Chapter EPILOGUE

Epilogue

-

Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.

Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.

“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.

“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.

Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya

Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang laki ng perwisyong idinulot niya sa buhay ko ay gusto ko pa siyang paputukan ngunit hindi ko ginawa.

Lumapit ako sa katawan niya at tinitigan ang mga mata nitong nakadilat habang umaagos ang dugo sa kanyang katawan at bibig.

“Go to hell.” Tipid kong sabi bago ihagis ang shotgun sa isang sulok.

Sa wakas at napaghiganti ko na rin si Cloud at lahat ng mga nadamay sa problema na ito. Balak ko na sanang lumabas ngumit biglang may tumunog na cellphone. Agad akong lumuhod at kinuha ang phone sa bulsa ni Yb.

Text message iyon galing sa nag ngangalang Red leader.

“Sinusubukan mo talaga ako.” Basa ko sa text kaya naisipan ko na rin na basahin ang buong conversation nila.

“Hindi ko hahayaan na mapunta sa inyo ‘yung code, mamamatay muna ako. At kung gusto niyo talagang makuha ‘yon, may isang bata akong kinidnapped, Hanapin niyo si Erin Cross. Siya ang nakakaalam ng code.” Iyon ang message ni Yb bago ang reply ng leader.

Anong ibig sabihin nito? Alam ni Erin iyong code? Kung gano’n, alam ni Yb na hindi na rin siya magtatagal sa mundo at gagawin niya talaga lahat para makapaghiganti sa amin kaya anak ko ang puntirya niya.

Hindi maganda ang pakiramdam ko rito kaya nagmadali na akong lumabas at agad niyakap si Thunder para ipaalam ang nalaman ko.

Pag-uwi namin sa bahay ay agad akong nagpa-book ng flight papuntang America, hindi ko na hihintayin na kumilos ang Red organization na iyon para hanapin si Erin dahil sa code na pinag-uusapan nila ni Yb. At kung ano man iyon, paniguradong importante iyon at baka buhay pa ng anak ko ang maging kapalit.

“Beb, sure ba kayo?” Tanong ni Ayesha mula sa kabilang linya.

“Oo Beb, bukas na bukas din aalis na kami. Hapon pa naman ang flight kaya kung pwede pumunta kayo rito ng maaga para magkakasama tayo bago kami tuluyang umalis.”

“Sige. Ipapaalam ko ‘to sa iba.” Sabi niya kaya binaba ko na ang tawag at nag-ayos ng gamit. Mabuti na lang at hindi nasaktan si Erin dahil sa nangyari. Minabuti ko rin na wag muna siyang kausapin about doon sa code dahil baka ma-trigger lang ang pagka-trauma niya.

“Rain, it’s gonna be okay.” Sabi ni Thunder nang yakapin niya ako. Pinagmasdan na lang namin matulog si Erin dito sa kwarto namin. Hindi ako mapanatag, sa murang edad ay napagdaanan niya na ito. What more kung lumaki na siya?

Kinabukasan maaga pa lang ay naghanda na ako para sa pagdating ng barkada. Masaya naman ako dahil kumpleto sila at kasama ang mga anak nila.

“Mabuti at natapos na ‘yung buhay ni Yb pero bakit aalis pa kayo?” Tanong ni Jiro. Kasalukuyan kaming nagtitipon-tipon dito sa living room habang ang mga bata naman ay nasa playroom sa itaas.

“Hindi ko alam kung ano ‘yung code na tinutukoy ni Yb pero, habol ‘yon ngayon ng red organization.” Sagot ko habang pinagalalaruan ang kamay ko.

“Oh ano naman kinalaman sa inyo no’n?” Tanong ni Matthew, dahilan para pasadahan ko ng tingin ang barkada.

“Na kay Erin ‘yung code, siya ang nakakaalam. Sa ngayon hindi ko pa siya natatanong tungkol do’n dahil baka na-trauma siya.” Paliwanag ko at tumango lamang sila. May limang oras na lang kami bago ang flight kaya hindi na namin sinayang ang oras na magkakasama kaming lahat.

Patuloy kami sa pagkwentuhan hanggang sa bigla na lang may umiyak sa itaas, agad tumayo si Zea at nagpunta sa hagdan kung saan bumaba si Zero na nagdudugo ang noo.

“What happened?” Tanong ni Jiro nang lumapit siya, maya-maya lang ay bumaba na rin ang ibang bata maliban kay Erin.

“Natamaan po siya ng pinto ng cabinet, kinulong niya po kasi si Erin sa loob.” Sabi ni Xian kaya agad akong umakyat sa itaas para kunin si Erin, nakaupo lang siya sa kama at umiiyak. May sugat din siya sa may bandang baba, mukhang sumubsob siya sa pagmamadaling makalabas sa cabinet. Na-trauma nga talaga siya, kailangan namin siya mapatignan sa psychiatrist.

“Tama na anak, baba na tayo do’n. May dalang marshmallow sila Tito Axel mo.” Sabi ko at tumahan naman ito sa pag-iyak, bumaba na rin kami para makisalo sa iba.

“Zero anak, mag-sorry ka kay Erin.” Utos ni Jiro pero nanatili lang na tahimik si Zero.

“Wag na, mga bata pa kasi kaya di pa nila alam ‘yung tama at mali. Hayaan mo na.” Sabi ni Thunder kaya nagkatinginan kami at nag ngitian.

“Paano nga pala ‘yung business mo rito sa Pilipinas? Sinong mamamahala?” Tanong ni Amanda.

“Si papa, hindi pa naman siya gano’n katanda at saka marami siyang alam sa business, paminsan minsan naman ay uuwi ako rito.” Sagot ni Thunder at maya-maya lang ay dumating na ang tropang sisiw. Agad nilang kinuha ang mga bata para laruin pero mukhang wala sa mood si Zero kaya nanatili siya sa mama niya.

Manang mana siya sa Papa niyang may pagka-cold. Siguro dala na rin dahil laging busy ang magulang niya, mukhang nakakaapekto iyon sa kanya.

“Oo nga pala, pagdating natin sa Amerika, gusto ko ipasok sa combat school si Erin, gusto ko na matuto siya kung paano makipaglaban, self-defense na rin.” Sabi sa akin ni Thunder at hindi naman ako kontra doon dahil makakabuti rin iyon kay Erin. Mabuti nang hangga’t maaga ay matuto siyang ipagtanggol ang sarili niya.

“Okay lang sa’kin, as long as makakatulong sa kanya.” Nakangiting sabi ko kaya hinawakan niya ako sa baywang.

“Kamusta na nga pala ‘yung Academy?” Tanong ni Tymee kay Axel.

“Everything’s fine, maraming changes. Yung hell’s gate, mas kinatatakutan na ngayon because of the incidents that happened inside, wala na rin ‘yung hideout..”

“..Yung robust may bago ng itatawag, I’m not sure kung anong ipapalit, may mga ginagawa ring bagong establishments. Sa loob ng walong taon, marami ng nagbago. What more kung doon na nag aaral ang mga anak natin?” Tanong ni Axel.

“Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang may ari sa Academy. Kilala niyo ba? Bigla akong na-curious, eh.” Pagsingit ni Jasper at napaisip ako naman bigla. Matagal ko na rin iyong iniisip pero ni minsan, hindi ko nagawang makuha ang sagot sa tanong na iyon.

“Wala akong idea.” Sagot ni Axel, nakakapagtaka rin kasi. Sino nga kaya ang may ari ng Monstrous? Ilang taon na ang lumipas pero wala pa rin kaming alam. Maraming nangyari sa Academy pero parang wala lang iyon sa management ng school.

“Wag na natin alamin, ito na lang naaalala niyo pa ba ‘yung unang encounter natin kay Rain?” Tanong bigla ni Matthew kaya parang nag-flash sa isipan ko ang lahat.

“Oo, hindi ko ‘yon makakalimutan, nasa gitna tayo ng away sa likod ng main building nang bigla siyang sumulpot. Napaka-ungentleman niyo nga no’ng time na ‘yon, tss. Ako lang ang nag-abalang tumulong sa kanya.” Napapailing na sabi ni Jiro.

Bigla ko tuloy naalala na doon ko siya nagustuhan, like at first sight ba.

“Kapal mo naman, pero ito nakita niyo ba ‘yung ekspresyon ni Thunder no’ng makita niya kung anong number ang nilagay ni Rain noon sa phone niya? HAHA shit! Ang sarap niyang suntukin no’ng time na ‘yon. Mukha siyang yokai.” Natatawang kwento ni Jasper with matchinh hampas pa sa mesang nasa harapan.

Bigla namang ipinakita ni Thunder ang muscle niya sa braso. Banta na babaliin niya ang buto ni Jasper kapag nagsalita pa siya.

“Eh ‘yung time na ginawa niyo akong flower vase dahil sa mga bulaklak na pinaglalagay niyo noon sa braso ko?” Tanong ko nang pasadahan ko ng tingin ang lima.

“Haha nakita ko ‘yon, pero maganda ka pa rin naman no’ng time na ‘yon, eh.” Sabi ni Liam at napaehem na lang si Ayesha, hindi pa rin pala nawawala ang pagiging probity niya.

“Hoy squidward tigilan mo ‘yan, ah!” Ani Thunder at nagtawanan na lang lahat. Kung pwede lang na ganito kami habang buhay, gagawin ko. Pero may mga bagay na kailangan iwanan at isakripisyo. Hindi na lang kasi ito tungkol sa akin, pamilyado na ako at sila na ang priority ko ngayon.

“Waaah, ‘yung anak niyo. Dinuraan ako!” Kunwaring umiiyak na sumbong ni Jp habang hawak-hawak si Jester.

“Good job, Anak!” Naka-thumbs up na sabi ni Jasper at mabilis siyang nahampas ni Emerald dahil doon. Ang cute nilang tignan, hindi na rin ako magtataka kung bakit gano’n ang anak nila.

“Did you know that the main function of saliva is to coat the tissues of the mouth. This produces the smooth sensation you feel when you run your tongue over your lips, teeth and gums?” Lahat kami ay napunta ang atensyon nang magsalita si Alex na manang mana sa katalinuhan ng magulang niyang si Axel at Amanda.

“May problema ka sa gums?” Biglang pagsingit ni Suga na ikinatawa ng malakas ni Jimmy.

“Cute pa rin naman kayo tito Suga, eh.” Nakangiting saad ni Xian.

“Haha shine bright like a diamond nga ‘yung gums niya, eh. Tapos si tito Jp isang maling yuko lang babawian na ng buhay, si tito Jimmy naman parang mas mauunahan ko pang lumaki, tapos si tito Ramon, nevermind.” Natatawang sabi ni Erin kaya naman napuno ulit ng tawanan ang bahay.

Habang ‘yung apat ay nakasimangot lang, mabuti at mukhang okay na si Erin, ang laki talaga ng tulong ng tropang sisiw sa kanya. Close kasi silang lahat sa mga bata, mamimiss ko ang ganito.

Hindi nagtagal at nagpasya na kami ni Thunder na umalis ng maaga dahil mas maganda na raw ang maaga kaysa mahuli.

“Sure ba kayo na hindi na kayo papahatid sa airport?” Tanong ni Jiro nang magtipon-tipon na kami rito sa labas ng bahay.

“Oo, wag na. Makakaabala pa kami, let’s keep in touch, okay?” Sabi ni Thunder at isa-isa na niyang niyakap ang dark at tropang sisiw. Gano’n din naman ang ginawa ko sa girls at sa lahat.

“Let’s meet again soon.” Nakangiting sabi ko kay Ayesha dahil sa lahat ng girls ay siya ang pinaka-emosyonal. Walang pinabago, parang noong mga college pa kami.

“Mag-iingat kayo, ah? Mamimiss namin kayo.” Niyakap niya ulit ako at agad din kumalas dahil dumating na ang taxi na tinawagan ni Thunder. Nagpaalam na kami sa lahat at gano’n din ang mga batang para ng magkakapatid.

Pagdating namin sa hotel kung saan kami magpapalipas ng dalawang araw ay agad akong niyakap ni Thunder. Nakatulog na rin kasi si Erin dahil sa haba ng byahe.

Dito muna kami pansamantala hangga’t hindi pa natatapos ang proseso doon sa biniling bahay ni Thunder dito sa Amerika. Tungkol naman sa pag-aaral ni Erin ay baka mag-back to zero siya. Sure naman ako na mabilis lang siyang mag-accelerate dahil matalino siyang bata.

“Ulan, masaya ka ba?” Bigla niyang tanong sa akin habang nakayakap pa rin mula sa likuran.

“Ako? Oo naman, panatag na ang loob ko na nakalayo na tayo at isa pa kasama ko kayo ni Erin kaya sobrang masaya ako.” Sabi ko nang humarap ako sa kanya.

“Pero alam mo naman na hindi natin pwedeng ilayo ng pang habang buhay si Erin ‘di ba?” Tanong niya at marahan akong tumango ako. Noong una pa lang naman ay alam ko nang hindi kami pwedeng magtago ng habang buhay. Hindi rin naman langad sa kaalaman ko na hindi magiging madali ang lahat.

“Sa ngayon, isipin na lang muna natin ‘yung magiging buhay natin dito okay? Wag na tayo magpaka-stress.” Bilin ko at mas hinigpitan niya yung paghawak sa baywang ko.

“Eh kung sundan na natin si Erin?” Tanong niya na may pagtaas-taas pa ng kilay. Nginitian ko siya at saka inilapit ang bibig ko sa tainga niya.

“Nakatingin sa’tin anak mo.” Bulong ko at saka sabay na tumingin sa gilid kung nasaan si Erin. Ang bilis niyang magising.

“You’re a pervert Dad, you know

“You’re a pervert Dad, you know.” Komento ni Erin at napakamot na lang si Thunder. Sabay naman kaming lumapit sa kanya para yakapin.

“Gwapo lang si Daddy pero hindi pervert Anak.” Nakangiting palusot ni Thunder nang buhatin niya si Erin, habang ako naman ay inakbayan niya. “Kayo lang ang babaeng mamahalin ko, you’re my queen forever at ikaw naman Erin, you will always be my princess.”

Marahan akong napangiti at pakiramdam ko ay mangingilid na ang luha ko. Todo pigil lang ako dahil ayaw kong makita ako ni Erin na umiiyak.

“I love you Mommy and Daddy.” Paglalambing ni Erin nang halikan niya kami ni Thunder sa pisngi. Nagyakapan lang kaming tatlo at masayang ngumiti isa’t isa. Masayang masaya ako na kasama ko ngayon ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Kahit kailan hindi ko pagsisisihan na pumasok ako sa Monstrous Academy dahil kung hindi ako pumasok doon, malamang ay hindi ko makikilala ang mga taong nagpasaya at nagturo sa akin na friendship and love always win.

Marami kaming napagdaanan, maraming pagsubok ang dumating at

kahit na ano pang problema ang dumating sa buhay ko, hindi ako panghihinaan ng loob dahil gaya nga ng favorite line ko noon sa movie ni Will Smith, danger is real but fear is a choice.

[THE END..]

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.