CHAPTER 15

15: Confrontation.

-

I was trying to be brave, pinipilit kong tanggalin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ‘yon ang unang beses na nakita kong nakipaghalikan si Zero sa iba but the thing is, magkaiba na ng sitwasyon. Wala pa kaming relasyon noon nang makita ko sila ni Akira pero ngayonㅡwe’re already engaged!

“Bakit hindi mo yata suot ‘yong engagement ring?” Puna ni Rozee habang nakaupo siya rito sa kama ko. Umagang-umaga, rito sila nagsitambayan sa kwarto.

“Wala na kami.” Tipid na sabi ko at hindi na rin naman na ako nagulat sa reaksyon nila.

“Nagsasabi ka ba ng totoo?” Tanong ni Chloe nang lapitan niya ako at hawakan ang magkabilang balikat ko. Tinignan ko lang siya, tinignan ko silang tatlo at hindi ko napigilang maiyak na naman. Tanging pagyakap lang ang nagawa ko at nagsilapitan na rin ‘yong dalawa.

“What happened?” Tanong ni Jennie at umiling lang ako. Hindi ko magawang magsalita, basta ang gusto ay ‘yong umiyak lang nang umiyak, nagbabakasakali na mabawasan ‘yong sakit.

Kailan ba ako magkakaroon ng masaya’t tahimik na buhay? Magpakamatay na lang ba ako para tuluyan na akong matahimik?! Damn it!

“Shh. Iiyak mo lang ‘yan. Makakatikim talaga sa ‘kin ‘yang si Zero. How dare him!” Tinapik-tapik ni Chloe ang likod ko at nakarinig na lang ako bigla ng pagbukas-sara ng pinto. Doon ko lang na-realize na lumabas na pala si Jennie.

Sa ugali ng babaeng ‘yon? Sure ako na susugurin niya si Zero.

Rozee, awatin mo si Jennie.” Humihikbing sabi ko at dali-dali naman siyang tumakbo palabas.

Rozee’s POV

Agad akong tumakbo palabas para awatin ang loka-lokang si Jennie. Nasa tapat na siya ng pintuan ni Zero nang maabutan ko siya.

“Hey, calm down.” Sabi ko at saka siya hinatak palayo.

“Paano ako kakalma? Ayokong nakikitang umiiyak si Erin. Alam naman natin kung ano ‘yong pinagdadaanan no’ng tao tapos dadagdag pa ‘yong gagong si Zero. Eh siya nga dapat itong nagpapagaan sa loob ni Erin.”

“Yong malaman na sa pamilya niya nag-umpisa ang lahat, sure ako na masakit na ‘yon para sa side ni Erin, lalo na’t nakikita niya na nadadamay tayo. Sigurado akong all this time sarili niya ang sinisisi niya.”

Hindi na mapigilang maiyak ni Jennie at napaupo na lang. Wala akong ibang magawa but to comfort her, naiintidihan ko kung saan siya nanggagaling. No’ng mawala pa lang siya ay laking pagsisisi na ni Erin sa sarili niya. Paano pa ngayon na marami kaming napunta sa lugar na ‘to?

“Wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano ko mababawasan ‘yong problema ng kaibigan natin.” Dagdag pa niya.

“We need to be brave, okay? Kapag nakita ni Erin na nagkakaganyan ka, masasaktan ‘yon. Let’s just support her. ‘Wag na tayong gumawa ng bagay na mas lalong makakasakit sa kanya..” Sabi ko.

“Pakiusapan mo na lang ‘yong boyfriend mo na kausapin si Zero about sa nangyari, sure ako na may maitutulong si Xian.” Tumango lang si Jennie kaya pinunasan ko na ang luha niya at bumalik sa kwarto ni Erin.

Erin’s POV

Ilang oras din ang lumipas bago ako kumalma. Tanghali na pero nandito pa rin ‘yong tatlo, dinala na lang din nila ‘yong pagkain nila para rito kami magtanghalian.

“Seriously guys, you don’t need to this.” Sabi ko habang busy sila sa pagkain.

“So ano nga nangyari? Bakit bigla kayong naghiwalay? Imposible naman na dahil ‘yon sa pagsasagutan niyo noong nakaraan.” Ani Rozee at wala naman akong magagawa kung hindi ang sabihin sa kanila ang totong nangyari.

“I saw him and Erin last night, they’re kissing.” Sabay-sabay na nahulog ang kutsarang hawak nila habang nakatingin sa akin.

“Nakipag-break ako sa kanya at binalik ‘yong singsing.”

“Baka namalik mata ka lang?” Sabi ni Chloe at umiling ako.

“No, sure ako. Nang nakipag-break ako sa kanya, he said okay. Iyon lang ang sagot na narinig ko sa kanya. And that’s it.” Hindi makapaniwala ‘yong tatlo dahil sa mga sinabi ko. Tahimik lang silang nakatingin sa akin na may ‘no way’ look.

“But don’t worry, ilang araw lang ang palilipasin ko bago lumaban ulit.” Ngumiti ako at gano’n din sila. Sigurado akong may mali sa nangyayari, I want to convince myself na may ginawa ang babaeng ‘yon kay Zero kaya siya nagkagano’n.

At para malaman ang totoo? Bitch mode on!

Hapon na at masyado ng boring. Kung mananatili ako rito sa kwarto at magmumukmok ay baka masiraan ako ng bait

Pagtapos na pagtapos kong mag-ayos ay agad akong lumabas ng building para puntahan si Tito Cloud.

“Oh, akala ko hindi ka na babalik.” Puna ni tito nang pagbuksan niya ako ng pinto.

“Sorry tito, may mga nangyari lang kasi.” Tumango siya at saka ako pinapasok sa loob.

“Kumusta na ‘yong kaibigan mo? Ayos na ba siya?” Tanong niya nang maupo ako.

“Opo, ayos na po siya. Uhm Tito Cloud, may gusto sana akong itanong...”

“Go ahead, ano ‘yon?”

“Nakwento kasi sa ‘kin ni mom that you were suffering from cancer before the incident. Kung nagawa nila kayong iligtas sa pagkakabaril sa ‘yo, is it possible na nagamot din nila ‘yong sakit mo?” Tanong ko at naupo naman siya sa kaharap na upuan.

“I don’t know what happened exactly. Basta isang araw nagising na lang ako na nasa puting kwarto ako and I guess na sila nga ang gumamot sa cancer ko.” Napatango lang ako at saka nilibot ang paningin sa tinitirahan niya. Ilang taon din siyang nanatili rito, wala pa ako sa mundo ay nandito na siya sa lugar na ‘to. It must be hard for him.

Mas lalo lang tuloy akong nagkakaroon ng motivation para makalabas sa lugar na ‘to. Gusto kong makita ni tito ang mundo sa labas, hindi ‘yong nandito siya at nakakulong.

Kusa na lang akong napatayo at saka siya niyakap. Tinapik-tapik niya ang likuran ko at kumalas din ako.

“Miss na miss niyo na ba si dad?” Tanong ko at tumango siya habang nakangiti.

“Hindi gano’n naging kaganda ang pagkikita namin noon, kaunti lang din ang oras namin ng magkasama. I really want to see Thunder, as well as Rain.” Ngumiti ako ng tipid at hinawakan ang kamay niya.

“Promise, Tito. Ilalabas kita rito.” Ginulo niya ang buhok ko at saka ngumiti.

“Manang-mana ka sa kabaitan ng mommy mo.”

“Oo nga pala Tito, naalala mo pa si Tita Sunny?” Biglang nagbago ang ekspresyon ng muka niya nang banggitin ko ‘yon.

“Naikwento kasi ni mom noon ‘yong naging relasyon niyo. I don’t know if it’s right to say this pero alam niyo bang kaibigan ko ang anak niya? And Tita Sunny still loves you.” Agad napatingin sa akin si Tito Cloud nang sabihin ko ‘yon. Nakita ko kung paano siya bahagyang ngumiti.

“May pamilya na siya. Imposible na mahal niya pa ako.”

“Never nawala ang pagmamahal niya sa inyo, believe me. Naghiganti pa nga siya kay mommy dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa ‘yo noon, but don’t worry. Bati na sila.” Napailing lang si Tito Cloud habang nakangiti.

Pinapangako ko na ilalabas ko siya rito. Pinapangako ko na makakalabas kaming lahat sa lugar na ‘to.

“Sige tito, mauna na po ako. Pumunta lang talaga ako rito para makipagkwentuhan sa ‘yo.” Naglakad na ako papunta sa pinto at hinatid naman niya ako.

“Mag-ingat ka pabalik.” Tumango ako at ngumiti.

Habang naglalakad pabalik ay hindi ko maiwasang mapangiti, ang galing talaga ng tadhana.

“Oh hi. What’s your name again?” Tanong ko nang makasalubong ang hindi kagandang Erin na kalalabas lang ng buidling.

“Erin. Nakalimutan mo na?” Nagtatakang tanong niya.

“Ah. Can I call you bitch instead? Masyado kasing maganda ‘yong pangalang Erin para sa ‘yo.” Nakita kong tumaas ang kilay niya kaya napangisi ako.

“You are bitchier than I thought.” Sabi na’t nag-aanghel anghelan lang ang babaeng ito. Would you look at that.

“Well ngayon alam mo? Kaya ingat ingatan mo kung sino ang mga binabangga mo, hindi mo ko lubusang kilala.” Banta ko.

“Ano bang problema mo sa ‘kiㅡ”

“Tigilan mo ang paglandi kay Zero! This is just a warning. ‘Wag mong hintayin maubos ang pasensya ko kung ayaw mong kalmutin kita ng maala-wolverine para matanggal ‘yang kati mo.”

“Tss. May sapak ka ba? Never kong nilandiㅡ”

“Magsinungaling ka pa. Sisiguraduhin kong malulumpo ka. Ano? Hindi mo siya nilandi? Kaya pala nakita ko kayong naghahalikan! At girl, una pa lang. Obvious na obvious nang may gusto ka kay Zero. Kung sa tingin mo Keen ka, well pleaseㅡngayon pa lang mag-isip isip ka na dahil aberrant ‘tong kaharap mo. Fuck you!”

Inirapan ko siya nang makitang manigas siya sa kinatatayuan niya. Sa sobrang inis ay hinawi ko ang buhok ko sa mismong mukha niya para naman malaman niya na mas mahaba pa ang buhok ko kaysa sa magiging buhay niya kapag kinalaban niya pa ako. Damn it! She’s pissing me off.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.