51: Legends of East district.
-
Rain's POV
It's really nice to be back. Dalawang taon din ang lumipas, dalawang taon ko ring hinintay ang pagkakataon na ito.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Cloud mula sa gilid ko.
"May babae akong nakabangga sa daan." Tipid kong sagot at saka ibinaling ang atensyon sa lalaking dahilan kung bakit ganito ako ngayon. I can't feel anything towards himㅡand I love it.
"Rain. B-buhay ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder. Halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon dito.
"Why? Are you disappointed?" Nakangisi kong tanong at akma na sana niya akong hahawakan ngunit agad humarang si Cloud para protektahan ako sa lalaking dahilan kung bakit ako nagbago.
"Rain. Masaya kaming buhay ka." Sabi ni Matthew at bahagya lang akong tumango.
"Mabuti naman at buo na ulit kayoㅡanyways. Pwede na ba tayong mag-umpisa? Hindi kasi ako nagpunta rito para sa grand reunion kaya kung pwede lang tapusin na natin 'to." Walang emosyong sabi ko at saka tinignan ang announcer. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong iparating kaya inilapit na niya ang mic sa bibig niya.
"O-okay. Dark Vs. Legends of East District. Let the battle beginㅡ"
"WaitㅡYou can't be serious, Rain. What makes you think na papatulan kita?" Tanong ni Thunder at napailing na lang ako. Tinignan niya ang announcer at nagreklamo roon. "At bakit may babae? Allowed ba 'yon?"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinsulto sa sinabi niyang iyon. Gustong-gusto ko na siyang sapakin sa mga oras na ito ngunit nanatili akong kalmado.
"There's no rules na bawal ang babae sa grupo. Drop the act, Cross. Let's end this battle." Napanganga na lang ang buong dark dahil sa sinabi kong iyon. Kitang-kita ko kung paano sila mabigla dahil natutunghayan, ganoon din ang mga dating kaibigan na nasa ibaba.
"Rainㅡ"
"Ano ba, p're? Lalaban ba kayo o hindi?" Pagsingit ni Cloud at napuno na lang ng ingay ang buong underground sa biglaang pagbaba ni Thunder sa ring. Tinignan naman ako ni Jiro bago ito sumunod sa kapatid at iba pang miyembro ng dark.
Walang sabi-sabi kami na ang tinanghal na panalo. Hindi man lang ako pinagpawisan, ang tagal ko pa namang hinintay ang araw na ito tapos ganito lang ang mangyayari? I want to beat the shit out of Thunder! Damn it!
Hanggang ngayon ang galing-galing niya pa ring umarte, kung hindi ko lang siya kilalaㅡmalamang mapapaniwala niya akong ayaw niya talagang pumatol sa babae.
"Tch, nagsayang lang tayo ng oras. Tara na." Aya ni Cloud at tumango lamang ako, akma na sana akong bababa pero pinigilan ako ni Liam.
"Rain." Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik at ngumiti ng tipid.
"Kamusta si Ayesha?" Tanong ko nang kumalas ako. Hinintay ko siyang sumagot pero nakatitig lang siya sa akin. "Hey."
"Uh she's not okay. Hanggang ngayon, iniisip ka pa rin niya. Anong nangyari sa'yo? Akala namin pataㅡ"
"Let's meet again soon, kailangan ko nang umalis." Pagputol ko sa sinasabi niya at saka nagmadaling umalis. Wala pa talaga ako sa mood makipagkwentuhan ngayon.
Paglabas namin ng venue ay agad kaming dumiretso sa bahay ni Cloud dito sa West district.
"Suya ba 'yung sinasabi mong nagbigay sa'yo sa mga gagong nagtangkang mang rape sa'yo?" Tanong ni Jae pagdating namin sa bahay. Tumango lamang ako ng bahagya at pabagsak naupo sa sofa.
Bumalik ako dahil gusto kong ipamukha kay Thunder kung anong kinahatnan ng ginawa niya sa akin. Gusto kong pagsisihan niya ang lahat-lahat ng kasalanan niya.
ㅡ
Lumipas ang weekend, naasikaso na lahat ni Cloud ang kailangan para makapag-transfer kaming lima sa Monstrous. Napagdesisyunan kasi namin na rito na mag-stay sa West district for good. Excited na akong makita si Ayesha, hindi ako nagkaroon ng chance na makalapit sa kanya noong laban nila kaya sa malayo na lang ako nanuod.
"Rain. Tara na, nasa labas na sila Ian!" Sigaw ni Cloud mula sa ibaba kaya kinuha ko na ang mga gamit ko. Pababa na sana ako ngunit sinalubong ako ni Cloud at agad binuhat iyong bag ko. Ngumiti ako ng matamis at sabay na naglakad palabas.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanya at sa barkada niya. Sila ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako kaya gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi nila, I will protect them at all cost. Hindi ko sila iiwan sa ere gaya ng ginawa sa akin ni Thunder.
Si Cloud at ang grupo niya ang tumulong sa akin para maging malakas, tinuruan nila akong lumaban at kung paano maging matatag. Sa loob ng dalawang taon, sila ang naging kasangga ko and I'm happy that I have them, kung wala sila. Baka nga matagal na akong patay.
Sa loob din ng dalawang taon ay binansagan akong Queen of East District habang nananatili roon. Nang matuto akong lumaban ay sinali ako ni Cloud sa gang nila at simula noon, halos linggo linggo na kaming sumasabak sa gangfight.
Hindi ko akalain na magiging ganito ako ngayon. Na aabot ka sa puntong magiging isa rin akong gangster.
Nang makarating kaming lima sa Academy ay naagaw ko agad ang lahat ng atensyon ng mga estudyante sa paligid. Wala pa ring pagbabago, nakakairita.
"Omg, she's alive!"
"Oo nga, akala ko patay na siya."
"May mga kasama pa siya. Ang gwapo nila, infairness."
"No wonder. She got raped, miserable na siya ngayon kaya kung kani-kanino na lang siya sumasama."
"Rain, wag na." Pag-awat ni Cha sa akon nang makita niya akong humakbang. Hindi ko siya pinakinggan at agad hinila ang buhok ng babaeng iyon.
"Wala kang alam sa nangyari sa'kin, kaya kung ayaw mong makilala ang bagong Rain Celvero. Better watch your mouth, bitch!" Marahas kong hinatak ang buhok niya para malapit ang tainga niya sa bibig ko. "Naiintindihan mo?"
"O-oo!" Marahas kong tinulak ang ulo niya palayo sa akin kasabay nang pagbitaw ko sa buhok niya. Halatang natakot siya sa ginawa kong iyon kaya nagsitakbuhan sila ng mga kasama niya.
Napairap na lamang ako at nilingon sila Cloud na nasa likuran ko.
"Pupunta na ako sa kwarto. Nandoon 'yung boy's dorm. Magtanong na lang kayo kung saan ang room number niyo." Utos ko at tumango lamang sila.
Hindi ko na rin pinansin pa ang mga estudyanteng sinusundan ako ng tingin. Pagpasok ko naman sa girl's dorm ay para silang nakakita ng multo. Kahit sino naman siguro ay magugulat kapag nakita nila ang taong akala nila ay patay na.
Mabuti na lang at bakanti pa rin ang dati kong kwarto kaya magiging roommate ko pa rin si Ayesha. I really miss her so much, ang dami kong atraso sa kanya. Dalawang taon akong wala, dalawang taon ko siyang pinag-alala.
Nang makarating sa tapat ng pinto ay agad akong kumatok at ilang segundo bago niya iyon binuksan. Natawa ako sa reaksyon niya dahil nakanganga siya sa mga oras na ito at nanlalaki ang mga mata niya.
"Oh my god!" Iyon lang ang nasabi niya kasabay ng pag-iyak niya. Pumasok ako sa loob at saka siya niyakap ng mahigpit, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya tumulo na rin ang luha ko. Mukhang hindi pa nasabi sa kanya ni Liam 'yung nangyari sa ground zero.
"Beb, oh my god! Buhay ka. Beeeeb na-miss kita. Anong nangyari sa'yo? Alam mo bang lagi kong pinagdadasal na sana hindi totoo 'yung balita? Hindi ako nawalan ng pag-asa na babalik ka. Oh my god! Beb nanaginip ba ako? Buhay ka talaga." Napangiti na lang ako at saka siya hinatak para maupo sa kama. Hindi pa rin siya nagbabago, friendly as ever.
Pinunasan ko ang luha ko at ganoon din siya. Sa ngayon, siya lang ang gusto kong kakwentuhan. Gusto ko sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari akin years ago.
"Kasama sa plano namin na palabasing patay na ako." Sabi ko at bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya. Pinunasan niya rin ang luha sa pisngi niya habang naguguluhang nakatingin sa akin.
"Plano niyo? Nino? Anong nangyari sa'yo sa loob ng dalawang taon?" Tanong niya at bumuntong hininga muna ako bago ikwento ang nangyari noong gabing iyonㅡGabing ipinagkalulong ako ni Thunder kay Yb.
[Flashback]
Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang nanghihina ako kaya tanging pag-iyak na lang ang tanging nagawa ko habang pinupunit ng mga demonyong ito ang damit ko. Wala akong ibang iniisip kung hindi si Thunder, iniisip ko na babalik siya para iligtas ako, umaasa ako.
Napapikit na lang ako sa takot pero isang malakas na kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto, dahilan para maimulat ko ang mga mata.
"Papa!" Sigaw ng lalaki kaya nagsialisan ang mga nakapalibot sa akin para puntahan ang taong iyon.
Laking pasasalamat ko na hindi natuloy ang tangka nilang panggagahasa sa akin, nanlabo ang mga mata ko dahil sa pagod at halo-halong emosyon kaya naman hindi ko na nagawang tignan kung sino ang nagbalot ng tela sa katawan ko.
Paggising ko isang araw, nasa isang kwarto na ako at bumungad sa akin ang lalaking nagligtas sa akin noon sa tapat ng apartment nila Thunder. Siya iyong humatak sa akin para hindi ako tamaan ng kutsilyo.
"N-nasaan ako?" Tanong ko nang dahan-dahan akong bumangon. Inalalayan niya ako at saka naupo sa tabi ko habang nakaharap sa akin.
"Nandito ka sa bahay ko, tatlong araw ka ng walang malay. Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya ngunit hindi ko nagawang kumibo.
"Naririnigㅡ"
"Niligtas mo na naman ako. Sino ka ba?" Bahagya siyang ngumisi sa tanong ko, ngunit maya-maya lang ay inabot niya sa akin ang kamay niya.
"Cloud." Pakilala niya at hinawakan ko naman siya. "Cross."
Natigilan ako sa pagbanggit niya ng epelyido niya kaya naman nabitawan ko na ang kamay niya. Alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi muna ako nag-react o nagsalita.
"Naalala mo 'yung unang beses kitang niligtas? Nandoon ako para hanapin ng Papa ko, ang tagal na niya kasing nawawala kaya nagbakasakali ako noon na nasa bahay siya ng isa niya pang anak, pero imbis na si Papa, eh ikaw ang nakita ko." Kwento niya at hindi man makapaniwala ay tumango na lang.
"Kapatid mo si Thunder?" Kalmadong tanong ko.
"Sa tingin ko oo? Magkapatid kami sa tatay, pero sure akong hindi niya alam na may kapatid siya." Tumango ako dahil mabilis nag-sink in sa utak ko ang nalaman. Kaya siguro iniwan si Thunder ng Papa niya noon ay dahil may iba na siyang pamilya.
Simula ng araw na iyon, si Cloud na ang nag-alaga sa akin. Mabait siyang tao at napatunayan ko iyon sa maigsing panahon. Ikwinento ko sa kanya ang naging buhay ko at kung paano napunta sa delikadong sitwasyon na iyon kaya naman nagpunta siya ng Monstrous para asikasuhin ang pag-ransfer ko sa school na pinapasukan niya
Siya ang may ideya na pekein ang pagkamatay ko. Siya ang nag-asikaso lahat para hindi magsalita ang dean at para iannounce sa buong Monstrous na patay na ako. Lahat iyon ay ginawa niya para protektahan ako, para tumigil na ang mga traydor at nagtatangka sa buhay ko.
Sinabi ko rin sa sarili ko na mula ngayon, wala na akong pakialam kay Thunder. Nagbago ako at sumama sa gang ni Cloud dahil gusto kong matutong lumaban. Nang sa gano'n, wala nang sinong makakapanakit sa akin dahil lang sa mahina ako.
[End]
"Oh my god! You mean, kapatid ni Thunder ang nagligtas sa'yo? And now you're a gangster like them?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ayesha at tumango lang ako. "Kaya pala iba na ang get up mo ngayon. You hate wearing fitted clothes but look at you now. Ang sexy mo.."
"...Pero hindi ka naman bumalik para maghiganti 'di ba?" Bahagya akong ngumiti. Wala naman talaga sa plano ko ang paghihiganti.
"Bumalik ako para ipakita na hindi na ako ang Rain na madaling mauto." Pagsasabi ko ng totoo at ngumiti lang siya ng pilit. Alam ko hindi niya pa tanggap ang pagbabago ko pero wala siyang magagawa.
"Hindi sa kinakampihan ko si Thunder. Kinidnaㅡ"
"Alam ko ang buong pangyayari, Beb. Kwinento sa'kin ni Cloud na kinidnap ang papa niya which is Papa rin ni Thunder. Kaya nga nandoon siya noong gabing iniwan ako ni Thunder para iligtas sana ang papa niya pero ako ang naabutan nilang bihag ni Yb. Kaya ayon, Keen ako kaya nag-jump ako sa conclusion na baka na-blackmail si Thunder.."
"..Pero hindi ko siya magawang maintindihan. Maraming paraan para hindi ako maibigay kay leader Yb, pero bakit hindi siya humingi ng tulong sa iba?" Napahigpit ako ng hawak sa comforter na inuupuan at nag-iwas ng tingin kay Ayesha.
"Mag-aasikaso na ako, wag na lang natin pag-usapan ang nakaraan dahil hindi na no'n maibabalik ang tapos na." Tumayo na ako at dumiretso ng banyo para magpalit ng uniform. Hindi na rin ako sumabay kay Ayesha palabas dahil pupuntahan ko pa sila Cloud sa boy's dorm.
"Rain. Dito kana ulit mag-aaral? Ano bang nangyari sa'yo? Buong akala namin patay ka na." Tanong ni Matthew nang makita niya ako rito sa tapat ng boy's dorm.
"Long story, eh." Tipid kong sagot. Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na sila Cloud. "Sige. Matt, una na kami."
Pagtapos tumango ni Matthew ay hinatid ko na sila Cloud sa magiging classroom nila. Malawak kasi itong campus at ayoko silang mahirapan sa paghahanap.
Nang masiguradong nasa klase na sila ay dumiretso na rin ako sa first subject ngayong araw. Halos ganoon pa rin ang schedule, sa Keen's lab pa rin ako tuwing Friday. Ang naiba lang ay ang mga subject.
Nang makarating sa classroom ay hindi ko inaasahan na makikita ko silang lima. Dark, kaklase ko pa rin sila? Bakit ba ang galing makipaglaro ng tadhana sa akin?
"Celvero?" Tanong ng prof nang tuluyan na akong pumasok. Nakakabingi ang katahimikan kaya nagpunta na ako sa gitna para magpakilala kahit na alam ko namang karamihan sa kanila ay kilala na ako.
"I guess you already know who I am, pero sige magpapakilala pa rin ako." Hinawi ko ang aking buhok at pinasadahan ng tingin si Thunder. "I'm Rain Celvero, and yes... I'm alive."