CHAPTER 17

17: It’s now or never.

-

“Ano na? Ano nang gagawin natin?” Halos magpabalik-pabalik ako ng lakad kakaisip kung paano namin ibabalik sa dati si Zero at kung paano namin siya kukunin.

“Erin, relax. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti kung nagpa-panic ka.” Ani Alex kaya huminto ako sa paglakad at tumingin sa kanila.

“Kailangan nating makahanap ng paraan as soon as possible. Or kung hindi, ako mismo susugod sa building na ‘yon.” Nagkatinginan silang lahat dahil alam nilang seryoso ako at gagawin ko talaga ang bagay na ‘yon.

“Give us at least one day. One day to plan everything.” Sabi ni Rozee.

“Hindi kakayanin ng isang araw. Malaki ‘yong kalaban natin, hindi basta-basta.” Pagkontra ni Jester.

“Hey, baka nakakalimutan mo kung anong kind meron kami at kakayanin ‘to ng isang araw kung makikipag-cooperate lahat. It’s now or never.” Komento ni Jennie, dahilan para mapangiti ako.

Habang busy sila ay nagpunta ako sa kabilang building para tawagin sila Tyler at Ten. Hindi ko naman inaasahan na nawalan pala ng malay ang babaeng ‘yon kaya nakahiga siya ngayon sa kwarto ni Ten.

“Alam kong mali ‘yong ginawa ni Erin pero sobra naman yataㅡ”

“I’ve been through alot. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko dahil sa mga traydor na gaya niya.” Pagputol ko sa sasabihin ni Ten, tumayo siya at saka lumapit sa akin.

“Mabuti nga at hindi ko siya tinuluyan dahil may natitira pa kong konsensya. I’m sorry but I’m not the Erin you used to know, malaki na ang pinagbago ko. I’ll do anything para sa mga mahal ko sa buhay.”

“Okay, I’m sorry. Let’s just forget what happened. Bakit ka nga pala napasugod dito?”

“I want you to help us.” Tinignan niya ang natutulog na si Erin bago ibalik ulit sa akin ang tingin.

“I’ll do anything para makabayad sa kasalanan na ginawa ng kaibigan ko.” Ngumiti ako at saka siya hinawakan. Maya-maya lang din ay pinuntahan na namin sila Tyler para magpunta sa kabila pero naisip kong hingiin din ang tulong ni Tito Cloud kaya dumaan na muna ako sa kanya at saka bumalik sa kwarto kung saan naghihintay silang lahat.

Ipinaliwanag ko na lahat sa kanila ng nangyari. Mula sa kagaguhan ng babaeng ‘yon hanggang sa pagkuha ng mga armadong lalake kay Zero.

“Tito, matagal na kayo rito kaya kung meron mang nakakaalam ng mga pasikot sikot dito. Ikaw ‘yon.” Sabi ko habang nakaharap sa kanilang lahat.

“Ang sabi mo kanina ay sa itim na building siya dinala. If I’m not mistaken, iyon ang pinaka-main hideout nila and if possible. Maaaring nandoon ang may-ari ng M.A.”

Agad akong napahawak sa baba. I have something in mind pero alam kong hindi sila sasangayon. I can’t risk my life in this mission.

“May naisip ako.” Mabilis kong naibaling ang tingin kay Xander nang magsalita siya.

“No’ng naghahanap kami ni Jennie ng daan palabas. No’ng araw na unang dating niyo rito, napadaan kami sa building na ‘yon at nakarinig ako ng boses. May ikakalat silang gamot through air, at kung hindi ako nagkakamali, gamot ‘yon na makakapagpakontrol sa atin.”

“Teka, sure ka ba dyan? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin ‘yan?” Tanong ni Jennie.

“Well... Sabi ko nga, hindi ako sigurado kaya ayoko namang ipagkalat. The day after tomorrow nila isasagawa ‘yong pagpapakalat ng gamot.” Napakagat na lang ako sa labi dahil sa sinabi ni Xander.

“Alam mo ba kung anong oras?” Tanong ni Tyler.

“No, wala silang sinabi na specific time.” Tumango ako at saka nagpalakad lakad ulit.

“Mahihirapan tayo. Kung through air nila ipapakalat ‘yong gamot, there’s no way na maiiwasan natin ‘yon ng gano’n kadali unless may suot tayong gas mask.” Ani Alex.

“So what are we going to do now?” Nag-aalalang tanong ni Kevin.

“Kahit anong mangyari, subukan niyong ‘wag langhapin ‘yong hangin sa araw na ‘yon. Dahil sa araw na ‘yon tayo kikilos, magpapanggap tayong nasa ilalim ng kontrol nila para makapasok tayo sa building na ‘yon.” Sabi ko at mukhang sangayon naman ang lahat.

“Paano kung mapasailalim nga tayo ng kontrol nila? We need plan b for that.” Sabi Rozee, may point siya. Kailangan maging maayos at planado talaga ang gagawin namin.

“Aberrant tayong apat, sure ako na hindi tatabla ‘yong gamot sa atin so whether we like it or not, sa ating apat nakasalalay ang buhay ni Zero at buhay nating lahat.” Komento ni Chloe at agad na nag-react sila Kevin at Josh. Maging si Xander, sa kwarto kasing ito, silang tatlo lang ang hindi nakakaalam kung anong totoong kind namin.

“A-aberrant? ‘Yon ba ‘yong maraming kind naㅡ”

“Oo, kaya ‘wag kang oa.” Pagmamataray ko kay Kevin.

“Hindi ba’t hinuhuli ang sino mang aberrant? Paanong nakaligtas kayo?” Tanong ni Josh.

“Si Tito Axel, lahat ng test namin ay pineke niya kaya kapag nakalabas tayo rito, itikom niyo ang bibig niyo. Tayo lang ang makakaalam na aberrant kaming apat nila Chloe, kapag may pinagsabihan kayong iba. Ililibing namin kayo ng buhay..” Banta ko at tumango tango lang ang magkapatid.

“So back to the plan. Kung magagawa nating ma-avoid ‘yong gamot, lahat tayo ay magpapanggap na under control, by partners. Si Rozee at Alex ang bahalang humanap ng cure dahil sure naman akong may antidont para sa mga nasa ilalim ng kontrol nila..”

“..Sila Jennie, Xian, Jester at Chloe naman ang bahalang mag-back up kila Rozee incase na magkagulo..”

“Kevin, Josh, Ty at Xander. Back up namin kayo ni Ten. Kami ang bahalang maglabas kay Zero and tito, kayo na pong bahala sa mga pwede naming daanan.” Sabi ko at mukhang sangayon naman ang lahat sa plano.

“Now ‘yong sa plan B. Incase na malanghap ng iba sa atin ‘yong gamot. Of course kontrolado na nila kayo, so wala na kayong maitutulong kaya Chloe, Jennie at Rozee. Sa atin nakasalalay ‘yong pangalawang plano. Mamaya mag-usap usap ulit tayo, sa ngayonㅡwe need to rest. Kailangan natin maging ready para sa araw na ‘yon.”

Nagpunta ako sa kama at saka kinuha ‘yong bagahe na puno mga baril.

“For now, mag-train muna tayo. Mabuti na ‘yong sigurado tayo.” Sabi ko at saka sila inabutan ng tig-iisang baril. Nang makalabas na ang mga taga kabilang building ay nilapitan ako ni Tito Cloud.

“Your parents must be proud of you.” Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti naman ako.

“Sa kanila ko naman namana ang ugaling ‘to, tito.. Konting tiis na lang, makakalabas na tayo rito.” Tumango-tango siya at saka ngumiti.

“Gagawa ako ng mapa, itago mo ‘yon kung sakaling plan B ang maisasagawa niyo sa araw na ‘yon.”

“Erin? Erin nasa loob ka ba? May problema tayo!” Sunod-sunod na sigaw at pagkatok ang gumising sa akin sa umaga. Agad akong bumangon para pagbuksan si Ten.

“Bakit?” Nakasimangot na tanong ko. Huminga naman muna siya ng malalim bago sumagot.

“Nawawala si Erin. Paggising ko wala na siya sa kama.”

“Baka naman nag-cr lang. Saan naman pupunta ang babaeng ‘yon? Hindi ‘yon makakapaglakad ng malayo dahil sa ginawa ko kahapon.”

“Wala, inikot ko ‘yong buong building pero wala siya. What if nagpunta siya sa mga kaaway? What if makipagtulungan siya? Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya.. Sorry.” Napayuko na lang si Ten at kitang kita ko sa kanya ang disappointment.

“Don’t worry, ‘yong kabilang legs naman niya ang babarilin ko para tuluyan siyang mahirapan sa paglalakad.”

“Erin.” Tumawa ako nang bahagya at saka ginulo ang buhok niya.

“Joke lang. Kung makikipagtulungan man siya, hayaan natin. Buhay niya ‘yan pero sana lang ‘wag niyang pagsisihan.” Tipid na tumango si Ten at maya-maya lang din ay umalis na siya.

Pagsara ko ng pinto ay kasabay noon ang pagkuyom ng kamao ko. Malilintikan sa akin ang babaeng ‘yon kapag gumawa pa siya ng ikakainis ko. Pero ang mas inaalala ko ngayon ay ‘yong baka ipagsabi niya sa kalaban na aberrant ako. Damn! Hindi ko dapat nabanggit sa kaniya ang bagay na ‘yon.

“Teka! Huminahon ka! Ibaba mo ‘yan!” Saktong pagtapos kong magbihis ay narinig ko ang sigaw na ‘yon. Dali-dali akong bumaba at doon nakita si Erin na may dala-dalang baril na nakatutok kay Jennie.

“Nasaan na ‘yong babaeng ‘yon?!” Sigaw pa niya kaya mabilis akong sumugod papunta sa kanya. Itinutok niya sa akin ang baril habang nakangisi.

“Ano? Akala mo ikaw lang marunong gumamit ng baril?” Tanong niya nang ikasa niya ‘yon sa mismong harap ko.

“Well congrats, marunong ka pala gumamit nyan.” Sarcastic na sabi ko at mas lalo lang niyang idinikit ang baril sa noo ko.

“Iputok mo!” Sigaw ko na ikinagulat niya. Halatang nanginginig ang mga kamay niya.

“Bakit? Akala mo hindi ko kayang pumatay?” Nginisian niya pa ako pero nabigla na lang ako makarinig ng baril. Saglit akong napapikit pero agad ko ring iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ‘yong pagdaing ni Erin.

Tinignan ko ang nagdudugo niyang hita bago tumingin sa may entrance. Panandalian akong napatingin sa kanya. Imagination ko lang ba ‘yong nakikita ko ngayon? Am I seeing things?

“Akira.” Banggit ko sa pangalan niya. Ngumiti siya ng malawak bago tumakbo palapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit.

“Paanong nandito ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie.

“Someone helped us para mahanap kayo. Sabi niya na kailangan niyo ‘yong tulong namin kaya dinala niya kami rito.” Kumalas ako sa yakap at saka nagtatakang tumingin sa kanya.

“Teka. Namin? kami? May mga kasama ka pa?” Tumango siya at saka lumingon sa entrance kaya napatingin ako.

“Hi.” Sabay-sabay na bati nila at wala akong magawa kung hindi ang tumitig lang sa kanila. Panaginip ba ‘to or what?!

Panaginip ba ‘to or what?!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.