9: They meet again.
-
Erin’s POV
The moment I open my eyes nasa isang hindi pamilyar na kwarto na ako. Paano ako napunta rito? Ang huling natatandaan ko ay ‘yong may nagtakip sa akin ng panyo. Damn! They caught me off guard.
“You’re awake.” Agad akong napabangon nang mapagtanto ko na hindi lang ako ang tao rito sa kwarto. Hindi ko malaman kung anong reaksyon ang mayroon ako nang makita ko siya.
“I missed you, Erin.”
“Who are you? Bakit mo alam ang pangalan ko?” Ngumiti siya and at that exact moment, natigilan ako. I know that smile. I know that freaking smile!
“Ten?” Tumango siya at bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng luha ko. I already knew it was him pero ayoko lang aminin sa sarili ko. Ilang taon na ang lumipas ng huli kaming magkita noong elementary pa kami. I’m the one to blame kung bakit hindi siya naka-graduate noon.
“Why are you here?” Tanong ko at saka siya lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko.
“I really want to see you. Since that day, I know you’re blaming yourself for what happened but believe me, it’s my choice to do that. It’s my choice to protect you.” Pinunasan niya ang luha ko at saka siya ngumiti.
/Flashback/
One week bago ang graduation, I’m really excited to see the proud faces of my parents. Alam ko naman kasi sa sarili ko na since grade one at no’ng nasa Pilipinas pa kami ay puro sakit na ng ulo ang idinulot ko sa kanila dahil sa pagiging pasaway ko.
But now, I survived. I mean, naging behave ako sa school, hindi ako nakikipag-away at hindi ako na-drop or kickout and that’s all because of Ten. My one and only bestfriend. I really like and love him.
“Erin.” Lumapit siya sa akin pagtapos ng graduation practice. Sinalubong ko naman siya ng yakap.
“Are you excited?” Tanong ko at tumango lang siya. FilAm si Ten kaya madali kaming nagkasundo. Siya rin ang kauna-unahan kong kaibigan dito sa America.
“Let’s eat.” Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok ng canteen pero hindi namin inaasahan na ito ang bubungad sa amin. Riot.
“Let’s just eat later. Baka madamay tayo.” Sabi nya at nang akma na kaming aalis ay may bigla na lang humarang sa pinto. Mabilis akong naitago ni Ten sa likuran niya.
“No one can leave this room! Whose side are you on?!” Sigaw niya.
“What are you talking about? We’re just here to eat.” Sagot pa ni Ten habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko.
“Don’t play dumb games with me, stupid! You’re trying to sneak out, don’t you?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako sa likod ni Ten.
“What are you doing?” Bulong niya.
“I’m going to knock the crap out of him.” Walang sabi sabi, mabilis kong ipinatama ang kamao ko sa mukha ng lalaking ‘yon pero hindi ko inaasahan na sa pagtumba niya ay bubungad sa amin ang Principal. Nagkatinginan lang kami ni Ten.
Lahat ng mga nakitang nasa canteen ay nauwi lahat sa Principal’s office. As much as I want to explain what really happened, hindi ko magawa dahil inako na ni Ten ang kasalanan. At dahil sa akin, hindi siya naka-graduate.
/End/
Masaya akong makita si Ten, pero hindi mawala sa isip ko kung nasaan kami.
“Where are we?”
“I don’t know. Sinundan lang kita that time, noong nagkabungguan tayo, remember? No’ng nasa tapat na ako ng dean’s office may bigla na lang nag takip ng bibig ko at paggising ko nandito na ako sa lugar na ‘to.” Tumayo ako at sumilip sa bintana.
“Ilang araw na kitang pinagmamasdan mula sa kabilang building na ‘yan, mabuti na lang nagkamalay ka na.”
“May ibang tao ba rito maliban sa ‘tin?”
“Meron, but this place seems so dangerous. Mas makakabuti kung dito ka lang sa loob.“ Ngumiti ako at saka siya niyakap.
“Can you trust me? Please, just this time, hayaan mo ako. Ayokong mapahawak at madamay ka ulit dahil sa ‘kin.”
“Wait, what are you talking about?” Kumalas ako at tinignan niya ako anng puno ng pag-aalala.
“Lalabas ako, I have the feeling na nasa academy pa rin tayo. Stay here, okay? Promise me na hindi ka susunod, hindi normal ang school na pinasukan mo, Ten. You don’t know what kind of danger you’re going to face.”
“No. I don’t care, I’ll go with you.” Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.
“Please.”
“Promise me that you’re coming back. Marami pa akong gustong ikwento sa ‘yo, I want to see and talk to you more.”
“Promise, babalik ako.” Napangiti ako nang makita ko siyang tumango. Noong una ay ayaw pa niyang bitawan ang kamay ko pero ng bigyan ko siya ng reassuring smile ay hinayaan na niya akong makalabas ng kwarto. I’m really happy to see him again, pero may mga bagay akong kailangan gawin. I need to know what place is this. I have the feeling na narito rin si Jennie.
Paglabas sa building na ‘yon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam pero nanghihina ang tuhod ko. Huminga muna ako ng malalim at saka naghanap ng ibang taong pwedeng mapagtanungan. ‘Yong taong matagal na sa lugar na ‘to.
Mabilis akong nagtago sa likod ng puno nang makakita ako ng isang pamilyar na babae. Niliitan ko ang mata ko para makita siya ng mabuti at halos mapatakip ako sa bibig. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ma’am Freyes! Buhay siya. She’s not dead!
Tatakbo sana ako para lapitan siya pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay napatigil na ako nang makitang nilapitan siya ng isang armadong lalake. Hinawakan siya nito sa braso at saka pilit hinila palayo. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan kung saan sila pupunta. I know I’m still inside the academy, but damn. Anong lugar ‘to? Isa na ba ‘to sa mga itinatagong sikreto ng academy?
What if? What if lahat ng mga estudyanteng namatay ay buhay pala? What if, ‘yong drugs na tinutukoy ng dean ay drugs kung saan magmumukhang namatay ang sino man ang uminom nito? Is that even possible? And if ever tama man itong conclusion ko. Bakit? Bakit nila ginagawa ‘to at paraan saan? For experiment? For fun?
Agad akong tumakbo para magtago sa gilid ng isang building, bigla na lang kasing huminto ‘yong lalake sa paghila kay Ma’am Freyes. Naningkit ulit ang mata ko nang makitang may dalawang lalake ang lumalapit sa kanila. ‘Yong isa ay armado at ‘yong isaㅡholy crap! ‘Yong dating prof nila Zero! He’s also alive?! Wait, hindi talaga sila natagpuang patay?! They freaking lied to us!
Tinago nila rito ang mga prof namin at pinalabas na patay para lang mapalitan nila? Damn it. Sabi na nga ba’t may mali sa dalawang bagong prof. I knew it!
Tahimik ko silang pinagmasdan sa malayo. Sinigurado kong hindi nila mararamdaman ang presensya ko. Sinigurado ko na hindi nila ako makikita. Ilang minuto rin silang tumayo roon na para bang nag-uusap ang dalawang armadong lalake. Maya-maya ay nagsimula na silang maglakad habang hila ang dalawang prof.
Slowly but surely, sinundan ko sila at mabilis na nagtatago sa mga punong madaanan ko. Nang makitang huminto sila sa isa sa mga building ay mabilis akong nakatakbo papunta sa gilid, sinigurado kong walang nagmamasid sa akin bago ako pumasok sa loob pero hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay may kamay nang nagtakip sa bibig ko habang pilit akong inilalayo nito sa buidling na 'yon.
Damn! Masyado siyang malakas. May kung anong siyang ipinaamoy sa akin at tuluyang nagdilim ang paningin ko. Fuck! Why again?
ㅡ
Marahan kong iminulat ang mga mata ko. All I can see is white. Damn, Am I that weak now?! Lagi na lang akong nawawalan ng malay, baka sa susunod nito ay hindi ko na magawang imulat pa ang mga mata ko at malaman ko na lang na patay na pala ako.
Dahan-dahan akong bumangon at agad napakusot ng mata. Kakasabi ko lang, eh. Ano ‘tong nakikita ko? Anghelㅡmukhang patay na nga talaga ako. Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko. Nasa langit ba ako? Kaya ba puro puti ang nakikita ko? Nang makita ko siyang ngumiti ay bigla na lang tumulo ang luha ko. I can see him. Ito na ba ‘yong oras na ‘yon? Ito na ba ‘yong muli naming pagkikita? Sinusundo na ba niya ako?
Ito na ba ‘yong oras na ‘yon? Ito na ba ‘yong muli naming pagkikita? Sinusundo na ba niya ako?
“Tyler.” Banggit ko sa pangalan nito at mas lalo pa akong naiyak nang hawakan niya ang pisngi ko. Kusa na lang akong napapikit.
“Tyler, na-miss kita. Sinusundo mo na ba ako? Pwedeng ‘wag muna? Marami pa kong bagay na dapat asikasuhin.” Dumilat ako nang marinig ko siyang tumawa.
“Erin.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka ako tinignan ng diretso sa mata. Miss na miss ko na siya, lahat ng masamang alaala ay biglang bumalik sa isipan ko. Kung ano ang itsura niya no’ng araw na ‘yon, kung ano ang nangyari ng araw na ‘yon.
“I want to see your smile.” Ngumiti ako gaya ng gusto niya at ginulo niya ang buhok ko kasabay ng pagyakap niya sa akin ng mahigpit. This feel so real, parang totoo. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya, ramdam na ramdam kong miss na miss niya ako.
Ilang segundo lang ay kumalas siya at muling ngumiti habang pinupunusan ang luha sa mga mata at pisngi ko.
“Erin, buhay ako. ‘Yong pagkamatay ko ng araw na ‘yon. That’s fake.”