CHAPTER 55

55: Message

-

Rain’s POV

“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.

“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.

“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.

Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.

“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gusto kasi niya talagang magkaroon ng kapatid pero malupit ang mundo, ang galing kasing makipaglaro ng tadhana, eh.

“Tara na.” Aya ni Ian at sumakay na rin kami sa bus, kumpleto ang dark at girls sa loob. Pati ang tropang sisiw at si Marky ay narito rin, pinilit kong wag tignan si Thunder at dumiretso sa likod para doon pumwesto.

Napabuntong hininga pa ako nang tuluyang makaupo, mukhang napansin naman iyon ni Cloud kaya ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Nagkatinginan kami at tipid lamang akong ngumiti.

“Okay guys, you can have your rest. Gaya ng dati, malaya kayong mamili ng makakasama niyo sa duplex. Be at funtion hall before 4:00 p.m.” Sabi ni Amanda dahil kasama pa rin siya sa facilitator this year.

Kung saang duplex kami noon, doon pa rin kami ngayon, but this time ay mas pinili na naming pumwesto sa ibaba since kasama na namin si Ayesha at mas ginustong makisama sa amin ni Amanda. Mas marami kasi ang higaan sa ibaba kumpara roon sa itaas.

Agad kong nilapag ang mga gamit ko sa itaas ng double deck, habang si Ayesha ay sa ibaba. Panandalian kaming nagpahinga pero binasag ni Amanda ang katahimikan.

“Maniniwala ba kayo sa’kin kung sabihin kong naka-move on na si Thunder?” Biglang tanong niya at lahat sila ay nagsitinginan sa akin. Move on? Ang bilis naman niyang sumuko kung talaga ngang totoo iyon pero I’m happy for him.

“I don’t think so. Maybe nahimasmasan lang pero move on? There’s no way that he can move on in just one snapped.” Komento ni Zea at nag-agree naman ang iba.

“Ganyan din ang sinabi ko kay Axel pero pinipilit niya sa’kin na may nakilala raw babae si Thunder at magaan ang loob niya sa babaeng ‘yon.” Sabi pa ni Amanda at nanatili na lang akong tahimik. Kung sino man ang babaeng iyon, I know she’s better than me. Baka nga hindi talaga kami ni Thunder ang para sa isa’t isa, iyong tipong pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Hindi nagtagal ay nag-gather na kaming lahat sa function hall. Nakasuot lang ako ng Jogging pants at puting sando, allowed naman kahit anong suotin namin kaya kung ano ang mukuha ko sa bag ko iyon na ang sinuot ko.

“I can see new faces here. By the way, naaalala niyo pa ba ‘yung dati niyong group? I want you to go on this side kung Third year A ang group niyo dati.” Tumuro sa kaliwang side si Amanda at saka nagpatuloy sa pagsasalita bago tumuro sa kanang side. “Third year B, rito and for the first timers. Manatili lang kayo sa kinatatayuan niyo.”

Sinunod namin ang sinabi niya kaya nagpunta kami sa sinabi niyang side at nang makapunta na lahat sa dating grupo ay natira na lang sila Cloud at Ayesha sa pila.

“Chua, dito ka sa Senior A and the rest of you, senior B kayo.” Dagdag pa ni Amanda at saka kumindat sa akin. Anong ibig sabihin no’n? Sinadya niya bang ihiwalay sila Cloud sa akin?

“Okay senior A follow me.” Sabi ni Mr. Santos kaya lumabas na kami ng function hall. Nagtinginan lang kami ni Cloud bago tuluyang maghiwalay ng landas.

“Remember this place?” Tanong ni Sir nang tapakan niya ang lupa kung saan niya inilibing iyong box last last year. “We will now open your capsules.”

Inumpisahan nang hukayin ni Sir ang lupa and for some stupid reason, bigla akong kinabahan. Nakagat ko na lamang ang labi ko nang tuluyan nang mailabas iyong box.

“So, kanino tayo mag-uumpisa?” Tanong ni Sir habang inaalog nito ang hawak na box. Nagngitian kami ni Ayesha at kwinento ko sa kanya kung ano ang box na iyon dahil hindi niya ma-gets kung ano ang nangyayari.

Maya-maya lang ay tinawag ang pangalan ni Matthew. Agad siyang nagpunta sa harap at binasa ang message niya na nasa loob ng capsule.

“My message is for Dark.” Panimula niya at saka tumingin sa direksyon nila Jasper.

“Kung nababasa niyo man ‘to, hindi ko alam kung buo na tayo ulit o watak-watak pa rin. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa ginawa ko pero believe me guys, para ko na kayong kapatid at mahal na mahal ko kayo.” Medyo nahiya pa siyang basahin iyong dulo pero napangiti ako. Nagsigawan ang ibang estudyante matapos magbasa ni Matthew and there’s Jasper.

“Eeew bro, ewww!” Sigaw niya kaya nagtawanan ang buong senior A. Gano’n din ako dahil mukhang magkaayos na magkaayos na talaga silang magkakaibigan.

Ilang pangalan pa ang natawag ni Sir hanggang sa tinawag na si Thunder. Agad siyang nagpunta sa harap at binuksan ang hawak na capsule habang nakatingin sa akin. Bahagya pang binangga ni Ayesha ang balikat ko nang mapansin niya iyon.

“My message is for Rain.” Panimula ni Thunder at ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kung ano man ang nakasulat doon ay hindi ako dapat magpaapekto.

Lahat ay nakatingin sa kanya at may iilang sa akin nakatingin.

“Hi ulan ko, sa totoo lang habang sinusulat ko ‘to, naluluha ako. Korni pakinggan pero totoo ‘yon. We both know that you‘re the one who changed me. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra pero may mga bagay akong kailangan gawin na alam kong ikasisira ng tiwala mo sa’kin.” Huminto siya at saka nagpunas ng luha. Pakiramdam ko tuloy ay nagbabadya na rin ang mga luha sa mata ko kaya yumuko na lamang ako.

“Mahal na mahal kita ulan. Kahit anong mangyari sa’tin, ako pa rin ‘yung kulog na kinaiinisan mo dati. I loge you, Rain. I love you so much.” Biglang tumahimik ang buong lugar matapos magbasa ni Thunder.

Hinimas himas naman ni Ayesha ang likod ko at hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko mawari kung dahil ba sa saya o sakit itong pag-iyak ko, hindi ko maintindihan. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

“O-okay. That was sweet. Ang sunod na magbabasa. Si R-rain.” Sabi ni Sir at agad akong nagpunas ng luha at saka lumapit sa harap. Nang makuha ko na ang capsule ay napahigpit ako ng hawak doon.

Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa akin at bigla akong tumakbo palayo sa lugar na iyon hanggang sa huminto ako sa mapunong bahagi ng resort. Hinabol ko ang paghinga ko at humawak sa isa sa mga puno habang umiiyak pero natigil ako at pinunasan ang luha ko nang mabasa ang nakaukit sa punong hawak ko.

Thunder ♥ Rain forever.

Nanghina ang buong katawan ko at napaupo na lamang sa damuhan pero agad akong napalingon nang may tumawag sa pangalan ko.

“Rain!” Sigaw ni Thunder habang tumatakbo papunta sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya tumakbo ako papasok sa gubat hanggang sa makapagtago ako sa likod ng malaking bato.

Baka kapag nagkita kami ni Thunder, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Kayang magsinungaling ng utak ko, pero hindi ang puso ko.

Thunder’s POV

I tried to be strong pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Gano’n ba ako kadaling iwan? Sobrang tanga ko para hindi malaman na may ibang pamilya ang Tatay ko, at si Cloudㅡhindi ko matatanggap na kapatid ko siya. There’s no way na magiging kapatid ko ang taong kaagaw ko sa taong mahal ko. No! Not again.

“Rain!” Sigaw ko nang makita ko siyang nakaupo sa damuhan, nilapitan ko siya ngunit bigla na lang siyang kumaripas ng takbo papasok sa gubat. “Fuck, delikado do’n.” Bulong ko sa sarili ko bago siya sinundan.

“Rain!” Sigaw ko ngunit tanging echo lang ng boses ko ang naririnig ko.

“Rain!” Napatingin ako sa langit dahil biglaang pagkulog. Nagbabadya na ang ulan. Bullshit! Bakit niya ba kasi ako tinatakbuhan? Wala naman akong gagawing masama.

“Raiㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtawag sa kanya dahil narinig ko ang pagsigaw niya sa hindi kalayuan. Nagmadali akong tumakbo sa pinanggalingan ng boses at nakita ko na lang siyang nakaupo sa mababang bahagi ng gubat habang nakahawak sa paa niya.

“Rain!” Agad akong bumaba kung nasaan siya at saka naupo para magpantay ang paningin namin. “What happened?”

Tinignan ko ang paa niya ngunit pilit siyang umiwas sa akin, ni hindi man lang niya ako matignan. “Rain. Hey, talk to me please. What happened?”

“Nahulog ako, obvious ba?” Sagot niya kaya naman mas tinignan ko siyang mabuti.

“Did you cry?”

“Bakit naman ako iiyak? Naluha lang ako sa sakit ng pagkahulog.” Sagot niya kaya inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at hinawakan siya sa baywang para alalayang siyang tumayo.

“Malapit ng mag 6:00. We need to get out of here bago as soon as possible, mahihirapan tayong lumabas dito kapag dumilim.” Hindi siya sumasagot sa sinabi ko hanggang sa kumulog ng malakas at tuluyang bumagsak ang ulan.

“Shit, dito. Dito tayo!” Aya ko at saka siya inalalayan papunta sa parang kweba. Pumasok kami sa loob at marahan ko siyang inupo roon. Hinubad ko ang jacket na suot at ipinatong iyon sa balikat niya.

“Thunder, why are you doing this? I thought naka-move on ka na.” Biglang sabi ni Rain habang nakayuko kaya bahagya akong napahinto sa pag-ayos ng jacket sa likuran niya.

“What do you mean?” Tanong ko nang hawakan ko ang baba niya para maibaling niya sa akin ang tingin niya. Gustong-gusto ko siyang halikan sa mga oras na ito but I can’t do it. Ayokong gumawa ng bagay na ikagagalit niya sa akin.

“May nakilala ka ng babae ‘di ba? Why don’t you just focus on her? Bakit mo pa ‘to ginagawa?” Tanong niya kaya naupo ako sa tabi niya bago siya lingunin kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

“You know the answer to that. Mahal kita, Rain and that girl? She’s just a good friend.” Pagsasabi ko ng totoo ngunit tahimik lang siya at napansin ko na hawak niya pa rin ang capsule iya.

“Para kanino ‘yung sulat mo?” Tanong ko at nabigla na lang ako nang i-abot niya iyon sa akin. Saglit ko pa iyong tinignan bago kuhain sa kamay niya at buksan para basahin.

“Hi kulog, ikaw agad ang pumasok sa isip ko na sulatan, kaya ito. Gusto ko lang magpasalamat na dumating ka sa buhay ko. Kung hindi dahil sa’yo hindi ko malalaman na marunong pa lang magmahal ang mga gangster na tulad mo, tama nga ‘yung kasabihan na the more you hate, the more you love. First boyfriend kita, ikaw rin ang first kiss ko kaya kung may isa akong hiling? Gusto ko na ikaw ang lalaking pakakasalan ko. Sana alam mo kung gaano kita kamahal, at sana kahit na marami pang problema ang dumating sa atin, sana wag mo akong iiwan. I love you.”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko matapos iyong mabasa. Ang tanging nagawa ko lang ay hawakan ang kamay ni Rain at kuhain ang necklace sa bulsa ko. Iyong necklace na tanging naabutan ko nang subukan ko siyang balikan at sagipin noong gabing iyon.

“Ano ‘yan?” Tanong niya nang ilapag ko iyon sa palad niya. Ngumiti ako ng tipid at nang makita niya kung ano iyon ay bigla na lang siyang naluha, dahilan para magkaroon ako ng lakas para hatakin siya at yakapin ng mahigpit.

“Tell me Rain, you still love me right?” Tanong ko at saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nagkatinginan lang kami hanggang sa kusang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili at dahan-dahan nang lumapit para halikan siya.

Hindi ko maipaliwang kung gaano ako kasaya sa mga oras na ginantihan niya ang paghalik ko sa kanya. Our lips move in sync as I grabbed her waist and pulled her closer. Dahan-dahan kaming kumalas sa halik at sabay na isinandal ang noo namin sa isa’t isa.

“I still love you Thunder.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.