“Good morning.”
“Hmmm?” mahinang umungol si Dorothea nang maramdaman na parang may mainit na bagay ang dumampi sa noo niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata para lang matigilan ng bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Miguel. Dahil sa pagkabigla ay napabalikwas siya ng bangon. Kamuntik pa siyang malaglag sa kama dahil sa maling pagkilos niya. Naging maagap naman ang lalaki dahil hinapit siya nito sa baywang para huwag siyang tuluyan na lumagapak sa malamig na sahig.
Awang ang mga labi na tumitig siya kay Miguel. Daig pa niya ang tinamaan ng kidlat dahil sa malakas na boltahe ng kuryente na tumulay sa buong katawan niya habang yakap pa rin ng braso nito ang baywang niya. Tumigil yata sa normal na pagtibok ang puso niya nang magtama ang mga mata nila.
“A-anong—” nang maalala ang dahilan kung bakit sila magkasama ni Miguel sa kwarto nito ay malakas na napasinghap siya. “Okay ka na baby, wala na bang masakit sa`yo?” buong pag aalalang dinama niya ng palad ang noo at mga pisngi nito.
“Baby?” bumaha ang matinding pagkagulat at katuwaan sa mga mata nito. Natigilan siya at nang makabawi ay lakas loob na tinanong ito.
“Ayaw mo?”
“Gusto ko, gustong gusto ko!” mabilis na tugon nito. Hinawakan nito ang mga palad niya na nakadampi sa mga pisngi nito. “Hindi ka na ba galit sa akin?” nangungusap ang mga matang tanong nito sa kaniya. Tuluyan nang natunaw ang lahat ng galit at hinanakit sa puso niya habang pinagmamasdan ito.
“Baby, I’m sorry, patawarin mo na ako please? Alam kong hindi sapat ang sorry lang pero nakahanda naman akong gawin ang lahat para lang mapatawad mo ako. Alam kong ang laking gago ko para pagdudahan ka pero magulong magulo lang talaga ang isip ko noon dahil sa nangyari kay Juancho. At isa pa...naglihim din ako sa`yo noon at hindi ko agad sinabi sa`yo na bumalik na Janella. Ang laking gago ko dahil bigla akong nalito sa nararamdaman ko kaya ilang beses ko siyang niyaya na magdate kami at nang masiguro ko sa sarili ko na ikaw na talaga ang mahal ko ay tinapat ko na siya.
Pero hindi ko inasahan na ganoon ang gagawin niya, bigla na lang niya akong hinalikan at nakita mo pa kami. ”
Hindi siya umimik at nanatili lang nakatitig dito. Wala na siyang makapang sakit o galit sa dibdib niya dahil ang nandoon na lang ay walang katapusang pagmamahal niya kay Miguel.
“Kung kinakailangan na araw-araw pa kitang haranahin, gagawin ko para lang mapatawad mo na ako. Wala na akong pakialam kahit bumagyo pa.”
“Sapilitan ba ito?”
“Parang ganoon na nga,”
Tumaas ang isang kilay niya. “At ano naman ang makukuha ko kung patawarin nga kita?”
“Uh, me? A wedding? A happy ever after? My heart? Everything, baby.”
“Sige,”
“Huh?” halatang nabigla ito sa narinig at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
“Hindi na ako galit sa`yo,” Unti unting humina ang tinig niya nang pagdikitin nito ang mga noo nila. “Ayoko nang malayo pa sa`yo Miguel, baka hindi ko na kayanin pa.”
“Me too, baby, hindi mo alam kung anong klaseng hirap ang dinanas ko sa loob ng ilang taon na nawala ka sa akin. Human robot na nga ang tawag sa akin ng mga kapatid ko dahil halos patayin ko na ang katawan ko sa trabaho.”
“Nandito na ulit ako, aalagaan na kita.”
“Yeah, please do that, mas gusto kong magising sa bawat umaga na alam kong makikita ko ang matamis na ngiti sa mga labi mo.” ipinaloob nito ang mga pisngi niya sa mainit na mga palad nito. Naging marahas ang paghinga niya nang unti unting yumuko ito. Naipikit niya ang mga mata nang angkinin ni Miguel ang mga labi niya. Naramdaman niya ang matinding pagkasabik at pangungulila sa mga labi ng binata. Buong pagmamahal at pagsuyong tinugon niya ang mga halik nito.
“I love you, baby, hinding hindi mo na ako ngayon mapapaalis pa sa buhay mo.” anas ni Miguel ng saglit na pakawalan nito ang mga labi niya. Ngumiti siya at hinila ang kwelyo ng damit nito para siya naman ang humalik dito.
“Great. I love you more, Miguelito Jose, kung superglue ka, tali naman ako. Dahil itatali na talaga kita sa buhay ko. Hinding hindi na ako papayag pa na mawala ka ng kahit isang minuto lang sa mga mata ko.”
“Marry me,”
Naimulat niya ang mga mata at pilit na lumayo kay Miguel.
“I said marry me.” Nagnininging ang mga matang hinaplos nito ang kaliwang pisngi niya. “Wala akong singsing sa ngayon at wala rin tayo sa magandang lugar para sa isang nakakakilig na wedding proposal. Puso ko lang ang tanging maiaalok ko sa`yo sa ngayon.”
“I do,”
“Babe,” namilog ang mga mata nito at sa sobrang tuwa ay pinaulanan nito ng munting halik ang bawat sulok ng mukha niya.
“I love you, I love you, I love you so much!” paulit ulit na sabi ni Miguel. Napailing na lang siya at nangingiting hinila ito sa batok at muling hinalikan sa mga labi.
Sapat na ang mga narinig niya sa binata para lumobo sa tuwa ang puso niya. Kahit siguro huwag na siyang iuwi pa ni Miguel sa pamilya niya ay hindi siya kokontra. Lahat ay gagawin niya para lang hindi na matapos pa ang masasayang araw niya sa piling nito. Kahit na sermunan pa siya ng tatay at mga kuya niya ay wala ng kaso pa iyon sa kaniya.
Shit! Nang maalala ang pamilya niya ay mahinang tinapik niya sa braso si Miguel para pakawalan siya nito.
“What?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“Sila tatay, baka mamaya isipin nila na—”
“Nakausap ko na sila at alam na nila na itinanan na kita.”
“Tanan?” napahalakhak siya sa narinig. Pero ang masayang mga halakhak niya ay biglang naglaho nang hapitin siya nito at muli nitong inangkin ang mga labi niya. Talagang wala na siyang kawala pa sa napakagwapong fiancée niya.
---END---