59: I love you
-
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.
Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.
“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.
“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.
“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.
“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.
“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng panahon.” Ani Emerald habang naglalakad kami papunta sa lobby. Pagdating naman namin sa labas ay isa-isa kaming sinalubong ng mga special someone namin. Pero bakit ganito? Parang ang awkward?
“Ang ganda mo, Anak.” Puri sa akin ng Papa ni Thunder, dalawa silang nagsundo sa akin. Wala kasi si Papa, hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin. Sinubukan ko siyang kontakin pero wala, umaasa lang ako sa wala.
Mabuti na lang ay mabait ang biological father ni Thunder, tinanggap niya ako na para na niyang anak. Matapos ang libing ni Cloud noon ay pinasalamatan niya pa ako. Na kung hindi raw dahil sa akin ay hindi magkikita ang mga anak niya. Naiyak pa ako noong araw na iyon dahil ang sabi niya, ako raw ang gusto niyang mapangasawa ni Thunder.
Kahit wala ang tunay kong ama, masaya ako dahil narito naman ang Papa ni Thunder na tumayo kong ama nitong mga nakaraang buwan. Doon din kasi siya pansamantalang tumutuloy sa apartment ni Thunder kaya tuwing weekend ay magkakasama kaming tatlo.
“Si tito talaga.” Nahihiyang sabi ko nang lumapit sila sa aking mag-ama.
“Sabi ko papa na ang itawag mo sa’kin, e.” Seryosong sabi niya at bahagya akong napangiti. Para siyang si Thunder at Cloud, nakakatuwa. Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi siya nagalit sa akin. At least panatag na ang loob ko. Obvious na rin naman na nagkabalikan na kami ni Thunder kaya ito at nakasimangot siya ngayon.
“Papa, napakaagaw eksena mo. Moment namin ‘to ni ulan, e. Saka tignan mo nga ‘yang necktie mo.” Reklamo ni Thunder bago ayusin ang suot na necktie ni Tito. Napangiti na lang ako habang pinapanuod silang dalawa, sana nandito rin ang Papa ko.
“Tara na, ma-le-late na tayo.” Aya ni Jiro habang hawak hawak niya ang kamay ni Zea. Tumango lang kami at sabay sabay nang pumunta sa venue. Hindi ko alam kung anong trip nila pero umarkila sila ng isang bus para doon kami sumakay. Feel ko tuloy hindi graduation ang pupuntahan namin.
“Anak, dito tayo sa likod.” Aya ni Tito sabay hatak sa aming dalawa ni Thunder. Pag-upo naman namin sa likuran ay biglang umakyat ng bus ang Daddy ni Jiro. Tinignan niya ako at nginitian kaya ngumiti ako pabalik.
Kumpleto ang barkada at nandito rin ang mga parents nila, ang saya lang nila panuorin. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganito pagtapos ng napakaraming problemang dumating simula ng mag-aral ako rito. Hindi ko rin akalain na marami akong mapagdadaanan bago matupad ang pangarap kong makapagtapos.
Parang mas mahirap pa nga yata ang mga personal kong problema kaysa sa mga school works, thesis at pag-aaral in general.
“Axel, sino magsasabit ng medal sa‘yo?” Tanong ko dahil wala siyang kasamang magulang.
“Si Amanda, nandoon na siya sa theatre.” Sagot niya kaya tumango lang ako. Siya kasi ang Summa Cum Laude. Candidate rin sana ako kaso hindi ko na-maintain ang grades ko dahil hindi rin ako masiyadong makapag-focus sa pag-aaral.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa venue, agad inumpisahan ang pagmamartya at kung ano pang mga paalala galing sa special guests. Hawak-hawak ni Thunder ang kamay ko habang tinatawag na ang mga may honors at nang tawagin ang pangalan ni Axel ay bigla na lang nag-ingay ang mga kumag.
“Wala kang maloloko rito!” Sigaw ni Jiro at gumatong naman sila Matthew, dahilan para makuha nila ang lahat ng atensyon ng mga tao.
“Anong magic ang ginawa mo para tumaas grades mo? Wag kami.” Napasapo na lamang ako sa noo dahil sa kanila, ako ang nahihiya sa ginagawa nila.
“Kagagawan ‘yan ng Yokai!” Hirit pa ni Jasper kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa. Ganoon din ang katabi kong si Thunder at lahat ng narito sa venue.
“Guys, shut up na lang kayo. Mags-speech na ako.” Kalmadong sabi ni Axel mula sa mic. Napahawak na lang ako sa ulo ko, buong akala ko ay tumino na sila, hindi pa rin pala. Nakakalimutan uata nilang graduation day ngayon at sila lang ang naglakas loob na sumigaw ng ganito rito. Mga insolent talaga sila.
Maya-maya lang ay nag-umpisa ng mag-speech si Axel, marami siyang pinasalamatan at mga konting paalala sa mga estudyante rito ngayon, akala ko pa ay okay na ang speech niya ngunit laking gulat ko na lang nang tawagin niya ang pangalan ni Thunder para umakyat sa stage.
Ano bang pinaggagawa ng mga ito? Gumagawa sila ng sariling flow ng program. Nakakapagtaka naman dahil hindi sila sinusuway ng school’s management at hinahayaan lang.
Binitawan ni Thunder ang kamay ko at hindi na ako nakapagtanong pa dahil umakyat siya ng stage. Kinuha niya ang mic kay Axel kaya tumingin ako sa paligid, nakita kong nagsitayuan din ang ibang miyembronng dark habang sila Zea naman ay nilapitan ako.
“Anong trip ng mga ‘yan? Graduation natin ngayon ‘di ba?” Tanong ko dahil baka maling program na pala itong kinasangkutan. Balak pa sanang sumagot ni Zea pero biglang nagsalita si Thunder.
“Babaliin ko buto ng mga pipigil sa’kin.” Seryosong sabi niya at saka ibinaling ang atensyon sa akin.
“Tropang sisiw, pakidala naman dito ‘yung pinakamamahal kong babae.” Sabi pa nito at bigla na lang akong nilapitan nila Jp at Ramon, hinawakan nila ako at dinala sa stage.
“Ano bang ginagawa niyo? Graduation natin ngayon, hindi ‘to oras para mang-trip.” Reklamo ko pero hindi na ako nakakibo pa nang lumuhod si Thunder sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa kanya at parang pagtibok na lang ng puso ko ang tanging naririnig ko sa mga oras na ito.
“Ngayon at dito ka talaga magp-propose?” Tanong ko bago niya kuhain ang singsing sa bulsa niya. Napahawak pa ako sa bibig kahit inexpect ko naman na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala.
“Alam ko masiyado pang maaga para dito, pero hindi naman mahalaga ‘yon ‘di ba? Dito rin naman tayo mapupunta.” Nakangiting sabi ni Thunder habang hawak nila Jimmy ang mic malapit sa bibig ni Thunder. Naitago ko ang labi ko at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.
“Thunder.” Tawag ko sa kanya at tipid siyang ngumiti.
“Will you marry me?” Napuno ng ingay ang buong theatre nang sa wakas ay itanong niya iyon. Tinignan ko ang girls nasa mga upuan nila at tumango tango sila sa akin habang nakangiti.
Marahan kong binalik ang tingin kay Thunder at inabot ang kanang kamay ko. “Tanga na lang ang tatanggi sa’yo.”
Mabilis sinuot sa akin ni Thunder ang hawak niyang singsing bago tumayo at yakapin ako ng mahigpit. Matapos noon ay kumalas siya para marahang punasan ang luha ko sa pisngi.
Sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag, basta ang saya-saya ko sa mga oras na ito.
“Oh siya. Bumaba na kayo, moment ko kasi ‘to, e.” Pagsingit ni Axel pero hindi bumaba si Thunder.
“Pa, kunan mo kami ng picture.” Sabi ni Thunder at mabilis na umakyat ng stage ang girls at gano’n din ang dark. Nakakahiya man dahil inangkin na namin itong stage pero wala eh, wala akong magagawa. Batas ang fiancé ko.
ㅡ
“Paano ba ‘yan? Dito ka na talaga titira.” Sabi ni Thunder nang makauwi kami sa apartment niya. Nakadungaw ako rito mula sa rooftop habang siya naman ay nakayakap sa akin mula sa likuran.
Pagtapos ng graduation ay umalis si Tito para bumalik sa East district, may aasikasuhin daw kasi siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sayang nararamdaman ko mula pa kanina.
“Dito na ba natin palalalikihin ‘yung mga magiging anak natin?” Tanong ko at agad siyang kumalas sa pagkayakap bago niya ako iniharap sa kanya.
“Yah! Ulan ko. Anak agad? Grabe ka naman, hindi pa nga tayo kasal.” Pabirong hirit ni Thunder at nahampas ko na lang siya sa braso habang nakangiti.
“Joke lang, siyempre bibili tayo ng sariling bahay. Ilang anak ba gusto mo? Akin kasi isang team ng football.” Agad nagsalubong ang kilay ko kahit na alam kong nagbibiro lang siya. Hinawakan niya ako sa baywang at hindi inaasahan na hahalikan niya ako.
Naramdaman ko pa ang paggalaw ng labi niya kaya naman niyakap ko ang batok niya at ginantihan ang halik niyang iyon.
“Poooooorn!” Sabay sabay na sigaw ng barkada, dahilan para kumalas kami ni Thunder. Naihampas niya pa ang palad niya sa noo niya bago tumakbo papunta sa dark at tropang sisiw habang yug girls naman ay tumakbo papunta sa akin. Dito na kasi napag-usapan na gawin ‘yung celebration, kaya ito at nandito silang lahat.
“Beb ah, hindi pa kayo kasal pero parang balak niyo na mag-honeymoon.” Mapangasar na sabi ni Ayesha kaya pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko.
“Oo nga, baka sabay pa tayo manganak n’yan.” Biglang sabi ni Amanda kaya lahat kami ay napahinto. Literal, gano’n din ang mga lalaki na tumigil sa paghaharutan.
“B-buntis ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Pink kay Amanda.
“2 weeks na siyang buntis.” Sagot ni Axel, dahila para wrestling-in siya ng dark. Kaming mga babae naman ay nag-group hug para kay Amanda.
“Napakatinik mong lalake ka!” Singhal ni Thunder kay Axel at bago pa maubos ang oras namin sa paghaharutan ay minabuti na naming umpisahan ang celebration. Naglabas na lang din ang boys ng malaking lamesa dito sa labas at doon na kumain at nag-inuman.
Inabot na kami ng gabi pero patuloy pa rin ang masayang kwentuhan, akala ko pa ay rito na natatapos ang mga pasabog pero meron pa pala dahil biglang lumuhod si Jasper sa harap ni Emerald.
“Oh, anong arte naman ‘yan?” Mataray na tanong pa ni Emerald.
“Naunahan kasi ako ni Thunder, eh kaya dito ko na lang gagawin ‘yung pagp-propose ko, masaya kung double wedding ‘di ba?” Sabi ni Jasper at kahit hindi pa niya sinasabing ‘will you marry me’ ay kinuha na ni Emerald ang singsing at siya na mismo ang nagsuot noon sa sarili niya.
Napakamot na lang sa ulo si Jasper at napuno ng tawanan ang buong rooftop, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil sa mga nangyayari. Sana hindi na matapos ang ganito kasayang moment sa buhay ko.
“Masaya ka ba?” Biglang tanong sa akin ni Thunder nang hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at saka tumango habang nakangiti.
“Super.”
“Promise ko sa’yo na araw-araw kitang pasasayahin, poprotektahan kita, mamahalin ng sobra, ituturing kitang reyna at higit sa lahat ipaparamdam ko sa’yo na may forever...” Malambing na sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso.
“..Kahit gaano pa kahirap ang mga problemang darating sa’ tin, kapag nagkapamilya na tayo, sisiguraduhin ko na ibibigay ko ang best ko para maparamdam sa’yo na kasama mo ako sa kahit anong problema, hindi na kita iiwan, Rain. Mahal na Mahal kita.”
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa mga sinabi niya kaya basta ko na lang siyang niyakap ng mahigpit. Maswerte na ako kay Thunder at alam kong sincere siya sa lahat ng sinabi niya ngayon-ngayon lang.
“Mahal na Mahal din kita, Thunder. Hindi na ako makapaghintay na maging asawa mo.” Sabi ko at agad kaming kumalas sa pagyakap. Inakbayan niya ako at isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya habang masaya naming pinagmamasdan ang mga kaibigan namin.
Sana wala ng mabigat na problema ang dumating sa amin pero alam kong imposible iyon dahil dito pa lang mag-uumpisa ang lahat.