CHAPTER 14

14: Spin the bottle.

-

Erin’s POV

I don’t have any idea why they’re here. May mga dala pa silang gamit, tama ba ang iniisip ko? What are they up to?!

“Hoy, mga walangya kayo! Papasukin niyo ako!” Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. What the hell? Sinarahan nila ako, ano bang plano ng mga kumag na ‘to? Ugh! Why are they like this?

“Anong tinitingin tingin niyo?” Tanong ko sa dalawang katulong na nakatingin sa akin. Humingi sila ng tawad at saka mabilis na umalis, nakagat ko tuloy ang labi ko. Remember to be friendly, Erin! Napabuntong hininga na lamang ako bago ibaling ang atensyon sa pintuan.

“Ano ba! Buksan niyo nga ‘to!”

“Isa, sisipain ko ‘toㅡ” Balak ko na sanang i-angat ang paa ko ngunit biglang lumabas si Jester ng kwarto at binuhat ako. Gustuhin ko man magpumiglas ay wala akong sapat na lakas dahil sa sugat ng tiyan ko.

“Ibaba mo nga ako! Saan mo ba ako dadalin?” Pagsabi ko noon ay ipinasok niya ako sa isang kwarto rito sa pangalawang palapag. Mukhang alam niya ang pasikot-sikot dito sa bahay nila Zero. Marahan niya akong inupo sa kama at saka naupo sa tabi ko.

“Ipapaliwanag sa ‘yo ni Xian mamaya, basta mag-i-stay kami rito kasama mo. Don’t over react, akala mo naman gusto namin ‘to.” Aniya.

“Me? Nag-o-over react? Siraulo ka ba?! Sinaraduhan niyo ako ng pinto. Malay ko ba kung may pinaplano kayo sa akin.” Ngumisi lang si Jester sa sinabi ko. Maya-maya ay may inabot siya sa akin, iyong phone niya.

“Oh, anong gagawin ko rito? Ibabato ko sa ‘yo?” Tinaasan ko siya ng kilay pero pinindot niya ang power button kaya bumukas ang screen noon.

“Sabi ni Tito Jp, ipakita ko raw sa ‘yo para maalala mo sila.” Ipinunta niya sa gallery ang phone niya at may pinindot na thumbnail.

” Ipinunta niya sa gallery ang phone niya at may pinindot na thumbnail

I don’t know why but I burst into laughter. Hindi ko ma-imagine na ganito si dad, like seriously? Sa laki pa lang ng boses niya ay matatakot ka na, close rin pala talaga sila ni Tito Liam kahit noong mga binata pa sila. And these guys, I still remember them. If my memory serves rightㅡsila ‘yong naging temporary gangmate ni dad noong time na nagkahiwa-hiwalay sila ng D.a.r.k. Naikwento sa akin ‘yon ni mom kaya may alam ako sa history nila.

“Kuha raw nila ‘yan after no’ng graduation nila. Naalala mo ba sila?” Tanong ni Jester at tumango naman ako.

“Yeah, ‘di ba nga nandoon sila sa bahay bago kami magpunta ng Amerika? Dinuraan mo pa nga si Tito Jp no’ng time na ‘yon, but look. Mukhang close pa kayo, ah?” Puna ko at bahagya siyang ngumiti which I didn’t expect. Just like Zero, bihira ko lang din makitang nakangiti si Jester.

“Hindi ko rin alam kung paano kami naging close.” Naiiling na sabi niya. Tumahimik kami saglit pero nabasag din dahil nag-ring ang phone niya na hawak-hawak ko pa. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon dahil si Alex naman ang tumatawag.

“Helloㅡ”

“Akin na nga!” Pilit inaagaw ni Jester ang phone niya ngunit tumayo ako at tinaas lang ‘yon.

“Ano ba. Hindi mo ibibigay?” May pagbabanta sa boses niya, asa namang matatakot ako. Umatras lang ako nang umatras. He took a couple of steps forward and to my surprise? Bigla niya akong hinawakan sa baywang at hinatak pa lapit sa kanya. Our face are so few inches apart to the point na nararamdaman ko na ang paghinga niya.

“W-What the hell!” Reklamo ko pero nanatili lang kami sa ganoong pwesto.

“One more step, matatapakan mo na ‘yong bubog.” Tumingin ako sa ibaba nang sabihin niya iyon at nakitang mayroon ngang basag na vase roon. Binalik ko ang atensyon sa kanya pero biglang bumukas ang pinto. Bakas na bakas sa mukha ng apat ang pagkagulat. Mukha namang na-realize na rin ni Jester na halos nakayakap pa rin siya sa akin ngayon kaya binitawan na niya ako. Kinuha niya ang phone sa kamay ko at saka nag-ayos ng buhok.

“Ipaliwanag niyo na sa babaeng ‘to ‘yong nangyayari.” Aniya at saka nagmadaling lumabas ng kwarto, dahilan para maiwan ako rito kasama ang apat.

“What was that?” Seryosong tanong ni Zero.

“He just pulled me closer para hindi ko matapakan ‘yong bubog.” Nagkibit ako ng balikat. Agad naman akong nilapitan ni Xian at saka hinawakan ang kamay ko.

“Let's talk.” Aya niya at lumabas na rin kami sa kwarto na ‘yon.

Akira’s POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Tatlong araw nang hindi bumabalik ng dorm si Erin. Pagtapos ng basketball game ay hindi ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala akong ka-ide-idea kung nasaan siya. May mga pinaempake ring gamit sa akin si Zero na pagmamay-ari ni Erin. What’s going on?!

"Bestfriend, tara na! Magtanong na tayo sa faculty.” Aya ni Kevin, pati siya ay nag-aalala na rin, sa maigsing panahon ay naging malapit na kaming apat kasama na si Chloe. Kahit na madalas kaming sinusungitan ni Erin, hindi maitatanggi na tinuturing na niya kaming kaibigan.

“Hindi sila magbibigay ng kahit anong info. Sa daddy kaya ni Alex?” Agad tumango si Kevin at saktong pag-alis namin ay tinawag kami ni Chloe. Mukhang nakakuha na rin siya ng info since madalas siyang nasa faculty.

“Naka-excuse raw ng one week si Erin. Kasama na rin sila Sandoval, Madrigal, Sevilla, Montero at Villaruel.” Aniya at nagkatinginan lang kaming tatlo. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sila a-absent ng isang linggo?

Si Alex, imposibleng aabsent ‘yon ng gano’n katagal ng walang mabigat na dahilan... Kilala ko ‘yon, naging mag-classmates kami noong grade 9 at perfect attendance siya. Sobrang importante ba ng dahilan kaya a-absent sila ng isang linggo?! Ugh! Sasabog na ang utak ko kakaisip, wala akong idea sa nangyayari. Napakawalang kwenta kong kaibigan. Sana walang masamang nangyari kay Erin.

Jester’s POV

Nakatingin lang ako sa salamin, napangiti ako kasi sobrang gwapo ko pala talaga. But hell! Nag-fa-flashback sa isip ko ang nangyari kanina.

“Jester, tara na. Naipaliwanag na ni Xian kay Erin.” Tawag ni Tyler mula sa likuran. Agad ko naman siyang nilingon at saka sinundan kung saan man siya pupunta.

“Ayaw kang katabi ni Alex, nagsasawa na raw siya sa mukha mo kaya kami muna ang roommate. Dalawa na lang kasi ang bakanting guest room dito, share muna kayo ni Xian.” Sabi niya at tumango lang ako. Pasalamat talaga si Alex mas matanda siya sa akin. Siya pa nagsawa, sa gwapo kong ‘to? Tss.

Pumasok na ako sa kabilang guest room kung nasaan si Xian. Nilapag ko na ang gamit ko at lumabas na rin agad dahil nabo-boring daw si Erin.

“Oh, anong gagawin natin ngayon?” Bored na tanong ko pero nanatiling tahimik si Erin, medyo nag-iba ang aura niya. Naapektuhan ba siya sa nalaman niya ngayon?

“Spin the bottle? Pangpalipas oras lang.” Suhestiyon ni Xian at sumangayon naman ang iba. Mas pinili naming maglaro roon sa komportableng kwarto, masarap kasi rito sa nap room nila Zero. Dito kami madalas tumambay at pumwesto kapag nag-iinuman noon.

“Truth or dare ‘to, ah?” Paalala ni Tyler habang naupo kami ng pabilog sa napakalapad na couch.

“Hey! Don’t be so easy on me. Kahit may sugat ako, malakas pa rin naman ako.” Ani Erin pero ni isa ay walang sumangayon.

Nilapag na ni Alex ang bote sa gitna at saka inumpisahang paikutin at dahil nga gwapo ako, sa akin natapat ‘yong bote.

“Truth.” Agad na sabi ko bago pa sila magtanong.

“Tuli ka na ba?” Tanong ni Alex. Gago talaga ‘to.

“Naman! Pakita ko pa ba sa ‘yo?” Tumayo ako saka hinawakan ang pantalon ko pero natigilan ako nang makitang nakatingin sa akin si Erin at nakapalumbaba pa. Geez! I didn’t know that she’s such a pervert.

“What? Come on, let me see it.” Mapangasar na sabi niya habang nakangisi. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko kaya naupo ako at nginisian lang siya pabalik. Sabay-sabay silang nagtawanan maliban kay Zero. Turn ko na magpaikot ng bote at tumapat iyon kay Erin.

“Dare.” Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. It’s payback time, baby!

“Hold Zero’s hand. Bibitaw ka lang kapag natapat na sa kanya ‘yong bote.” Halatang nabigla siya at gano’n din naman si Zero na halos patayin na ako sa titig niya. I know they hate each other kaya parang parusa na ‘to sa kanilang dalawa.

“Tch! Wala na bang mas hihirap do’n? So stupid!” Tumayo si Erin at walang pagdadalawang isip na naupo sa tabi ni Zero sabay kuha ng kamay nito para hawakan.

“Yari ka talaga sa ‘kin.” Banta ni Zero pero nanatili lang akong nakangisi. Pinaikot ni Erin ang bote at tumapat ‘yon kay Xian and because he’s a probity, pinili niya ang truth.

“Na-inlove ka na ba?” Tanong ni Erin.

“Yes.” Tpid na sagot ni Xian pero masyadong makahulugan dahil sa mga titig na ibinigay niya kay Erin. Pinaikot na ulit ang bote at tumapat ulit ‘yon kay..

“Ako na naman? Okay, truth naman.” Ani Erin.

“Give us a clue about your crush.”

“Hmm, may buhok. May ilong, may bibigㅡde joke. Uhm may R and O.” Sagot ni Erin, inikot niya ulit ang bote at tumapat iyon kay Zero, dahilan para bumitaw na silang dalawa mula sa pagkaka-holding hands.

“Truth.”

“Bakit galit ka sa ‘kin?” Seryosong tanong ni Erin. Ilang segundo bago sumagot si Zero kaya naman tahimik kaming nag-abang.

“Dahil iniwan mo ko ng walang pasabe... Tigil na natin ‘to, nakaka-boring.” Bigla na lang tumayo si Zero at lumabas ng kwarto. Pare-pareho lang kaming nagkatinginan. Naalala ko noong mga bata pa kami, basta na lang umalis si Erin. Wala siyang sinabi na kahit ano. Akala namin ay may party lang sa kanila noong araw na ‘yon pero nabigla na lang kami na lilipat na pala sila ng ibang bansa.

Bakit apektado pa rin si Zero dahil doon? That’s not even a big deal.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.