CHAPTER 48

48: Death

-

Ayesha’s POV

12 midnight na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako dahil hindi talaga ako mapakali sa mga oras na ito. Kinuha ko ang phone sa ilalim ng unan ko ngunut bigla akong naluha nang makitang napigtas ang friendship bracelet namin ni Rain.

Napaupo ako sa kama at agad siyang tinawagan. Pakiramdam ko ay may masamang nangyari, pero wag naman sana. Napakagat ako sa kuko nang hindi niya sagutin ang tawag kaya naman si Thunder ang sinibukan kong kontakin.

“Hello? Thunder? Nasa Academy ka ba ngayon? Si Rain? Okay lang ba si Rain?”

“Hindi ko alam, baka tulog na.” Sabi ito ng walang kaemo-emosyon bago biglang ibinaba ang tawag. Bakit gano’n ang boses niya? Don’t tell me nag-away na naman sila?

Napailing ako at napaisip, babalik naman na ako sa Academy bukas, baka nagmumukmok lang si Rain ngayon dahil sa pag-aaway nila ni Thunder. Pinulot ko na lamang ang bracelet na nasa sahig at saka sinubukang ayusin ‘yung tali.

“Nak, Ayesha. Nandito na si pogi sa baba!” Sigaw ni Mom kaya nagmadali na rin akong bumaba.

“Liam, bakit ang aga mo?” Tanong ko nang makita siya sa sala.

“Excited lang, hehe. Tara na?” Aya niya nang hawakan niya ang kamay ko. Tumango ako ng tipid bago magpaalam kay mommy at saka nagmadaling umalis.

“Kamusta si Beb? Nag-away ba sila ni Thunder?” Tanong ko habang nasa byahe kaming dalawa papunta ng Monstrous.

“Ha? Ewan ko sa dalawang ‘yon, hindi ko sila nakita kahapon, eh.” Sabi niya kaya tumango na lang ako. Pagdating naman namin sa Academy ay agad akong dumiretso sa kwarto pero pagpasok ko roon ay wala si Rain.

Inisip ko na lang na baka maaga siyang pumasok kaya mas pinili kong pumunta na rin sa klase, ngunit pagdating doon ay kakaibang tingin ang ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko, ang iba pa sa kanila ay nagbubulungan na tila ba mayroon na namang balita ang kumalat sa buong Academy.

“Oy, Jin. Anong meron?” Tanong ko nang tapikin ko siya.

“Kami na ni Pink.” Nakangiting sabi niya kaya napairap ako, hindi naman iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya.

“Well congrats pero seryoso ano ngang meron?”

“Hindi ko alam, eh. Baka ‘yung balitang nakalagay doon sa bulletin. Hindi ko pa rin kasi nababasa, ang dami kasing tao do’n kanina.” Sagot niya kaya naman hinatak ko siya palabas kung saan nakasalubong namin si Liam at ang iba pang dark demons.

“Saan kayo pupunta?” Tanong ko nang bitawan ko si Jin.

“Sa bulletin, may nagkakalat kasi ng rumors about kay Rain. Gusto namin makumpirma kung totoo.” Sagot ni Jp kaya sabay-sabay kaming nagpunta sa pinakamalapit na bulletin, hinawi ko ang lahat ng mga nakaharang doon at napaupo na lamang nang makita ang litratong nakakabit sa bulletin.

“Keen’s ex leader Rain Celvero, raped and killed by unknown criminals?”

Iyon ang nakasulat sa bulletin habang nakakabit ang litrato ni Rain na duguan. Agad akong nilapitan ni Liam para itayo at iyak lamang ako ng iyak. Imposible. How did this happened? Panaginip ba ito?! Agad kong kinuhaan ng picture ang nakapost sa bulletin para maipakita iyon kay Thunder. Kailangan niyang makita ‘to.

“Si Thunder? Nasaan? Alam niya na ba ‘to? Bakit hinayaan niyang mangyari ‘to kay Rain?” Tanong ko habang mahigpit kong hawak ang damit ni Liam. Sinubukan niya akong pakalmahin ngunit hindi siya nagtagumpay, at kahit nanghihina ang buong katawan ay mabilis akong nakatakbo para hanapin si Thunder.

Habang nililibot ko ang buong campus ay nakita ko sina Jiro at Zea, mabilis akong tumakbo papunta sa kanila.

“Si Thunder? Nasaan?!” Tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko na parang gripo.

“Why are you crying? May nangyari ba?” Nag-aalalang tanong ni Zea nang hawakan niya ang balikat ko kaya naman agad kong ipinakita sa kanya iyong picture.

“Wait. No.” Halos mapaatras si Jiro at agad itong napatakbo kaya sinundan namin siya ni Zea. Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit sa boy’s dorm pero pagdating namin sa kwarto niya ay mabilis niyang kinwelyuhan si Thunder na nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame.

“Teka, Jiro. Huminahon ka nga!” Suway ni Zea nang sinubukan niyang ilayo ang asawa.

“Alam mo na ‘yung nangyari kay Rain ‘di ba?! Anong nangyari?!” Sigaw ni Jiro ngunit nakayuko lang si Thunder hanggang sa dahan-dahang siyang umiyak.

“It’s my fault.” Sabi niya at napansin kong hawak niya ang necklace na ibinigay niya kay Rain noon, hindi ako pwedeng magkamali.

“Si Jasper ba?!” Tanong ni Jiro kaya agad akong napalingon. Paanong nasangkot si Jasper dito?

“Hindi. Ako, ako ang may kasalanan. B-binigay ko siya kay Yb.” Kusa akong napahawak sa bibig nang suntukin ni Jiro si Thunder. Napaatras pa ako dahil hindi ako makapaniwalang sasabihin at gagawin iyon ni Thunder kay Rain.. Kung mananatili pa ako rito ay baka bumigay na ako kaya naman mabilis akong lumabas ng kwarto at agad pinuntahan si Liam. Sinalubong niya ako ng yakap ngunit kumalas din kami nang bigla kaming lapitan nila Matthew kasama sila Axel at Jasper.

“Totoo yung balita?” Hindi makapaniwalang tanong ni Axel, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Napaluhod pa ito sa sahig.

“Kasalanan ko ‘to.” Dagdag niya pa at mas lalo lang akong naguluhan. Ano na bang na nangyayari?

“S-sabi ni Thunder. B-binigay niya si Rain sa dating keen’s leader. Paanong kasalanan mo rin?” Kahit nahihirapang magsalita dahil sa kakaiyak ay nagawa ko pa rin iyong sabihin.

Lahat sila ay napatingin sa akin na tila ba nakakita sila ng isang multo, si Axel naman ay biglang napatayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Si Thunder?! Seryoso ka ba?!” Dahan-dahan akong tumango at laking gulat ko na lang nang makita siyang umiyak sa mismong harapan ko. Marahas pa siyang lumunok bago ako titigan ng diretso sa mga mata.

“Ayesha, Sorry... Yung mga nagpapadala ng sulat kay Rain, kami ‘yon at yung sumaksak sa’yo, s-si Amanda ang may gawa no’n.... Pero itong kay Rain, wala kaming kinalaman ditㅡ” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang sinuntok ni Liam. Mabuti na lang at mabilis siyang napigilan ni Matthew dahil kung hindi, malamang ay mapupuruhan si Axel.

“Liam! Umamin na sila sa kasalanan nila sa’kin! Hindi na ‘yon mahalaga! Si Rain, kailangan natin malaman kung totoo ba ‘yung balita! Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Thunder ‘yon.”

Isang linggo ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Rain kaya unti-unti na akong naniniwala na baka nga wala na siya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa buong Monstrous ang nangyari kay Rain.

Nalaman ko na rin ang lahat ng dahilan nila Amanda, pero si Thunder... Hindi na siya nagpakita sa amin mula noon.

“Ayesha.” Tawag ni Liam mula sa ibaba. Sumilip ako sa balkonahe at doon ko nakita sila Pink kasama si Jin at ang ibang miyembro ng gang.

“Bakit?” Walang gana kong tanong.

“Lagi mo na lang ba ikukulong ang sarili mo d’yan pagtapos ng klase? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Rain na makita kang nagkakaganyan?” Tanong ni Liam, dahilan para mapaisip ako bigla. Kinuha ko ang jacket ko at saka bumaba kung saan sila nandoon.

Tama si Liam, hindi gugustuhin ni Rain na makitang nagkakaganito ako. Hindi ko alam kung nasaan talaga siya sa mga oras na ito pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Alam kong buhay ang kaibigan ko.

Thunder’s POV

“Anak, pwede mo ba akong samahan bumili ng damit?” Tanong ni Papa nang umakyat ito sa kwarto ko.

“Bukas na lang Pa, masama pakiramdam ko.” Sabi ko habang nakatitig sa picture naming dalawa ni Rain.

“Nak, Thunder. Hindi ka ba masaya na nakalaya na ako sa mga taong ‘yon?” Tanong ni Papa, dahilan para bumangon ako at humarap sa kanya.

“Hindi ko lang maintindihan Pa kung bakit kailangan mangyari ‘to.” Kusang pumatak ang luha ko nang maalala ang ginawa ko. Nagsisisi ako sa desisyon kong iyon pero kinailangan kong mamili. Mahal na mahal ko si Rain pero gustong-gusto ko ring makasama ang tunay kong tatay.

[Flashback]

Nasasaktan ako dahil sa ginawa kong pakikipagbreak kay Rain. Hindi talaga ako nag-iisip, minabuti kong wag nang pumasok at nag-stay na lang sa hideout hanggang sa may biglang tumawag na unknown number sa akin.

“Sino ‘to?”

“Nak, Thunder. Si Papa ‘to.” Kumunot ang noo at tila kinabahan.

“Papa? Nasaan ka?”

“Natanggap mo ba ‘yung email ko sayo noon? Pasensya kung hindi kita nasipot, may mga kumuㅡ” Hindi naituloy ni Papa ang sasabihin dahil may umagaw sa kanya ng cellphone.

“Cross. Kamusta naman ang pakialamerong tulad mo?” Sabi ng pamilyar na boses at alam kong si leader Yb ‘yon. Naiyukom ko na lamang ang kamao ko sa galit. “Sorry for kidnapping your biological father. Do you want to trade with me?”

“Fuck! Wag mong sasaktan si Papa! Ano bang kailangan mo?!”

“Si Rain, kapalit ng tatay mo.” Napangisi ako at napahigpit ng hawak sa cellphone.

“Pwede ba, tigilan mo na si Rain hayop ka!”

“I’ll give you some time. Kapag hindi mo naibigay si Rain sa’kin. I’ll surely kill your Dad.”

Napaupo na lamang ako sa kama dahil sa naging usapan namin. Kaya pala hindi ko nakita si Papa noon sa east district nang puntahan ko siya dahil dinukot siya ng walangyang Yb na iyon!

[End]

“Nak, everything happens for a reason. Alam kong nahirapan ka magdesisyon.” Tinapik ni Papa ang likuran ko at tanging pagtitig na lamang sa necklace ni Rain ang nagawa ko.

Sinubukan ko syang balikan noong gabing iyon pero pagdating ko sa lumang bahay ay wala nang tao. Napaluhod na lang din ako noon nang makita ang binigay kong necklace kay Rain na puno ng dugo.

Hindi rin ako naniniwalang patay na si Rain, pero kung sakaling totoo man iyon, habang buhay kong pagsisisihan ang ginawa ko. Alam ng diyos kung gaano ko kamahal si Rain kaya gagawin ko lahat para mapatay ang Yb na iyon... Ngayon pa lang ay mag-iisip na ako ng plano kung paano makakaganti sa lahat ng kahayupang ginawa niya.

Rain, sorry. Mahal na mahal kita.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.