yong good boy,” aniya rito.
“Ha? Sino naman? Gusto ko ‘yong gwapo at mayaman ha.”
Napailing siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Paano pala kung gwapo siya pero hindi mayaman? O ‘di kaya, mayaman pero hindi naman gwapo?” tanong niya rito.
Bago ito sumagot ay tiningnan muna nito si Thunder bago tumingin sa kanya. “Basta ‘yong lalaking mahal ako, okay na,” anito sa kanya.
“Good girl. Maghintay ka lang sa lalaking para sa’yo. Parating na siya,” makahulugang sabi niya rito.
“Tada!” singit sa kanila ni Thunder. Ipinakita nito sa kanya ang bagong gawang lattѐ nito na ikinakilig niya. “I love you” ang naka-lettering sa foam ng kape.
“I love you too,” aniya rito bago ito hinalikan sa pisngi. Ngunit hindi nakontento roon si Thunder. Ikinulong nito ang mukha niya sa magkabilang palad nito at saka siya hinalikan sa kanyang mga labi. Magpoprotesta pa sana siya dahil may mga customer sila sa café ngunit naisip niyang si Thunder nga pala ito—ang boyfriend niya.
“HOY! ANO’NG ginagawa mo dito?” tanong ni Ella kay Thunder nang makita niyang pumasok ito sa kwartong ginagamit niya sa bahay ng mga ito. Bukas ay babalik na siya sa bahay nila at mag-aayos naman sila roon ni Syrene. Si Thunder naman ay lilipad patungong Davao para sa miniconcert nito roon.
“Dito ako matutulog ngayon,” kaswal na sabi nito sa kanya.
“Ano’ng dito ka matutulog? Hindi pwede ‘no! Bumalik ka na sa kwarto mo,” utos niya rito.
“Aalis na nga ako bukas hindi mo pa ako pagbigyan. Hindi mo ba ako mami-miss?” pa-cute na tanong nito sa kanya.
“’Wag kang umarte ng ganyan. Siyempre mami-miss kita. But you’re still not going to sleep here,” aniya rito. Ngunit hindi nito pinansin ang huling sinabi niya. Sumampa na ito sa kama niya at nauna pa itong humiga sa kanya. “Thunder Castro!” sigaw niya rito pero hindi pa rin ito tumayo.
“Fine! Ako ang tutulog sa kwarto mo,” aniya rito saka tumayo sa kama ngunit pinigilan siya ni Thunder kaya bumagsak siya sa ibabaw nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa posisyon nila ngayon ni Thunder. But above all, kinilig siya.
“You’re too aggressive, princess,” biro nito sa kanya. Tinampal niya ang dibdib nito. Hinila siya nito sa tabi nito saka siya mahigpit na niyakap sa kanyang likuran. “Sleep with me now, Ella. Wala naman tayong ibang gagawin eh. Matutulog lang tayo. I want to wake up seeing your face first thing tomorrow. I’ll miss you so much when I’m away,” he told her as his face nuzzled through her back that gave her goosebumps. So she just gave in to him.
“There are times, when I just want to look at your face with the stars in the night. There are times, when I just want to feel your embrace on the cold night. I just can’t believe that you are mine now. You are just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can’t compare you with anything in this world, you’re all I need to be here with forevermore...” kanta sa kanya ni Thunder hanggang sa makatulog ka.
Thunder made her feel like she’s the luckiest girl in the world and most especially, he made her feel so much loved.
ONE WEEK since Thunder left for his miniconcert tour in Visayas and Mindanao. Missed na missed na ito ni Ella pero iniisip na lang niyang isang linggo na lang at muli na naman niya itong makikita. Afterall, hindi naman sila nawawalan ng komunikasyon. Limitado lang nga ang pagtext, tawag at Twitter nila dahil ang sabi sa kanya ni Fred at ni Yna ay abalang-abala si Thunder para sa concert nito.
Nakakausap lang niya si Thunder tuwing bago ito matulog pero mabilis lang ang mga nagiging pag-uusap nila dahil alam niyang pagod din ito. He’d been travelling for a week now. Naiintindihan naman niya iyon pero hindi lang niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Sinanay kasi siya ni Thunder na palagi itong naroon para sa kanya.
Samantala, habang nasa concert tour nito si Thunder ay inabala naman niya ang kanyang sarili sa pag-aasikaso ng kompanya nila. Tinanggal niya ang mga taong sa tingin niya’y hindi karapat-dapat sa posisyon ng mga ito lalo na iyong mga taong madaling nasuhulan noon ng Uncle Henry niya. Hindi niya kailangan sa kanilang kompanya ang mga taong walang paninindigan at sariling pag-iisip at iyong basta nasisilaw sa pera. Sa tingin naman niya’y maayos ang naging pagpili niya sa mga bagong opisyal ng kompanya niya.
“’Wag na ‘wag n’yo ‘yang ipapakita do’n dahil malulungkot mafi-feel bad ‘yon,” narinig niyang sabi ni Selena kina Ate Jeya at Syrene ng magpunta siya sa counter kung nasaan ang mga ito. Galing kasi siya sa opisina niya roon ca Isabella’s Café.
“Ano ‘yon, Selena?” tanong niya rito.
“Huh? Wala naman,” pagsisinungaling nito.
“Narinig ko kung anong sinabi mo. Ano ‘yon?” muli niyang tanong sa mga ito.
Si Syrene ang naglakas-loob na mag-abot sa kanya ng isang diyaryong hinala niyang siyang pinag-uusapan ng mga ito kanina. Tabloid lang iyon. Pagbukas niya doo’y nakita niya ang pahinang binabasa ng tatlo.
“Matagal ko ng alam ‘yan,” aniya sa mga ito. Hindi naman iyon ang unang beses na nalaman niyang may mga taong ayaw sa kanya para kay Thunder. Mas matindi pa nga ang sinasabi ng mga ito sa kanya sa Twitter kaysa sa sinasabi ng diyaryong iyon.
Naranasan na niyang masabihan ng “feelingera”, “hindi kayo bagay ni Thunder” at “Thunder’s perfect and you’re not the right one for him”. May ilan pa ngang nagsabi kung sino ang nababagay kay Thunder at kabilang doon ang mga kilalang artista maging ang ilang models na nakapareha ni Thunder sa mga music videos nito.
Nalulungkot siya dahil sa sinasabi ng ibang tao. Hindi niya sasabihing hindi siya apektado sa sinasabi ng mga ito dahil iniisip din niya ang sinasabi ng mga ito. Sinusubukan lang talaga niyang huwag na lang pansinin ang mga sinasabi ng mga ito dahil hindi naman alam ng iba ang pinagdaanan nila ni Thunder bago pa man maging sila.
“Okay lang sa’yo?” tanong ni Syrene.
“Siyempre, hindi. Masakit minsan pero keri lang. Ang mahalaga ay mahal ako ni Thunder,” aniya sa mga ito.
May ilang reporter na nagpunta doon at sa bahay nila para ma-interview siya pero hindi siya pumayag sa interview ng mga ito. Ang katwiran niya’y hindi naman siya artista para interview-hin ng mga ito tungkol sa ganoong bagay. Tinulungan naman siya ng Dream Records management para itaboy ang mga reporter na pumepeste sa kanya kaya ngayon ay tahimik nang muli ang buhay niya.
It was not easy to be Thunder’s girlfriend because he was everybody’s prince but she’ll make it through. Kakayanin niya ang mga sinasabi ng ibang tao dahil mahal niya si Thunder. Tanga siya kung igi-give up niya si Thunder dahil lang ayaw sa kanya ng mga fans nito. Fan din siya at naiintindihan niya ang saloobin ng iba. Naniniwala siyang lilipas din ang paghuhuramentado ng mga ito at matatanggap din siya ng mga ito bilang girlfriend ni Thunder.
“Sige. Tatawagan ko lang si Thunder,” paalam niya sa mga ito bago siya muling bumalik sa opisina niya at tinawagan nga niya si Thunder ngunit hindi niya ito ma-contact. Nag-text na lang siya rito at sinabing tawagan siya nito mamaya. Pagkatapos ay nag-sign in siya sa Twitter para makakuha ng updates sa mga bagay-bagay.
At nagulat siya sa nabungaran niya sa kanyang timeline. Pina-follow din niya ang artistang iyon kaya nakita niya ang bagong post nitong picture.
@JeaninaLopez : Perfect lunch with @Thunder_Castro : )
Kasama ni Jeanina Lopez sa litratong iyon ang boyfriend niyang si Thunder na ngiting-ngiti pa. Dahil doon ay muli niyang tinawagan si Thunder pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Agad na umahon ang selos at inis niya para kina Thunder at Jeanina Lopez. Kaya hindi siguro sinasagot ni Thunder ang tawag niya’y dahil ine-enjoy nito ang “perfect lunch” nito at ni Jeanina.
O baka naman naiwan lang niya sa kung saan ‘yong cell phone niya, anang isang bahagi ng isipan niya.
Dapat ay dala ni Thunder kahit saan ang cell phone nito lalo na’t magkahiwalay silang dalawa. Basta naiinis siya. At nadagdagan pa ang inis niya dahil sa mga komento ng mga fans na nagsasabing “bagay po kayo ni Thunder” at mayroon pa ngang nag-comment nang “You and Thunder looked perfect together kaysa doon sa girlfriend niya daw.”
Breathe in, breathe out. Relax, Ella. Be rational. Baka nga naiwan lang ni Thunder ang cell phone niya sa hotel room niya. At baka nakita lang niya do’n si Jeanina at niyaya siya nitong mag-lunch kasama ito. Ikaw ang mahal ni Thunder. Ikaw lang, pagpapakalma niya sa kanyang sarili.
In times like this, she just have to remember Thunder’s love for her. And everything else won’t matter anymore.