Chapter MLB 27

Nakikiramdam lang si Callea habang nagluluto. Nasa sala si Deive at ang mga bisita nito. Hindi man kumikibo ang iba pero halata namang ayaw ng mga ito sa kanya. Kahit nang magpalit na siya ng makulay na dress na binili ni Deive para sa kanya ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa kanya. Mukhang hindi siya ang Callea na inaasahan ng mga ito–ang normal na babaeng inilako ng Lolo Tomas niya.

“Luto na yata iyang sauce, señorita,” untag sa kanya ni Marina. NI hindi niya napansin na nakabalik na ito sa kusina mula sa pag-aayos ng mesa.

“Anong sabi nila sa iyo?” tanong niya. Ayaw sana niyang palabasin si Marina pero gusto ni Deive na ipakilala ito sa mga bisita.

“Mababait sila at guwapo pa.” Abot-tainga ang ngiti ni Marina. “Tinanong pa nga ako ni Sir Averill kung ako iyong kuba sa istorya na ginawa mo. Iyong pinagbintangang siya ang salot pero sa huli naging bayani pa siya.”

“Alam nila ang tungkol doon? Nagbabasa sila ng mga gawa ko?”

Sikat ang mga gawa niya pero maliban sa publisher niya at editor ay walang ibang nakakaalam ng identity niya. Di siya uma-attend sa mga book signing.

“Oo. Idol na idol ka nga daw nila pati iyong masungit. Iyong Lucian. Proud na proud nga sa iyo si Señorito Deive. Di ka lang basta magaling na artist. Magaling ka din daw sa History. Kaya interesado silang makita ang underground cemetery. Gusto kong magpasalamat sa inyo, Señorita.”

“Bakit naman?” tanong niya.

“Dahil sa inyo, nag-iba ang tingin sa akin ng mga tao. Ngayon lang ako tinrato na parang bayani dahil nabasa nila sa istorya ninyo.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Marina, mabuti kang tao. Sa mata ng Diyos, pantay-pantay naman tayo. Mga tao lang naman ang naglalagay ng standard. Kahit ang magaganda, di rin nakakatakas sa kalupitan ng mga tao.” At nakadama siya ng lungkot nang maalala kung sino ang nagbayad dahil sa kagandahan niya.

“Puntahan mo na sila. Ako na ang maghahain.”

Nang lumabas siya ay tumutugtog ng piano si Keiran habang walang tigil sa kuwentuhan tungkol sa mga graphics novels niyang nabasa ng mga ito.

Nagulat pa siya nang lumapit sa kanya si Averill at inabot ang pentel pen sa kanya. “Magpapa-autograph sana ako sa iyo.”

Napaurong siya at umiling. “Hindi ako nagsa-sign ng autograph.” Ni ayaw nga niyang humarap sa kahit sinong fans niya.

Humalukipkip si Lucian. “Bilang future wife ni Deive, hindi mo kami pwedeng tanggihan. Bilang kapalit, babantayan namin siya kapag mambababae siya.”

“Wala namang ganyan, dude!” angal ni Deive. “Good boy na ako.”

Kinuha niya ang pentel pen at pumirma sa bagong publish niyang libro na nakalabas na sa market na pag-aari nina Lucian at Averill. Masarap din palang pumirma ng autograph. “Sana lang manatili akong anonymous sa iba. Pinagbigyan ko lang kayo para isumbong ninyo kapag tumingin sa ibang babae si Deive.”

Napakamot na lang sa ulo si Deive. “Good boy na nga, eh!”

“Pwedeng mag-request?” tanong ni Sidney. “Sabi ni Deive isinusuot mo ang costume ng mga characters mo sa novels mo. Pwede bang isuot mo ang costume ng red vampire na si Zafira? Crush ko kasi siya.”

“Ano?” angil ni Deive at inipit ng braso ang leeg ni Sidney.

Umugong ang malakas na tawanan sa buong kabahayan at kasama doon an g tawa ni Callea. Noon lang ulit niya nagawang tumawa sa loob ng mahabang panahon. She never thought she would. Si Dieve lang ang nakapagpatawa sa kanya.

With that laugh, Deive also opened the door to her heart. And she would let him in even if he won’t ask.

NAGTATALO-TALO ang tatlong kaibigan ni Deive kung anong horror movie ang panonoorin. Nasa entertainment room ang mga ito. Bawat isa ay may kanya-kanyang gusto. Di tuloy magkasundo-sundo.

“Pasensiya na sa gulo namin,” sabi ni Lucian. “Okay langng mag-overnight kami? Kahit dito lang kami sa entertainment room. Nami-miss kasi nila si Deive.”

“Ikaw din naman nami-miss mo siya, ah!” kantiyaw ni Sidney.

“Sure! Anong gusto ninyong kainin habang nanonood?”

Inabot ni Sidney ang prawn crackers sa kanya. “Ito ang paborito ni Deive. Iyong para sa amin, ikaw na ang bahala.”

“Sige. Ipapaluto ko kay Marina.”

Magaan ang loob niya sa mga kaibigan ni Deive. Tinanggap kasi siya nang maayos ng mga ito. Ayon kay Deive, kung ibang babae daw ay grabeng pang-I-scrutinize muna ang dinadaanan lalo na kay Lucian. Any girl would do. Pero para sa babaeng pakakasalan ng magkakaibigan, kailangan daw ay salaing mabuti. They didn’t even mind if she dressed up weirdly. Naaliw pa nga ang mga ito.

Pagdating niya sa kusina ay naghahanda na ng pang-midnight snack si Marina. Inabot niya dito ang prawn crackers. “Paborito iyan ni Deive. Bahala ka na.”

“Napapadalas yata ang ngiti mo, Señorita.”

“Usapan namin ni Deive iyon. Gusto daw niya lagi akong nakangiti.”

“Bagay iyan sa iyo. Maganda ka kasi kapag nakangiti.” Bigla nitong natutop ang bibig. “Oopps! Sorry!”

“Okay lang iyon. Tayong dalawa lang naman.” Pwede naman siguro siyang maging maganda sa mga taong pinagkakatiwalaan niya tulad nina Marina at Deive.

Pinuntahan niya si Deive sa verandah. Mukhang seryoso ang pag-uusap nito at ni Keiran. “Are you sure that you want to marry her? She’s out of your league, Kuya. Kung pera lang ang kailangan mo, pahihiramin kita.”

Natigilan siya sa paglapit sa dalawa nang marinig ang boses ni Keiran. Hindi siya nito gusto para sa kapatid niya. Napansin nga niya na di ito masalita kanina. Parang nag-o-obserba lang.

“Noong nakaraan lang sabi mo tutulungan mo ako para magkasundo kami.”

“This is not what I expect. Paano magiging normal ang buhay mo? Hindi tama ang ginawa sa iyo ni Lolo. Gawin mo na lang akong silent partner sa business mo. Bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na. HIndi mo kailangang pakasalan ang babaeng di mo gusto. You don’t deserve to suffer for a lifetime.”

Nakagat niya ang labi dahil sinaksak ang puso niya. Noon ay di mahalaga sa kanya ang opinyon ng mga tao sa pagiging kakaiba niya. Layuan man siya o laitin ay ayos lang sa kanya. Pero kung lalayuan din siya ni Deive di na niya kaya ngayon.

Naglakad siya palayo. Ayaw na niyang marinig pa ang sagot ni Deive. Kung tatanggapin nito ang alok ni Keiran, saka siya lalayo. Pero habang kaya pa niyang manatili sa tabi nito, di siya magtatanong ng kahit ano.

She was selfish, she knew. Pero di niya kayang pakawalan ang taong tumanggap sa kanya kung sino siya. Kaunting panahon lang ang hinihingi niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.