Special chapter
-
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.
“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.
“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.
“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.
“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang mapansing silang dalawa lang mag-ina ang magkasama. Tumango naman siya habang lumalapit sa amin.
“May business trip, eh.” Tipid na sagot niya kasabay nang pagbaba si Thunder na nakabihis na para pumasok sa trabaho, hinalikan ako at saka nag-goodmorning.
“Nakausap ko na ‘yung principal ng school na papasukan ng mga bata, pumayag sila na sa iisang section lang sila.” Sabi ni Thunder kaya naman napangiti ako. Hindi naman kasi magkakalayo ang edad ng mga anak ng barkada kaya naisipan naming na sa iisang section na lang sila ipasok, para kahit paano din ay hindi kami mahirapan.
“Mabuti naman. Oh s’ya, kumain ka na muna bago umalis, ihahatid na namin ‘tong mga bata.” Paalam ko at saka hinawakan si Erin at Zero na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin pareho.
“Kiss na kay Daddy.” Sabi ni Thunder nang maupo ito. Mabilis naman siyang hinalikan ni Erin sa pisngi at nag-goodbye kiss na rin ako bago umalis. Pagsakay ko sa kotse ay sumakay na rin si Ayesha rito sa harapan habang ‘yung tatlong bata ay nasa likuran.
“Xian, akala ko ba bff mo ako? Eh bakit sa kanya mo binigay ‘yung robot mo?” Pagmamaktol ni Erin. Tinignan ko sila sa rearview mirror at hindi maiwasang mapangiti, sa anak kasi ng magbabarkada ay silang tatlo ang madalas magkasama.
“Eh kasi panglalaki ‘yon eh, saka bff ko rin si Zero. Bibigay ko na lang sa’yo ‘yung binili namin ni Daddy na babaeng robot.” Ani Xian, dahilan para magkatinginan kami Ayesha at ngumiti dahil sa mga bata.
Ngayon pa lang ay kitang-kita ko na kung kanino sila nagmana at hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung papayag ba ako na pag-aralin si Erin sa Monstrous ince na tumungtong ng college. Buo na kasi ang desisyon ng barkada na roon ipasok ang mga anak nila. Gustuhin ko man na sumabay sa gusto nila, mas iniisip ko kasi ang kapakanan ni Erin.
Pagbaba namin ng kotse ay agad kaming sinalubong nila Emerald, Amanda at Tymee habang hawak ang anak nilang si Jester, Alex at Tyler.
“Ang bilis ng panahon, grade 1 na sila agad.” Nakangiting sabi ni Amanda at sumangayon naman sila Tymee. Pagpasok namin sa eskwelahan ay hinatid naming ang mga bata sa classroom nila at saka naghintay sa labas hanggang sa matapos ang klase nila.
Sa first day lang ito pwede gawin, bukas kasi ay kailangan na silang iwan para matuto na walang nagbabantay na magulang habang nag-aaral sila, unlike noong nasa pre-school sila na araw-araw kaming nakabantay.
Marami kaming napagkwentuhan ng girls habang nasa waiting area. Si Liam ay busy sa business niyang mga kotse, gano’n din sila Jiro at Zea sa kumpanya ng pamilya nila na pagmamay-ari na nila ngayon. Si Axel naman, siya na ang pumalit na keen’s leader habang si Jasper at Matthew ay parehong busy sa pagtatayo ng business nilang dalawa.
Si Thunder, kung hindi niyo na itatanong, pagmamay-ari lang naman niya ngayon ang ilang malalaking kumpanya rito sa bansa.
Hindi naman kasi nabanggit sa amin ni Tito na isa pala sa dahilan kung bakit din siya umalis noon ay dahil nagtatayo siya ng business. Nang malaman iyon ni Thunder ay tumulong siya at sa awa ng Diyos, naging successful at lumago ang kumpanya nilang motorcycles, landmark at kung ano pa.
Oo bigtime, kaya nga may sarili na kaming bahay at lupa gaya ng sinabi niya sa akin noon. Si Ayesha naman ay fashion designer na ngayon kasama si Emerald, si Tymee naman ay minana ang business ng pamilya nila which is hotel. At ang tropang sisiw, nagpapatakbo sila ngayon ng isang malaking resort. Si Jin at Pink ay nasa Japan na at doon na yata titira for good.
Ako? Pinasok ko ang pagiging isang secret agent, ewan ko ba pero gusto ko na rin mag-resign. Gusto ko nang maging fulltime mom kay Erin, she need some guidance lalo pa’t namana niya ang pagiging insolent ng magaling niyang ama.
As much as possible, gusto kong mamulat siya sa kung ano ang tama at mali. Medyo spoiled na rin kasi dahil kung ano ang gusti niya ay ibinibigay ni Thunder.
“Mommy, grabe ang dali no’ng pinapagawa ng teacher naming. I think I don’t need to go to school na because I’m smart enough.” Bungad sa akin ni Erin pag-dismiss na pag-dismiss ng klase nila. Napahawak na lamang ako sa noo ko at saka naupo para magtama ang paningin namin.
“Erin anak, kahit na gaano ka pa katalino, you still need to study okay?” Pangangaral ko at tumango lang siya. Kahit hindi ko ipaliwanag, alam kong naiintindihan niya kung bakit at para saan ang pag-aaral. Lagi ko naman kasing pinapaalala sa kanya na mag-aral siyang mabuti.
Pag-uwe namin sa bahay ay kasama ko pa rin ang girls at mga anak nila. Inaya ko sila rito para magmeryenda habang ang mga bata naman ay naglalaro sa playground na pinatayo ni Thunder dito sa likod ng bahay.
“Nakikita ko na ang magiging future ng anak mo.” Natatawang sambit ni Emerald sa akin matapos niyang inumin ang Juice na hawak niya.
“Hoy pangit! Umusog ka nga do’n!” Rinig kong sabi ni Jester kay Alex habang naroon sila sa tuktok ng slide.
“Mukhang tama nga ‘yung sabi sa akin noon ni Liam na magiging insolent ang anak niyo ni Jasper, ah.” Naiiling na komento ni Ayesha at ngumuso lang si Emerald. Ayaw rin niya kasing maging insolent ang anak niya pero wala siyang magagawa dahil insolent silang parehas ni Jasper. Sabi nga nila, kung ano ang puno ay iyon ang bunga.
Ilang oras ang lumipas at nagsi-uwian na rin sila pero si Zero ay nanatili lang dito sa bahay dahil hindi pa siya sinusundo ni Zea. Naalala kong may nakababata pa nga pa lang siyang kapatid.
“Zero, sino kasama ni Third? Nasaan siya?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Tahimik lang siya at parang walang narinig. “Zero are you okay?”
Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya inalayaan ko na lang siyang pumasok sa loob at doon siya hinayaang maglaro mag-isa, nakatulog na rin kasi si Erin.
ㅡ
Kinabukasan paghatid na paghatid ko kay Erin ay umuwi na rin ako agad dahil balak ko nang mag-resign sa trabaho ko. Pasakay na sana ako sa ng kotse nang biglang tumawag ang teacher ni Erin.
“Ma’am, umuwi po ba sa inyo si Erin? Hanggang ngayon kasi hindi pa siya bumabalik ng classroom.”
“Hindi, teka what do you mean na hindi pa bumabalik?” Tanong ko nang pumasok ako sa kotse at buhayin ang makina ng sasakyan.
“Nagpaalam kasi siyang mag-ccr, 5 minutes na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik kaya sinundan ko na sa lahat ng cr pero hindi ko makitㅡ” Agad kong binaba ang tawag at nagmadaling magmaneho papunta sa school. This can’t be! Masama ang kutob ko pero please, wag naman sana!
Hindi naman basta-basta makakalabas ng school si Erin ng walang kasamang magulang, unless may nagpanggap bilang magulang niya.
“Guard, may bata bang lumabas dito? Grade 1 siya, may pagka-brown ang mahaba n’yang buhok, may bangs saka maputi.” Nagmamadali kong tanong sa gwardya nang makarating ako sa school. Bahagya pa itong nag-isip na tila may inaalala.
“Ah, opo siya ‘yung batang natutulog kanina na buhat-buhat ng papa niya.” Sagot niya, dahilan para magsalubong ang kilay ko. Imposible, nasa trabaho si Thunder sa mga oras na ito. At isa pa kung si Thunder iyon, malamang ay nagsabi na siya sa akin.
“Papa? Anong itsura niya?”
“Uhm singkit, may pagka-mohawk ‘yung buhok, teka kayo po ba si Rain?” Tanong niya at agad akong tumango. May kung ano siyang kinuha sa bulsa at inabot sa akin ang kapirasong papel. “Pinabibigay niya po ‘yan.”
Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay alam ko na kung kanino ito nanggaling, at ‘yung description ng gwardya tungkol lalaking kasama ni Erin. No doubt na si Yb iyon.
“It’s been a long time. Isn’t it? Magkita tayo sa lugar kung saan ka dinala ni Thunder noon, bilisan mo kung gusto mong maabutang buhay ang anak mo, wag mo na rin tangkaing tumawag ng pulis dahil pasasabugin ko ang ulo nito.” -YB.
Inis kong nilukot ang hawak na papel at sumakay ulit ng kotse. Hindi ako nag-alinlangan at pumunta na roon. Tinawagan ko na rin si Thunder para ipaalam sa kanya ang nangyari. Hindi talaga ako titigilan ng Yb na iyon, ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin isya tapos sa akin at ngayon, idadamay niya pa ang walang kamalay-malay na si Erin.
Nang makarating ako sa lumang bahay ay hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. Doon bumungad sa akin si Yb. Wala siyang kasamang tauhan at mukhang mag-isa lang siya rito. Miserableng-miserable ang itsura niya at para nang nababaliw. Malago na ang bigote’t balbas niya, bukod doon ay para siyang pugante.
“Nasaan ‘yung anak ko? Napakawalangya mo!” Sigaw ko nang sugurin ko siya pero napigilan niya ako at saka itinulak.
“Alam mo wala na akong pakialam sa eksperimento. Dahil sa’yo iniwan ako ni Janna at ngayon, hinahabol ako ng red organization!” Sigaw niya sa akin. Mukang kinakalaban na rin siya ng mga sindikatong iyon dahil hindi niya naibigay ‘yung drugs na matagal na niyang sinusubukang gawin.
“Nasaan si Erin?!” Sigaw ko at tumuro naman ito sa labas.
“Nasa kotse ko, ano mang oras sasabog na ‘yon.” Sabi nito pero sinamaan ko lang siya ng tingin hanggang sa mapatingin ako sa sahig. Marshmallow, tch. Agad kong naisip na nasa loob ng maliit na cabinet si Erin dahil doon papunta ang mga marshmallow, kilala ko ang anak ko. Mahilig siya ro’n at malamang natapon iyon sa bulsa niya habang dinadala siya ni Yb papunta sa cabinet para itago.
“Ano bang kailangan mo sa’kin?” Tanong ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa cabinet pero humugot siya ng baril at saka itinutok doon, dahilan para matigilan ako.
“Labas!” Sigaw niya at nanlaki na lang ang mata ko nang lumabas si Erin na may tali ang kamay at may tape ang bibig. Iyak ito ng iyak kaya naiyukom ko ang kamao ko. Never kong nakitang umiyak ng ganito ang anak ko, alagang-alaga namin siya ng Daddy niya tapos ito at mararanasan niya ito sa murang edad.
“Pakawalan mo ang anak ko! Tayo ang magtuos.” Sinugod ko sIya pero itinutok niya sa akin ang baril. Bahagya akong napahinto pero mabilis din akong nakakilos para sipain ang iyon paalis sa kamay niya.
Nang tumalsik iyon ay agad niya akong sinugod ng suntok na tumama sa balikat ko, napaatras ako ng bahagya at saka siya sinuntok sa panga. Sinamaan niya ako ng tingin bago muling sumuntok na tumama sa sikmura ko. Pasugod na sana ako ulit ngunit bigla siyang tumakbo papunta kay Erin.
“Sige. Gumalaw ka.” Banta niya habang may hawak na kutsilyo at nakatutok iyon sa leeg ng anak ko. Awtomatikong tumulo ang luha ko sa takot, kilala ko Yb. Hindi siya takot gumawa ng krimen at ano mang oras, pwede niyang patayin ang anak ko.
“Please, wag si Erin. Ako na lang.” Makaawa ko at umiling-iling ito habang nakangiti. Mabilis naman akong nakatakbo papunta sa direksyon nila nang makita kong inangat nito ang kamay niya.