CHAPTER 35

35: The comeback.

-

Erin’s POV

Hindi ko alam kung saang lupalop na ako napunta. Nagising na lang ako na nasa isang komportableng kama na ako. Pinilit pa nila akong tawagan si Zero, hindi ko alam kung ano ang binabalak nila.

Pero wala akong ibang choice kung hindi ang sumunod sa kanila at pagsungitan si Zero. Mabuti na lang at tatanga-tanga si Josh, hindi niya nakita na dinala ko ang cellphone ko sa loob ng cr. Bigla ko na lang kasing na-realize na Cross nga pala ang apelyido ko kaya bakit ako magpapatalo sa mga gunggong na ‘to?

“Ba’t ang tagal mo?” Bungad ni Josh paglabas ko ng cr, nakaabang pala siya ro’n.

“Ang sakit ng katawan ko, eh. Ine-expect mo ba na makakakilos ako ng mabilis after ng ginawa mong pang bubugbog sa ‘kin? Come on, where’s your brain?” Iritang tanong ko at saka dumiretso sa kama habang patagong nilalagay ang cellphone sa ilalim ng unan.

“Alam mo may na-realize ako, ‘yong nanay mo naman ang pumatay sa kuya ko eh, kaya bakit hindi na lang siya ang patayin ko? Sayang ka, eh.” Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niyang iyon.

“Fuck you! ‘Wag na ‘wag mong gagalawin ang mommy ko. Kasalanan ng Yb na ‘yon kung bakit siya namatay. Anong laban ng inosentemg tulad ko noon para kidnapin niya para lang sa sariling interes?”

“Wala kang alam! Nasa bingit kami ng kamatayan ni Kevin noon dahil gaya mo naging bihag din kami ng red org, nangako ‘yong kuya namin na gagawa siya ng paan para makakuha ng pera pero anong nangyari? Namatay siya!” Sigaw niya habang punong-puno ng galit ang mga mata niya. Konti na lang at tila sasabog na siya.

“Kaya ito kami ngayon! Nagsisilbi sa mga sindikatong ‘yon pangbayad utang dahil hindi nagawa ni kuya ‘yong eksperimentong matagal na niyang iniimbento.” Dagdag niya pero ngumisi lang ako, wala akong interes sa buhay niya. Dahil gaya niya, naging mahirap din ang buhay namin.

“Oh? So, anong kasalan ng mommy ko? Kasalanan niya ba na hindi marunong humanap ng mas magandang paraan ‘yong kuya mo? Naturingan pa naman siyang Keen.”

“Wala kong panahon makipagtalo sa ‘yo. Magpahinga ka na.” Lumabas siya ng kwarto pero bumalik siya para kunin ang cellphone ko. Sinira niya pa ang simcard ko. Tss, kahit sirain niya pa ‘yong cellphone ko wala na akong pakialam. Sigurado naman ako na sa mga oras na ‘to ay nagpaplano na sila Zero kung paano patatahimikin ang grupo mo.

“Ano ba? Hindi ka ba nagugutom?” Tanong ni Jun habang nakatingin sa tray na inilapag niya sa kama.

“Nanghingi ba ko ng pagkain?” Tanong ko at nang akma niya akong hahawakan ay mabilis kong naharang ang kamay ko para itulak siya palayo.

“Wag na ‘wag mong ihahawak ‘yang madumi mong kamay sa ‘kin, hindi porque’t sumasama ako sa inyo ay nakalimutan ko na ang mga kahayupang ginagawa niyo.. Kaya pwede ba? Lumabas ka na? Kasi kahit ganito ‘yong kondisyon ko kayang kaya kitang balian ng buto..” Banta ko.

“Kung hindi niyo lang dinadamay rito ‘yong mga kaibigan ko, kayang-kaya ko kayong pagbuhulin. Isama mo pa ‘yong hayop na si Kevin at Xander.”

“Bakit ba galit na galit ka? Pinapakain ka lang ng almusal saka baka nakakalimutan mo na hawak ka namin. Kakaiba, ngayon lang ako nakakita ng ma-attitude na bihag.”

“Mukha ba akong may pakialam?” Tanong ko at saka siya sinamaan ng tingin. Padabog niyang kinuha ang tray at saka lumabas. Rinig na rinig ko pa ang kadena mula sa pinto.

Time flies like an arrow, araw na para bumalikㅡpakiramdam ko ay isang buwan na ako rito sa impyerno na ‘to. Nawala na rin ang mga sugat ko dahil araw-araw ‘yong ginagamot ni Josh.

“Let’s go.” Aya niya nang pumasok siya sa kwarto, mabilis naman akong bumangon at saka dire-diretsong lumabas kung saan nag-aabang ‘yong tatlo. Paglabas namin ng bahay ay roon ko lang nalaman na nasa kagubatan kami. Ni wala man lang kasing bintana sa kwarto, at never akong nakalabas sa loob ng isang linggo.

Nang makasakay sa kotse ay tahimik lang ako. For some strange reason, kinakabahan ako sa mga mangyayari pagbalik ko. Especially kay Zero, I don’t know kung kaya niyang mag-pretend na hindi niya alam na sila Josh ang may kagagawan nito ‘cause knowing his personality? Panigurado ay galit na galit ‘yon.

“Alam ba ni Kevin na alam ko nang kasama niyo siya?” Tanong ko.

“Oo.” Tipid na sagot ni Ming at napangisi lang ako. Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon, ang galing niyang umarte. Ni hindi man lang siya pumasok sa isip ko na pwedeng trumaydor sa akin. Kapag nakita ko lang talaga siya ay pagpapalitin ko sila ng pwesto ni Akira.

“May balita ba kayo kay Aki? Nagising na ba siya?”

“Hindi pa.” Tipid na sagot ulit ni Ming kaya hindi na ako nagsalita pa. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ko ang paghawak ni Josh sa kamay ko. Ano kayang plano ang gagawin nila Zero?

Zero’s POV

“Ano ba? Araw-araw ka na lang nandito. Naaasiwa na ako sa mukha mo.” Reklamo ko kay Jennie na nakahiga sa kama ni Xian. Parang halos dito na siya tumira dahil lagi siyang nakatambay dito at nakadikit kay Xian na parang linta.

“Ano bang pakialam mo? Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito... Xian matagal ka pa ba?” Tumayo siya at saka nagpunta sa tapat ng cr kung saan kasalukuyang naliligo si Xian. Napailing na lang ako at naalalang ngayon na ang balik ni Erin. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap.

Mabilis lumipas ang oras, mabilis pa sa isang segundo ang pagdating ni Chloe rito sa kwarto.

“Nandyan na sila.” Hingal na sabi niya pag-akyat niya sa balkonahe. Mabuti na lang at umalis na si Xian at Jennie.

“Just act like your normal self, okay? Please... Don’t ruin our plan.” Paalala niya.

“Sa sarili mo dapat sinasabi ‘yan. Sige na, papasok na ako sa klase. Watch your actions.” Paalala ko at saka lumabas. Pagpasok ko ng classroom ay nandoon na ang iba pero si Erin ay wala pa rin.

“Hoy, Xian. Umamin ka nga sa ‘kin, may gusto ba sa ‘yo si Jennie?” Tanong ni Jester, sa wakas ay napapansin na rin niya.

“What’s with the sudden question?” Tanong ni Xian pabalik at bago pa siya makasagot ay pumasok na si Jennie sa classroom. Speak of the devil. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Matatapos na ang school year tapos nag-transfer pa siya. Malakas din talaga ang topak ng babaeng ‘to, eh.

“Heya! Good morning.” Bati niya bago naupo sa upuan ni Erin, dahilan para pagtinginan siya ng mga kaklase ko.

“Tinitingin-tingin niyo?” Mataray na tanong niya.

“What are you doing here? Nasa kabila ‘yong classroom mo.” Paalala ko sa kanya.

“Hindi ba obvious? Nagpalipat ako.” Inirapan niya ako at nang magsasalita pa sana ako ay bigla na lang napuno nang bulungan ang classroom. Buong akala ko ay kami dahilan ngunit mabilis akong napatingin sa may pinto.

“She’s back.”

“Oo nga, ano kayang nangyari sa kanya?”

“Hey, move your ass.” Malamig na utos nito nang tumayo siya sa harap ni Jennie. It’s been a week since we last saw each other pero parang buwan na ang nakalipas.

“Oh, eh akala ko ba nawawala ‘to? Bakit bumalik pa?” Tanong ni Jennie, dahilan para mapangisi si Erin. Now, I smell trouble.

Erin’s POV

Daig ko pa ang artista nang maglakad ako sa hallway kasama ang grupo nila Josh. Pinagbubulungan at sinusundan kami ng tingin. Just wow! Palang pagbabago.

“Hindi ba ako pwedeng makipag-usap kila Zero?” Tanong ko nang hindi nililingon si Josh.

“Pwede naman, just act like your usual self but... Sa amin ka pa rin sasama. And don’t you dare tell them what’s going on, you’re my girlfriend now.” Aniya at napatango lang ako. Ang weird pakinggan na girlfriend ako ni Josh, nandidiri ako.

“Sige na, bye!“ Pagpasok ko ng classroom ay ako na agad ang pinagbubulungan. Nakataas lang ang kilay ko habang nakatayo sa harap ng upuan ko kung saan nakaupo si Jennie. Nandito na pala siya, isang linggo lang ako nawala ay napalitan niya na ako. She’s still the same bitch as ever, isa sa mga dahilan kung bakit hindi kami naging close noon.

“Move your ass.” Malamig na utos ko.

“Oh, eh akala ko ba nawawala ‘to? Bakit bumalik pa?” Tanong niya, dahilan para mapangisi ako. Wala talaga ako sa mood makipagtalo sa mga ganitong klase ng tao. Bakit ba hindi ako tinitigilan ng mga ganitong uri ng babae? Pangatlo na siyang humahamon sa pasensya.

“Bibilang ako, kapag hindi ka umalisㅡ” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay tumayo na sila Jester at Xian para sapilitang paalisin si Jennie sa upuan ako.

“Ano ba?” Reklamo niya, halatang hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng dalawa kaya naman napangisi ako. Her reaction was priceless!

“Wag ka na kasi mag matigas. Kahit na insolent ka, wala kang laban dahil mas insolent ‘yang kaharap mo.” Bulong ni Jester, hinawi ko ang buhok ko sa mismong mukha ni Jennie bago naupo sa upuan ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay nang mapansing nakatingin siya sa akin ng masama.

“Erin, gusto ka makausap ni dad.” Ani Alex nang lapitan niya ako.

“Not now, Alex.” Sabi ko at saka tinignan si Zero. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang mayroon siya ngayon. Hindi ko alam kung masaya ba siya, malungkot o galit. Basta, nakatitig lang siya sa akin at tila ang daming gustong sabihin.

Maya-maya ay pumasok na rin ang prof. Hindi man lang niya pinuna ang presensya ko dahil nakatuon ang atensyon niya kay Jennie.

“Ms. Kim will be you classmate from now on.” Sabi nito as if naman may pakialam kami ‘di ba? Nagsimula na siyang mag-discuss ng napaka-boring na topic. Mabilis lang din lumipas ang oras kaya nang mag-breaktime ay balak ko sanang kausapin sila Xian ngunit hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko ay nakita ko na ang mukha ni Josh sa may pintuan kasama ang tatlo.

Ni hindi ko na nga nagawang tignan pa ‘yong lima at piniling lumabas na agad nang hindi nagpapaalam.

“Hindi mo ako kailangan sunduin.” Singhal ko pagkalapit kay Josh.

“Naninigurado lang.” Napairap na lang ako sa sagot niya. Tahimik lang ako hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. Sadyang makapal lang din talaga ang mukha ni Kevin para makiupo rito sa lamesa na tila ba normal iyon.

“Welcome back, sweetie.” Bati niya sa akin.

“Drop the fucking act, Kevin. Hindi mo alam kung gaano kita gustong patayin sa mga oras na ‘to.” I said through greeted teeth. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor, mabuti na lang at kaya ko pang kontrolin ang sariliㅡkung hindi, baka naisaksak ko na ito sa kanya.

“As always, masungit pa rin ang sweetㅡ” Hindi niya naituloy ang pagsasalita nang bigla na lang lumapit sa lamesa namin si Zero.

“Erin, ang tagal mong nawala tas sumasama ka pa sa mga ‘to?” Tanong niya, dahilan para sunod-sunod akong kumurap. What the hell, hindi ko alam na magaling pala umarte ang lalaking ‘to. He deserve an oscar.

“Chill lang, Zero. Oo nga pala, bisitahin natin si Akira mamaya. Kawawa naman, eh. Siya lang mag-isa sa hospital.” Ani Kevin. Isa pa ‘to, nakakabwisit ang pagpapanggap niya. Pang-Hollywood ang acting, kung hindi ko lang alam ang totoo ay mapapaniwala niya akong concern talaga siya kay Akira.

“Wala ka pa rin bang alam kung sino ang gumawa no’n sa kanya?” Umiling lang si Kevin sa tanong ni Zero. What the fuck! Gustong-gusto ko na siyang suntukin.

Magsasalita pa sana ako pero mabilis akong nahila ni Zero patayo pero nahatak din ako ni Josh. What now? Making a scene? Dito pa talaga sa cafeteria?

“Wag mong hawakan ang girlfriend ko.” Ani Josh at halatang nagulat si Zero. Napapikit ang isa kong mata nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin, halatang nadala siya ng galit at hindi napansing ako ang hawak niya.

“Girlfriend? Erin, ano bang nangyayari?” Tinabig ko ang kamay niya at saka hinawakan si Josh. Well, it’s time to show my acting skills.

“Don’t make a scene, Zero. Simula nang malapit ako sa inyo ay hindi na natahimik ang buhay ko... Hindi mo ba naisip na kaya ako nawala ay dahil gusto kong lumayo sa inyo? Sabi mo masamang tao si Josh but when I’m with him, hindi iyon ang nakikita ko. Siya at grupo niya ang kasama ko ng isang linggo and that’s when I realized na naging tahimik ang buhay ko. And yeahㅡwe’re dating.”

Uh fuck! Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko. Nakuha na rin namin ang atensyon ng lahat ng nasa cafeteria kaya malamang ay kakalat ang balita sa buong academy. Tinignan ko si Josh para tignan ang reaksyon niya at napataas ang kilay ko nang makitang nakangiti siya.

“What are you saying?” Tanong ni Zero sa akin at saka mabilis na kinwelyuhan si Josh.

“Stop messing around! Anong ginawa mo kay Erin?!” Sigaw niya ngunit ako na ang nagtulak sa kanya palayo.

“Wala akong ginagawa. Kasalanan ko ba na mas gusto ako ni Erin kaysa sa ‘yo? You even made her cry and you’re expecting na pipiliin ka niya? Comatose ang girlfriendㅡ”

“Wala na kami ni Akira at ‘wag mo siyang idamay rito. Kilala ko pagkatao mo, demonyo ka.”

“Zero! Ano ba? Leave us alone, okay?!” Sigaw ko at saka hinatak si Josh palayo. Pinilit ko pang umiyak para lang magmukang totoo ang pinapakita ko. The hell? Hindi ko alam na ganito kahirap umarte, gusto ko nang matawa dahil mukha kaming tanga ni Zero.

“Erin.” Nabigla na lang ako ng i-angat ni Josh ang baba ko para mapunta sa kanya ang paningin ko. Hindi ko alam pero nag-iba ang aura niya.

“Hindi ko alam kung bakit, but I really don’t want to see you crying. Sorry, kung ginagawa ko ang lahat ng ‘to.” What the hell is he saying?! Nababaliw na yata siya, he’s not right in the fucking head.

“I’m doing these to give justice for my brother’s death but... But I thinkㅡ”

“Think what? Just go straight to the point, Josh.” Sabi ko nang punasan ko ang luha ko.

“I think, I’m in love with you.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.