11: Reunited.
-
Zero’s POV
Wala kaming idea kung saan talaga kami dadalhin ni Winter. Or I must say, Tito Winter. Kung hindi lang talaga kay Tita Rain, hindi ko paniniwalaan ang lalaking ‘to.
“At bakit nakasunod kayo?” Tanong ni Jester kay Kevin at Josh na kanina pa nakasunod sa amin.
“Kahina-hinala kinikilos niyo, eh.” Kibit-balikat na sagot ni Josh.
“A-actually, kakasunod din ako.” Kumunot ang noo ko nang makita ‘yong Erin. Ano bang problema ng mga ‘to?
“Di ba ang sabi mo tutulungan mo ako? May plano pa tayo na magmamanman ako sa bawat kilos ng bagong prof, ano na nangyayari?” Tanong niya at napatingin na lang ako kay Xian bago ibalik sa kanila ang tingin.
“I’m going to get my girl. Kung gusto niyong sumama, sumama kayo. Hindi ko na kayo kargo.” Sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa huminto si Tito Winter sa pinaka-first floor ng main building.
“Anong meron sa infirmary? Niloloko mo ba kamㅡ”
“Nandito ‘yong secret passage.” Pagputol ni tito sa sasabihin sana ni Jester. Sabay-sabay kaming pumasok sa infirmary at saka niya itinulak ‘yong kama. Doon naman namin nakita sa ibaba ang isang nakaguhit na rectangle.
“Ano yan?” Tanong ni Alex.
“Trap door. Dito nila idinaraan ‘yong mga pinapainom nila ng drugs at sure ako na dinala nila sila Erin doon.”
“What? Saang doon?” Naguguluhang tanong ko.
“Hindi ko na kayo masasamahan, makakahalata sila. Faster! Pumasok na kayo.” Wala ng pagdadalawang isip at mabilis kong binuksan ang trap door, bumaba ako sa madilim na hagdan hanggang sa mapunta ako sa hallway na halos wala ng kailaw-ilaw. Halos wala na nga akong makita pa.
“Xi, pahiram ng phone.” Agad niyang inabot ang phone niya at binuksan ko ang flashlight nito. Kumunot lang ang noo ko dahil sa nakikita ko, how come na mayroong lugar na ganito rito? Paano kung kinulong nila sa masikip na lugar si Erin? Naiisip ko pa lang ang bagay na ‘yon ay nag-iinit na ang dugo ko.
Nang makababa na kaming lahat ay narinig na namin ang pagsara ng trap door.
“Babe, hold my hand.” Rinig kong boses ni Jester mula sa likuran. Tatlong babae ang kasama namin. Si Rozee, Chloe at Erin. Ako, si Xian, Alex, Jester, Kevin at Josh naman ang lalake. Bakit kasi kailangan pang may dumagdag sa amin? Tch.
“Zero.” Mabilis na nakatakbo papunta sa gilid ko si Erin. Halatang natatakot siya, nabigla na lang din ako nang yakapin niya ang braso ko. Wala naman akong nagawa, napaka-ungentleman ko naman kung tatabigin ko siya.
“Bakit may ganitong lugar dito?” Tanong niya habang tumitingin tingin sa madilim na paligid.
“I don’t know.”
“Miss, hinay-hinay sa pagkapit sa braso ng kaibigan ko. May girlfriend na ‘yan.” Hirit ni Alex sa likuran..
“I-I know. Natatakot kasi ako, bibitaw rin ako kapag nakalabas na tayo.” Napangiwi na lang ako at inangat ang flashlight dahil natatanaw ko na ang pinakadulo at pintuan.
“Ano kayang ang aabang sa ‘tin sa pintuang ‘yan?” Tanong ni Kevin.
“Kamatayan mo.” Rinig kong bulong ni Chloe.
“Zero, turn of the flashlight. Someone’s coming.” Pagkasabing pagkasabi ni Rozee noon ay pinatay ko ang phone ni Xian. Muling dumilim ang paligid hanggang sa may marinig kaming pagbukas ng pinto sa hindi kalayuan.
“I told you, hindi magandang idea na narito si Cross.”
Lumabas ang dalawang lalaking nag-uusap sa pinaka-main door kaya nagmadali na kaming lumabas kung saan tumambad sa amin ang kakaibang lugar. Paanong nagkaroon ng ganito sa loob ng academy? Eh, halos kasing laki ito ng buong campus. At binanggit nila ang Cross, I know that’s Erin.
“Be careful. Hindi natin alam kung anong meron sa lugar na ‘to.” Sabi ko nang lingunin ang paligid. Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak sa akin ng babae dahil hindi pa rin ito bumibitaw.
“Maghiwa-hiwalay kaya tayo?” Suhestiyon ni Josh.
“Bakit kasi sumama pa kayo? Wala naman kayong mai-aambag dito.” Inis na reklamo ni Jester.
“Because I want to save Erin.” Agad kong nilingon si Josh. Nakatingin siya sa akin na tila ba gusto niya ng kompitensya.
“Hindi ka kailangan ni Erin. I can save my GIRLFRIEND without your help.” In-emphasized ko talaga ang salitang girlfriend para malaman niya ang lugar niya.
“Let’s go. Humiwalay kayo kung gusto niyong humiwalay.”
Erin’s POV
Hawak-hawak ni Ten ang kamay ko at marami kaming pinag-usapan. Intrepid siya gaya ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kaming posasan ni Tyler.
“Ty! Ano ba? Tanggalin mo na ‘to. Hindi nga ako gagawa ng kalokohan.”
“No. Kailangan ‘yan, para hindi mo tangkaing lumabas ng kwarto na ‘to.” Pagmamatigas niya pa. Palibhasa alam niyang ayaw kong idamay si Ten sa mga reckless things na gagawin ko. Kapag may mali akong ginawa, madadamay si Ten kaya kailangan kong mag-stay sa kwarto na ‘to.
“Promise, hindi ako tatakas. Tanggalin mo na ‘tong posas. Nahihirapan na si Ten.”
“Actually okay lang ako.” Sinamaan ko ng tingin si Ten pero nginitian niya lang ako. He’s enjoying this!
“Whatever! Saan ba nagpunta sila Jennie at Xander?”
“Naghahanap ng pwede nating paglabasanㅡ” Agad akong napatayo kaya napatayo rin si Ten ng wala sa oras.
“I’ll help theㅡ”
“Erin, kaya na nila ‘yon.”
“No, I will help.” Mabilis akong lumabas at maingat na hinawakan si Ten para hindi masugatan ang palapulsuhan nito.
“Wag kang bibitaw sa ‘kin, okay? Intrepid ka naman kaya sure ako na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.” Tumango lang siya at paglabas sa building ay agad akong tumingala sa bintana kung saan nakatingin sa akin si Tyler. I just mouthed the word sorry at saka marahang tumakbo.
“Sure ka ba rito, Erin? Kaya na nila Jennie ‘yon. Let’s just stay in your room, mas safe tayo ro’n.”
“No, ayokong maupo at maghintay lang doon. Sorry for dragging you.” Umiling siya at saka ngumiti.
“It’s okay, sasamahan kita kahit saan pa ‘yan.” Ngumiti ako at saka sumilip silip sa paligid. Walang tao, ang unang lugar na pumasok sa isip ko ay ‘yong building kung saan unang nanggaling si Jennie. Ang sabi niya ay sa puting kwarto na ‘yon siya nagising. Malakas ang kutob ko na nasa building na ‘yon ang daan palabas.
“Erin.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ten sa kamay ko, dahilan para lingunin ko siya at makitang nakatingin siya sa isang babaengㅡholy fuck! She’s looking at us and she’s so damn creepy.
” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ten sa kamay ko, dahilan para lingunin ko siya at makitang nakatingin siya sa isang babaengㅡholy fuck! She’s looking at us and she’s so damn creepy
“Run. Let’s run.” Hinawakang mabuti ni Ten ang kamay ko at nagsimula kaming tumakbo nang makitang humakbang ang babae.
“Damn! Ang creepy. Anong klaseng drugs ba ang ipinapainom nila sa mga tao rito?!” Hingal na sabi ko hanggang sa hilahin ako ni Ten para magtago. Sinandal niya ako sa pader habang siya ay nasa harapan ko. Hingal na hingal kaming pareho hanggang sa may tumawag ng pangalan ko at pangalan ni Ten. Sabay kaming napalingon at halos manlaki ang mata ko.
“Zero.”
“Erin.” Tawag ni Ten kaya medyo na-confuse ako.
“Crap! Ayan na siya.” Hinila ko si Ten at tumakbo papunta kila Zero.
“Run!”
ㅡ
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kabahan. Nakaupo ako sa kama habang nakaharap kay Zero. Para silang nakakita ng multo, well hindi ko sila masisisi dahil gano’n din ang reaksyon ko nang makita ko si Tyler.
Bago pa sila maguluhan ay in-explain ko na sa kanila lahat. Maging ang kay Xander ay sinabi ko na.
“So paano kayo napunta rito? Paano niyo nalaman ang lugar na ‘to?” Tanong ko habang tinatanggal ni Tyler ‘yong posas.
“Dinala kami ni Winter.” Halos walang emosyon na sabi ni Zero. Tumayo naman si Ten para kausapin ang babaeng kasama nila Xian na ang pagkakatanda ko ay Erin din ang pangalan. Magkasama raw silang pumasok sa Monstrous and they are friends.
“Pwede ko bang makausap si Erin ng kaming dalawa lang?” Tanong ni Zero at nagsilabasan naman ang lahat hanggang sa kami na lang ang natira rito sa loob.
“Sino si Winter?” Tanong ko.
“Your uncle. Celvero siya gaya ng mommy mo and yes, may kapatid si Tita Rain. Mukhang may alam siya sa mga nangyayari but we can trust him, he’s on our side.” Paliwanag niya at napatango lang ako. Hindi na kinakaya ng utak ko ang nangyayari kaya pagod na akong magulat sa mga nalalaman ko. Naupo si Zero sa tabi ko at saka ako niyakap ng mahigpit.
“I missed you.” Kumalas siya sa pagyakap at saka yumuko.
“Who’s that guy? I want to punch him for touching you like that.”
“Come on, don’t be like that. He’s a friend. Long story pero hindi na ‘yon mahalaga, ang importante ay kumpleto na ulit tayo. Magkasama na ulit tayo.” Ngumiti siya at saka ako marahanang hinalikan sa labi. Kumalas din naman kami agad at saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Sabay nating tatapusin ang problemang ‘to. I love you.”
“I love you too, Zero.”