CHAPTER 8

8: Regrets.

-

“Omg! Buhay ka nga!” Hinawakan ko pa ang mga braso niya para makasiguradong buhay nga siya. Kinurot ko pa ang magkabilang pisngi niya.

“A-aray! Ano ba?” Reklamo niya at magsasalita pa sana ako pero mabilis niya akong nahila at sinandal sa pader habang siya ay nasa harapan ko. Itinakip din niya ang kamay niya sa bibig ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nakipagtitigan lang siya sa akin na parang nagsasabi na ‘wag akong maingay. Maya-maya ay naibaling namin ang tingin sa gilid kung saan may babaeng naglalakad. Hindi kami napansin nito, parang wala siya sa sarili. She’s like a zombie.

Nang makalayo na siya ay agad bumitaw sa akin si Xander.

“What was that? Where are we? Bakit buhay ka? Paano?”

“I’ll explain to you later, sumama ka sa ‘kin. Kailangan natin magtago.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila palayo sa building na ‘yon. Napalingon na lang ako sa paligid namin, ano ‘to? Bakit parang pakiramdam ko ay hindi magandang nandito ako? This place is so mysterious as hell.

I can’t believe what’s happening. This guy is dead, pero paanongㅡwait, what if zombie si Xander? Damn it! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Rozee’s POV

It’s been three days, three days ng nawawala si Erin habang si Jennie ay gano’n pa rin, hindi pa rin bumabalik. Sana lang ay magkasama sila ngayon, I hope they’re okay.

“Lex.” Tawag ko dahil kami ang nakabantay sa hospital. Wala pa ring malay si Tito Jiro matapos ang nangyari. Naikwento lang sa amin nila Chloe ang mga naganap two days ago and I feel so sorry for Zero. Alam kong malungkot siya ngayon pero wala kaming magawa. Lagi silang magkasama ni Xian, naghahanap ng solusyon para mahanap ang dalawa.

“Gutom ka na ba? Gusto mo ba kumain?” Tanong ni Alex at umiling lang ako. Napatingin ako sa natutulog na si Third, simula no’ng ma-hospital si tito ay hindi na siya pumasok ng school. Nakabantay na lang siya rito lagi.

“Ano na nga pala nangyari roon sa Winter na kinukwento ni Chloe?” Tanong ko nang ibalik ko ang tingin kay Alex.

“Wala kaming idea. No’ng balikan daw kasi ni Zero si Tita Rain ay wala ng tao ro’n, miski ‘yong dean ay wala na rin.” Napatango na lang ako. As much as I want to help them, wala akong magawa. Hindi ko alam pero hindi gumagana ang utak ko. Dala na rin siguro ng sobrang pagka-stress these past few days.

Balak ko pa sanang kausapin si Alex pero biglang nag-ring ang phone ko. Agad akong tumayo sa tapat ng bintana at saka sinagot ang tawag.

“Chloe, napatawag ka?”

“Nand’yan pa ba kayo? Pupunta raw si Tita Zea kaya pwede na kayong bumalik dito sa academy.”

“I see, mag-memessage na lang ako later. Bye!”

“Ano raw ‘yon?” Tanong ni Alex.

“Pupunta raw si Tita Zea rito kaya pwede na tayo bumalik sa school mamayaㅡsa tingin mo ba ayos lang sila Erin? Pakiramdam ko kasi nasa academy pa rin sila.”

“Yeah. Feel ko rin nasa loob lang sila ng academy pero hindi natin alam kung saan. Hindi natin alam kung ano ang mga sikreto ng Monstrous. No one knows, ang magagawa na lang natin ngayon ay maghintay. May tiwala ako kay Erin at Jen and I’m sure okay lang sila. They are aberrant like you so wala tayong dapat ikabahala.”

Napangiti na lang ako nang hawakan ni Alex ang kamay ko. He always have his way para pakalmahin ako. Alam na alam niya kung paano ako titigil sa pag-aalala.

“I love you.” Nagulat ako sinabi niya dahil hindi ko inaasahan iyon. Kinagat ko pa ang labi ko at sinagot ‘yon dahil halatang naghihintay siya.

“I love you, too.” Nagngitian kaming dalawa pero agad ding nawala nang mapansin naming tinitignan kami ni Third. Gising na pala siya.

“Ate Rozee, Kuya Alex. Kayo na ba?” Namula na lang ang pisngi ko sa tanong niyang ‘yon.

“H-hindi pa.” Nahihiya kong sagot. Totoo naman na mahal ko si Alex, matagal na rin siyang nanliligaw pero ayaw ko pa ng commitment sa ngayon. I don’t know why pero sa sitwasyon namin? Parang napaka-wrong timing. Kung sasagutin ko man siya, gusto ko ay ‘yong happy vibes, masaya ‘yong paligid. Hindi ‘yong ganitong sobrang gulo at ang daming problema.

Zero’s POV

Nagsisisi ako. Nagsisisi ako na bago mawala si Erin, ang salitang sinabi ko pa ang huling narinig niya mula sa akin.

Magulo na ang nangyayari pero mas gumulo pa lalo. Ngayon, nasa miserableng sitwasyon ang school dahil sa pagkamatay ng dean.

Tahimik akong nakaupo sa bench habang nag-iisip ng paraan kung paano ko mahahanap si Erin. I was about to call Xian pero may bigla na lang lunapit sa akin and if I’m mot mistaken, sjya ‘yong babaeng lampa na nakabangga sa akin no’ng araw na nawala si Erin.

“H-hi.” Nauutal na bati nito sa akin habang nakayuko.

“What do you want?”

“You.”

“What?!”

“I mean, may kailangan ako sa ‘yo. I’m just new here. Marami kasi akong naririnig tungkol sa grupo niyo. I wonder if matutulungan mo ako? Nawawala kasi ‘yong kaibigan ko.”

“Wala akong panahon.” Sabi ko nang tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko bago pa ako makaalis.

“Please, tutulong ako sa inyo.” Tinignan niya ako na para bang ano mang oras ay iiyak na siya. Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tumango.

“What’s your name?” Tanong ko nang alisin ang kamay niya dahil nakahawak pa rin ‘yon sa akin.

“E-Erin.” Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko. Bakit sa lahat ng pangalan iyon pa?!

“I’m Zero. Magkita tayo rito bukas, may ipapagawa ako sa ‘yo.” Sabi ko at saka siya iniwan doon para puntahan na si Xian. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming naiisip na paraan kung paano namin mahahanap ang dalawa.

We need to make a plan, ngayong patay na ang dean. Paano na? Pati si dad ay nadamay pa sa gulong ‘to. Sana ay maging okay na siya. Gusto ko mang manatili sa tabi niya, hindi ko magawa. Priority ko talaga ang mahanap si Erin.

“Ze.” Bungad ni Xian pagpasok ko sa kwarto kung saan naroon sila Jester at Chloe.

“Anong ginagawa niyo rito?”

“Ano? Ganito na lang ba? Wala ba tayong gagawin para mahanap si Erin?” Tanong ni Chloe at naupo lang ako sa kama habang nakayuko. Gustong-gusto ko na siyang makita. Sobrang miss ko na siya, gusto ko siyang yakapin at humingi ng sorry dahil sa nasabi ko bago siya mawala. I want to be with her again so badly.

"Patay na ‘yong dean. Paano natin ngayon malalaman kung nasaan si Erin? Natigil na rin ang mga estudyanteng namamatay.” Ani Xian.

Mas mahihirapan kami ngayon, ang tanging gumugulo na lang sa isip ko ngayon ay kung bakit nagpakamatay ang dean or nagpakamatay nga ba talaga siya o pinatay?

Marami pang tanong sa mga isipan namin na ang hirap hanapan ng kasagutan. Para kaming nag-exam na may tanong kung saan hindi naman itinuro ng profㅡ

Agad akong napatayo nang maisip ko ang bagong prof namin. Baka may alam sila, malakas ang kutob ko na may koneksyon sila sa dean.

“Bakit?” Tanong ni Jester.

“Yong bagong prof, pupuntahan ko.” Hindi na ako naghintay sa sasabihin nila at agad nang lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa faculty ay bumungad sa akin ‘yong Erin. The girl earlier.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko.

“May nagsabi kasi na rito huling nakita ‘yong kaibigan ko” Sagot niya at saka ako lumapit kung saan nakaharap siya sa lamesa ng bagong prof nila Erin. Wala akong nasabi kung hindi ang hilahin ‘yong babae palabas.

“Teka, Zero. Saan mo ko dadalhin?” Tanong niya at binitawan ko rin siya agad nang makalayo kami sa faculty.

“Anong kind mo?”

“K-keen.”

“Can you trust me?” Ilang segundo ang hinintay ko bago siya tumango sa tanong ko.

“Good. Give me your number, let’s meet tomorrow.” Inabot ko qng cellphone ko at agad niyang tinype ang number niya roon, pagtapos no’n ay umalis na rin ako at bumalik sa dorm.

_____’s POV

Tatlong araw na ang lumipas nang makita ko sya, tatlong araw na rin akong nagmamasid sa kanya mula sa malayo. Mahimbing siyang natutulog. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, kung tama ba ‘to o kung dapat ay lumapit na ako at magpakita na lang sa kanya.

Hindi ko alam kung nasaan ako. In the first place, bakit ba ako nandito?

Gustong gusto ko siyang lapitan, na-miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay sobrang delikado sa lugar na ‘to na maling galaw ko lang ay mamamatay ako. Sobra ko siyang pinag-alala noon kaya siguradong magiging masaya siya kapag nakita ako. Gusto ko nang makita ang reaksyon niya, gusto ko siya makitang ngumiti.

“T! Tara dito dali.” Agad kong sinarado ang kurtina dahil nasa katapat na building lang ang kwarto ni Erin. Paano nga pala siya napunta rito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.