20: The hidden secret.
-
Matapos kong sabihin ‘yon ay agad kong hinawakan ang kamay ni Zero, nagpunta ako sa tabi niya at saka kinalabit ang gatilyo para paputukan ang dalawang armadong lalake.
Nagpumiglas si Zero at saka ako siniko dahilan, para maitutok niya ulit sa akin ‘yong baril. He was about to pull the trigger pero mabilis akong sumugod para pigilan siya. Nag-panic ang mga taong nandito at saka nagtago, I knew it. Hindi sila marunong makipaglaban.
Tinignan ko si Tito Winter at tahimik lang siyang nanunuod. Sinubukan ulit akong sikuhin ni Zero at hindi naman siya nabigong gawin ‘yon. Bahagya akong napaatras at saka siya sinugod ulit. This time sinigurado kong tatama na ang kamao ko sa mukha niya.
“Akala mo hindi kita papatulan ha.” Nakangising sabi ko at saka umatras nang sumugod siya.
“Come on, baby. You are better than that.” Pangaasar ko pa kahit alam ko namang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. Sinisigurado kong babalik na ang maganda niyang pagtingin sa akin. I can’t seeing his blank eyes.
Sumugod siya ulit at saka mabilis na nagpunta sa likuran ko. Hinawakan niya ‘yong kamay ko pero agad ko siyang siniko. Balak ko pa sanang sumugod pero bigla na lang may tumama sa likuran ko. And just like that? Everything went black. Fuck! Not again!
Chloe’s POV
Hindi ko alam kung hanggang ilang oras pa kakayanin ng katawan ko ang pakikipaglaban na ginagawa namin. Dumating man sila Tito Ramon ay hindi pa rin sapat dahil masyadong marami ang kaaway. Kung kasama lang sana namin sila Jester, I’m sure mas magiging madali ang lahat.
“Rozee. Are you okay?” Tanong ko nang mapansin ang sugat sa mga kamao niya.
“Yeah. I’m okay.” Sagot niya habang sinusuntok ang isang lalake. Napatingin ako sa direksyon ni Jennie, mukhang okay naman siya dahil tinutulungan siya ng daddy niya. Sana okay lang din si dad, until now hindi ko pa rin sila nakikita, wala sila sa loob ng kwartong pinanggalingan namin kanina. Maging sila Akira ay wala rin doon. Sana okay lang sila.
“We need to run!!' Sigaw ng tumatakbong si Tito Jasper. Sakto naman dahil napatumba na namin ang mga sumusugod sa amin.
“Why?” Tanong ni tito Liam.
“They’re coming! Hindi natin sila pwedeng labanan.” Sagot ni Tito Matthew.
“What do you mean?” Nag-aalalang tanong ni Tito Suga pero agad ding nasagot ang tanong niya nang makita namin kung sino ang naglalakad papunta sa direksyon namin.
‘Yong mga nasa ilalim ng kontrol and that includes Jester and the others. They have gunsㅡWhat the hell?
“Come on, run for your life!” Sigaw ni Tito Jiro kaya bigla na lang kaming kumaripas ng takbo kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa makasalubong namin sila Tito Thunder at Tito Axel.
“What’s happening? Si Erin? Nasaan? We lost her.” Tarantang taranta si tito kaya naman hinila na siya ni Tito Liam para tumakbo.
“I’m sure she’s okay Tito, but for nowㅡ we have a big problem. Kailangan natin magpunta sa open space.” Ani Rozee at agad naming hinanap ‘yong daan palabas sa building. Kanya-kanya kaming naghanap ng mapagtataguan, pinagmasdan lang namin ang mga kontroladong estudyante na parang nagmistulang robot. Palingon-lingon sila na tila ba naghahanap ng target.
“A-am I seeing things? T-tyler, Anak.” Einig kong sabi ni Tito Matthew, nakita ko kung paano tumulo ang luha niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.
“You’re right, Tito. That’s Tyler and he’s alive, pati na rin po ‘yong pamangkin niyong si Xander.” Nakangiting sabi ko at napahawak lang siya sa dibdib niya.
“Hey!” Pasigaw na bulong ng pamilyar na boses. Lumingon-lingon ako at nakita si Tito Cloud na nasa likod ng building. Nang magtama ang paningin namin ay tinuro niya ‘yong kabilang building at doon namin nakita si dad kasama sila Tito Jimmy.
“Okay. Guys, Tito. We need to move.” Sabi ko.
“Saan? We need to find Erin.”
“Trust me Tito, Erin is going to be fine. We need to move fast.” Sabi ko at agad na tumakbo papunta sa likuran ng building. Sumunod naman sila sa akin at para bang nakakita ng multo si Tito Thunder. Well, I can’t blame him.
“Cloud?” Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan ni tito bago sila nagyakapan.
“H-how?”
“Long story, saka ko na ik-kwento kapag nakalabas na tayo rito.” Sabi ni Tito Cloud. Mabilis namang tumakbo sila dad papunta sa direksyon namin kaya niyakap ko siya.
“I thought nakontrol na rin kayo.” Ani Rozee.
“Cloud helped us to escape bago mangyari ‘yong pagpapakalat ng gamot at saka minuminuto akong nagdadasal, malakas ako sa panginoon.” Sabi ni Tito Jp.
“We only have two hours left before mag 9:00 a.m, papasok sila sa academy para kunin ang mga estudyante. We need to do something.” Sabi ni Jennie kaya naman natahimik kami bigla at nakarinig nang ilang pagkasa.
Sabay-sabay kaming napalingon kila Xian, Jester, Alex and the rest of them na nakatutok sa amin ang baril. We’re doomed.
Erin’s POV
I really feel so dizzy, what the hell? Marahan kong minulat ang mata ko kung saan unang tumambad sa akin ang mukha ni Zero. Nandito pa rin ako sa main room, but now? Nakatali na ako sa isang upuan.
“They will do some test with you.” Sabi ni Tito Winter at doon ko lang na-realize na wala siya sa sarili. I mean, he’s being controlled but in a different way. Parang ‘yong nangyari kay Tito Axel noon.
Nilibot ko ang paningin ko at nakitang isang oras na lang bago mag 9:00 a.m, napatingin ako sa isa sa mga monitor at nanlaki ang mata ko nang makita sila dad with the rest of D.a.r.k and tropang sisiw. Maging sila Tito Cloud at Jennie ay naroon din.
Nakapila sila habang may tig-iisang armadong lalake sa likuran nila habang nakatutok ang mga baril. Naningkit ang mata ko nang makita kung sino ang mga armadong lalake na ‘yon. Damn it! Sila Xian, I need to do something.
Marahan kong tinanggal ang lubid sa likuran habang nakayuko. I can make it. Nararamdaman ko nang lumuluwag ang tali nang bigla na lang itutok sa akin ni Tito Winter ang baril niya.
“Trying to escape?” Walang emosyon na tanong nito pero pilit ko pa rin tinatanggal ‘yong lubid.
“I’m warning you, stop.” Utos niya at hindi ko siya pinakinggan. Before I knew it, nakarinig na ako ng putok ng baril. Napapikit ako pero nang mapansing walang kahit anong tama sa katawan ko ay agad akong napamulat.
“I’m really happy that you are calling me baby now.” Ani Zero bago niya ako kinalagan. Napanganga lang ako at nakitang nasa sahig si Tito Winter. Wala siyang tama ng baril pero wala siyang malay.
“W-wait. What’s happening?” Tanong ko nang makalagan niya na ako ng tuluyan.
“Okay, I’m sorry. Hindi talaga ako under ng kontrol nila. I’m just acting, simula pa lang alam ko nang may binabalak si Erin because I saw her talking to someone. So naisip ko na makisama sa kanya at magpanggap na naging successful ang plano niyang gawin sa ‘kin.” Paliwanag niya at napanganga na lamang ako. If that so, then he really deserves an oscar!
“That’s the only way that I can save you, and now we’re here. Nasa main room na tayo.” Hindi ko alam pero kusa tumulo ang luha ko. Agad ko siyang niyakap at saka sinuntok sa dibdib nang kumalas.
“You’re driving me insane!” Sabi ko at hinawakan naman niya ako sa magkabilang pisngi.
“Sorry baby, I really missed you. I love you. Sorry, I didn’t tell you my plan..” Hinalikan niya ako kaya napangiti ako. Damn it! I’m so happy.
“You should have told me that before! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan no’ng pumayag kang makipag-break sa ‘kin!”
“Shh. I’m really sorry.” Niyakap niya ulit ako pero mabilis lang din kaming kumalas at nagtago sa likod ng isang machine. May ilang armadong lalake ang pumasok at agad nila kaming nahanap dahil tinuro kami noong mga scientist. Damn those bitches!
“Okay baby, we need to move fast. In a count of three... One, two, three!” Agad na lumabas si Zero pagtapos niyang magbilang. Hindi rin naman nagtagal at sumunod ako para kalabanin ang ilang armadong lalake.
Hinila ko ‘yong buhok ng nasa unahan at saka ito inuntog sa pader, mabilis ko namang nasipa ang pasugod sa likuran ko. Kinuha ko ‘yong baril mula sa kanya at pinaputukan sa paa ‘yong lalaking pasugod kay Zero.
“Thank you.” Nag-thumbs up lang ako sa kanya at saka hinampas ng baril sa ulo ‘yong nagtangkang sumugod sa akin.
“Hoy kayo!” Sigaw ko sa tatlong scientist na nagtatago sa gilid ng isang machine.
“Gusto niyong mabuhay?” Tanong ko at mabilis silang tumango-tango.
“Good, then itigil niyo ‘yong pagkontrol sa mga tao.” Tinutok ko sa kanila ‘yong baril at sabay-sabay silang napalagok.
“H-hindi namin alam kung paano.” Sagot ng isang babaeng mukhang nasa mid 20’s.
“Nasaan ‘yong nagkokontrol sa kanila?” Nagtinginan silang tatlo at saka yumuko na parang iniiwasan nilang sagutin ang tanong ko.
“Answer me! Saan?!” Sigaw ko na ikinagulat nila. Hindi sila nagpatinag kaya pinaputukan ko ‘yong sahig.
“Oh my God. Saglit, don’t kill us! Sasabihin na namin.” Sabi ng babaeng nakasalamin. Tumuro siya sa isang itim na elevator na nandito lang din sa kwarto kaya lumingon ako kay Zero na busy sa pakikipaglaban.
“Ze, aakyat ako sa itaas. Kaya mo na ba rito?” Tanong ko at sinuntok niya muna ‘yong lalake bago tumingin sa akin.
“Kaya ko na ‘to, mag-ingat ka okay?” Ngumiti lang ako at saka nagpunta sa tapat ng elevator pero napansin ko na walang button. Hindi siya ordinaryong elevator kaya naman lumapit ako sa tatlong babae.
“How can I open that?”
“H-hindi namin alaㅡ”
“How?!” Sigaw ko at tarantang kumilos ‘yong nakasalamin. May kinuha siyang card sa bulsa niya at saka binigay sa akin. Hindi na ako nagsalita at agad ‘yong tinapat sa parang scanner. Kusa akong napangisi at saka pumasok sa loob.
“Sumunod ka sa taas, okay? I love you!” Sigaw ko kay Zero bago tuluyang sumara ‘yong elevator. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan nang huminto na ‘yon at bumukas kung saan tumambad sa akin ang isang kwarto.
Merong isang malaking transparent na monitor kung saan mayroong virtual brain ng isang tao at ilang wire na nakakabit doon.
Naningkit ang mata ko at agad na lumabas ng elevator para pumasok sa loob, tahimik ang paligid not until dumating ang dalawang armadong lalake at tutukan ako ng baril sa magkabilang gilid ko.
“I’m really happy to see you, Erin.” Sabi ng matandang boses. Maya-maya lang ay may sumulpot na lalake na mukhang nasa mid 70’s na.
“Who are you?!” Tanong ko at nang magsasalita na siya ay biglang natumba ang dalawang lalake sa magkabilang gilid ko. Agad akong napalingon sa likuran, I was expecting na si Zero ‘yon pero nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung sino ‘yong bumaril sa dalawang lalake.
Agad akong napalingon sa likuran, I was expecting na si Zero ‘yon pero nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung sino ‘yong bumaril sa dalawang lalake
“M-mom.” Nauutal na tawag ko sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin pero tila nakakita siya ng multo dahil sa naging reaksyon niya.
“Papa?” Literal akong napanganga dahil sa itinawag niya sa matandang nasa harapan namin.
“Wait, Papa? Is that mean na lolo ko siya? Mommy, what’s going on?” Tanong ko pero nanatili siyang tahimik.
“Yes you are right, Apo. I’m Rey Celvero... The owner of Montrous Academy.”