CHAPTER 60

60: Gangster’s love.

-

[1 and half year later]

“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.

“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.

Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.

“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.

“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew ang huling ikakasal at ngayon na iyon magaganap.

Sayang lang dahil hindi makakapunta si Ayesha, dahil maselan ang pagbubuntis niya. Hindi ko alam kung sinadya ba o ano pero halos lahat yata kami ay sabay nagbuntis. Feeling ko tuloy napag-usapan iyon ng mga lalaki.

“Hayaan mo na, tara na baka ma-late pa tayo.” Aya ko at bumaba na kami. Pagpunta naman namin ng simbahan ay naroon na rin ang iba. Agad akong nilapitan ni Emerald habang nakangiti ng sobrang lawak.

“Hey, guess what? 3 months na akong buntis.” Balita niya sa amin kaya naman agad namin siyang niyakap, kahit na isa’t kalahating taon pa lang ang lumipas noong makapagtapos kami ng pag-aaral ay handa na agad kaming magkapamilya, hindi naman kasi kami hirap sa buhay, may kaya si Thunder at nagkatrabaho ako sa maigsing panahon.

Gano’n din ang barkada, lahat naman sila ay mayaman kaya hindi sila hirap sa buhay at handa ng magkapamilya. Nakakatuwa lang dahil hindi magiging magkakalayo ang edad ng mga anak namin. Pakiramdam ko tuloy ay planado itong lahat.

“Congrats!” Sabay naming bati ni Zea at saka pumasok sa loob ng simbahan, maya-maya lang ay nag-umpisa na rin ang seremonya nang pumasok si Tymee sa simbahan habang nakaalalay ang papa niya at naghihintay naman sa altar si Matthew na ngayon ay naluluha. Naalala ko tuloy ang naging kasal namin ni Thunder.

[Flashback]

Anim na buwan ang lumipas bago kami magpakasal ni Thunder pagtapos niyang mag-propose sa akin. Hanggang sa ikasal ako hindi ko pa rin makontak ang Papa ko, hindi ko tuloy alam kung buhay pa ba siya. Mabuti na lang at narito ang Papa ni Thunder para maghatid sa akin sa altar.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang malawak na ngiti ni Thunder. Nahihirapan man ay tiniis kong wag maiyak dahil baka masira ang make up ko nag pinagpaguran ni Ayesha, huminga na lamang ako ng malalim at ngumiti.

Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo, parang may mga paru-parong nagwawala sa loob ng tiyan ko. Bukod doon ay parang si Thunder lang ang nakikita ng mga mata ko.

“Ibibigay na kita sa pinakagwapong nilalang sa mundo.” Sabi ni Tito nang makalapit kami sa altar. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako inalalayan papunta kay Thunder. Agad ko namang ipinulupot ang braso ko sa braso niya. Marahan kaming naglakad at humarap sa paring magkakasal sa amin.

Ilang minutong seremonya ang ginawa namin mula sa wedding vows at sa wakas, sinabi na rin ni father ang gusto kong marinig mula pa kanina.

“Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti nang magharapan kami ni Thunder. Parehong nangingilid ang luha namin ngunit pinili naming wag iyong hayaang pumatak. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakaharang ng belo sa mukha ko kaya naman sabay kaming ngumiti sa isa’t isa.

“This is it. You’re mine forever.” Sabi nito bago hawakan ang magkabilang pisngi ko at marahan akong halikan sa labi. Bahagya pa akong napapikit bago kami sabay na kumalas.

Matapos noon ay nag-picture taking na kami kasama ang pamilya at barkada. Mukhang excited naman ang asawa ko dahil hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo palabas ng simbahan.

“You girls ready?” Tanong ko habang nag-aabang silang lahat. Lahat sila ay tumango kaya naman tumalikod na ako at hinagis ang hawak kong bulaklak. Hindi pa man din ako lumilingon ulit ay narinig ko na ang pagtili ni Ayesha.

Matapos ng masayang reception ay dumiretso na kami ni Thundee sa resort kung saan kami mag-stay ng one week for honeymoon.

"Shit ulan, naeexcite ako!” Ani Thunder nang makarating kami sa kwarto kung saan tanaw na tanaw rito ang magandang view ng resort.

“Manyak mo talaga.” Pangaasar ko pa pero nabigla na lang ako nang yakapin niya ako at buhatin pahiga sa kama. Walang sabi-sabi, agad siyang pumaibabaw sa akin.

“Okay lang, honeymoon naman natin eh.” Sabi niya pa at hindi na ako nakapagsalita dahil sinunggaban na niya ako ng halik. Hindi na rin ako nag-inarte kaya hinalikan ko siya pabalik. Kaya naman kami nandito ay para gawin ito, at isa pa. Kasal na kami kaya dapat ay handa na ako.

Mas lumalim pa ang mga halik namin hanggang sa maramdaman kong bumaba ang halik niya sa panga at collarbone ko. Masiyado ring mabilis ang kamay niya dahil hindi ko namamalayan, tinatanggal na pala niya ang suot kong dress.

“Wait, patayin natin ‘yung ilaw.” Sabi ko pero nginisian niya lamang ako at saka marahang hinalikan sa leeg. Hinayaan ko na lang siya dahil first time ko ito at wala akong alam sa ganito kaya bahala na siya. Tutal sa kanya naman na ako mula ngayon.

“Ready ka na ba gumawa ng storm?” Tanong niya, dahilan para kumunot ang noo ko.

“Storm?”

“Oo, ayon ang gusto kong ipangalan sa anak natin.” Sabi niya at nahampas ko na lang siya sa braso. Gusto niya yatang lumaki sa kahihiyan ang magiging anak namin.

“Hmm lightning?” Suhestiyon niya pa kaya napailing na lang ako at bago pa siya mag-suggest ulit ng kung anong pangalan ay hinalikan ko na siya para ituloy ang honeymoon.

[End]

“Ahh!” Biglang daing ni Zea habang nasa kalagitnaan ng seremonya ang kasal nila Tymee.

“Bakit? Masakit ba? Manganganak ka na ba?” Nag-aalalang tanong ni Jiro.

“Hindi, sumipa lang ulit si Zero.” Sagot ni Zea, confirmed na kasi na lalake ang anak nila and yeah, pinagsama nila ang pangalan nila ni Jiro kaya they ended up with the name Zero. Cute ‘no?

“You may now kiss the bridㅡ”

“Ahhhhh.” Biglang sigaw ni Zea, hindi ko alam kung sinong mas nawindang, si Jiro ba dahil manganganak na ang asawa niya o si Matthew na kung kailan patapos na ang sermonya ay saka pa sumigaw ng gano’n si Zea.

“Shit! Sorry Matthew.” Paghingi ng tawad ni Jiro bago mabilis na inalalayan si Zea palabas ng simbahan. Nagmadali namang halikan ni Matthew si Tymee para matapos na talaga ang seremonya. Lahat kami ay hindi magkanda-ugaga hanggang sa makarating kami ng hospital.

“Ang hanep tumi-ming ng anak nila.” Kunwaring naiiyak na sabi ni Matthew at natawa na lang ako. Hindi naman na nila kailangan sumama rito pero ito at nandito silang lahat.

Ilang oras na paghihintay at sa wakas, nakalipat na rin ng private room si Zea, nag-aabang na lang kami na dalhin ng nurse rito ang baby niya.

“Ma’am, ito na po si Zero.” Sabi ng nurse na pumasok, marahan naman niyang inabot kay Zea ang baby nila. Abot tainga ang ngiti namang lahat, sobrang cute ni baby Zero. Manang-mana sa parents niya, singkit din ang mga mata nito.

“Hi Zero.” Naiiyak na bati ni Jiro nang hawakan nito ang cute na kamay ng anak niya. Napangiti ako ulit pero bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot ng tiyan ko. Bahagya pa akong napasabunot sa katabi kong si Thunder.

“Kulog, manganganak na yata akoㅡAhhhh!” Dali-dali niya akong binuhat at saka lumabas ng kwarto. Nabigla pa ako dahil bigla na lang niyang sinipa ang pinto ng delivery room.

“Manganganak na ang asawa ko!” Sabi niya sa doctor na nakita bago ako ihiga sa kamang malapit. Nanatili lang siya sa tabi ko habang mahigpit kong hawak ang kamay niya.

Habang nag-aayos ng mga gamit ang doctor ay pinapalakas ni Thunder ang loob ko at maya-maya kang din ay inumpisahan na ang panganganak sa akin.

“Ere lang ng ere ulan ko, kaya mo ‘yan.” Tumango ako sa sinabi niya bago niya ako sinabayan sa pag-ere.

“Wow, magka-birthday pa talaga mga anak niyo, ah.” Ani Jasper dahil nandito naman sila ngayon sa private room na pinag-stay-an ko. Inabot na rin ng gabi at nakaalis na rin sila Matthew dahil bubuuin pa raw nila ang magiging anak nila ni Tymee.

“Ano ipapangalan mo sa anak mo?” Tanong ni Axel nang makarga ko na ang anak ko, napangiti pa ako dahil babae ang una naming anak ni Thunder.

“Maganda kung Red.” Suhestiyon ni Jp, narito pala ang tropang sisiw.

“Ano Red Cross?” Iritang reklamo ni Ramon.

“Maganda kung Green.” Suhestiyon niya at napabuntong hininga na lang ako.

“Ginawa mo namang brand ng alcohol ‘yung anak nila, eh kung Rainbow kaya?” tanong ni Suga.

“Oo nga para maging makulay ang buhay ng anak niyo.” Pagsang-ayon pa ni Jimmy, Sayang at wala sila Jin dito, mukhang busy rin sila ni Pink.

“Yokai na lang.” Seryosong suhestiyon ni Jasper at napailing na lamang ako.

“Pagtripan niyo pa anak ko, babaliin ko mga buto niyo.” Pagbabanta ni Thunder at natawa na lang silang lahat. Tinitigan ko namang mabuti ang anak ko. Ang cute cute niya.

“May naisip na ako, pinagsama ko ‘yung dalawang letter sa dulo ng pangalan namin ni Thunder, kaya Erin ang itatawag ko sa kanya, okay ‘yon ‘di ba?” Tanong ko nang lingunin ko si Thunder.

“Oo nga ‘no? ‘Yung ER galing kay Thunder at IN galing sa Rain, wow talino! ikaw na keen.” Sabi pa ni Jp at napailing na lang ulit ako. Nagkatinginan kami ni Thunder at saka niya ako marahang hinalikan sa noo, gano’n din naman ang ginawa niya kay Erin.

Excited na ako sa magiging takbo ng buhay namin, excited na ako makita kung paano magiging ama si Thunder sa anak namin, ngayon pa lang ramdam ko ng mahihirapan kami pero ayos lang dahil sure naman ako na kahit mahirap, masaya pa rin dahil nand’yan na ang little angel namin na si Erin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.