CHAPTER 13

Chapter 13: Smile.

-

I'm currently in my room getting dressed. Inangkin ko na talaga itong kwarto na 'to. Nae-enjoy ko ang pag-stay rito, na-miss ko rin kasi ang tumira sa isang bahay. As soon as I finished tying my hair into a messy bun, I walked downstairs kung saan naririnig ko ang magkapatid. Hindi ko sila mahagilap hanggang sa mapansin ko na may tao sa kusina. Nagpunta ako roon at naabutan kong masayang naglalaro ang dalawa.

Hindi ko muna sila inistorbo at nanuod lang. Ngayon ko lang nakitang nakangiti si Zero, mukhang mahal na mahal at na-miss niya talaga ang kapatid niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti rin.

"Oh, gising ka na pala." Puna niya nang mapansing nakatayo ako sa may pintuan. May harina pa siya sa ilong.

"Ang ingay niyo kasi." Kibit balikat kong sabi nang lumapit ako sa kanila. Agad naman akong hinawakan ni Third.

"Sorry Ate, na-miss ko kasi si kuya kalaro eh." Nakangiting sabi niya at ngumiti ako.

"It's okay, nagbibiro lang naman ako." Sabi ko kasabay ng paghatak niya sa akin para maupo.

"Nagluto kami ni Kuya ng pancake, kain ka na." Napatitig ako nang maglapag ng isang plato sa harap ko si Zero na may lamang tatlong patong ng pancake at liquid chocolate sa ibabaw, napalingon ako sa kanya at bigla na lang siyang naglakad pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.

"So rude, samahan niyo naman ako." Binitawan ko siya at saka siya hinatak ni Third para maupo na rin. Nakakapagtaka lang, kagabi ko pa hindi nakikita sila Tita Zea at Tito Jiro.

"Ba't nga pala kayo ang nagluto? Nasaan 'yong katulong?" Hiniwa ko ang pancake at saka tinikman. In fairness, masarap ah. Hindi ko akalain na may silbi pala sa kusina itong asungot na si Zero.

"Ewan ko, inaya lang ako ni Kuya eh." Masayang sabi ni Third. Medyo napangiwi ako. Inaya? Ano naman kaya ang nakain niya? Bored na bored na siguro siya rito sa bahay.

"Oo nga pala. Where's Tito and Tita? I need to thank them for letting me stay here for a week."

"Nasa business trip sila, Ate. Trice a month lang sila kung mag-stay rito sa bahay." Naramdaman ko ang biglang paglungkot ni Third nang sagutin niya ang tanong ko. Bigla ko tuloy naalala noon na madalas iwan si Zero sa bahay dahil nga laging nasa business trip ang parents niya. No wonder kung bakit lumaki siyang ganito, masungit, galit sa mundo at tahimik. Ugh, bakit nalungkot ako bigla?

"Gano'n ba? Gusto mo ba na ako muna maging Ate mommy mo for one week?" Tanong ko at bigla na lang nagliwanag ang reaksyon niya. Hindi niya ako sinagot at bigla na lang tumayo para yakapin ako. Nagkatinginan kami ni Zero pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya.

"Talaga? Ate mommy na itatawag ko sa 'yo? Ayos na sa akin ang one week." Masayang sabi niya. Tinapik ko lang ang balikat niya habang nakangiti at kumalas na rin siya sa pagyakap.

"You don't need to do that. Nandito ka para magpahinga." Ani Zero nang tabihan niya ako rito sa rooftop. Pumasok na kasi ng school si Third. Grade 9 na raw siya ngayon at ang dream school niya for college? Monstrous Academy lang naman. Kung ako lang ang masusunod hindi ko siya roon pag-aaralin. He's too precious for that school.

"I insist, magaan ang loob ko kay Third and I know that he needs a mother. I mean, I know he's in pain at hindi mo maitatago sa akin na gano'n ka rin.." Bumuntong hininga ako.

"..Bata pa lang tayo, medyo malayo na ang loob mo sa parents mo and I'm afraid na baka maging gano'n din si Third, wala akong alam sa istorya niyo but I want to help. That's the least I can do." Tahimik lang si Zero. Hindi siya kumibo pagtapos ng sinabi ko. Hindi ko alam kung maba-badtrip ba ako o ano pero alam kong malungkot siya sa mga oras na ito.

"Hmm, hindi ako sanay tumanaw ng utang na loob so just like what I did to Xian, ano 'yong magagawa ko para makabayad sa ginagawa mong pagtulong sa akin ngayon?" Tanong ko, dahilan para lumingon siya sa akin at saka tignan ng diretso sa mata. There's something about those dark eyes. Hindi ko mawari kung anong mensahe ang meron sa mga titig niyang 'yon. But damn! Parang ang dami niyang gustong sabihin sa akin.

"Be safe, 'yon lang ang gusto ko." Sabi niya at iniwan na niya ako rito. Napatingin na lamang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Hindi nag-process sa utak ko ang sinabi niya. Hmm, weird. Iyoon lang ang gusto niya? Hindi niya ako pahihirapan? bubullyhin or what? Hell no! Anong nangyari sa kanya?

Alex's POV

Kasalukuyan akong pinapagalitan ni dad. Bakit ko raw hinayaang umalis ng academy si Erin. Eh ano namang laban ko kay Zero? Nagpumilit siya na siya ang mag-aalaga kay Erin.

"Dad, sinabi ko naman na sa 'yㅡ"

"Hindi alam nila Zea at Jiro na nandoon si Erin, tama? Hindi rin alam nila Thunder at Rain ang nangyari sa anak nila." Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni dad, shit! Nakalimutan kong keen siya. of course malalaman niya na wala talagang alam ang parents ni Erin at Zero sa nangyayari.

"Dad. Let's trust Zero. Ayaw niyang mag-alala sila tito at titㅡ" Tumayo si dad at saka humarap sa bintana. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil dumating si mommy kaya napatayo rin ako.

"Amanda babe. Ikaw na magsabi rito sa anak mo." Sabi ni dad, dahilan para lapitan ako ni mom, sa tingin pa lang ay alam ko nang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.

"Pinaalam na namin sa Villaruel at Cross ang nangyari." Nanatili akong tahimik. Mali talaga na pinaalam ko kay dad ang nangyari, mayayari ako nito kay Zero kapag nagkataon.

"I want you to go there, lahat kayo." Kumunot ang noo ko sa sunod na sinabi ni mom.

"Napakairesponsable kung si Zero lang ang magbabantay kay Erin. Nak, alam mong malaki ang naging atraso ko noon sa mga Cross, lalo na sa mommy ni Erin. This is the least we can do..." Hinawakan niya ako sa pisngi at ngumiti ng tipid.

"Tawagan mo sila Jester, pumunta kayo kila Zero. Stay there hanggang sa gumaling si Erin, we need to make sure na ligtas siya roon. Nag-usap na kami ni Zea tungkol dito. Sige na, go." Tinignan ko si dad at nakitang nakatingin ito sa akin. Mukhang seryoso sila.

"How about my studies? One week akong aabsent? Bababa ang grades kㅡ"

"Para saan pa at naging tatay mo ako? Sige na. Sundin mo 'yong sinasabi ng mommy mo. Update us everyday. Siguraduhin niyong mababantayan niyo ng maigi si Erin." Napatango na lang ako. Siguradong hindi magugustuhan ni Jester ang idea na 'to.

Isa-isa ko na silang kinontak gaya ng sabi ni mom. Sumangayon naman agad si Xian at Tyler and as expected, ayaw sumama ni Jester kaya kinailangan ko pa siyang puntahan para lang suhulan.

"Sumama ka na samin! Ayaw mo no'n, isang linggo kang absent. Bibigyan kita ng isang dosenang bandana para d'yan sa ulo mo, tara na. Naghihintay na 'yong dalawa sa parking lot." Pagpupumilit ko. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang mag-impake na. Malakas ang impluwensya ni dad sa faculty kaya hindi siya nahirapan na i-excuse kaming apat.

Paglabas namin ng boy's dorm ay nakasalubong namin si Akira kasama si Chloe at Kevin.

"Saan kayo pupunta? Hindi pa rin ba babalik si Erin? Ano ba talagang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Akira, bakas din sa mukha ng dalawa na nag-aalala sila. Hindi kasi ipinaalam ni Erin ang nangyari kaya wala rin kaming karapatan para ipagsabi 'yon sa iba.

"Wala na kayo ro'n." Masungit na sagot ni Jester at saka nagpatuloy sa paglakad. Tinignan ko na lang ang tatlo at saka sinabing mauuna na kami.

Pagdating namin sa parking lot ay agad kaming sumakay sa sasakyan ni Xian. Napagdesisyunan namin na ito na lang ang gamitin, wala pang alam si Zero tungkol dito kaya paniguradong mabibigla iyon.

"Do we really need to do this?" Iritang tanong ni Jester.

"Dude, hindi biro ang nangyari kay Erin. We made a promise to our parents, kailangan natin siguraduhing ligtas si Erin." Mahinahong sagot ni Tyler at nanatili na kaming tahimik hanggang sa makarating na kami sa tapat ng gate nila Zero.

Mabuti na lang at kilala ng gwardya ang kotse kaya pinapasok din kami agad, binaba ni Xian ang window glass at saka nagpasalamat sa gwardya.

Pagbaba namin ng kotse ay agad kaming napatingin sa rooftop ng bahay nila Zero dahil sa pamilyar na boses. Si Erin, bigla siyang nawala roon kaya kumatok na si Xian. Mukha kasing sasalubungin kami ni Erin.

Pagbukas ng pinto, agad nagbigay galang ang dalawang katulong.

"Nasaan po si Zero?" Tanong ko.

"Nasa kwarto niya po, tawagin ko po ba?"

"Ah hindi na, kami na lang ang pupunta roon." Tumango ang katulong kaya umakyat na kami and as expected, sinalubong nga kami ni Erin. Halatang confused siya dahil nakatingin siya sa mga dala naming bag.

"What is this all about? I thought Wednesday pa kayo bibisita?"

"Biglaan and we are staying here. Nasaan si Ze?" Tanong ni Xian at saka naglakad papunta sa kwarto ni Zero. Hindi pa man din tumatama ang kamay niya ay bumukas na ang pinto.

"Oh Xiㅡteka, ba't nandito kayo? Bakit may mga bag kayong dala?" Nagkatinginan muna kaming apat at saka sabay-sabay na tumakbo papasok sa kwarto ni Zero..

"Hoy, mga walangya kayo! Papasukin niyo ako!" Sigaw ni Erin dahil sinarahan siya ng pinto ni Jester. Balak na sana namin kausapin si Zero pero hindi tumigil sa kasisigaw si Erin sa labas.

"Ugh. Sige na mag-usap na kayo. Ako na bahala sa babaeng 'to." Lumabas si Jester at nawala na ang pag-iingay ni Erin. Inumpisahan na rin namin ang pakikipag-usap kay Zero. Base on his expression, alam naming disappointed siya dahil hindi niya nagawa ang gusto niya na 'wag bigyan ng stress ang mga magulang ni Erin.

Naiintindihan naman niya na kailangan pa rin nilang malaman. Iyon nga lang, mabubuking siya ni Erin. Kilala ko si Zero, hindi niya maitatago sa akin kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to. Para sa ibang tao, mahirap basahin ang nasa isip niyaㅡbut for me? He's like an open book. Hindi niya maitatago sa akin kung bakit ganito siyang mag-effort para kay Erin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.