10: About drugs.
-
Literal akong napanganga. Like seriously? Ano ‘yong narinig ko? Balak ko pa sanang suntukin ang sarili ko para magising pero pinigilan niya ako.
“I’m alive, aren’t you happy?” Tanong niya pa sa akin. Mabilis kong hinawakan ang muka niya, ‘yong pisngi, buhok, braso, kamay, legs at bago pa mapunta kung saan ang kamay ko. Muli akong tumingin ng diretso sa mata niya habang ramdam kong tumutulo na naman ang luha ko.
“Hindi ba ‘to panaginip? You’re alive? Buhay ka ba talaga?” Nginitian niya ako at saka inihawak ang kamay ko sa dibdib niya. Sobrang bilis ng pagtibok noon.
“Alam mo ba kung gaano ako kasaya makita ka?” Tanong niya.
“Masaya akong makita ka pero paano? Paanong buhay ka?” Naupo siya sa tabi ko at saka tumingin sa akin.
“Hindi ko rin alam, no’ng araw na sumugod ako sa hideout ng red org, may ipinainom sila sa akin bago ako itali. Binugbog nila ako nang binugbog hanggang sa pakiramdam ko ay mamamatay na ako, noong oras na pinakawalan mo si Xander, nagdilim ang paningin ko at nagising na lang ako na nasa morgue ako. Nagulat pa nga ‘yong lalaking nandoon nang bigla akong bumangon..”
“Pero nawalan siya ng malay nang may humampas sa ulo niya. Doon ko lang na-realize na may mga lalaking nakaitim sa loob ng morgue. May dala silang isang katawan, fake body na kamukhang kamukha ko. Tinangka kong manlaban pero nanghihina ang katawan ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila. Ang naiwan lang sa morgue ay ‘yong pekeng patay na kamukha ko.”
“Wait! How come? Wala ka ng pulso sa gubat pa lang.” Sabi ko nang tumayo ako dahil parang imposibleng mangyari ang sinasabi nya.
“Yong pinainom nila sa ‘kin. It’s a kind of drug na kaya kang pagmukhaing patay. Heartbeat, parang itong humihinto when actually it’s not.”
“Wait, so you mean lahat ng nakakainom ng drugs na ‘yon ay hindi talaga namamatay?!” Tumango siya at saka lumapit sa akin.
“Pero ikaw, paano ka napunta rito? Anong nangyari?”
“I don’t know exactly pero alam kong ‘yong dean ang may kagagawan kung bakit ako nandito ngayon. Jennie is missing, can you help me find her? I know she’s here.”
“Delikado magpagala gala sa labas, may mga armadong lalake. The other students was being controlled. Kapag nakita ka nila, papatayin ka nila.”
“Matagal ka na rito, alam mo ang pasikot sikot. Please help me.” Makaawa ko, napabuntong hininga siya bago tumango.
Xian’s POV
Lahat kami ngayon ay nasa hospital. Gising na si Tito Jiro at kasama namin si Winter dahil dinala siya rito ni Tita Rain. Isang suntok ang natanggap niya mula kay Tito Jiro kahit pa fresh ang sugat nito.
“Sino ka ba sa tingin mo? Sino ka para pagtangkaan ang buhay ng anak ko?” Singhal ni tito habang pilit siyang pinapakalma ni Zero.
“I’m trying to save your son. Someone’s aiming for him that time.” Pagpapaliwanag ni Winter.
“What do you mean?” Tanong ko.
“No’ng sumilip siya sa bintana. There’s a red dot on his head, paano ko nakita? ‘Yong reflection sa salamin. Kailangan kong gumawa ng gulo para umalis siya sa pwesto niya. Kailangan kong magmukhang masama dahil ang buong alam nila ay kakampi nila ako.”
“Sinong nila? Anong nalalaman mo sa likod ng mga nangyayari?”
‘No use, tinanong ko na ‘yan sa kanya pero ayaw niyang magsalita. And yeah, he’s my brother. Nagpa-DNA na kami. Ilang taon lang ang tanda ko sa kanya, meaning? Hindi nag-asawa ulit si papa. Talagang may kabit na siya noon pa lang.” Halata sa boses ni Tita Rain ang galit kaya naman mabilis siyang nilapitan ni Chloe at Rozee para yakapin.
“But we can trust Winter. He’s on our side, gusto ko man tumulong hindi ko magawa. May tiwala ako kay Erin, kayo nang bahala sa kanya. I know you can solve this problem.” Nagkatinginan lang kami nila Jester, Alex at Zero nang sabihin iyon ni tita, kasabay no’n ay ang paglapit sa amin ni Winter.
“Alam ko kung saan makikita sila Erin.”
Jennie’s POV
Mahigpit na hawak ni Xander ang kamay ko at wala akong idea kung saan kami pupunta. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga kinwento niya sa akin.
“Let’s rest.” Sabi niya nang magtago kami sa gilid ng isang building. Hindi niya binitawan ang kamay ko at nanatiling nakatayo habang hinahabol ang mga paghinga namin.
“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko.
“Kay Tyler.” Tinasaan na lang ako ng balahibo sa sinabi niya.
“Stop joking. Your cousin is already deaㅡ”
“Buhay siya. No’ng unang dating ko rito, siya ang kasama ko.” Napangisi na lang ako at hindi na nagsalita pam Malamang pinagtitripan niya lang akoㅡAnd I don’t have time for his bullshit.
“Let’s go.” Aya niya at muli akong hinatak. Maingat kaming tumakbo hanggang sa mapahinto ako.
“Why?” Tanong ni Xander pero nanatili akong nakatingin sa isang direksyon.
“Erin?” Lumingon na rin si Xander at mabilis akong nahatak papunta sa direksyon na ‘yon.
“Oh my God, Erin! Ikaw nga!” Napayakap na lang ako sa kanya pero agad ko siyang natulak nang makita kung sino ang kasama niya. Am I seeing things?
“Damn you! Nag-effort akong hanapin ka tapos itutulak mo lang ako?” Reklamo ni Erin.
“Paanong hindi kita itutulak? Katabi mo si Tylerㅡ”
“At bakit? Tinulak ba kita no’ng makita kong katabi mo si Xander?”
“Okay that’s enough, sa ibang lugar na kayo mag-away. Delikado kapag may nakakita sa atin.” Sabi ni Tyler at mabilis kaming nakalayo sa lugar na ‘yon.
Erin’s POV
I knew it! Sabi na at nandito rin ang malditang si Jennieㅡand I’m really happy to see her again. Mukha namang okay siya at hindi nasaktan.
“So pinainom ka rin nila ng drugs?” Tanong ko kay Xander. Kasalukuyan kaming nasa kwarto kung saan ako nagising kanina. Pagbalik ko rito, wala na si Ten, saan naman kaya siya nagpunta?
“But wait, is Tyler really alive?”
“Obvious ba, Jen?” Napapairap na tanong ko. Bago pa masira ang ulo niya kakaisip kung paano nangyari ‘yon ay in-explain ko na sa kanya. Ilang minuto rin bago mag-sink in sa utak niya ang lahat.
Okay na kami rito, malinaw na ang lahat. Ang tanging concern na lang namin ay kung nasaan kami. Maging si Tyler at Xander kasi ay walang idea. Ang alam lang nilang impormasyon ay tungkol sa drugs.
“We’re still somewhere in the academy, right?” Tanong ni Jennie.
“Yeah. I guess so?” Tipid na sagot ni Xander at panandalian kaming natahimik nang makarinig ng ingay mula sa labas. Agad akong sumilip sa bintana para tignan kung ano ang nangyayari.
“Damn it! Si Ten.” Mabilis akong lumabas ng kwarto nang makitang nasa ibaba si Ten habang pilit siyang inaatake ng isang lalake. Pagdating sa labas ay agad kong hinila ‘yong lalake palayo kay Ten.
“Erin, what are you doing?!” Tanong ni Tyler nang sumunod sila sa akin. Masyadong malakas ‘yong lalaking hawak ko. Nasiko ako nito kaya nakawala siya sa pagkakahawak ko. Halos manlaki naman ang mata ko nang makita ang pamilyar na mukha nitoㅡwait! ‘Yong dating prof nila Zero.
“Oh my God!” Rinig kong reaksyon ni Jennie nang mamukaan nkya rin ang lalake. Anong nangyari? Pasugod na siya sa akin pero agad siyang nawala sa paningin ko nang sipain ito ni Ten. Hinawakan niya ang kamay ko at saka nagmadaling tumakbo pabalik sa kwarto. Hingal na hingal siya at gano’n din naman ako.
Napahawak na lamang ako sa ulo ko habang hinahabol ang paghinga ko.
“Okay, what the hell was that?!”
“I already told you, kinonkontrol nila ang ibang nandito. It’s another kind of drug, para silang nagiging zombie na hindi ko maintindihan.” Ani Tyler at agad nilingon si Ten na hanggang ngayon ay hinihingal.
“Are you okay? Nasaktan ka ba?” Umiling lang siya sa tanong ko kaya napangiti ako at bago ko pa makalimutan ay ipinakikilala ko na siya sa mga kasama ko.
“Ten, this is Jennie, Xander and Tyler. Mga kaibigan ko sila. Guys, this is Ten. Kaibigan ko from America.” Nag ngitian lang sila sa isa’t isa at saka ko ipinaliwanag ang mga dapat ipaliwanag.
Nang makakalma na kaming lahat, hindi ko mapigilang isipin kung bakit nila kami dinala sa lugar na ‘to. Bakit nila ginawa ang lugar na ‘to at bakit kailangan nilang gawin ang lahat ng katarantaduhang ito like seriously, sobrang laking krimen nito. Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga drugs, is this some kind of experiment? Sinong walang puso ang gagawa nito para lang sa walang kwentang experiment?
How far will they go? Ilang tao ba ang kailangang magdusa pa? I’m sure alalang-alala na si Zero, sina Chloe, Xian. Ano na kayang ginagawa nila? Ano nang nangyayari sa sa kanila? We need to find out what’s really going onㅡAs soon as possible.