CHAPTER 47

47: Who's the real enemy?

-

Ramdam ko ang sakit ng ulo ngunit pinilit ko pa ring iminulat ang mga mata ko at hindi inaasahan na si Thunder ang bubungad sa akin na ngayon ay duguan.

"R-rain. Kaya mo tumayo?" Tanong niya sa akin at dahan-dahan akong tumango. Nilibot ko ang paningin ko apat na sulok ng kwarto at nakitang nakabulagta sila Axel at Jasper sa sahig.

"Let's go." Aya niya kaya naman pinilit kong tumayo at inalalayan si Thunder palabas ng keen's lab. Kahit na bugbog na ang katawan niya ay mayroon pa rin siyang sapat na lakas para makatakbo.

"Saan na tayo pupunta? Ano nang gagawin natin?" Tanong ko at hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami ng hideout. May kinuha siyang susi roon at lumabas din agad kami para dumiretso sa parking lot. Agad niya akong sinuotan ng helmet pagdating sa tapat ng motor niya kaya naman medyo kinabahan ako.

"Thunder. Kaya mo ba? Gamutin muna natin 'yang sugat mo."

"Okay lang ako. Kailangan nating makalayo rito." Sabi niya at saka sumakay sa motor. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang umangkas sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko ngunit nawala din iyon nang makalabas kami ng Academy.

Akala ko ay okay na ang lahat, akala ko ay makakatakas kami pero hindi iyon magiging ganoon kadali.

"Thunder!" Sigaw ko nang makitang babanggain kami ng kotseng nasa likuran namin. Mabilis nakaiwas si Thunder pero bumangga kami sa isa sa mga puno kaya naman tumalsik kami sa madamong bahagi ng daan. Patayo na sana ako ngunit naramdaman ko na lang na mayroong tumusok sa leeg ko, dahilan para manghina ang buong katawan ko at mawalan ng malay. Damn it! Why again?

"Hoy gising! Gising sabi, eh!" Naramdaman ko na may taong nagsaboy sa akin ng tubig kaya naman napadilat ako ng wala sa oras. Doon bumungad sa akin ang tatlong traydor sa buhay ko at gaya ng inaasahan, nakatali na naman kami ni Thunder but this time? Nasa isang lumang bodega na kami.

"Thunder?" Tawag ko dahil wala pa rin siyang malay.

"May bibilhin lang ako sa labas. Bantayan niyo sila." Paalam ni Amanda nang ilapag niya iyong timba na ginamit niya para buhusan ako ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko bago tignan ang mga kaibigan.

"Jasper. Axel. Bakit niyo ba 'to ginagawa?" Naiiyak kong tanong. "Kasabwat niyo rin ba si Emerald?"

"Walang kinalaman si Emerald dito, wala siyang alam." Walang emosyong sagot ni Jasper nang lapitan ako ni Axel.

"Hindi namin gustong gawin 'to, pero kailangan." Mahinahon ang naging boses ni Axel kaya naman napairap ako, magaling siyang magpanggap kaya hindi dapat ako basta-basta naniniwala sa mga ipinapakita niyang emosyon.

"Bakit?! Sabihin niyo sa'kin yung dahilan, hindi ko kasi maintindihan, eh! Ano bang nagawa ko sa inyo?"

"Hawak ng dating keen's leader ang buhay ni Amanda... Noong araw pa lang ng pagbalik niya rito sa Pilipinas ay nakuha na siya ng mga tauhan ni leader Yb." Kwento niya, dahilan para magsalubong ang mga kilay ko.

"Paano? Nakakulong siya... Sila ni Ms. De Vera."

"You don't know anything, Rain. May isang grupo ng sindikato ang katransaksyon ni leader Yb, nag eeksperimento siya ng gamot o drugs at saka niya 'yon ibinebenta sa Red organization... Kaya kahit nakakulong siya, kaya niyang kumilos dahil sa tulong ng sindikatong 'yon.."

"..Alam mo naman na siguro na may relasyon kami ni Amanda. Bago pa siya pumunta ng Amerika, may relasyon na kami, kaya ng malaman kong hawak ng keen's leader ang buhay niya, wala akong nagawa kung hindi ang tulungan siya sa planong kidnappin ka para maisagawa yung eksperimentong matagal na nilang sinusubukang gawin.."

"..Kailangan ko siyang tulungan kung hindi buhay niya ang kapalit at siya na naman ang magiging human subject. Hiningi ko rin ang tulong ni Jasper para dito. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero binantaan na rin siya ng keen's leader." Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba ang lahat ng lumalabas sa bibig ni Axel pero kung iisiping mabuti, lahat iyon ay magkakakonekta.

"..Kung mapapansin mo, may tahi sa braso si Amanda. May microchip kasi sa loob ng katawan niya at namomonitor ng red organization ang bawat galaw niya, kaya kahit anong takas ang gawin niya.. Malalaman at malalaman pa rin ni Yb at ng red organization 'yon.." Hinawakan niya ang balikat ko kaya naman tinignan ko siya ng matiim.

"..Ayaw din naman 'tong gawin ni Amanda. I mean, kung gusto niya talagang saktan ang mga mahal mo sa buhay, malamang patay na si Ayesha ngayon. Sinadya niyang hindi laliman ang pagsaksak kay Ayesha noong gabing iyon dahil hindi niya maatim pumatay ng tao.."

Balak ko na sanang magsalita ngunit agad siyang tumayo nang marinig na parating si Amanda. Napayuko na lamang ako at nag-isip ng maayos na plano kung paanong makakatakas sa sitwasyon na mayroon kami ni Thunder.

At kung totoo nga talaga ang mga sinabi ni Axel, ibig sabihi ay inosente silang tatlo. Ugh! Hindi ba talaga ako titigilan ni leader Yb? Pati mga kaibigan ko ay gagamitin niya para lang makuha ako.

"Oh kumain ka na. Magigising na rin 'yan si Thunder in one minute." Sabi ni Amanda nang ilapag niya ang styro na mayroong lamang pagkain, dahil doon ay nakita ko ang sinasabing tahi ni Axel.

"Paano ako kakain? Nakatali ang mga kamay ko. Kalagaan niyo na ako, hindi ako tatakas." Agad naman akong kinalagan ni Jasper nang hindi nag-iisip. Maya-maya lang ay nagising na nga si Thunder kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Thunder. Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong na sinagot naman niya ng ngiti.

"Mahal na mahal kita, ulan ko." Nanghihina niyang sabi kaya naman hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda ngayong araw.

"Mahal na mahal din kita kulog, makakatakas tayo dito. Wag kang bibigay, ah? Please." Marahan siyang tumango pero inilayo ako ni Axel sa kanya. Doon ko na naisipang gawin ang planong nabuo sa isipan ko kanina. Mabilis kong kinuha ang tinidor sa styro at buong lakas iyong itinusok sa braso ni Amanda kung saan nakalagay iyong microchip.

Napaluhod siya sa ginawa kong iyon at agad siyang nilapitan nila Jasper at Axel. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kalagan si Thunder.

"Hindi na siya mamomonitor ni Yb ngayon. Please. Hayaan niyo na kami." Makaawa ko at hindi sila kumibo, tinignan lang nila ako kaya mabilis kong hinatak si Thunder palabas ng bodega at binuksan ang kotseng gamit ni Amanda.

"Naiwan yung susi dito. Bilis, sakay!" Utos ni Thunder na dali-dali ko namang sinunod. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at doon ko lang napansin na madilim na ang paligid. Bago tuluyang makalayo ang sasakyan ay lumingon ako sa bodega. Sure akong sira na ang microchip kaya hindi na nila mamomonitor ang galaw ni Amanda.

Sana lang ay walang plan B si Yb but knowing him? Malamang ay marami siyang nakalatag na plano para makuha ako.

"Thunder, saan na tayo pupunta? Sa hospital.... Kailangan magamot ang mga sugat mo."

"Okay lang ako, mas kailangan nating makalayo." Sabi niya at tumango na lamang ako. Tumingin ulit ako sa likuran dahil baka nakasunod pa sila pero walang ibang sasakyan ang narito sa daan maliban sa gamit namin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubukan ko ring tawagan sila Liam pero ang sabi ni Thunder ay wag na dahil baka madamay pa sila rito kung hihingi ako ng tulong.

"Ano nang balak mo? Saan tayo tutuloy?" Tanong ko.

"May alam akong lugar. Hindi nila tayo makikita do'n." Sagot niya nang hawakan niya ang kamay ko.

Maya-maya lang ay napatingin ako sa paligid. Walang kailaw ilaw sa lugar na 'to, walang establishimento, puro matataas na damo at malalaking puno na lang ang makikita.

"May secret hideout ako rito. Hindi nila tayo masusundan, don't worry." Paninigurado ni Thunder nang mapansin niya ang pagtingin ko sa paligid at sa hindi kalayuan naman ay may natatanaw akong isang bahay.

Pagbaba namin sa kotse ay agad kong inalalayan si Thunder papasok sa loob. Maraming alikabok at natatakpan ng mga puting tela ang iilang gamit.

"Let's stay here." Binuksan ni Thunder ang switch ng ilaw bago tinanggal ang telang nakataklob sa sofa. Naupo siya roon at gano'n din ako.

"May first aid ka ba rito?" Tanong ko at mabilis naman niyang itinuro iyong cabinet kaya nagpunta ako roon para hanapin yung first aid kit. Mukhang okay pa naman gamitin kaya naupo ulit ako at inumpisahang linisin ang mga sugat niya.

Nang matapos kong ilagay ang band aid sa bandang noo niya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Kahit anong mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita, ah?" Sabi niya at hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan niya ako sa labi. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang paghawak sa baywang ko. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya akong bitawan kaya naman hinalikan ko na siya pabalik at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya.

Ilang segundo at kumalas kami, panandalian naming pinagdikit ang mga noo namin bago siya magsalita.

"Magpahinga ka na, ah? Babantayan kita." Ihiniga niya ako sa sofa bago ako titigan. Ngumiti ako ng tipid at ipinikit na ang mga mata ko, naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa pisngi ko.

"Wag mo ko masyadong titigan. Magkikita pa tayo bukas." Nakangiti kong saad habang nakapikit pa rin at kahit hindi ko idilat ang mga mata ko ay alam kong nakangisi siya sa mga oras na ito.

"Sleep well." Bulong niya at saka ako marahang hinalikan sa noo.

"Thunder?" Tawag ko nang magising ako. Tinignan ko rin ang orasan ko at nakitang 12:00 a.m na. Dahan-dahan akong bumangon para malibot ang paningin sa apat na sulok ng bahay na ito pero hindi ko siya makita.

Tumayo ako para lumabas ngunit kusa akong napaatras nang makita roon si leader Yb kasama ang ilang kalalakihan sa likuran niya.

"Thunder!" Sigaw ko dahil sa takot na nararamdaman. Paano nila kami natunton dito? At isa pa, nakawala na siya sa kulungan? Paano?!

"I told you, we're not yet done." Naiiling na sabi nito at nagsitayuan na lang ang mga balahibo ko sa katawan. Mabilis akong nahablot ng dalawang lalaki at sapilitang hinatak palabas ng bahay.

Malakas na kulog ang pumaalinlang sa madilim na paligid habang dahan dahang pumapatak ang tubig mula sa itaas.

"Bitawan niyo ko! Si Thunder? Nasaan si Thunder? Wag niyo siyang sasaktan, please!" Makaawa ko habang pilit nila akong hinihila patugo sa sasakyan.

"Of course, we can't hurt the person who brought us here." Makahulugang sabi ni leader Yb, dahilan para tila magyelo ang buo kong katawan.

Awtomatiko naman akong napatingin sa gilid at nakitang nakatitig lang sa akin si Thunder. Unti-unting nagsink in sa utak ko ang nangyayari kasabay nang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Umalis ka na." Utos ni Yb at bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot ng puso ko nang makita ko kung paanong tumalikod si Thunder.

"Thunder! Tulungan mo ko, please. Thunder!" Makaawa ko ngunit tuluyan na akong naluha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at kulog. Ang sakit makitang ganoon lang ako tinalikuran ni Thunder na para bang wala siyang nakikita o naririnig man lang.

"Thunder!" Sigaw ko habang pilit lumalapit sa kotse ni Amanda pero tuluyan akong napaluhod nang makita siyang umalis...

Kasama siya sa mga kasabwat?

"Ipasok niyo na 'yan sa loob." Utos ni Yb at sapilitan nila akong binalik sa loob ng bahay. Hinayaan ko sila at hindi nagpumiglas dahil talagang nanghina ang buo kong katawan dahil sa nangyari.

Hindi ako makapaniwala, sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.

"Play with her first before doing the experiment. Masyado siyang pasakit sa plano ko. Kailangan 'yang maturuan ng leksyon." Wala na akong pakialam sa sinasabi niya. Ihiniga nila ako sa sofa kahit na pilit akong lumalaban pero sinuntok ako ng isang lalaki sa sikmura at mukha kaya nanghina ako.

Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko nang punitin nila ang damit ko. Bakit Thunder? Bakit sa lahat ng mahal ko, ikaw pa ang gagawa nito? Bakit ikaw pa ang maglululong sa akin sa mga demonyong 'to? Bullshit!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.