34: It getting worse
-
Zea’s POV
Kasalukuyan kong kasama si Amethyst sa mga oras na ito. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali, siguro dahil hindi ko na naabutan sila Rain dito sa cafeteria. Hindi ko na rin makita si Jiro at Thunder.
“Rain. Where are you?” Tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.
“Nandito na ko sa dorm. Pinabalik agad ako ni Thunder, nasaan ka? Kinakabahan kasi ako.”
“Nandito ako sa cafeteria. Hindi ko na makita yung magkapatid, baka nagpapatayan na ‘yon.” Habang kausap ko si Rain ay nahagip ng paningin ko si Mark. Isa iyon sa mga kagrupo ni Jiro, hindi ako pwedeng magkamali. “I’ll call you later. May susundan lang ako.”
Pagkababa ko ng phone ay agad kong binaba hinatak si Amethyst para sundan si Mark. Lumabas kami ng cafeteria at nakita siyang pumasok ng hell’s gate. Almost 9:15 p.m na, ilang minuto na lang at curfew na. Bakit kasi ngayon pa naisip ni Jiro gawin iyong gang fight? At isa pa, ano bang problema niya kay Thunder?
“Hon!” Sigaw ni Marky sa hindi kalayuan. Sabay kaming napalingon ni Amethyst sa kanya at nakitang papalapit ito sa amin. “Saan kayo pupunta?”
“May sinusundan kami ni Zea, mukha kasing may gangfight yung husband niya pati yung boyfriend ni Rain.” Sagot ni Amethyst at nakita ko naman ang naging reaksyon ni Marky. Mukhang balak niyang ipaalam iyon sa kapatid niya.
“Hon, Zea. Bumalik na kayo sa dorm. Delikado dito.”
“No, I can handle myself. Ihatid mo na lang si Amethyst sa dorm.” Sabi ko at tumango lamang si Marky. Pag-alis nilang dalawa ay hindi ako nag alinlangang pumasok sa loob ng hell’s gate at magpunta sa entrance ng lumang function hall.
Maraming gangster sa loob pero nangingibabaw ang dalawang grupo na nasa gitna which is grupo ni Jiro at Thunder. Kailan ba sila magkakasundong dalawa?
Bago tuluyang pumasok sa loob ay naisipan kong tawagan si Rain, kailangan niyang malaman kung ano na ang nangyayari.
“Zea. Anong balita? Nasaan kana? Nasa labas ako ng dorm.” Halata sa boses ni Rain ang pag-aalala kaya naman nagpalingon lingon ako sa paligid.
“Nandito ako sa tapat ng lumang function hall. Nandito sila.”
“What? Saglit lang. Pupunta ako d’yan.” Agad ibinaba ni Rain ang tawag kaya minabuti kong dumito na lang muna sa entrance habang hinihintay siya. Mukha namang hindi na siya aabot dahil sumugod na iyong grupo ni Jiro sa grupo ni Thunder.
“Fuck! Anong gagawin ko?”
“Zea?” Lumingon ako sa tumawag sa akin at doon nakita sina Jasper at Emerald.
“What are you doing here?” Tanong ko.
“May kinuha kaming gamit sa hideout ng dark. Ikaw anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Jasper nang sumilip siya sa loob. Napaatras siya sa nakita at napakamot. “Hindi ba makapaghintay ang dalawang ‘yon? Tss!”
“Anong nang nangyayari?” Tanong ng kararating lang na si Rain, kasama rin niya sina Axel, Matthew at Tymee. Balak ko na sanang sagutin ang tanong niya ngunit sumilip na siya sa loob ng function hall.
“Shit!” Lumingon siya sa ibang miyembro ng dark na narito at sinamaan ito ng tingin. “Kayong tatlo. Tatayo lang ba kayo d’yan? Hindi ba kayo aawat?!”
“Gangfight ‘yan Rain at nasa loob sila ng hell’s gate. What do you expect? Tanga na lang ang kung sino mang pipigil sa kanila.” Sabi ni Jasper at napairap na lamang ako, nakakafrustrate itong nangyayari.
Tinignan ko si Rain at nakita ang balak na pagsigaw nito ngunit mabilis siyang napigilan ni Axel. “Rain. Wag, gusto mo bang mawalan ng focus si Thunder? Mapupuruhan siya pag nagkataon. Think about it.”
Napayuko na lamang si Rain dahil alam niyang may point ang sinabi ni Axel. Miski ako ay hindi na nagugustuhan ang nangyayari. Nakikita ko kung paano magsuntukan ang magkapatid pero wala kaming magawa kung hindi ang manuod.
Bawat galaw nila ay pinagmamasdan ko kaya naman hindi nakatakas sa paningin ko ang ginawang pagpulot ni Jiro sa baseball bat. Napahawak ako sa bibig dahil sa binabalak niya and without even thinkingㅡpumasok na ako loob. Hindi ko hahayaang gawin ni Jiro ang bagay na iyon. He’s too desperate to win this fight, he can’t control himself anymore. Masiyado na siyang kinakain ng pride at galit.
“Jiroㅡ” Hindi pa man ako tapos sa sasabihin ay naramdaman ko na ang pagtama ng baseball bat sa ulo ko and just like that... Everything went blurred. I can’t hear anything.
Rain’s POV
Halos maluha na ako rito sa labas. Wala akong magawa hanggang sa bigla na lang tumakbo si Zea sa loob, agad kaming sumunod para pigilan siya ngunit huli na ang lahat.
Nagawa na niyang humarang sa nangyayaring away at hindi iyon agad nakita ni Jiro. Hindi niya nagawang ihinto ang paghampas ng baseball na sana ay para kay Thunder at nang marealize niya iyon ay nabitawan niya ang hawak niya. Everything went silentㅡEverything went into slow motion, lahat ay nabigla sa pangyayari.
“Zea!” Sigaw ko at dali-daling tumakbo palapit sa kanila. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi ako makapag-isip ng maayos.
“Rainㅡ”
“Ano pang ginagawa niyo? Tumawag kayo ng ambulansya!” Pagputol ko sa sasabihin ni Thunder, kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang kamay kong nabahiran ng dugo mula sa ulo ni Zea.
“Zea.”
“Lumayo ka!” Sigaw ko nang akmang hahawakan ni Jiro si Zea. Tinignan ko siya ng masama kaya naman napaatras ito. “Ano?! Masaya ka na ba? Masaya ka na bang may nasaktan dahil sa kagaguhan mo? Sa kagaguhan niyo?!”
Isa-isa kong tinignan sina Jasper, Matthew, Axel, Jiro at maging si Thunder. Gusto ko silang murahin at sampalin isa-isa para matauhan sila sa katotohanan na walang mangyayaring mabuti sa gangfight na ‘to.
“Rain.” Tawag ni Liam nang lapitan niya ako. Ilang minuto lang ang lumipas ay binuhat niya si Zea. Maraming estudyante ang nabulabog dahil sa pagdating ng ambulansya ngunit hindi ko na iyon pinansin at dali daling sumama sa hospital.
Agad sinugod si Zea sa emergency room nang makarating kami sa pinakamalapit na hospital. Sa sobrang pag-aalala ay napayakap ako kay Tymee. Silang dalawa lang ni Emerald ang kasama ko rito.
“Nakasunod sila Thunder sa’tin kanina. Tumahan ka na, magiging okay si Zea.” Tinapik-tapik niya ang ulo ko at maya-maya lang ay nakita ko nang papalapit sa direksyon namin ang dark. Kumalas ako sa yakap ni Tymee at saka naupo.
“Rain.” Tawag ni Thunder nang lumuhod ito sa harapan ko. Hindi ko siya magawang tignan, nanatili lamang akong nakayuko habang pinagmamasdan ang dugo ni Zea sa mga palad ko.
“Kasalanan mo ‘to eh!” Narinig ko ang pagsigaw ni Axel at umalingawngaw iyon sa buong hallway. Tumingin ako sa direksyon niya at nakitang hawak hawak nito ang damit ni Jiro.
“Pwede ba? Kahit ngayon lang tumigil kayo. May nahospital na ganyan pa rin kayo. Bakit ba kasi hindi na lang kayong lima yung nasa loob ng emergency room?” Inis na sabi ni Emerald at lahat ay natahimik.
Agad akong tumayo at tumungo sa banyo para hugasan ang kamay ko. Habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin ay hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit ni Jiro kay Thunder to the point na wala na siyang pakialam kahit makapatay siya.
Tulala lamang ako habang nag-iisip, hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng banyo si Thunder “Rain.”
Hindi ko siya pinansin at lumabas na, sakto namang pagbalik ko sa tapat ng emergency room ay naroon na ang doctor. “Who’s theㅡ”
“Asawa ako ng pasyente. How is she?” Nagmamadaling tanong ni Jiro nang lapitan niya ang doctor.
“She’s suffering from brain damage, maraming dugo ang nawala sa kanya kaya comatose ngayon ang pasiyente. The injury can be temporary or permanent. Sa ngayon, ang kailangan lang ay mamonitor siya.” Tinapik ng doctor ang balikat ni Jiro at parang nanlumo ito, napasandal siya sa pader habang ako naman ay hindi na napigilang yakapin si Thunder.
“Masiyado tayong stress ngayong gabi. Mabuti pa at magpahinga muna yung iba sa’tin.” Suhestiyon ni Tymee at sumangayon naman ang iba. Minabuti naming bumalik muna sa academy habang sila Jasper at Jiro naman ay naiwan sa hospital para magbantay.
Kinabukasan ay mabilis naging usap usapan ang nangyari kagabi at dahil doon ay balak kausapin ng dean ang grupo ni Jiro at Thunder pero dahil nasa hospital si Jiro ay ipagpapaliban muna iyon.
“Everything’s going to be okay.” Hinawakan ni Ayesha ang kamay ko at ngumiti lamang ako ng tipid, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ipit na ipit na ako sa nangyayari at pati si Zea ay nadamay pa. “Sure ka bang hindi ka papasok ngayong araw?”
“Oo beb. Mamaya pupunta ako ng hospital.” Tumango lamang si Ayesha at nagpaalam nang papasok. Samantalang ako ay nanatili lang sa kwarto habang binabasa ang mga message ni Thunder.
“Where are you? Hindi ka ba papasok?”
“Are you still mad?”
“Ulan, I’m sorry. Please let’s talk.” Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, pinagdadasal na sana ay matapos na ang lahat ng problemang nangyayari.
Ilang oras ang lumipas ay naisipan ko nang magbihis. Matapos mag-ayos ay naglakad ako papunta sa balkonahe para isara ang pinto roon ngunit laking gulat ko na lang nang biglang sumulpot si Thunder.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
“Sorry...” Awtomatikong nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ang malalim niyang boses. Kumalas siya sa pagyakap para mahawakan ako sa balikat. Tinignan niya ako ng diretso sa mata at ganoon din ako. “Are you mad?”
“No. Hindi ko lang gusto yung mga nangyayari.” Sagot ko pero hinalikan niya lang ako sa labi. Hindi iyon nagtagal kaya naman muli naming tinignan ang isa’t-isa.
“Sorry. I know it’s my faultㅡ”
“Don’t blame yourself.” Pagputol ko sa balak niyang sabihin. To be honest, hindi naman talaga ako galit kay Thunder, more like... galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa sa sitwasyon at kung may dapat mang sisihin sa nangyari ay ako ‘yon, ako naman kasi ang puno’t dulo ng lahat. “Sige na, aalis na ko.”
“Where are you going?”
“Sa hospital.”
“Sasama ako.” Hindi ako kumibo sa sinabi niya at Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital. Doon namin naabutan sina Jiro at Jasper na binabantayan pa rin si Zea.
“Kami naman magbabantay. Magpahinga na kayo.” Sabi ko at tumango lang si Jasper, habang si Jiro naman ay agad akong nilapitan. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya. “Wag mo muna akong kausapin, please.”
Lumayo siya ng bahagya at tinuon ang atensyon kay Thunder. “Pupunta dito si uncle at dad mamaya, ikaw nang bahala.”
Nang makalabas na ang dalawa ay dumiretso ako sa tabi ni Zea, hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinaglaruan.
“Sorry Zea. Dahil sa’kin nadamay ka pa. Kung hindi ko hiningi yung tulong mo, eh di sana wala ka dito ngayon.” Hindi ko napigilang maluha habang kausap siya. Marami pa akong gustong sabihin ngunit dumating na ang daddy niya kasama ang daddy nila Jiro’t Thunder.
Agad akong tumayo at nagbigay galang. Kinakabahan ako sa tuwing titignan ako ng daddy ni Thunder.
“May nakapagsabi sa’kin na kayo ang kasama ni Zea bago siya maaksidente. Ano ba talagang nangyari?” Tanong ng dad ni Zea. Napatingin ako kay Thunder dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang nangyari. Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin iyon.
“It’s my fault.” Nanlaki mga mata ko nang sabihin iyon ni Thunder. Hinawakan ko ang damit niya ngunit tinignan niya lang ako na nagsasabing okay lang ang lahat.
“W-what do you mean?” Hindi makapaniwalang tanong ng daddy niya.
“Jiro and I fought last night. He became uncontrolled, alam niyo naman na parang nagbablack out si Jiro everytime na nagagalit siya... Sinubukan niya akong hampasin pero sumulpot si Zea para umawㅡ"
“So meaning. Si Jiro ang may kagagawan nito?” Tanong ng daddy ni Zea at doon pa lang ay naramdaman ko na ang tensyon sa buong kwarto.
“I told you it was my fault. Walang kasalanan si Jiro. Aksindente ‘yon!” Nagtaas ng boses ni Thunder. Hindi ako makapaniwalang inako niya ang kasalanan.
“Gusto kitang makausap. In private.” Sabi ng daddy ni Zea nang lumabas ito ng kwarto. Tinignan ako ni Thunder bago siya sumunod sa labas. Pakiramdam ko ay nanghina ako kaya naman muli akong napaupo at tinignan si Zea. Palala na ng palala ang nangyayari.
“It’s your fault right?” Napatingala ako nang kausapin ako ni Mr. Villaruel. “Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganon si Thunder at Jiro. I know everything. I know what’s happening inside the academy.”
Hindi ako kumibo sa mga sinabi niya dahil alam kong totoo iyon pero ang mga sumunod na sinabi niya ay hindi ko inasahan.
“Stop playing with my sons. Bibigyan kita ng tatlong buwan para makasama si Thunder and after that, I want you to disappear, or else... I’m the one who will make you disappear in this world.”