19: D.A.R.K and Tropang sisiw.
-
“Shhh, come with me.” Bulong niya at saka niya hinawakan ang kamay ko.
“Saan po tayo pupunta? Paanoㅡ”
“I’ll explain to you later.” Sabi niya nang huminto kami sa isang bakanting kwarto. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.
“Alam ko na ‘yong sitwasyon ni Zero. Jin contacted me andㅡ” Huminto sa pagsasalita tito nang makarinig kami ng putok ng baril. Damn it! Not again.
“Kailangan na nating kumilos, Tito. Maraming inosenteng estudyante ang mapapahamak.” Mahinang sabi ko at tumango naman siya.
“Go, bumalik ka sa pila. I’ll find a way to get their attention.” Hindi na ako nagsalita pa at agad na bumalik sa pila gaya ng sinabi niya. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin maliban kila Chloe.
“Saan ka nagpunta?” Mahinang tanong ni Rozee.
“That’s not importantㅡlisten, pag biglang nagkagulo. Kikilos tayo.” Panandalian ko silang nilingon pero wala silang naging reaksyon.
“I know it’s too sudden pero, kailangan may gawin tayo.” Sabi ko at hindi na ulit nagsalita, pinagmasdan ko lang maigi ang paligid. Naningkit ang mata ko sa lalaking bagong dating, pumunta siya sa harapan at saka may ibinulong sa armadong lalake.
Hindi ko sila pinansin at tinuon ang atensyon kay Zero na nasa harapan din. Bitbit niya pa rin ang mahabang baril habang diretsong nakatingin sa kung saan. I need to find a way to save him.
Habang nag-iisip ng paraan ay may bigla kaming narinig na malakas na pagsabog. Nanatiling walang reaksyon ang mga nakalanghap ng gamot samantalang na-alarma naman ang mga normal dito. Agad nagsitakbuhan ang ilang armadong lalake palabas, nagsimula na rin tumakbo paalis ang mga nasa unahan.
“Close the door!” Sigaw ni Cynthia bago tumalikod. Wala nang armadong lalake dito sa loob kaya nagmadali akong tumakbo at sinundan naman ako nila Rozee. Malapit nang sumara ang pinto pero nakagawa pa rin kami ng paraan para makalabas.
Maingat kaming sumilip sa paligid at saka naglakad palayo sa kwartong ‘yon. Kung saan man nanggaling ang pagsabog na ‘yon, one thing for sure. Kumikilos na si Tito Jiro, kaya kailangan na rin naming kumilos bago mahuli ang lahat.
“What now?” Tanong ni Jennie.
“Find a way kung paano maliligtas ‘yong mga inosenteng estudyante.”
“How about you?” Tanong ni Chloe at panandalian akong hindi nagsalita. Nag-abang sila sasabihin ko habang naglalakad na ako palayo sa kanila.
“I will go on my own. Hahanapin ko kung saan ‘yong pinaka-main room dito, I’m sure nandoon ang may pakana ng lahat ng ‘to.” Sabi ko at hindi na sila hinintay magreklamo. Mabilis akong tumakbo palayo pero napahinto rin ako at agad na nagtago.
May mga bantay sa hagdan, nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng kahit anong magagamit ko panglaban sa kanila but it looks like na kailangan kong gamitin ang bare hands ko.
Kaya ko naman sigurong patumbahin ang mga armadong lalake na ‘to kahit pa lima sila. Well, goodluck sa akin.
Lumabas ako sa pagkakatago ag mabilis na hinila ‘yong lalaking malapit sa akin. Hindi naman napansin ng iba ang ginawa ko kaya agad kong sinuntok sa panga ang lalake kaya nawalan siya agad ng malay. Nagtago ako ulit at sumilip, sinubukan kong hilahin ‘yong isa pang lalake sa tahimik na paraan pero nabigo ako dahil lumingon ang isa sa mga kasama niya.
“Crap!” Daing ko at agad na umiwas nang paputukan ako nito ng baril. Hindi naman ako nagdalawang isip na kunin ang baril noong una kong pinatumba pero nang itututok ko na sa kanila ay nakatapat na sa akin ang apat na baril. Damn it, hindi ko akalain na ganito kabilis ang reflexes nila.
“Hey! Come on, not my daughter.” Agad nagsitumbahan ang apat na lalake dahil sa apat na sunod-sunod na putok ng baril.
” Agad nagsitumbahan ang apat na lalake dahil sa apat na sunod-sunod na putok ng baril
“Oh my God, Dad! Are you for real?” Tanong ko at saka siya niyakap.
“Of course. I really missed you baby, where’s the others?”
“Kaming apat lang nila Chloe ang nakaligtas sa gamot and the rest? Nasa ilalim sila ng kontrol.” Tumango si dad at saka lumingon sa likuran kung saan tumatakbo sila Tito Liam, Tito Ramon at Tito Suga.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagdating nila. Lalo lang akong ginaganahang tapusin na itong gulo na ‘to knowing na marami akong kakampi.
“Where’s Jennie?” Tanong ni Tito Ramon.
“Magkakasama po sila nila Chloe para iligtas ‘yong mga inosenteng estudyante.”
“How about Xian?”
“Sorry Tito Liam, he’s under control. But promise, I’ll find a way to bring them back.” Tumango siya habang nakangiti kaya ibinalik ko ang tingin kay dad.
“Pwede niyo po bang back up-an sila Rozee?”
“We’ll take care of them. Thunder, samahan mo ‘yong anak mo.” Sabi ni Tito Suga at mabilis kaming naghiwalay ng landas. Nasa likuran lang ako ni dad habang maingat kaming naglalakad paakyat. Gusto kong magkwento kay dad pero alam kong hindi ito ang tamang oras para roon.
“Nakita mo na si Tito Jiro mo?” Tanong niya habang hindi ako nililingon.
“Yes, siya ‘yong dahilan kung bakit nagawa naming makalabas sa kwarto na ‘yon... Uhm dad, kumusta si mommy?” Panandalian siyang huminto at saka tumingin sa akin.
“She’s pregnant.” Malawak siyang ngumiti habang ako ay natulala lang.
“Again? Are you serious dad? Wala pang isang taon si Storm.” Napakamot lang siya sa batok kaya napailing ako.
“Kailangan natin magparami ng lahi.” Biro niya pa kaya napabuntong hininga na lang ako.
Bigla naman niya akong hinawakan at saka nagtago. Maya-maya ay may bumaba mula sa hagdan. Hindi na rin hinintay ni dad na makababa ng tuluyan ang dalawang armadong lalake at mabilis itong pinaputukan.
Sabay kaming kumaripas ng takbo paakyat at saka pinatumba ang mga armadong lalake na nakakasalubong namin sa hagdan. Huminto kami sa hallway at saka maingat na nagmatyag.
“Should we seperate?” Tanong ko dahil mahaba ‘yong hallway. Tumango si dad at saka nagpunta sa kaliwa habang ako naman ay sa kanan. Binuksan ko lahat ng kwarto pero walang kahit na ano rito. Lumingon ako kay dad na ngayon ay papunta na sa akin. Mukhang wala rin sa kabilang hallway.
Nang magkalapit kami at balak na sanang magsalita ay may bigla na lang kaming narinig na kakaibang siren. May mga pulang ilaw na bigla na lang din bumukas.
“Eliminate the enemies.” Boses na parang robot mula sa speaker.
“That’s a warning signal. We need to move fast, they’e going to kill us.” Sabi ni dad kaya mabilis kaming tumakbo paakyat. Agad kong binaril ‘yong armadong lalake na sumalubong sa amin at saka nagpatuloy. Nang makarating kami sa hallway ay agad kaming napaatras.
“Dad, masyado silang marami. Kaya ba natin?” Nag-aalalang tanong ko kasabay nang mabilis kong pagtutok ng baril sa taong humawak sa balikat ko mula sa likuran.
“Hey, chill. It’s me.” Ani Tito Axel. Agad kong binaba ang baril at saka napabuntong hininga.
“Tinakot mo ako, Tito.”
“Bakit ngayon ka lang?” Reklamo ni dad at nagkibit-balikat lang si Tito Axel.
“Nasaan sila Jasper at Matthew?” Tanong ulit ni dad.
“Pinuntahan si Jiro. Come on, ubusin na natin ‘yong mga tao rito bago dumating ‘yong iba.” Wala na silang sinabi at bigla na lang nagpaputok sa magkabilang hallway. Napanganga ako dahil sa ginawa nilang ‘yon. Meron talaga akong pinagmanahan, dad is too reckless!
Napailing ako at saka sumabay sa kanila. Mabilis kong sinipa ang lalaking balak sana akong barilin, kinuha ko ang kwelyo nito at saka inuntog sa pader bago pinulot ang baril niya at muling nagpaulan ng bala gaya ng ginagawa nila Tito Axel at dad.
Busy silang dalawa habang ako naman ay may sariling mundo, naningkit ang mata ko sa isang kwarto kung saan mayroon pulang ilaw akong nakikita mula sa ilalim ng pinto nito. Hindi na ako nag-abalang istorbohin sila dad at agad na nagpunta sa kwartong ‘yon habang isa-isa kong pinapatumba ang mga humaharang sa daan ko.
Nang makarating ako sa kwartong ‘yon ay hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. And I was right, this room was filled with red lights. Ang sakit sa mata. Maingat akong naglakad habang sinisigurado kong walang makakakita sa akin incase na mayroong tao rito.
“How come that you can move like that?” Narinig ko ang pagkasa ng baril at saka marahang lumingon kay Cynthia.
“Because I’m stronger than you think, bitch!” Hinawi ko ang kamay niya, dahilan para mabitawan niya ang baril na hawak. Mabilis niya akong sinugod kaya umiwas ako. I quickly grab her hair at saka inuntog sa tuhod ko that cause her to passed out, pero noong akala ko na tapos na ay nakarinig ulit ako ng pagkasa.
Lumingon ako sa likuran at nakita si Zero, he was pointing his gun right on my face.
“Very good, dalhin niyo siya sa lab.” Boses ng lalake at nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung sino ‘yon. Hindi ako pwedeng magkamali, sa pag-describe sa kanya ni Zero noon ay alam ko nang siya nga ‘yon. Goddamnit! Kaaway ba siya o kakampi? Masisiraan na ako.
“Tito Winter.” Banggit ko sa pangalan niya, halatang nabigla siya at magsasalita pa sana pero mabilis akong hinawakan ng mga armadong lalake at saka dinala sa elevator na nandito lang din sa kwarto na ‘to.
Tinignan ko ng masama si Tito Winter pero malamig lang siyang nakatingin sa akin. Pinilit kong magpumiglas pero tinutukan ulit ako ni Zero ng baril sa mukha kaya huminto ako. Damn.
Huminto ang elevator at pagbukas ng pinto ay halos manlaki ang mata ko. This is the main room, and I’m sure of it, maraming equipment dito na hindi ko maintindihan kung para saan.
Maraming monitors kung saan kita ang buong lugar na ‘to, mula sa labas hanggang sa mga kwartong nandito. Pinagmasdan ko ang ibang nasa monitor. Nakikipaglaban sila Jennie at kasama na niya sila Tito Ramon.
Binaling ko ang tingin sa kabilang monitor kung saan nakikipaglaban din sila Tito Jiro kasama sina Tito Matthew at Jasper. Nasa tapat sila ng kwarto kung saan nandoon sila Xian.
“Bitawan niyo ko!!” Sigaw ko at saka sinipa ang lalaking nakahawak sa akin. Bukod sa dalawang armadong lalake, kay Tito Winter at kay Zeroㅡwala nang ibang mukhang marunog makipaglaban dito. ‘Yong iba ay mukhang mga scientist lang.
Okay. I need to do it, wala akong choice kung hindi ang lumaban. Agad akong lumingon kay Zero na ngayon ay nakatutok pa rin sa akin ang baril. Ngumiti ako ng mapait bago siya titigan ng diretso sa mata.
“Sorry.”