13: No way!
-
Nakangiti kong pinagmamasdan ang singsing na ibinigay ni Zero. Engagement ring, wala akong pinagsisisihan na om-oo ako agad sa proposal niya.
“Ay pak! Kabog si ate.” Pang-asar ni Jennie nang maupo siya sa tabi ko. Kaming apat ngayon ang magkakasama rito sa kwarto. Wala pa rin pinagbago, marami pa ring armadong lalake sa labas kaya hindi namin makausap ang mga nasa kabilang building. Sinubukan man naming gamitin ‘yong sinasabi no’ng isang Erin na hindi naman kagandahan ay hindi namin magawa dahil pag-akyat namin sa rooftop ay wala na ‘yong sinasabi niyang lubid.
“Magpapakasal na talaga kayo ni Zero paglabas natin?” Tanong ni Chloe.
“Kung makakalabas tayo rito.” Agad akong napalingon dahil sa sinabing iyon ni Rozee.
“Wala ka bang tiwala sa kakayahan natin? I mean, we’re not ordinary. Kayang-kaya nating lutasin ‘to.” Tumayo ako at saka dumungaw sa bintana para pagmasdan ang mga armadong lalake.
“Yeah I know, pero paano kung kamag anak mo nga ang may gawa nitong lahat? Anong gagawin mo?” Panandalian akong natahimik. Paano nga ba?
“Simple lang naman ang sagot d’yan, eh. Gagawin ko ang dapat gawin.” Nilingon ko sila ulit at tanging ngiti na lang ang nakita ko sa kanilang tatlo. Napangiti na lang din ako by the thought na nandyan sila para sa akin, na ramdam kong hindi ako naiiba at nag-iisa.
Kinabukasan, isang malakas na pagsabog ang gumising sa akin. Agad akong napabangon at dumungaw sa bintana para makita kung ano ang nangyayari sa labas pero hindi ko matanaw kung saan nanggaling ang pagsabog na ‘yon.
“Baby! Are you okay?” Nabigla ako nang biglang sumulpot si Zero. Ni hindi na nga siya nag-abalang kumatok at dire-diretsong pumasok.
“Stop calling me baby for pete’s sake! And I’m okay, there’s no need for you to panic.” Napairap ako at isang malalim na buntong hininga lang ang tanging nasagot niya sa akin.
“Ano kayang nangyayari sa labas?” Hindi ko maiwasang itanong kahit alam ko namang hindi niya alam ang sagot.
“I want to know what’s going outside.” Dagdag ko.
“Kung ano man ‘yang binabalak mo. ‘Wag mo na ituloy, hindi tayo kikilos hangga’t wala tayong matino o siguradong plano.” Napanguso ako dahil alam niya na agad ang pumapasok sa isip ko.
Gusto ko na talagang patumbahin na lang ang mga armadong lalakie sa ibaba para malaman ko kung paano kami makakalabas dito. Hangga’t nakabantay sila sa labas, mabubulok kami rito kahihintay ng himala.
Kung tutuusin, kayang kaya ko naman silang takasan but the thing is, hindi ko ‘yon magagawa dahil ayoko na rin pag-alalahanin si Zero. Not again.
“So what’s our plan? Ayoko nang maghintay.” Humarap ako sa kanya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.
“We need more time, kailangan natin magkaroon ng armas para maipagtanggol ang mga sarili natin.” Napangisi ako sa sinabi niya. Agad namang nagsalubong ang kilay niya nang umalis ako at kunin ang isang bagahe sa ilalim ng kama.
“What’s that?” Agad ding nasagot ang tanong niya nang buksan ko ang maleta. Doon tumambad sa kanya ang ilang baril at kutsilyo. His eyes widened in shocked, I’m sure nagtataka siya kung paano ako nagkaroon nito.
“Nakuha ko ‘to sa mga ilang armadong lalake na napatumba ko na. Well, you know...” Nagkibit-balikat ako at tanging pag-iling lang ang nagawa niya.
“You’re really a bad girl.”
“Well, paraasaan pa at naging Cross ang apelyido ko.” I winked at him pero mabilis siyang nakanakaw ng halik sa akin, dahilan para mamula ang pisngi ko.
“I can’t wait to call you, Mrs. Villaruel.” May kung anong nagwala sa tiyan nang sabihin niya ang bagay na ‘yon. Usually nagrereklamo ako kapag bumabanat siya ng biglaan pero ngayonㅡIba, ang sarap sa pakiramdam ng sinabi niya.
No words can describe how I feel right now kaya tanging pagngiti na lang ang isinagot ko.
“Oh shit!” Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang makitang nakasilip sa pinto sila Chloe kasama ‘yong boys.
“What the hell, guys?! Ang creepy niyo dyan! Pumasok nga kayo rito!” Reklamo ko habang nakahawak sa dibdib ko. Seriously, aatakihin ako sa mga ‘to.
“Nakakahiya naman kasi ‘di ba? Baka masira namin ‘yong moment ng soon to be Mr and Mrs. Villaruel.” Sabi ni Jester at naramdaman ko naman ang paghawak ni Zero sa baywang ko.
“Kailan ka pa nagkaroon ng hiya?” Tanong njya kay Jester na ikinatawa ng lahat.
“But seriously guys, ano at saan kaya nanggaling ang pagsabog kanina? What’s our plan?” Tanong ni Xian. Panandalian kaming natahimik, nagkatinginan lang kaming lahat na tila naghihintay ng suggestion.
“Erin!!” Agad nabali ang katahimikan nang marinig ko ang boses ni Ten mula sa kabilang building. Mabilis akong sumilip sa bintana para tignan ang mga armadong lalake sa labas. Wala na sila.
“Pupunta kami dyan!!” Sigaw ulit ni Ten at hindi na niya nahintay pa ang sasabihin ko dahil mabilis siyang umalis. Saan naman kaya nagpunta ang mga armadong lalake? May bago kaya silang plano o may bagong inutos sa kanila? No. They are being controlled kaya siguradong may binabalak na naman ang taong nasa likod ng lahat ng ‘to.
“Let’s go.” Aya ko at saka kami lumabas para salubungin na ‘yong kabilang grupo.
“May nangyari ba?” Tanong ko nang magkita kami sa baba kung saan kasama niya sila Tyler.
“Yong pagsabog kanina. Doon ‘yon nanggaling sa malaking building.”
“Sigurado ka ba?” Tanong ni Alex at tumango lang si Ten. Mabilis kaming tumakbo palabas para tignan kung doon nga nanggaling ‘yong pagsabog.
“Anong nangyari?” Tanong ni Rozee nang makitang sira na ang building kung saan ko nakitang ipinasok ‘yong dati naming prof. Nakatago lang kami at nagmamasid sa malayo dahil nandoon ang ilang armadong lalake.
Ano kaya ang nangyari?
“Hindi ligtas para sa inyo ang maggala rito.” Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at naalarma.
“Who are you?” Tanong ko.
“I’m Cloud... Cloud Cross. At kayo?” Hindi ko alam kung tama ba ako nang rinig o imagination ko lang iyon. Kapangalan nya yung uncle kong matagal ng patay. Kapangalan niya ‘yong kapatid ni dadㅡmabilis kong natakpan ang bibig ko nang ma-realize ko kung sino ang nasa harapan ko. That was a unique name for pete’s sake! Imposibleng may gano’n pang pangalan maliban sa uncleㅡ
Nagkatinginan kami ni Zero dahil alam na niya kung ano ang nasa isip ko.
“Kaano-ano mo si Tito Thunder?” Tanong ni Zero at halata sa mukha ng lalake ang pagkabigla.
“Kapatid. Bakit niyo siya kilala? At tito? Sino kayo?”
“Oh my God! Madalas kang ikwento sa akin ni mom noon. Kung paano mo siya niligtas sa kamay ng Keen’s org. She said that you’re already dead, how come naㅡ” Hindi ko naituloy ang pagsasalita dahil hinawakan niyaa ko sa magkabilang balikat.
“Hindi ako namatay. That day, no’ng mangyari ang insedente. Habang nasa ambulansya, may itinurok sa akin ‘yong nurse at pagdating sa hospital dineclare nilang dead on arrival ako. After that, tuluyan akong nawalan ng malay at paggising ko. Nandito na ako sa lugar na ‘to.”
“No way! Sinasabi mo ba na matagal ka nangㅡ”
“Hindi na ‘yon mahalaga, pero ikaw na ba ang anak nila Rain at Thunder?” Nakangiting tanong niya sa akin at marahan lang akong tumango.
“Paano kayo napunta rito?”
“Mahabang kwento po, pero since matagal na kayo rito. May alam ba kayo kung sino ang nasa likod ng lahat ng ‘to?” Tanong ni Xian.
“No, I don’t know. Come on, sumama kayo sa ‘kin.” Agad kaming sumunod sa kanya nang maglakad siya paalis. Hindi ko alam kung saam niya kami dadalhin hanggang sa nakarating kami sa isang maliit na bahay. Well... I don’t know kung anong lugar ‘to pero mukhang dito siya nakatira.
“Paano kayo nabuhay ng mag-isa rito?” Tanong ni Jester.
“Hindi ko man nakikita kung sino, pero araw-araw akong nakakatanggap ng pagkain at bagong damit kada buwan, never din naman nila akong sinaktan dito.” Paliwanag ni tito.
Hanggang ngayon, naa-amaze pa rin ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nila dad kapag nalaman nila ang tungkol dito?
“Yong pagsabog kanina. Alam niyo po ba kung anong nangyari?” Tanong ni Ten nang maupo kami sa upuan na nasa loob.
“Gumagawa sila ng eksperimento. Maybe, new weapon or something? ‘Wag kayong mag-alala. I’m sure hindi nila kayo sasaktanㅡEspecially you.” Bahagyang kumunot ang noo ko nang tignan ako ni tito. Obvious naman na ako ang tinutukoy niya.
“Why?” Naguguluhang tanong ko.
“Believe it or not, sa mommy mo nagsimula ang lahat ng ‘to, and I’m sure na kilala ka nila. Kilala ka ng taong nasa likod nito.”
“Hindi ko maintindihan. Kung totoo man ‘yong sinasabi niyo. Bakit? Bakit nila ginagawa ‘to? Anong meron kay mommy?”
“Hindi ko alam. Basta ang pakiramdam ko, pinaglalaruan nila ang buhay ng mommy mo. Ayoko man sabihin pero ginawa nilang eksperimento ang buong buhay ni Rain. Mula sa pagka-involve niya sa Keen at sa mga misteryo ng Monstrous.”
Agad kong naikuyom ang mga kamao ko. What if kung totoo? Na eksperimento lang ang buong buhay ni mommy at ngayonㅡako naman ang target nila.
“Erin.” Napalingon ako kay Zero nang hawakan niya ang kamay ko.
“It’s okay, malalagpasan natin ‘to lahat. Trust me.” Tipid akong ngumiti at saka tumango. Hindi dapat ako panghinaan ng loob, this will be my motivation para matapos ‘to. I’ll make sure na magsisisi ang may gawa ng lahat ng ‘to. Pagsisisihan niyang pinaglaruan niya ang buhay ni mom at buhay ko.
“Alam niyo ba kung saan ang daan palabas?” Tanong ni Chloe.
“There’s no way out. Makakalabas lang tayo rito kapag nalaman natin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ‘to. ‘Pag nakaharap na natin kung sino ang may-ari ng Monstrous, ‘pag napatay na natin siya, roon lang tayo makakalabas.”