14: Why?
-
“So paano na po ang gagawin natin? Kailangan natin makalabas dito.” Tanong ni Zero habang hawak-hawak ang kamay ko.
“Hanapin at alamin kung sino ang may-ari ng Monstrous.” Diretsong sagot ni Tito Cloud. Nagkatinginan na lang kaming lahat dahil paniguradong mahihirapan kaming alamin kung sino at paano.
“Ten.” Tawag ko nang mapansing namumutla siya. Agad akong bumitaw kay Zero para lapitan si Ten at hawakan ang noo nito.
“Ang taas ng lagnat mo.”
“I’m okayㅡ”
“No, you are not okayㅡZero, help me. Ibalik natin siya sa kwarto niya. Tito, babalik na lang ako rito bukas.” Paalam ko at tumango naman ito kaya lumabas na rin kami para ihatid si Ten sa kwarto niya.
Ayoko pa sana siyang iwan pero ang sabi nila Tyler ay sila na raw ang bahala. Sabay-sabay naman na kaming bumalik nila Zero sa kabilang building para mag-isip ng plano.
“Bakit ang tahimik mo?” Tanong ko nang mapansing tahimik siya. Tipid siyang umiling at ngumiti sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“So okay, what’s our plan? May naiisip na ba kayo?” Tanong ni Jennie na ngayon ay nakahawak sa kamay ni Xian.
“Teka. Anong ibig sabihin nyan?” Mataray na tanong ko. Itinaas naman ni Xian ang kamay nila at saka ngumiti.
“Kami na.” Panandalian kaming natahimik at tila may dumaang anghel.
“Ano ‘to? Walang reaksyon? Wala man lang congrats?” Tanong ni Jennie.
“So back to the topic. What’s our plan?” Pangaasar ko.
“Yah!” Sigaw ni Jennie at napuno na lang ng tawanan ang buong kwarto.
“Well, congrats. Siguro naman sila Rozee at Alex na ang susunod.” Kinikilig na sabi ni Chloe nang kurutin niya ang tagiliran ni Rozee. Muli kaming nagtawanan bago magseryoso ulit.
“May naisip na ko. Tutal kay mommy naman nag-umpisa ang lahat ng ‘to, Natural lang siguro na ako na ang tatapos.”
“What do you mean?” Agad na tanong ni Zero.
“Trust me on this one, okay? Ako ang mag-isang maghahanap kung saan nagtatago ang may ari ng school habang kayoㅡkayo na ang bahalang magpatumba sa bawat taong haharang daraanan ko.” Agad napatayo si Zero and as expected, hindi siya sangayon sa idea ko na ‘yon.
“No. Don’t put yourself in danger again!”
“This is the best idea I could think of! Narinig mo naman ‘yong sinabi ni tito ‘di ba? Pinaglalaruan nila ang buhay namin. Experiment! Sure ako na hindi nila ako sasaktan.” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Tanging pag-iling na lang ang nagawa ni Zero bago ito lumabas. Did he just walk out on me?!
Agad sumunod ang mga lalake kay Zero habang sila Jennie naman ay lumapit sa akin. Ayoko naman talaga siyang pag-alalahanin pero ito na lang yung naiisip kong paraan para makalabas kami rito. Kung walang magsasakripisyo, lahat kami ay mapapahamak.
ㅡ
“Ten, ayos ka na ba?” Tanong ko nang bisitahin ko siya.
“Oo, okay na ko.” Ngumiti siya ng tipid at saka pilit bumangon.
“Bakit walang nagbabantay sa ‘yo rito? Nasaan ‘yong kaibigan mo?” Tanong ko habang tinutulungan siya.
“Sabi niya may gagawin daw siyang importante.” Tumango lang ako at saka naupo sa tabi niya.
“Hindi pa ko naliligo, okay lang ba na tumabi ako?” Tanong ko at tumawa naman siya.
“Mabango ka pa rin naman, eh. Nasaan ‘yong boyfriend mo?” Bahagya akong napayuko sa tanong niyang ‘yon. Simula kasi ng magkasagutan kami kahapon, hindi na kami nagkibuan pa.
“Nasa kwarto niya.” Tipid kong sagot bago ngumiti.
Maya-maya lang din ay bumalik na ako sa kabilang building. Nakasalubong ko pa si Zero, paakyat ako habang siya naman ay pababa ng hagdan.
“Where are you going?” Tanong ko ngunit parang hindi niya ako nakita. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad ng hindi man lang ako tinitignan. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon at pinanuod na lang siyang makalayo.
Hindi ako natuwa sa inaasal niya iyong. Sa tingin niya ba ay makakalabas kami rito kung hindi ako gagawa ng paraan? We’re on a life and death situation, alangan naman mag-playing safe kami at tumunganga na lang habang naghihintay ng himala.
Naiintindihan kong nag-aalala siya dahil sa idea kong ‘yon pero sana isipin niya na kaya ko gagawin ‘yon ay para matapos na ‘to at makapamuhay na kami ng maayos.
ㅡ
“Erin! Nandyan ka ba? Napupudpod na ‘yong kamay ko kakakatok.” Boses ni Josh. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking ‘to?
“Ano?!” Iritang tanong ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.
“You need to see this! Bilis!” Agad niya akong hinatak at dinala sa labas ng building. Nagpunta kami sa likuran ng isa pang building kung saan nandoon si Zero at ‘yong Erin. Her name is really pissing me off! Bakit kasi hindi na lang siya magpalit ng pangalan?!
“Kanina pa ba sila d’yan?” Tanong ko habang nakatago. Wala naman silang ginagawa. Mukhang nag-uusap lang naman sila, pero bakit kailangan dito pa? Balak ko na sanang lumapit pero hinila ako ni Josh pabalik.
“Bakit?” Tanong ko.
“Pansinin mo lang ‘yong kilos no’ng babae. Tignan mong maigi, parang may mali sa kanya.” Nagsalubong lang ang kilay ko at saka sinunod ang sinabi niya. Naningkit naman ang mata ko nang mapansing may tinitignan siya sa malayo. Na may parang sinesenyas siya kapag hindi tumitingin si Zero sa kanya.
“Tara!” Bigla na lang akong hinila ni Josh nang tumayo na ang dalawa at maglakad papunta sa direksyon namin.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan nakatingin ang babaeng ‘yon at kung ano ang sinesenyas niyaㅡAnd in the first place, bakit nandoon sila at ano ang pinag-uusapan nila?
Halos maiuntog ko na ang sarili ko sa pader kakaisip. Gustong gusto kong puntahan si Zero para kausapin pero sa tingin ko ay kailangan muna namin ng space. Sa ganitong oras at sitwasyon, mahirap para sa amin ang intindihin ang isa’t isa. Lalo lang lalala ang away namin kapag nag-usap kaming pareho ng hindi kalmado ang isip namin.
“Hey, malamig na ‘yong pagkain mo.” Puna ni Xian nang mapansin nitong hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Magkakasama kami ngayon dito sa baba para kumain ng hapunan, nandito rin si Zero pero hindi kami nagkikibuan.
“Sorry, busog pa ako. Pupunta lang ako kila Ty.” Tumayo na ako at hindi na naghintay sa mga sasabihin nila. Dire-diretso akong pumasok sa kabilang building at umakyat sa kwarto ni Ten.
Kakatok pa lang sana ako pero binuksan na niya ‘yong pinto.
“Oh, gabi na. Bakit nandito ka?” Tanong niya at tanging pag-iling lang ang isinagot ko. Pumasok ako sa loob at saka naupo sa kama niya, agad naman siyang lumapit sa akin.
“Gaano na kayo katagal magkakilala no’ng Erin?” I asked out of curiosity. Kailangan kong makilala kung sino talaga ang babaeng ‘yon. She’s acting suspicious, wala talaga akong tiwala sa kanya noong unang kita ko pa lang sa kanya.
“Almost one year na rin, bakit?” Tanong niya nang maupo siya sa tabi ko.
“What’s her personality?”
“Well... Mabait siya, competitive. Once na may gusto siya, gagawin niya lahat para makuha ‘yon and she’s smartㅡshe’s keen.” Tumango-tango lang ako kasabay nang paghawak ni Ten sa balikat ko.
“Bakit? May problema ba? May ginawa ba siya?” Umiling lang ako sa tanong niya at saka tumayo.
“Wala, nagkainteres lang ako since sa lahat ng kasama ko rito sa lugar na ‘to, siya lang ang hindi ko gano’n kakilala.”
“I see, babalik ka na ba? Ihahatid na kita.” Tumango lang ako at saka sabay na lumabas. Pagdating na pagdating naman sa may pinto ng building ay huminto kami.
“Salamat, pahinga ka na. Baka bumalik ‘yong lagnat mo.” Ginulo niya ang buhok ko at nabigla na lang ako nang hatakin niya ako.
“Bakit?” Tanong ko dahil daig niya pa ang nakakita ng multo. Balak niya pa sana akong pigilan sa paglingon pero huli naㅡnakita ko na ang bagay na hindi ko dapat makita.
“Erin.” Tawag ni Ten pero hindi ko maalis ang tingin kay Zero at Erin habang naghahalikan.
“I-I’ll go ahead.” Mabilis akong tumakbo papasok at saka nagkulong sa kwarto. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ayokong umiyak pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang pigilan, not this time.
Gusto kong isipin na imagination ko lang ‘yon pero kitang-kita ng dalawang mata ko. Kahit madilim, alam kong si Zero at ang malanding Erin na ‘yon ang nakita kong naghahalikan!
Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang mga yapak sa labas. Saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita kong papasok na si Zero sa kwarto niya.
“Hey.” Tawag ko at lumingon naman siya sa akin habang nakahawak sa doorknob. Mabilis kong tinanggal ang singing na suot ko at inilapag ‘yon sa kamay niya.
“Let’s break up.” Matapang na sabi ko habang nagpipigil ng luha.
“Okay.” Malamig na sagot niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinagot niyang ‘yon. Why?