Chapter THE LOVE OF MY LIFE 9.2

“Inumin mo `yan,” malamig na utos ni Vanessa kay Fabio at inilagay sa nakabukang palad nito ang tabletas. Nakakain na ito kaya pwede na itong uminom ng gamot. Si Zoey naman ay maagang nakatulog. Marami silang ginawang activities sa school kanina at dala siguro ng matinding pagod kaya nakatulog agad ito.

Nakapaghugas na rin siya ng mga plato at naglinis ng kusina. Si Fabio na lang ang problema niya dahil hindi pa rin ito umiinom ng gamot. Malapit nang dumilim at kailangan na niyang umuwi bago pa siya maabutan ng traffic.

“Ayoko, hindi ba sinabi ni Zoey sa`yo na pareho kami na hindi umiinom ng gamot?” mariing umiling ang binata.

Parang bata…napapalatak siya at kinuha sa bulsa ng palda niya ang baon niyang tsokolate. Kinuha niya ang tabletas sa kamay ni Fabio at isinubo iyon sa bibig nito. Kamuntik na itong masuka kaya inabutan agad niya ito ng tubig na mabilis naman nitong ininom. Pagkatapos ay saka niya isinubo ang tsokolate sa bibig nito. Hindi na ito muling naduwal pa.

“Okay ka na?” tanong niya.

Kumislap ang mga mata nito at mabilis na tumango.

“Kung ikaw ang magiging nurse ko, baka mas gustuhin ko nang magkasakit araw-araw.”

“Huwag ka na ngang mambola pa, uuwi na ako dahil nakainom ka na ng gamot. Mamaya lang ay magiging maayos na ang pakiramdam mo.”

“Hindi ka makakauwi,” pilyo ang ngiti na wika nito.

Tumaas ang isang kilay ni Vanessa. “Uuwi ako at hindi mo ako mapipigilan.”

Kumibot ang mga labi ni Fabio at naaaliw na itinuro ang window glass. Bahagyang nahawi sa hangin ang kurtina kaya nakita niya kung ano ang nangyayari sa labas. Umuulan ng malakas! Napatayo siya at tumakbo palapit sa bintana. Binuksan niya ang kurtina at sumilip sa labas. Napapikit na lang siya sa inis nang mapansin na maliban sa kalat na ang dilim ay parang walang balak ang ulan sa pagbuhos.

Mahihirapan na siyang makahanap ng taxi. Hindi rin siya pwedeng sumugod sa ulan dahil kagagaling lang niya sa sakit. Baka mabinat pa siya at maospital na naman.

“Dalawa lang ang kwarto dito, gamit ni Zoey ang isa at siyempre sa akin naman ang isa pang kwarto. Maliit lang ang kama ni Zoey kaya hindi kayo pwedeng magtabi. Pero ang kama ko malaki kaya—”

“Sa sala na lang ako matutulog.” Sumusukong turan niya.

“Sasapakin ako ng mommy ko kapag nalaman niya na nagawa kong magpatulog ng babae sa sala.”

“Hindi naman niya malalaman.”

“Kahit na, hindi ako pinalaking bastos ng mommy ko. Kung gusto mo sa sala na lang tayo matulog.”

Napapantastikuhang pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Fabio.

“Wala ka talagang balak sumuko?”

Ah, paano ba siya hindi makukumbinsi sa gusto nitong mangyari kung ganoon na parang gusto na siya nitong tunawin sa mga titig nito? sinulyapan niya ang wallclock at palihim na ngumiti nang makitang alas nuwebe na pala ng gabi. Hindi niya namalayan ang oras habang kasama ang binata. Ang buong akala pa naman niya ay medyo maaga pa. Sobra siguro siyang nangulila dito kaya halos hindi na niya napansin pa ang mabilis na pagtakbo ng oras.

“Hindi ka na sumagot, oo na ang ibig sabihin niyan `di ba?”

“Fabio—”

Tumakbo ito pabalik ng kwarto at nang bumalik sa kitchen ay may dala nang makapal na comforter.

“Sa sahig ako matutulog.”

Hindi na siya nakatanggi pa. Naligo siya at nanghiram ng t-shirts at pajama bottom sa binata. Malaki ang damit sa kaniya pero pwede na rin. Nagmukha nga lang siyang hiphop dahil maluwag ang damit at pajama bottom na gamit niya. Pagkatapos magbihis ay dumiretso na siya sa sala. Nadatnan niya si Fabio na nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Sa paanan nito ay nakalatag na ang comforter at unan. Desidido talaga ito na matulog sa sahig.

Lumapit siya kay Fabio at naupo sa tabi nito. Dinama niya ng palad ang noo nito. Medyo bumaba na ang lagnat nito kaya siguradong umepekto na ang gamot. Mamaya ay paiinumin niya ulit ito ng gamot kahit na ayaw nito.

“Okay na, lagnat laki lang naman pala `eh.”

Hindi ito umimik. Nagulat na lang siya nang hawakan nito ang palad niya na nakadampi sa noo nito. Nahigit niya ang paghinga at kinakabahang nag angat ng tingin kay Fabio. Parang siya naman ang lalagnatin ngayon dahil sa pagdidikit ng mga balat nila.

“B-bakit ganiyan ka kung makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” naiilang na tanong niya.

Umiling ito at masuyong hinaplos ang kaliwang pisngi niya.

“Gusto ko lang maramdaman ulit ang init ng katawan mo, gusto kong makasiguro na hindi isang panaginip lang ang nangyayari ngayon.” Anito at walang sawang pinagmasdan siya. Nakakataba ng puso na makita ang hindi maipaliwanag na tuwa sa mga mata ni Fabio. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang masayang masaya ito ngayon. Hindi magawang itago sa kaniya nang nangungusap na mga mata nito ang totoong emosyon nito.

“Paano kong sabihin ko sa`yo na panaginip lang lahat ito?”

Nawala ang saya sa mga mata nito. “Hindi na ako gigising.”

“Fabio!” saway niya.

Malungkot na ngumiti ito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Tumagos sa puso niya ang init na nagmumula sa palad nito. Ang init na iyon ay gumapang sa bawat himaymay niya na parang malakas na boltahe ng kuryente. Pinatay ni Fabio ang TV at pumihit paharap sa kaniya.

“Pwede bang kalimutan natin kahit ngayong gabi lang ang nangyari noon? Kahit ngayon lang? may sakit naman ako kaya sana naman payagan mo ako.” Nagsusumamo ang mga mata na pakiusap nito.

Hindi na niya kayang tiisin pa ang emosyon kaya mabilis na tumango siya.

“Sige.”

Kumislap ang katuwaan sa mga mata ni Fabio. Pinisil nito ang palad niya. Sumandal ito sa backrest ng couch at tumitig sa mukha niya.

“Kung walang nangyaring gulo noon sa pagitan nating dalawa, sa tingin mo ano na kaya ang nangyari sa atin ngayon?”

Napakunot noo siya.”Sabi mo kalimutan na muna natin—”

“Masyado ng matagal ang two years `di ba? baka may anak na tayo at masayang nagsasama ngayon.”

Nagsikip ang dibdib niya. Posible naman ang sinabi ni Fabio dahil kung wala lang naging problema at hindi sila napunta sa isang mahirap na sitwasyon ay sigurado siya na tatanggapin niya ang pagmamahal nito.

“Pero hindi ganoon ang nangyari.” Kagat labing tugon niya.

“Pero masaya ako.”

“Masaya ka kahit na sinaktan kita?”

“Bakit hindi ako magiging masaya? Tinuruan mo akong magmahal at iyon ang pinakasamayang bagay na nangyari sa buhay ko. Ipinakita mo sa akin kung ano ba talaga ang pagmamahal. Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal at masaktan ng sobra at the same time. Mahal kita kahit nasasaktan ako, nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin ay titigil na ako sa pagmamahal sa`yo.”

Napayuko siya at hinayaan ang pagpatak ng mga luha niya. Nagkamali siguro siya na pinakawalan niya si Fabio. Isang malaking katangahan na naisip niya iyon ngayon. Pero hindi na kasi niya kayang kontrolin ang pagwawala ng puso niya. Pakiramdam niya kung hindi niya ilalabas ang lahat ng emosyon ngayon ay baka sumabog na lang siya.

“Siguro kung may anak na tayo at kamukha mo siya, baka isunod ko sa`yo ang pangalan niya. Kapag baby boy, pwedeng Junior at Angela naman kapag baby girl.” Mahinang wika niya.

Narinig niya ang paghinga ni Fabio ng malalim. Humigpit ang paghawak nito sa palad niya. Lakas loob na nag angat siya ng tingin dito. Wala siyang mabasang kahit na anong ekpresyon sa mukha nito.

Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito palapit sa katawan nito. Kasabay ng malakas na pagsinghap niya ay ang mabilis na pag angkin nito sa mga labi niya.

Nagpakawala siya ng malakas na ungol nang maramdaman ang paglalim ng halik ni Fabio. Awtomatikong pumulupot ang mga braso niya sa batok nito at hinayaan itong saliksikin ang loob ng bibig niya. Pareho nilang habol ang paghinga nang pakawalan nito ang mga labi niya. Masuyong ipinaloob nito ang mga palad sa pisngi niya at hinihingal na hinalikan ang noo niya.

“I don’t want to stop.” Anas nito.

“Then don’t. Hindi kita pipigilan.”

Umawang ang mga labi ng lalaki. Sinamantala iyon ni Vanessa at siya naman ang umangkin sa mga labi nito. Kinabig siya ni Fabio at maingat na inihiga sa malambot na couch. Naipikit niya ang mga mata at nagpakawala ng mahinang ungol nang bumaba sa bandang leeg niya ang mainit na mga labi nito. Binabalot na siya ng matinding init sa simpleng pagdidikit lang ng mga balat nila ni Fabio. Niyakap niya ito nang umibabaw ito sa kaniya. Napakainit na ng pakiramdam niya. Alam niyang hindi lang simpleng init ng katawan ang nararamdaman niya ngayon at hindi iyon kayang daanin sa ligo lang. Ang mga halik ni Fabio at ang gagawin nitong pag angkin sa kaniya ang pupuno sa init na nararamdaman niya.

“Fabio.” Napaungol siya nang magsimula itong hubarin ang suot niyang pajama bottom. Kahit ang underwear niya ay walang kahirap hirap na nahubad nito. “Oh god…” naiangat niya ang katawan nang damahin ng palad nito ang pagkababae niya. Parang may kung anong kumiliti sa kaniya ng dahil sa ginawa nito. Naramdaman niya ang pagtawid ng malakas na boltahe ng kuryente sa bawat parte ng katawan niya. Habol na niya ang paghinga nang maramdaman ang pagpaloob ng isang daliri nito sa pagkababae niya. Ilang beses niyang nailiyad ang katawan habang hindi pa rin siya nito hinihiwalayan ng tingin.

Alam niyang eksperto na si Fabio pagdating sa ganoong bagay pero hindi niya inaasahan na magagawa nitong iparamdam sa kaniya ang matinding kaligayahan na kahit sa ibang lalaking nagdaan sa buhay niya ay hindi niya naramdaman. Napahawak siya sa balikat nito nang marating niya ang sukdulan. Nawala na ang hiya sa katawan niya. Napalitan na iyon ng mainit na sensasyon. Kinabig niya ang lalaki at siniil ng malalim na halik ang mga labi nito.

Pinangko siya nito at dinala sa mismong kwarto nito. Tinulungan niya itong hubarin ang mga saplot nila sa katawan. Nang makita niya ang kahandaan ni Fabio ay parang gusto niyang mamutla bigla. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa matigas na bagay sa pagitan ng mga hita nito.

“What? Hindi ka naman sasaktan nito.”

Natawa siya at tinampal ang malapad na dibdib nito. Hindi iyon ang pangalawang beses na nakita niya itong hubad pero hindi pa rin niya mapigilan ang kabahan ng sobra.

“Kakayanin ko ba?” nag aalangang tanong niya.

Ngumiti ito at inalalayan siyang humiga sa kama. Napaungol siya nang haplusin nito ang kaliwang dibdib niya.

“Magiging maingat ako, princess at kapag sanay ka na…”

“Oh my god!” napaliyad siya nang punuin nito ang pagkababae niya. Kagat labing tumingin siya sa kisame.

“We’ll do this in the kitchen next time.” Hinihingal na anas nito sa tenga niya. Napahawak siya sa mga balikat ni Fabio at sinalubong ang bawat pag ulos nito. Inulan ng maraming emosyon ang dibdib niya. Wala siyang makapang galit o pagsisisi sa puso niya. Ang alam lang niya ay masayang masaya siya ngayon at hindi niya iyon kayang ipagpalit sa kahit anong pinakamahal na bagay sa mundo.

“Look at me, princess, please?” nagsusumamong pakiusap ni Fabio. Napalunok siya at sinunod ang sinabi nito. Kumikislap sa tuwa ang mga mata nito at buong pagmamahal na pinagmasdan siya.

“I love you, princess.” Masuyong sabi nito. Parang may sumabog na fireworks sa paligid niya dahil sa narinig. Kinabig niya ito at kinintalan ng masuyong halik ang tungki ng ilong nito.

“I love you too, my prince.” Tanging nasabi niya at muling napaungol na lang ng mas lalong bumilis ang paggalaw ni Fabio sa ibabaw niya. Lumipas ang buong magdamag na hindi siya pinatulog ng mga yakap at halik nito. Iyon na siguro ang pinakamasaya at pinakamahabang gabi na naranasan niya sa buong buhay niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.