CHAPTER 54

54: Missing

-

Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.

[Flashback]

“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.

Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”

“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nagsasayaw.

“Mahal mo ba siya?” Saktong pagkatanong niya noon ay namatay ang ilaw. Bahagya akong napapikit at saka sya tinignan ng diretso sa mata kasabay ng pagbukas ng ilaw.

“Oo. Mahal ko si Cloud.” Umiling lang siya sa sinabi kong iyon at saka ako pilit na niyakap pero nagpumiglas ako hanggang sa mamatay ulit ang ilaw. “Thunder ano ba?!”

Bumukas ulit ang ilaw at bumungad sa akin si Cloud, doon ko lang napansin na wala na iyong tugtog.

“May problema ba?” Tanong niya at kusa namang huminto si Thunder sa pilit niyang pagyakap sa akin. Humarap siya kay Cloud at kitang-kita ko ang pagyukom ng mga kuko niya. Doon pa lang ay alam ko na ang binabalak niyang gawin ngunit hindi ko nagawang pumigil sa bilis ng pangyayari.

“Ibalik mo sa’kin si Rain!” Sigaw niya bago sun suntukin si Cloud. Agad akong pumagitna sa kanila para ilayo si Thunder, balak ko pa sanang magsalita ngunit naunahan na ako ni Cloud.

“Alam mo gusto sana kitang pasalamatan sa ginawa mong pagligtas kay papaㅡ”

“Cloud, wag.” Pagpigil ko nang tignan ko siya na tila nagmamakaawa.

“Saglit. Anong pinagsasabi mo?” Tanong ni Thunder at hindi ko na nagawang pigilan pa si Cloud dahil hinila ako ni Ayesha palayo sa dalawa. Napapalibutan na rin kami ng ibang estudyante.

“Hindi mo pagmamay-ari si Rain, at kung hindi dahil sa’kin baka nga patay na siya ngayon. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandoon ako ng gabing ‘yon?” Tanong ni Cloud habang nakatingin ng diretso kay Thunder, naiyukom ko ang kamao ko at napakagat sa labi.

“Cloud.” Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.

“Nandoon ako para iligtas si Papa pero si Rain ang naabutan ko. Pinasasalamatan kita dahil niligtas mo si Papa pero hindi ko hahayaan na gano’n-gano’n mo na lang makukuha si Rain.” Bumaling ang tingin ko kay Thunder at tila ba parang nagyelo na ito mula sa kinatatayuan niya.

“Waitㅡ”

“Oo, Thunder. Tatay ko rin ang Tatay mo.” Pagsasabi ng totoo ni Cloud at napuno ng bulungan ang buong function hall. Nabigla na lang ako ng muling sumugod si Thunder at kwelyuhan si Cloud.

Gusto kong umawat ngunit pinigilan ako ng mga kasama. Napatingin ako kila Cha ngunit umiling sila na hayaan ang dalawa.

“Nahihibang ka ba?! Anong gusto mong ipalabas? Na kapatid kita?!” Sigaw ni Thunder at awtomatiko akong napailing nang tignan ako ni Cloud.

“Bakit hindi mo tanungin si Rain?” Hindi ko alam pero bigla na lang nanghina ang buong katawan ko. Para akong tutumba ano mang oras, bakit ba ako nasa ganito akong sitwasyon?

“Rain. Totoo ba?” Naluluhang tanong ni Thunder nang tignan niya ako. Gusto kong mag-iwas ng tingin ngunit wala akong magagawa kung hindi ang tumango na lang.

“Bullshit!” Sigaw niya at pumaalinlang iyon sa buong function hall. Marahas niya pang sinipa ang malapit na lamesa bago tumakbo palayo, gusto ko sana siyang habulin pero alam kong mas makakabuti kung mapag-iisa muna siya ngayon.

Sorry Thunder, mas kailangan ako ni Cloud.

“Clouㅡ” Hindi ko na naituloy pa ang pagtawag sa kanya dahil tumakbo na rin siya palayo. Wala na rin akong nagawa pa kaya napagdesisyunan na lang na bumalik ng kwarto.

[End]

Axel’s POV

Isang linggo na ang nakalipas ng malaman namin kung sino ba talaga si Cloud. Isang linggo na rin naming hindi nakikita si Thunder.

Nag-aalala na kaming lahat. Hindi namin siya ma-contact at lahat na ng pwede niyang puntahan ay napuntahan na namin pero hindi pa rin namin siya nakikita.

Bukas, pupunta na kami sa resort para sa team building at lahat ay required na sumama roon. That is mandatory at isa sa mga requirements para maka-graduate.

We need to find Thunder as soon as possible at kakapalan ko na ang mukha ko para humingi ng tulong kay Rain.

“Baby, I need to go.” Niyakap ko si Amanda mula sa likuran pero agad din siyang humarap sa akin.

“Are you sure na matutulungan ka ni Rain?” Tanong niya at ngumiti ako ng tipid.

“I’m sure she will.” Siguradong sagot ko at saka siya hinalikan sa labi. Nagmadali naman akong lumabas ng keen’s lab at nagpunta sa girl’s dorm. Hindi ko naman nagawang dumaan sa main door kaya umakyat na lang ako sa puno.

“Rain.” Tawag ko nang makita ko siyang nakikipag-usap kay Ayesha. Agad siyang tumayo at saka nagpunta sa balkonahe.

“Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito?” Tanong niya nang tumalon ako papasok sa balkonahe ng kwarto nila.

“Alam kong wala ako sa lugar pero, pwede mo ba kaming tulungan hanapin si Thunder?” Tanong ko pero imbis na sumagot ay tinignan niya si Ayesha.

“Wag na kayo masiyadong mag-alala. Okay si Thunder.” Siguradong sagot niya kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

“Tinawagan ko siya kanina. Babalik na siya rito mamaya.” Nakangiting sabi ni Rain kaya napangiti na lang din ako pero nawala iyon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tymee na hingal na hingal.

“Tymee. What happened?” Tanong ni Ayesha.

“Kailangan niyong makita ‘to.” Nag-abot siya sa amin ng papel at nakitang sulat iyon ni Devon.

Dear Tymee,

“Kung nababasa mo man ‘tong sulat ko ngayon, sigurado akong wala na ako sa tabi mo. Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang mga maling ginagawa ng Keen’s org sa akin pero maniwala ka. Hindi lang sila ang may maling ginagawa rito sa Academy. Wala akong sapat na ebidensya kaya hindi kita mabibigyan ng specific name dahil narinig ko lang naman ito pero may mali rito sa Monstrous. May pinaplano sila at hindi ko alam kung kailan nila iyon isasagawa. Isang malaking eksperimento at magiging mapanganib iyon sa mga susunod na henerasyoㅡ”

Agad kaming nagkatinginan ni Rain matapos iyong basahin. Anong ibig sabihin ni Devon? At saka putol ang sulat niya.

“Kung hindi pa kami magtatalo ni Matthew, hindi ko makikita ‘tong sulat na ‘to sa ilalim ng walk-in closet ko. Mukhang sinulat ‘to ni ate bago siya eksperimentuhan ng keen’s org.” Paliwanag ni Tymee pero nanatili kaming speechless ni Rain.

Panibagong misteryo na naman ba ‘to? G-graduate na kami lahat-lahat pero may problema na naman. Ilang sikreto ba ang itinatago ng ekswelahan na ‘to? Tsaka base sa sulat ni Devon, hindi niya alam kung kailan isasagawa. Sa ngayon wala pa namang kakaibang nangyayari sa Academy pero paano kung sa mga susunod na henerasyon ay mas malala na ang mangyari?

“2 years na ang nakalipas nang isulat ‘yan ni Devon pero hanggang ngayon wala pa ring kakaibang nangyayari. Baka hanggang ngayong pinagpaplanunhan pa rin nila ‘yon.” Komento ni Rain.

“Pero sino? Sino naman ang tao sa likod nito?” Tanong ko at nagkibit-balikat lang si Rain.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nalaman ko kanina kaya sinabi ko iyon kay Amanda. Wala siyang alam sa plano na iyon dahil wala naman daw kumakausap o humihingi ng tulong niya.

“Pero kung ano man ang planong ‘yon, sure akong hindi ‘yon basta-basta. Marami pa tayong hindi alam sa loob ng ekswelahan na ‘to.” Sabi ni Amanda at napatango na lang ako hanggang sa biglang mag-ring ang phone ko.

“Jasper. Napatawag ka?”

“Nahingi mo na ba 'yung tulong ni Rain? Hanggang ngayon wala pa rin si Thunder.”

“Nakausap na niya si Thunder at sabi niya babalik daw ang kupal na ‘yon ngayong gabi.”

“Mabuti naman.”

Pagbaba ko ng tawag ay agad akong lumabas ng keen’s lab para magpunta sa boy’s dorm pero nang mahagip ni Thunder ang paningin ko ay agad din akong napahinto at nagpunta sa direksyon niya.

“Thunder. Saan ka ba nanggaling? Isang linggo kang nawala.” Hinawakan ko ang balikat niya pero tinapik niya lang ang kamay ko at saka inalis sa pagkakahawak sa kanya.

“May nakilala akong babae, she’s just like me. Miserable, walang nagmamahal, iniwan ng pamilya at ng lalaking mahal nya..” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hinayaan pa rin siyang magsalita. “..okay na ako, tanggap ko na lahat. At least dahil sa babaeng ‘yon, na-realize ko na hindi ako nag-iisa and to be honest? I really like the feeling when I’m with her. Gumagaan ang pakiramdam ko.”

“What do you mean? Naka-move on ka na kay Rain?” Tanong ko pero nginitian niya lang ako bago maglakad at lagpasan ako. Ano naman ang ibig sabihin ng ngiting iyon? He’s acting weird.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.