CHAPTER 33

33: Rivalry

-

“Jiro.” Halos pabulong kong tawag sa pangalan nito. Ito ba iyong tinutukoy ni Thunder na binubuong grupo ni Jiro? Nasa pito rin sila kagaya ng dark demons. What are they doing here?

“Thunder. Ano bang gagawin natin dito?” Tanong ko ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa grupo ni Jiro. Kinakabahan ako, baka mamaya ay magpatayan sila dito ng wala sa oras. “Thunder.

Muli ko siyang tinawag at sa wakas ay hinarap na niya ako. Hinawakan niya ako sa pisngi at saka ngumiti ng matamis. “Magpapalista lang kami. Don’t worry. Hindi ko hahayaang makita mo kong makipaglaban sa ganitong klase ng lugar. It’s too dangerous for you.”

Hinalikan niya ako sa noo at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Dito ka lang, okay? May kakausapin kami.”.

Tumango lamang ako sa sinabi niya at saktong pag-alis nila ay lumapit sa akin si Jiro.

“Mukhang okay na kayo ni Thunder, ah.” Ngumiti siya ng pilit at ganun din ako.

“Kailangan ba talagang magkawatak watak kayo? Wala na bang ibang paraan?”

“Sorry Rain. Nandito na eh, at isa pa. Ayokong makasama sa iisang grupo ang lalaking dahilan kung bakit hindi ikaw ngayon yung babae sa buhay ko....”

“...May posibilidad na gusto ko nga si Zea pero may parte pa rin sa’kin na nagsisisi ako dahil hindi ako yung nasa lugar ni Thunder ngayon.” Dagdag pa nito at hindi ko na nagawang magsalita pa dahil biglang sumulpot si Thunder. And the way he’s looking at Jiro? Alam kong magkakainitan na naman silang magkapatid.

“Hindi mo ba talaga titigilan girlfriend ko?” Tinulak niya si Jiro at mabilis namang nagsilapitan ang bagong kagrupo niya at ganoon din ang tropang sisiw. Parang anumang oras ay magsusuntukan ang dalawang grupo sa harapan ko.

“Thunder.” Hinawakan ko ang braso niya at pilit inilayo kay Jiro. Nagsasawa na rin ako sa paulit ulit nilang pag-aaway. Nakakapagod umawat at pumagitna sa kanila.

“Pasalamat ka nandito si Rain.”

“Dude, relax. Masiyado kang overprotective.” Sabi nang isang lalaki mula sa grupo ni Jiro.

“Makadude ka. Bakit? Close kayo?” Tanong ni Ramon kaya napalingon ako sa kanya.

“Mark. Shut your mouth.” Utos ni Jiro sa lalaking nagsalita kanina kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Kung may magagawa lang ako sana ako para mapabilis ang pag-aayos ng dalawa ay ginawa ko na, pero sa estado nilang ‘to? Mukhang malabong magbati ang magkapatid kahit maisagawa pa namin ng maayos ang plano.

“Tsaka na tayo magtuos.” Iyon na ang huling sinabi ni Thunder bago kami umalis sa lugar na iyon. Paglabas na paglabas namin sa lumang gusali ay nilapitan ako ni Liam, mukhang badtrip na badtrip kasi si Thunder kaya ayon, pinagsisipa niya ang gulong ng kotse ni Jin.

“Magiging okay din lahat.” Sabi ni Liam at ngumiti lamang ako ng tipid.

Pagbalik namin sa academy ay agad akong nagpaalam kay Thunder na pupunta ako sa keen’s lab. Pag-aaralan ko lang kung ano ang mga kailangan kong malaman bilang temporary leader.

Pagpasok ko naman sa office ng keen’s lab ay halos malaglag ang panga ko. Seryoso ba ‘to?!

Seryoso ba ‘to?!

“A-axel. Anongㅡ”

“Inatasan kami para tulungan ka sa pagiging temporary leader mo.” Sabi niya nang tumayo siya at lumapit sa akin.

“W-who are they?”

“Bago kong grupo. Mga Keen din sila pero may halong insolent gaya ko.” Sagot niya at napatango lamang ako.

“Bakit ka pumayag sa deal? Akala ko sa kanilang lahat ikaw ‘tong hindi sasangayon sa gusto ni Thunder.”

“It simply because, alam kong gagawin ni Thunder lahat ng makakaya niya para hindi masira ‘tong grupo. Trust him Rain.” Hindi maiwasang magsalubong ng kilay ko dahil sa makahulugang sagot ni Axel. Ibig ba niyang sabihin ay kaya siya pumayag ay dahil alam niyang si Thunder ang mananalo sa laban?

“Sa ngayon, mag-relax ka muna. Mas stress ka pa kaysa sa’min, eh.” Natatawang sabi niya nang tapikin niya ang ulo ko ng marahan. Ngumuso lamang ako at nag-umpisa nang makipag usap sa grupo niya para malaman kung ano ang mga dapat kong gawin bilang temporary leader.

Tymee’s POV

Dahil walang klase ngayong araw ay minabuti kong kausapin muna si Matthew, pero ilang beses ko na siyang tinatawagan ay hindi pa rin niya sinasagot ang phone niya.

Mabilis lang gumaan ang loob ko sa lalaking iyon, siya kasi ang kasama ko noong mga oras na down na down ako, masiyahin siyang tao kaya nahahawa ako paminsan minsan pero ngayon... Parang hindi na siya iyong Matthew na nakilala ko noon.

Malaki rin talaga ang epekto ng desisyon niyang pagpapaconvert. Kahit hindi ako ganoon ka-close sa ibang myembro ng Dark, nanghihinayang pa rin ako sa kinahinatnan ng grupo nila ngayon.

“Tym!” Sigaw ni Marky, well kailan ko lang nalaman na kapatid pala siya ni Matthew. Hindi naman kasi sila magkamukha at isa pa, kailan ko lang din naman siya nakilala. Tulad ni Matthew, friendly din itong si Marky. “Nakita mo ba yung kapatid ko?”

“Hindi eh. Hindi ko nga siya ma-contact. Bakit?”

“Pumayag na kasi yung grupo ko na sumali sa Ground zero.” Sagot niya na ikinawingi ko. Mukhang kahit i-set up namin ang Dark mamaya ay wala pa ring mangyayari dahil nakahanap na sila ng mga magiging temporary group nilaㅡOr worse baka maging permanent pa.

“Lakas naman ng loob mong pumunta dito ng walang kasama.” Boses ng lalake mula sa likuran ko. Agad akong napalingon dahil doon at laking gulat ko nang makita ang mga robust at tekaㅡ

Agad akong napalingon dahil doon at laking gulat ko nang makita ang mga robust at tekaㅡ

“Jasper.” Pabulong kong tawag sa kanya. Matagal akong nakatitig sa 6Beasts. Oo iyon ang pangalan nila, kahit naman hindi sila insolent, pwede pa rin silang bumuo ng gang. So sila ang napiling salihan ni Jasper? Eh di 7beasts na sila ngayon?

“Waitㅡ” Magsasalita sana ako ngunit biglang nag-iba ang mga ekspresyon nila. Lalo na si Jasper kaya lumingon ako sa likuran at laking gulat ko na lang nang makitang may mga kasama na si Marky at kasama doon si Matthew.

Lalo na si Jasper kaya lumingon ako sa likuran at laking gulat ko na lang nang makitang may mga kasama na si Marky at kasama doon si Matthew

“Saglit. Ano bang problema niyo?” Tanong ko kila Jasper, dito ba talaga nila balak gumawa ng gulo sa harap ng robust headquarter?

“Tymee.” Agad akong nilapitan ni Matthew at itinago sa likuran niya na akala mo’y pinoprotektahan niya ako.

“Hindi kami pumunta dito para maghanap ng away. May hinahanap lang kami.” Sabi nang lalaki sa mula sa grupo ni Marky.

“So nakahanap ka na rin pala. Mukhang may namumuo nang tensyon sa bago nating grupo ngayon, ah.” Maangas na pagkakasabi ni Jasper ngunit isang pagngisi lang ang isinagot ni Matthew sa kanya.

“Kung ano man yung namumuong tensyon sa bago nating grupo, doon natin sa Ground zero tapusin ‘yon.” Hinila na ako ni Matthew palayo sa mga robust at kailan pa siya nagkalakas ng loob na hawakan ako mismo sa kamay? Dati sa pulsuhan lang ah.

“Hoy. Bitawan mo ko, baka gusto mong baliin ko ‘yang kamay mo.” Pagbabanta ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan.

“Bibitawan kita, sa isang kondisyon.”

“Ano ‘yon?”

“Kiss muna?” Sabi niya nang humarap siya sa akin habang nakanguso. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko kaya nasuntok ko siya sa pabirong paraan.

“Asa ka!” Tinawanan siya ng mga kasama niya at ganun din ako. Mukhang bumabalik na siya sa usual self niya. Baka nga ito talaga ang kapalaran ng Dark, ang magkahiwa-hiwalay pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Susubukan pa rin namin nila Rain na ayusin ang grupo nila at ibalik iyon sa dati.

Rain’s POV

Nakakastress, medyo sumasakit na ang utak ko sa mga idiniscuss sa akin noong inferno. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa pangalan ng bagong grupo ni Axel. Ang creepy.

“Beb, ano? Tuloy yung plano?” Tanong ni Ayesha habang nagbibihis. 8:00 p.m na kasi, papunta na kami ng cafeteria at isasagawa iyong mga napagusapan namin ng girls kanina. Mukhang wala na rin siyang magawa kaya hinayaan na niya si Liam sa gusto niya.

“Oo beb.” Sagot ko habang nakatingin sa text ni Thunder sa akin.

“Saan ka na? Namimiss na kita. Nandito ako sa tapat ng girl’s dorm. Baba na kayo ng beb mo. Kasama ko si Squidward.” Hindi ko mapigilang matawa sa na nabasa kaya nilapitan ako ni Ayesha at tinignan kung ano ang dahilan ng pagtawa ko.

“Sinong squidward?” Tanong niya at napahinto ako bigla sa pagtawa. Sasabihin ko ba?

“S-si Liam.” Muli akong tumawa at ngumuso naman siya.

“Grabe ‘yang boyfriend mo beb, ah. Tara na nga!” Aya niya nang hilahin na niya ako palabas ng dorm.

Doon bumungad sa amin si Liam at Thunder. Parang dati, nakasleeveless lang siyang itim at jogging pants. Bakit ang gwapo niya pa rin kahit ang simple simple na lang ng suot niya?

“Bakit naka-shorts ka lang?” Tanong ni Thunder nang lapitan niya ako. Gusto ko sanang isagot na mas sanay akong magshorts kaso mukhang wrong move iyon. “Hayaan mo na nga. Gugulpihin ko na lang ang makita kong titingin sa’yo.”

“Ehem. May kasama kayo baka nakakalimutan niyo.” Pagsingit ni Ayesha at tumawa na lamang ako.

Pagdating namin sa cafeteria ay parang nagmistulang hell’s gate itong buong lugar dahil sa mga gangster na nagkalat sa paligid. Grupo ni Axel, Matthew, Jasper, Jiro at yung tropang sisiw na papalapit sa amin ngayon.

“Mukhang sineseryoso nila yung Deal ah.” Sabi ni Thunder habang nakahawak siya sa kamay ko, naramdaman ko namang humigpit iyon kaya hinatak ko siya para pumila na at kumuha ng dinner.

“Doon tayo maupo sa pwesto ng Dark na pwesto na ngayon ng dark demons.” Sabi niya at naglakad na kami papunta doon. Halos lahat ng atensyon ay nasa amin. Hindi ko naman maiwasan tignan ang pwesto ni Matthew. Nakatingin siya sa akin pero umiwas din, si Axel naman ay ngumiti, si Jasper ay tumango lang at si Jiro ay nakatitig lang.

Napaka-awkward ng atmosphere rito. Mabuti na lang at nagvibrate ang phone ko kaya nawala ang pagiging concious ko sa paligid.

“Rain. We can’t do the set up. Narinig ko kanina, balak ayain ni Jiro si Thunder ng gang fight mamaya.” Halos mabitawan ko ang phone ko nang mabasa ang message ni Zea. Seryoso ba si Jiro dito?! Ano bang problema ng lalaking iyon? Sumusobra at masiyado nang ao.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” Tanong ni Thunder. Napatingin naman siya sa cellphone ko at nang balak ko na sanang itago iyon ay huli na ang lahat. Pagkabasa niya ng text ni Zea ay dali-dali siyang tumayo.

“Thunder. Please.” Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.

“Hoy baluga. Kumakain tayo, kung ano man ‘yang ikinakainit ng ulo mo, mamaya na natin problemahin ‘yan at gutom ako.” Sabi ni Liam kaya napalingon ako sa kanya. Wow. Si Liam ba talaga yung nagsabi noon?

“Hoy squidward, gusto mong baliin ko ‘yang ilong mo? Sino nagsabing pwede mo kong tawaging baluga?” Naupo ulit si Thunder at nakipagtitigan ng masama kay Liam.

“Squidward?” Hindi makapaniwalang tanong ni Liam. Hindi tuloy namin maiwasang matawa ni Ayesha dahil sa sagutan ng dalawa.

“Tch. Tapusin na natin ‘tong pagkain. Nararamdaman kong mapapalaban tayo mamaya.” Sabi ni Jimmy sabay sulyap sa pwesto nila Jiro na hindi naman kalayuan sa pwesto namin. Napatingin ako sa kanila at iyong mga deathglares nila, hindi maganda ang pakiramdam ko roon.

“Rain. Bumalik agad kayo ni Ayesha ng dorm pagtapos kumain. May aasikasuhin lang kami ng grupo.” Sabi ni Thunder habang nakatingin ng masama kay Jiro.

Kahit hindi man niya sabihin kung ano iyon ay alam ko na kung anong mangyayari once na magkatapat ang parehong grupo. Kailan ba sila titigil?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.