CHAPTER 34

34: Shattered glass.

-

“Ibalik niyo na si Third. Sasama ako sa inyo kahit kailan niyo gusto.”

“Pagagalingin lang natin ‘yang sugat mo at babalik ka sa academy. Siguraduhin mong hindi mo ipagsasabi ‘tong nangyari kung ayaw mong tuluyan ko ‘yong mga kaibigan mo.” Tumango lang ako sa banta ni Josh habang nakatali pa rin ako.

Ang usapan, hindi na ako sasama sa lima. Iiwas ako sa kanila at tanging sa grupo lang ni Josh ako didikit, sa loob o labas man ng academy. Naiisip ko pa lang na ginagawa ko ‘yon ay nasasaktan na ako, pero kung iyon lang tanging paraan para mailayo ko sila sa kapahamakan at hindi na madamay paㅡtitiisin ko ang lahat.

Maya-maya pa ay naramdaman ko nang kinakalas nila ang tali sa kamay ko. Hindi ko na tinangkang lumaban dahil hindi iyon magandang ideya. I don’t want to get on their bad side, mas gugustuhin ko nang mag sunud-sunuran sa kanila kaysa bantaan pa nila ang buhay ng mga kaibigan ko. Ugh! Kailan pa ako naging mahina? I guess ito na ‘yong sinasabi nilang sacrifice. Kakainin mo ‘yong pride mo para sa mga mahal mo.

Nang makita kong nilabas na ni Xander si Third ay nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at wala siyang malay, hindi niya makikita kung gaano ako kaawa-awa ngayon.

“Make sure na makakauwi ng ligtas si Third.” Sabi ko at tumango lang si Josh. Nang makalagan na nila ako nang tuluyan ay kusa akong natumba ngunit nasalo niya ako.

Wala na rin akong oras para magreklamo pa nang bigla niya akong buhatin. Bago pa kami tuluyang makalabas ay nagdilim na ang paningin ko.

Xian’s POV

Mag gagabi na pero hindi pa rin mapakali si Zero. Kanina pa siya ganyan, hihiga tapos tatayo na lang bigla at saka maglalakad ng pabalik balik. Halos maikot na niya ang buong kwaro.

“Ano ka ba? Kanina pa ko nahihilo sa ‘yo. Babatuhin na kita ng unan.” Reklamo ko nang itigil ang pagbabasa ng libro.

“Kinakabahan ako, eh. Hindi ko alam kung bakit. Samahan mo nga ako, puntahan natin si Erin.”

“Masama nga pakiramdam niya ‘di ba? Baka nagpapahinga.” Nilapitan niya ako at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Pakiramdam ko talaga may masamang nangyari. Pupuntahan ko na siya.” Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko at bigla na lang lumabas. Wala naman akong choice kung hindi ang sumunod sa kanya.

Doon kami dumiretso sa likod ng girl’s dorm. Hindi naman kasi kami allowed pumasok kaya mag-i-sneak out na lang kami. Pag-akyat namin sa puno ay agad tumalon si Zero papunta sa balkonahe habang ako ay naghintay lang dito sa may sanga.

“Ano na?” Tanong ko.

“Wala siya rito.” Sabi niya at saka siya tumalon pababa rito sa kinatatayuan ko. Bumalik kami sa kwarto at agad naman niyang kinuha ang cellphone niya.

“Unattended.” Lumingon siya sa akin at saka naupo sa kama. Lalabas pa sana siya ulit pero nag-ring ‘yong phone niya.

“Hello Third? Anong nangyari? Bakit hingal na hingal ka?”

“Sigurado ka ba? Nasaan ka na? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?”

“Anong nangyari?” I mouthed pero busy siya sa pakikipag-usap sa kapatid niya. Doon pa lang ay nahalata ko nang may hindi nga magandang nangyari.

“Oo, pangako. Wag ka na lalabas ha? Ipasara mo sa mga katulong ‘yong mga pintuan d’yan.” Pagkababa ni Zero nang tawag ay tumingin siya sa akin na mayroong madilim na ekspresyon.

“May mga kumuha raw kay Third. Hindi niya nakita kung sino pero narinig niya raw ‘yong boses ni Erin na nagmamakaawa. Sa tingin ko kinuha rin ng mga taong ‘yon si Erin.”

Naikuyom ko lang ang kamao ko nang marinig iyon at dali-daling kinuha ang susi ng kotse. Lumabas kami at saka pinuntahan sila Tyler.

“Anong nangyayari?” Tanong ni Jester.

“Nawawala si Erin, hahanapin natin siya.” Sabi ko at saka kami dumiretso sa parking lot. Habang nasa byahe ay kinukwento ni Zero ang buong detalye sa tatlo.

“So saan naman tayo pupunta ngayon?” Tanong ni Alex.

“Sa pinuntahan namin ni Erin dati.” Sagot ni Zero at tinuro lang niya sa akin ang daan since siya lang ang nakakaalam noon. Sana lang ay safe si Erin.

Zero’s POV

Pagdating na pagdating namin sa lumang bahay ay walang kahit na sino ang nasa loob, isang lubid at sahig na may bakas ng dugo. Iyon lang ang tanging naabutan namin.

Halos masuntok ko ang pader sa sobrang galit kapag naiisip ko na sinaktan ng mga taong iyon si Erin. Anong klaseng pagpapahirap ang ginawa nila? Kumusta si Erin? Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko at gusto kong masagot.

“Ano nang gagawin natin?” Tanong ni Alex. Napaupo lang ako, hindi ko alam kung anong gagawin. Wala akong kahit anong idea kung sino ang gumagawa nito.

“May traces ng dugo rito sa sahig.” Biglang sabi ni Alex habang naglalakad papunta isang pintuan dito sa loob ng lumang bahay. Pagbukas niya ng pintuan ay hindi namin inaasahan na kalsada ang bubungad sa amin. Kalsadang walang kahit anong saksakyan ang dumadaan.

“Dito nila nilabas si Erin kaya siguradong sa kalsadang ‘yan sila dumaan.” Agad kaming nagpunta sa kalsadang ‘yon at napansing gubat na ang nasa paligid nito.

“Baka nasa loob ng gubat ‘yong totoong hideout nila.” Dagdag pa ni Alex kaya kahit gabi na ay pumunta pa rin kami sa gubat ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay nag-ring na ang cellphone ko.

“Erin, what the hell nasaan ka? Okayㅡ”

“I’m okay, uuwi rin ako next week.” Nagsalubong ang kilay ko nang sabihin niya iyon.

“What? Nasaan ka? Kanina pa kami nag-aalala sa ‘yo. Nandito kami ngayon sa gubat malapit sa abandonadong bahay na pinuntahㅡ”

“Ano namang ginagawa niyo d’yan? Umuwi na kayo. Okay lang ako.”

“Seryoso ka ba? Sabi ni Third na-kidnapped siya at narinig niya ang boses mo.”

“Ano ba ‘yong hindi mo maintindihan sa salitang okay lang ako? Ibababa ko na, umuwi na kayo.”

Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil binabaan niya na ako, anong nangyari? Parang bumalik siya sa dating siya. May nagawa ba akong mali?

“Ano raw? Nasaan daw siya?” Tanong ni Tylee.

“Hindi niya sinabi pero okay lang daw siya, next week pa raw siya uuwi.”

“Ano? Teka tatawagan ko.“ Bago pa siya makapag-dial ay pinigilan ko na siya.

“Wag na, hayaan na lang muna natin. Baka gusto niyang mapag-isa.” Sabi ko at tumango lang sila. Ayoko man pero bumalik pa rin kami sa academy. Hindi pa rin ako mapakali. Alam kong hindi siya okay. Ano na naman ba itong nangyayari?

Pagdating namin sa academy ay agad kaming dumiretso lahat sa kwarto namin ni Xian pero laking gulat ko na lang nang makitang basag na ‘yong glassdoor sa balkonahe namin.

“The hell?” Inikot ko ang buong kwarto para tignan kung may nawawalang gamit.

“Yo! Where have you been?” Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang lumabas sa cabinet si Jennie. Agad naman siyang nilapitan ni Jester pero hindi siya pinansin nito dahil tumakbo siya papunta kay Xian.

“Anong ginagawa mo rito?”

“What do you mean? I’m going to study here, hindi ba nasabi ni Jester? Sorry pala, binasag ko ‘yong glassdoor niyo. Naka-lock kasi, eh.” Sabi niya kaya hinila ko ang damit niya.

“Ikaw magbayad n’yan.” Sabi ko habang nakaturo sa mga basag na salamin. Mabilis naman akong inawat ni Xian kaya umupo na ako sa kama ko.

“Pinaglihi pa rin ba ‘yan sa sama ng loob? Tss. Saan ba kayo galing?”

“Hinahanap namin si Erin.” Sagot ni Tyler.

“Erin? ‘Yong anak ni Tito Thunder na hindi naman kagandahan pero akala mo kung sinong maangas?” Tanong ni Jennie kaya sinamaan ko siya ng tingin. What’s her problem?

“Insolent ka ‘no? Halata sa itsura mo, eh. Lumabas ka rito bago pa magdilim paningin ko sa ‘yo.” Banta ko.

“Xian, oh! Inaaway ako ng bestfriend mo.” Sumbong pa niya nang yakapin niya ang braso ni Xian.

“Pagpasensyahan mo na, hindi kasi namin nahanap si Erin. Tara roon muna tayo sa labas, bawal ka rito eh.” Sabi ni Xian at saka sila lumabas habang ako ay nahiga na lang habang nakatingin sa cellphone ko. Erin, where exactly are you?

Chloe’s POV

Nagpapagala-gala lang ako sa campus nang mahagip ng paningin ko sila Jester na may kasamang babae. Agad akong tumakbo palapit sa kanila dahil akala ko ay si Erin ang kasama nila pero hindi pala.

“Oh, Chloe.” Puna ni Alex nang mapansin niya ako. Kumaway naman ako saka ngumiti pero agad ding nawala ‘yon nang makitang hindi man lang ako tinignan ni Jester dahil nakatuon ang pansin niya roon sa babaeng kasama nila. Sino ba siya? Hindi siya pamilyar.

“Ah Chloe, si Jennie. Kababata namin, Jennie si Chloe kaibigan namin nila Erin.” Pagpapakilala ni Xian. Ngumiti ako pero hindi niya ako pinansin. Aba nangagamoy insolent, magsasalita pa sana ako kaso nag-ring ang cellphone ko.

“Nice to meet you, Jennie. Guys, sagutin ko lang ‘to ah. Bye!” Paalam ko sa kanila at agad ding tumakbo palayo.

“Hello, Erin? Napatawag ka? Galing ako sa kwarto mo kanina pero hindi mo ako pinagbubuksㅡ”

“Wala ako sa dorm, hawak ako nila Josh.” Halos pabulong na sabi niya.

“Listen carefully, okay? ‘Yong grupo nila Josh ang may gawa ng lahat ng ito, kasabwat din si Xander at Kevin.” Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Lumingon pa ako sa gawi nila Xian pero nakalayo na sila.

“Wait, what? Si Kevinㅡ”

“Wag ka muna mag-react, just listen... Sabihin mo ‘to sa iba maliban kay Tyler. Pagbalik ko sa academy hindi na ako sasama sa inyo dahil may kasunduan kami ni Josh. Sabihin mo sa kanila, um-acting lang sila ng walang alam then patago niyong pagplanuhan kung paano mapapatumba ang grupo nila Josh..”

“..Pagplanuhan niyong mabuti, okay? Kasi kung hindi, lahat tayo mamamatay. Miyembro sila ng Red orgㅡ”

“Hoy Erin, matagal ka pa ba?” Tanong ng lalaki sa background ni Erin. Mukhang patago lang siyang tumawag sa akin.

“Ibababa ko na. I trust you, okay? Bye!”

Pagbaba niya ng tawag ay agad akong napahigpit ng hawak sa cellphone ko. Si Kevin? Kasama siya sa mga gumagawa ng lahat ng gulo? Hindi ako makapaniwala.

Nagmadali na lang akong pumunta sa likod ng boy’s dorm at humanap ng paraan kung paano makakaakyat sa kwarto ni Zero. Mabuti na lang at hindi gano’n kataas ang kwarto nila kaya madali akong nakaayat pero pagdating doon ay mga basag na salamin ang bumungad sa akin. Anong nangyari rito?

“Zero?” Tawag ko habang maingat na iniiwasan ang mga bubog. Naramdaman ko naman ang paggalaw mula sa loob at nanlaki lang ang mata niya nang makita niya ako.

“Hello, pwede ba pumasok?” Tanong ko habang nakangiti ng pilit. Tumango lang siya kaya sumabit ako sa bakal na nasa itaas at saka nag lambitin at tumalon papasok sa loob.

“Woah teka. Nag-gymnast ka ba?” Tanong niya at umiling naman ako. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya.

“Hmm actually... Intrepid, Amiable and Probity akoㅡand yes I’m aberrant but let’s not talk about that. I received a call from Erin.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“Sabi niya na sa oras na sabihin ko ‘to, um-acting lang kayo na parang wala kayong alam, ikaw nang bahalang magsabi sa iba pero ‘wag mong sasabihan si Tyler.”

“Ano ba ‘yon? At bakit hindi isasama si Tyler?”

“Hindi ko rin alam basta ayon ‘yong sabi ni Erin. So ito na, keep your calm okay?” Sabi ko at saka huminga ng malalim. Feeling ko kasi ay manununtok na lang siya bigla kapag nalaman niya.

“Hawak ni Josh si Erin ngayon, and yes grupo nila ang may kagagawan ng lahat ng ‘to. Believe it or not, kasama rin dito si Xander at Kevin..”

“..Now ang gustong mangyari ni Erin is mag-pretend tayo na walang alam at pagplanuhan nating maigi kung paano mapapatumba ang grupo ni Josh. Starting next week, pagbalik ni Erin, hindi na siya sasama sa atin dahil may kasunduan daw sila ni Josh kaya kung pwede lang sana huminahon ka.”

Hindi siya kumibo sa sinabi ko kaya lalo akong kinabahan. Halos mapatalon naman ako nang bigla niyang suntukin ang headboard ng kama niya.

“May naisip na kong paraan.” Kalmadong sabi niya.

“A-ano ‘yon?”

“Isang deal na grupo niya at grupo ko lang ang kasali.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.