CHAPTER 18

18: It’s going to end soon.

-

“Sinong nagpaputok ng barilㅡOh my God. Dad? You’re here.” Dali-daling bumaba ng hagdan si Chloe at mabilis na tumakbo para yakapin si Tito Jin, hindi rin naman napigilan ni Jester ang sarili kaya tumakbo siya para yakapin ang paborito niyang si Tito Father Jp.

“Bakit kayo nandito? Paano? Anong oras kayo dumating?” Sunod-sunod na tanong ni Chloe.

“Teka ‘Nak, hinay-hinay lang. Ilang araw na kayong nawawala, hindi namin kayo naco-contact so we made a decision na puntahan kayo, nagkataon naman na nakasalubong namin ang kaibigan niyong si Akira, sabi niya na nasa isang hidden place raw kayo tapos ‘yon, dinala kami no’ng kapatid ni Rain dito.” Paliwanag ni Tito Jin.

“I heard a gunshotㅡ” Nagmamadaling bumaba si Rozee at tulad ni Chloe, hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita si Tito Jimmy.

“Daaaaaad!” Napangiti na lang ako sa kanila but at the same time, naiinggit ako. How I wish na sana ay nandito rin si dad o kaya si mom. I badly need them right now.

Ngayong nandito na sila Akira, I’m sure na mas makakaya na naming makalabas dito. Especially with the help of my uncles, I’m really glad that they’re here.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Ten. Nanlaki ang mata niya nang makitang duguan na naman ang hita ni Erin. Agad niya 'mitong binuhat at saka tumingin sa akin.

“Keep an eye on her, Ten. Baka sa susunod na mabaril siya, hindi na sa hita.” Sabi ko at tumango lang siya. Masaya naman akong ngumiti kay Akira, I really missed her.

“Kailan ka pa natutong gumamit ng baril?” Nakangiting tanong ko.

“Habang nasa America ako, nag-train ako ng self defense para pagbalik ko. Ako naman ang p-protekta sa ‘yo.”

“Aaaw. Ang sweet!” Niyakap ko siya pero kumalas din agad nang biglang dumating si Tito Cloud.

“Bakit parang pamilyar siya?” Tanong ni Aki.

“Buhay si Tito Cloud and if you remember, siya ‘yong first love ni Tita Sunny.” Sabi ko at agad siyang lumapit kay Tito Cloud.

“Ikaw na ba ang anak ni Sunny?” Tumango lang si Aki at saka sila sabay na ngumiti.

“TekaㅡNasaan pala si Ze?” Panandaliang nagkaroon ng katahimikan dahil sa tanong ni Akira. Napabuntong hininga muna ako bago ikwento ang lahat mula sa umpisa.

Kung paano kami napunta rito, kung sino-sino ang nakita namin na akala namin ay patay na. Kwinento ko rin ang tungkol sa mangyayari bukas, and hopefullyㅡmatapos na lahat ng ‘to.

“Oh my God! Buhay nga talaga kayo.” Sabi ni Aki nang dumating si Tyler at Xander.

“Well...” Kibit-balikat na sabi ni Tyler at nagtawanan lang kami bago pumunta sa kwarto para planuhing mabuti ang gagawin namin. Wala kaming idea kung anong oras nila isasagawa ang pagpapakalat ng gamot through air. Pakiramdam ko, hindi ako makakatulog. Kailangan maging handa.

“Gising ka pa?” Agad akong napalingon sa pintuan kung saan kakapasok lang ni Xian.

“Wala akong balak matulog. Kailangan kong bantayan ang sarili ko.” Pabirong sabi ko nang maupo siya sa kama.

“1:00 a.m na, go to sleep.” Umiling ako at saka hinawakan ang necklace ko.

“No, I don’t want to. Kailangan kong manatiling gising para magawa kong iligtas si Zeㅡ” Hindi ko na natapos ang sasabihin nang may narinig akong kakaibang ingay mula sa labas. Mabilis akong tumayo para sumilip sa bintana.

“Xi, tara. Tignan mo.” Lumapit si Xian at tumabi sa akin para sumilip din. Tahimik naming pinagmasdan ang ilang tao sa ibaba na naglalakad. They’re really creeping me out, para silang mga zombie.

“Where are they going?” Mahinang tanong ni Xian at nagkibit-balikat lang ako. Tinignan naming mabuti kung saan sila pupunta, hindi ko akalain na ganito pala karami ang tao sa lugar na ‘to. Sa ilang araw naming tinagal dito, ngayon ko lang sila nakita. Are they hiding all this time?

“We need to find out kung saan sila pupuntㅡ”

“Erin!” Sabay kaming napalingon ni Xian dahil sa biglang pagdating ni Chloe.

“Bakit?”

“Nag-uumpisa na, pinapakalat na nila ‘yong gamot.”

“Shit!” Dali-dali akong tumakbo para gisingin ang ibang kasama.

“Kami nang bahala tito. Sila Tyler, Kailangan nilang malaman.” Ani Chloe kaya lumabas na ako. Pagpasok na pagpasok sa kabilang building ay agad ko silang kinatok sa mga kwarto nila.

“What’s happening?” Tanong ni Xander na halatang naistorbo ang pagtulog.

“Pinakalat na ‘yong gamot. Gawin niyo lahat ng paraan para hindi ‘yon malanghap, okay?” Tumango siya at agad naglabas ng damit para itakip sa ilong at bibig niya.

Sunod kong pinuntahan si Ten na ngayon ay nilalagyan ng panyo ang bibig at ilong ni Erin.

“Ten.” Tawag ko at nilingon naman niya ako.

“Pinuntahan na ako nila Kevin ditㅡ” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siyang tumumba. Hindi ko na nagawang magsalita at agad tinakpan ang bibig at ilong ko. Damn it! Hindi ko akalain na ganito karami ang gamot na ikakalat. I thought it was through air? Pero bakit sa kisame nanggagaling?

Halos mapuno ng puting usok ang buong kwarto. Hindi ko na maaninag si Ten. Nang ihahakbang ko na ang paa ko para maglakad ay bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko. Dahan-dahan na rin lumalabo ang paningin ko. Crap! I really hate this!

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita na lang ang sarili ko sa isang kulay asul na kwarto. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at doon nakita sila Alex. Nasa parang isang kwarto kami na puno ng kama, mukhang kakabangon lang din nila pero ang nakakapagtaka ay para silang robot kumilos.

Doon ko lang na-realize na umekpto na ‘yong gamot sa kanila. Nilibot ko ang pangin ko habang kumikilos din na parang kontrolado ako. Nahagip ng paningin ko si Rozee, tinignan niya ako at saka ngumuso sa kaliwang bahagi ng kwarto. Tinignan ko kung ano ang tinuro niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zero.

Nakatayo malapit sa pintuan habang may hawak-hawak na baril. Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita sila Ten, maging sila Jester at Kevin pati na rin ang iba ay nasa kwarto na ‘to. Lahat sila ay blangko ang mata gaya ng kay Zero.

Napatingin ako kila Jennie at Chloe, mukhang hindi naman umepekto sa kanila ‘yong gamot gaya ng inaasahan namin.

Damn! We need to do the plan B, ngayon pa lang nararamdaman ko nang mahihirapan kami. Sa pagpapanggap palang ay hirap na ako, paano pa kapag nakipaglaban na kami? Ugh! Kumusta na kaya sila Aki? Hindi ko sila makita sa kwarto na ‘to, gano’n sila Tito Jin.

Agad akong napatayo nang sabay-sabay na tumayo sila Josh. Maging ang kilos nila ay halos sabay, kung paano huminga ang isa ay gano’n din ‘yong iba.

Pumila sila kaya nakipila rin ako kung saan nasa harapan ko si Tyler habang si Jennie naman ay nasa likuran ko at sila Rozee ay nasa kabilang side ng pila.

“Ano nang gagawin natin?” Mahinang tanong ni Chloe, gusto ko man siyang lingunin sa kabilang side ay hindi ko magawa. Magmumuka kaming kahina-hinala kapag ginawa ko ‘yon.

“Sumunod na lang tayo kung saan man pupunta ang pila na ‘to.” Mahinang sagot ko at hindi na kami nag-usap pa. Nakisabay kami sa paglakad pero bahagya akong napahinto nang mapadaan kami kung saan nakatayo si Zero.

Nakisabay kami sa paglakad pero bahagya akong napahinto nang mapadaan kami kung saan nakatayo si Zero

“It’s going to end soon, baby.” Mahinang sabi ko bago magpatuloy sa paglalakad. Nang makalabas kami sa kwartong ‘yon ay pumasok ulit kami sa isang malaking kwarto kung saan wala ng mga kama.

Hindi ko alam kung paano nila nakokontrol ang ganito karaming tao. I need to find out kung nasaan ang taong nasa likod nito. I’m sure may device silang ginagamit para kontrolin lahat ng nakalanghap ng gamot.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko pero hindi ko nagawa dahil sa babaeng dumaan sa gilid ko. Huminto siya sa saglit at saka hinawakan ang balikat ko.

“Look at yourself, long time no see. It’s sad that you can’t punch me like you did three years ago.” Aniya at bigla na lang niya akong sinapak pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagpapanggap.

“Cynthia! Stop!” Agad na umalis ‘yong babae at doon ko lang na-realize na siya ‘yong sinapak ko noon. ‘Yong sa championship ng women’s baskteball team. What the actual hell? Anong ginagawa niya rito?! Mababaliw na yata ako, pati siya? ‘Yong Amerikang hilaw na ‘yon?! Paano?

“Erin, look.” Bulong ni Jennie mula sa likuran. Agad kong binaling ang tingin sa gilid kung saan meron pang pumapasok. Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang makita si Lexy at ang ilan pang intrepid. Mukhang kontrolado rin sila pero ‘yong mga hawak nilang estudyante ay hindi.

I’m sure hindi sila kontrolado dahil nagpupumiglas pa sila sa paghawak ng mga intrepid at ang ilan ay umiiyak pa. Damn! What’s going on?

“Listen!” Sigaw ng lalake sa harapan. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa malayo siya.

“At exact 9:00 a.m in the morning. Papasok kayo sa academy!” Sigaw niya ulit na ikinalaki ng mata ko.

“Gusto ko na dalhin niyo lahat ng estudyante rito!” Dagdag niya pa. Anong pinaplano nila? Ibig sabihin ba nito ay lalabas kami sa lugar na ‘to para pumunta sa academy?

“Yes sir!!” Sabay-sabay na sigaw ng mga taong kontrolado. Bahagya akong napatingin sa direksyon nila Lexy kung saan may inilalagay sila sa batok noong mga estudyante at kung sino mang magpumiglas ay binabaril nila. Damn it! Hindi ko kayang manuod na lang, I need to do something.

“Hey, what the hell are you doing?” Tanong ni Jennie nang mapansin niyang hinakbang ko ang paa ko.

“Trust me.” Sabi ko at saka yumuko habang maingat na umaalis sa pila. Wala naman sa sarili ang karamihan dito kaya wala silang pakialam sa akin, unless mahuli ako ng mga bantay.

Slowly but surely, marahan akong gumapang sa pagitan ng mga pila. Nang makita ko ang daan palabas ay agad akong tumakbo pero paglabas na paglabas ko ay may biglang nagtakip sa bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas.

Hila-hila niya ako habang nakahawak pa rin sa bibig ko, wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin not until bitawan niya ako. Balak ko na sana siyang sikuhin pero nang makita ko kung sino yung taong ‘yon ay natigilan ako.

Balak ko na sana siyang sikuhin pero nang makita ko kung sino yung taong ‘yon ay natigilan ako

“Tito Jiro.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.