Chapter THE LOVE OF MY LIFE 7.2

“Kuya.” Matamlay na bati ni Fabio sa kapatid na si Jaime. Saglit na tinapunan lang niya ito ng tingin at inisang lagok ang beer na hawak niya. Inagaw sa kaniya ng kuya niya ang bote at galit na tinapon nito iyon sa buhanginan. Hindi siya nagreact kahit na nakikita niya ang inis sa mga mata nito.

“Nahuli na nga talaga ako ng dating.” Anito.

“Oo nga, hindi mo nakita kung paano ako sinaktan ni Vanessa kanina. Sana nakunan mo ng video para may remembrance naman ako sa pagpapakatanga ko.”

“Lasing ka na.”

Nagkibit balikat lang siya. Lasing na nga siya dahil namamanhid na ang katawan niya sa dami ng alak na nainum niya. Hindi na niya maramdaman pa ang lamig kahit na nasa tabing dagat siya. Tumitig siya sa mga pagkain na nasa mesa. Hindi man lang nagalaw ang mga pagkain. Umalis na rin ang inarkila niyang banda at ang mga kandila ay tuluyan nang nawalan ng liwanag.

Naupo sa tabi niya si Jaime at tinapik siya sa balikat.

“First heartbreak huh?” anito.

“Yeah.” Sagot niya. Ngayon lang siya nasaktan ng ganoon na para bang gusto na lang niyang maglaho sa mundo para hindi na niya maramdaman pa ang sakit sa dibdib. Nauwi sa isang miserableng pangyayari ang proposal niya. Pumalpak ang plano niya. Higit sa lahat ay durog na durog ang puso niya ngayon.

“Nagagalit ka ba kay Vanessa dahil sa ginawa niya sa`yo?”

“Alam mo?” gulat na tanong niya.

“Yes, nakausap ko ang kaibigan niyang si Candice. Si Candice ang mismong nagpaliwanag sa akin na nagsinungaling siya kay Vanessa para pagtakpan ang katotohanan. Biktima ka lang Fabio, bakit hindi mo magawang sabihin kay Vanessa ang totoo?”

Mapait na natawa siya at tumingin sa dagat.

“Magbabago ba ang tingin niya sa akin kapag sinabi ko ang totoo? Mamahalin ba niya ako kapag nalaman niya na hindi naman talaga ako nakipagrelasyon kay Candice? Tatakbo ba siya pabalik sa akin kapag sinabi ko sa kaniya na nagkakamali siya ng iniisip? Hindi naman `di ba? sa mga mata niya masama akong tao dahil sinaktan ko ang kapatid niya. Sino ako para ipagtanggol ang sarili ko laban sa isang taong patay na?”

“Pero nahihirapan ka na!” inis na bulyaw ng kapatid niya.

“Ito na `yung karma ko, kuya. Marami akong babaeng pinaiyak noon kaya pinagbabayaran ko na `yun ngayon.” Tinakpan niya ng palad ang mukha at napahagulhol ng iyak. “Nakipagkasundo na ako sa tadhana, sabi ko sa kaniya kapag binigyan pa niya ako ng pagkakataon na makita ulit si Vanessa ay hindi na ako magpapakaduwag ulit ng ganito. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko sa kaniya kahit na hindi ko alam kung nasa panig ko nga ba ang tadhana.”

“Do you believe in destiny?” hindi makapaniwalang tanong ni Jaime habang hinahagod ang likod niya.

Naniniwala nga ba siya sa destiny? Sa palagay niya ay oo. Si Vanessa ang karma at destiny niya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Sa oras na pakinggan siya ng tadhana ay wala na siyang sasayangin pang oras. Gagawin niya ang lahat para tuluyan na siyang mahalin nito….

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.