CHAPTER 50

50: Dark is Back

-

Ayesha’s POV

Dalawang taon ang lumipas, maraming nagbago, maraming nangyari at marami nang nakalimot kay Rain. It’s been years but stillㅡumaasa pa rin ako na isang araw, babalik siya.

4th year na kami at ngayong araw gaganapin ang woman’s baseball finals. Dito sa Monstrous gaganapin ang laban kaya todo suporta ang boyfriend ko at Dark demons.

“Ayesha! Goodluck.” Bati nila Emerald at Jasper sa akin.

“Salamat.” Nginitian ko sila at maya-maya lang ay nilapitan ako ni Liam. Iyong plano nilang pagpapatumba kay Yb? Hindi na natuloy dahil nagpunta ng ibang bansa ang demonyong iyon para tumakas. Napakawalang kwenta naman kasi ng hustisya sa lugar na ito, hinayaan nilang makalabas ng bansa ang kriminal na iyon.

Yung sa Ground zero naman, obvious na panalo sila Thunder sa laban, and yes. Dark is Back but still, buo pa rin ang dark demons. Not as a gang but as group of friends.

“Tara na?” Aya ni Liam at tumango lang ako. Pagdating namin sa field ay agad siyang naupo kung nasaan sila Thunder habang ako naman ay pumwesto na sa mga teammate ko para mag-warm up.

Mahirap man pero napatawad ko na rin si Thunder, hindi ko gaanong naintindihan ang rason niya pero kahit sino naman sigurong nasa sitwasyon niya ay mahihirapan ding magdesisyon.

Maya-maya lang ay tinawag na ang team namin kaya lumapit na ako kay Liam para ibigay ang gamit ko. Aalis na sana ako pero may isang tao ang nakakuha ng atensyon ko. Nakapwesto ito sa malayong bahagi ng field at nakasuot ng itim na hoodie.

“Ayesha. Uy, Babe. Mag-uumpisa na.” Napatingin ako kay Liam at bahagyang ngumiti. Binalik ko ang atensyon doon sa naka-hoodie pero wala na siya. Nagtataka man ay mas pinili kong mag-focus na lang sa laro. Sino naman kaya ang taong iyon? Si Yb kaya? Wag naman sana.

“Wooo let’s celebrate!” Nakangiting sabi ni Jp pagtapos ng laro. Yes, we won at bilang bayad sa pagsuporta nila sa akin, nag-aya ako sa bahay para mag-celebrate.

Kasama ko ang buong dark demons at si Pink. Isinama na rin namin ang ibang miyembro ng dark at ang mga girlfriend nila.

“Hi, Ayesha. C-congrats.” Nahihiya pang bati sa akin ni Amanda. Tinapik ko ang balikat nito at nagpasalamat, hanggang ngayon nahihiya pa rin siya sa akin. “Tulungan na kita.”

“Sige.” Nakangiting sabi ko habang inaayos ang mga pagkain. Wala si mommy ngayon sa bahay kaya ako lang ang nag-aasikaso rito sa kusina. Mabuti na lang at tinulungan ako ng mga girls.

“Ang kakapal ng mukha ng mga lalaking ‘yon, hindi man lang tayo tulungan dito.” Reklamo ni Tymee habang marahas niyang hinahalo ang juice sa pot.

“Aanghangan ko nga ‘tong sisig para mag-apoy ang mga dila nila.” Nanggigigil na sambit ni Zea habang nagluluto ng sisig. Hindi tuloy maiwasang matawa ang lahat dahil doon, mas masaya sana kung nandito si Rain ngayon. Tutal, siya naman ang dahilan kung bakit nakilala ko ang mga kaibigan ko ngayon.

Thunder’s POV

Miss na miss ko na si Rain, hindi ako nawawalan ng pag-asa na buhay pa siya. Masaya ako na buo na ulit ang Dark, pero at the same time naiinis ako dahil sa ginawang pagtakas ni Yb. Sa ngayon, maayos na ang lahat. Lahat kami ay nagkapatawaran na at nananatiling magkakaibigan.

“Kayo maghugas ng mga pinggan, ah. Kakapal niyo!” Reklamo ni Emerald nang ilapag nito ang pasta at pizza sa lamesang nasa harapan namin.

“Woooo. Anong hugas hugas? Hindi uso samin ‘yon.” Pang-aasar ni Jp nang akma siyang kukuha ng pizza pero dahil sa maldita si Emerald, hindi pan man siya nakakahawak sa pizza ay namamaga na ang kamay niya dahil sa pagpalo nito.

“Tabasin ko kaya ‘yang baba mo?” Bahagya kaming natawa dahil sa biglang banat ni Suga.

“Ano? Pasalamat ka takot ako sa gilagid mo, tch!”

“Tumigil na nga kayo, dapat kasi tinutulungan sila ng mga boyfriend nila, eh. Special guest tayo rito kayaㅡ” Hindi na naituloy ni Ramon ang mga sasabihin niya dahil sa death glares na natanggap niya galing sa ibang miyembro ng Dark. Tanging pagtawa na lang ng malakas ang nagawa ni Jimmy at Jin.

Habang ako, napailing na lang. Minsan nagtataka ako kung bakit ko sila kinaibigan pero kung hindi dahil sa kanila baka hanggang ngayon ay depress pa rin ako dahil sa nangyari.

Isa sila sa dahilan kung bakit hindi ako napariwara, tinulungan nila akong bumangon and I’m thankful that I have them.

“Bukas na ‘yung finals ng ground zero. Sino sa tingin nyo makakalaban natin?” Tanong ni Jiro at agad akong napaisip. Nakalimutan kong kami nga pa lang lima ang lalaban sa finals ng ground zero ngayong taon.

“Wala akong idea pero sure akong malakas din ‘yon.” Si Jasper ang sumagot at panandalian kaming natahimik dahil sa biglaang pagluhod ni Matthew sa harap ni Tymee.

“Anong arte ‘yan? Tumayo ka nga!” Reklamo ni Tymee pero lahat kami ay nanlaki ang mga mata nang maglabas ng singsing si Matthew. Don’t tell me, magp-propose na siya kahit na hindi pa sila magkarelasyon?

“Sabi mo ibibigay mo sa’kin ‘yung sagot mo kapag 4th year na tayo kaya ito ako ngayon, tatanungin ulit kita. P-pwede na ba kitang maging girlfriend?” Tanong ni Matthew at parang may dumaan na anghel dahil sobrang tahimik. Lahat kami ay nag-aabang ng sagot, sa lahat ng miyembro ng Dark ay siya at ako lang ang single.

Wala rin naman akong balak maghanap pa ng iba dahil umaasa pa rin ako na buhay si Rain.

“Matthew, sorry.” Halata sa mukha ni Matt ang pagkadismiya nang sabihin iyon ni Tymee. Tumayo naman siyang nakayuko at paalis na sana ngunit nagsalita pa ulit si Tymee. “Sorry kung pinaghintay kita ng matagal. Payag na kong maging girlfriend mo kaya wag ka nang maarte at isuot mo na ‘yang promise ring sa’kin.”

Mabilis na bumalik si Mattew sa harapan ni Tymee at mahigpit itong niyakap bago isuot ang singsing sa kanya. Napangiti na lang ako sa natutunghayan kong ito, mas lalo ko tuloy nam-miss si Rain.

“Yie! Double celebration!” Sigaw ni Axel at lahat kami ay walang mapaglagyan ang saya. Masaya kaming lahat para sa kanila.

Ilang minuto lang at inumpisahan na namin ang double celebration. Medyo naiinis man ako dahil puro couple ang kasama ko, okay na rin dahil hindi lang naman ako ang nag-iisang single dito.

“Cheers sa mga walang ka-forever na tulad ko!” Sigaw ko at sabay-sabay naming pinagdikit ang mga baso namin nila Jp, Jimmy, Suga at Ramon.

Napuno ng tawanan ang bahay nila Ayesha at napangiti ulit ako pero hindi pa rin nawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Panigurado kung nandito si Rain, puro pagtawa lang ang gagawin niya. Sa aming lahat, siya ang may pinakagustong mabuo ulit ang dark.

At ngayong buo na ulit kami. Siya naman ngayo ang wala, and I know that it’s my faultㅡkasalanan ko kung bakit hindi namin siya kasama ngayon.

“Thunder. Hindi ‘to oras para umiyak.” Tinapik ni Jiro ang balikat ko at doon lang na-realize na tumutulo na pala ang luha ko.

“Okay lang ako. Cheers para sa new couple at sa pagkapanalo ni Ayesha!” Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at inangat ang hawak na baso. Kailangan kong magpakatatag.

Kinabukasan. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng ulo ko, damn it! Naparami yata ako ng inom kahapon. Marahan kong minulat ang mga mata at mukha ni Jiro ang bumungad sa akin.

“Bangon na. May laban pa tayo mamaya. Tss, ang lakas mong uminom tapos hindi mo naman pala kaya.” Naiiling na sabi niya kaya naman bumangon na ako. Sabado nga pala ngayon. Balak ko na sanang tumayo ngunit inabutan ako ni Jiro ng gamot at tubig. “Oh inumin mo para mawala sakit ng ulo mo.”

“Salamat.” Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto. Napangiti ako ng tipid at hindi maiwasang mapabuntong hininga. Masaya akong magkaayos na ulit kami ni Jiro, kahit na hindi kami magkadugoㅡtinuturing ko pa rin siyang tunay na kapatid.

Maraming beses kaming nagkasagutan at nagkasakitan, pero sa bandang huli mas nangibabaw pa rin sa amin ang pagiging magkapatid.

Nang matapos sa pag-aasikaso ay agad akong bumaba para puntahan sila Jasper. Manunuod kasi ang mga dati niyang grupo at ganoon din ang Crowned kings, Inferno, D’ Monsters, at Dark demons.

Lahat sila ay nasa parking lot na, halos matawa pa ako dahil sobrang dami nila. Dahil doon ay napagdesisyunan kong mag-motor na lang, samantalang sila naman ay kanya-kanya na ng diskarte kung kanino sasabay.

Malapit na ako sa venue at todo harurot sa pagmamaneho ngunit napahinto ako ng wala sa oras nang biglang tumawid ang isang babae sa daan.

“Hoy! Magpapakamatay ka ba?!” Sigaw ko at napansin kong siya iyong babae sa convenience store. Madalas ko siyang makita tuwing may laban dahil lagi akong dumidiretso sa convenience para bumili ng beer.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at nagpatuloy sa pagtakbo na para bang walang nangyari. Napangisi na lang ako at nagpatuloy hanggang sa makarating na ako sa loob ng underground.

Marami nang tao sa loob at maraming bago sa akin ang itsura, habang patagal ng patagal ay lalong sumisikat ang ground zero.

“Thunder! Dito. Ba’t nahuli ka? Naka-motor ka na, ikaw pa huling dumating.” Giit ni Axel nang hatakin niya ako papunta sa locker kung saan kami maghahanda.

“Gano’n talaga kapag gwapo. Tekaㅡkilala niyo na kung sino makakalaban natin?” Tanong ko dahil hanggang ngayon, wala pa rin kaming ideya kung anong grupo at taga saan ang makakalaban namin.

“Hindi pa. 20 minutes na lang mag-uumpisa na ‘yung laban. Maghanda na tayo.” Aya niya kaya tumango lang ako at nagpalit ng damit. Medyo masakit pa ang ulo ko, sana makalaban ako ng maayos.

“Today’s finals is a history. West district Vs. East district. Are you guys ready?!” Sigaw ng announcer mula sa labas kaya pansamatala kaming nahinto sa mga ginagawa namin.

“East district? Taga east district makakalaban natin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Matthew habang inaalis nito ang mga singsing sa daliri niya. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagbibihis.

“Madedelay lang tayo ng kaunti. Wala pa kasi ang mga taga east district.” Dagdag ng announcer kaya napangisi ako, gano’n din ang mga kagrupo ko na tapos na sa pag-aayos at nakatayo na para lumabas.

“What are they? Vip?” Tanong ni Jasper habang naglalakad kami papunta sa ring. Sumampa na kami roon at naghiyawan ang mga tao, mula rito ay tanaw na tanaw ko ang mga kaibigan sa ibaba, gano’n din ang mga girlfriend ng kagrupo. Buong barkada ay kumpleto at nakasuporta, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

“We’re here.” Boses ng lalake, dahilan para maibaling ko ang tingin sa pinanggalingan noon. Bahagya pang nagsalubong ang kilay ko dahil kilala ko ang lalaking iyon.

“Ayan ‘yung grupo ng sumugat sa braso mo ‘di ba?” Tanong ni Jiro mula sa likuran ko at bahagya akong tumango habang nakatingin sa grupo na umaakyat na ng ring.

“Naglolokahan ba tayo rito?! 5 to 7 members ang ground zero. Apat lang sila, they should be disqualified. Rules are rulesㅡ”

“Sorry, late ako.” Tila bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng babae. Dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at tila ba binuhusan ako ng nagyeyelong tubig.

“Am I just seeing things?” Tanong ni Matthew na halatang nabigla rin sa nakikita.

“Surprise.” Nakangising saad nito nang lumapit siya sa apat na lalaki at humarap sa grupo namin.

” Nakangising saad nito nang lumapit siya sa apat na lalaki at humarap sa grupo namin

“R-rain?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.