Chapter MLB 28

“SA WAKAS! Makakanood na rin tayo ng movie nang tayong dalawa lang,” wika ni Deive at inunat ang dalawang kamay sa sofa. Parang inaakbayan na rin siya nito.

Naging busy kasi siya nang nakakaraang araw dahil bumalik na ang mood niya na magtrabaho. Kaya naman libre na silang manood ng movie. Kailangan kasi niya ng bagong ideas at nakakatulong ang mga horror movies sa kanya.

Nakakunot lang ang noo niya habang nagko-concentrate sa palabas. Ang isang kamay niya ay busy sa pagsusulat ng mga bagong ideas na nagfo-flow sa utak niya. Iyon daw ang bagong pelikulang pinagkakaguluhan sa Thailand.

“Ayun! Nakakagulat iyon!” sigaw ni Deive nang biglang may bumulagang nakabaligtad bangkay sa harap ng mga bida. Sa isang haunted house ang setting.

Tumango-tango lang siya at patuloy sa pagsusulat. “Magaling nga iyon.”

Napanganga na lang ito sa kanya at tinitigan siya. Pagkatapos ay patuloy lang sa pagsusulat. Tuwing may nakakatakot na eksena ay napapatingin lang sa kanya si Deive. Her blood was pumping with each exciting scene. Bawat pagbuhos at pagtilamsik ng dugo ay pabilis din nang pabilis ang sulat niya.

Dalawang bida na lang ang natitira. Pabilis nang pabilis ang bagsak ng tambol. Nangangahulugang palapit na ang panganib. Hindi siya halos makahinga habang hinihintay ang sunod na edisyon ng paghahasik ng lagim ng masamang espiritung naghihiganti nang biglang mamatay ang TV.

Tumigil sa pagsusulat ang kamay niya at gumulong ang ballpen. Natigil din sa pag-agos ng ideya sa utak niya. “Huh! Bakit namatay?” Nang lumingon siya ay ngingisi-ngisi si Deive habang hawak ang remote. “Pinatay mo?”

“Alam mo ba kung bakit gustong manood ng horror movie kaming mga lalaki kasama ang girlfriends namin? Para yakapin kami kapag natatakot.”

“Oh, I see!” wika niya at tumango-tango.

“Ni hindi ako pinapansin. NI hindi ka rin natatakot.”

“Bakit ako matatakot? Horror writer ako.”

Bumagsak ang balikat nito. “So my effort is wasted.”

Maang siyang napatingin dito. Ibig sabihin ay gusto pala nito na yakapin niya ito kapag natakot siya. And now he was sulking like a kid.

“Try harder next time.”

“Okay.” He cupped her then kissed her. She got that euphoric feeling as if she was floating on air. She never got that kind of high even during horror stories’ climax. At di na kataka-taka kung magpalit-palit ng lugar ang internal organs niya.

Napapitlag siya nang bumukas ang TV. Ilang segundo na pala siyang nakatulala dito. “Pwede ka nang manood.” At iniunan nito ang mga palad sa likod ng ulo nito. “That’s your punishment for ignoring me.”

Nanginginig ang kamay niya nang damputin niya ang ballpen. Hindi na siya makapagsulat. Nag-freeze na ang lahat ng ideas niya. Ni hindi na nga niya maintindihan ang palabas. Even her heart was beating painfully.

“Natatakot ka ba?” Hinawakan nito ang kamay niya. “Nanlalamig ka, ah!”

Ihinilig lang niya ang ulo sa balikat nito at tahimik na nanood. Ngumiti lang siya at tahimik na ulo sa balikat nito at tahimik na nanood. Ngumiti lang siya at tahimik na pinanood ang mga sumunod na eksena.

Masaya na siyang sumiksik kay Deive kahit di siya natatakot. Iyon pala ang ginagawa ng normal na babae. And she felt like a normal girl. Kinikilig siya.

“LOLO, kailan ninyo ako dadalawin?” ungot ni Callea kay Tomasino nang tumawag ito. Papalubog na ang araw at tanaw iyon mula sa bintana ng kuwarto niya. Buong araw siyang nakatanaw sa may bintana at pinagmasdan ang pagsikat ng araw hanggang sa paglubog. Wala si Deive maghapon at ayaw niyang mag-isa sa dilim. Hinihintay niya ang pagbabalik nito. Itinaas din niya ang buhok kaya maaliwalas ang mukha niya. Gusto niyang subukan dahil iyon ang gusto ni Deive.

“Nagpaplano na ba kayo ng kasal ni Deive? Para makapaghanda na kami ni Jorje. Saan mo ba gustong magpakasal?”

“Hindi kami nagmamadali ni Deive.”

“Akala ko ba gusto mo nang makuha ang Villa Celesta?”

“Marriage is a lifetime commitment, Lolo. Ayokong isipin na pakakasalan ko lang si Deive dahil sa Villa Celesta.”

“Baka naman in love ka na sa kanya?”

“Basta pumunta na lang kayo dito, Lolo. Gusto ko ring makilala ninyo si Deive.” Noong una ay naiinis siya sa lolo niya dahil pinipilit siya nitong magpakasal kay Deive. Now she was thankful for having him.

Sa palagay niya ay ang relasyon mismo nila ang gusto nitong I-work out. Hindi nito tinanggap ang tulong ng kapatid nito para umurong sa kasal nila. Kaya higit sa Villa Celesta, mas tine-treasure niya si Deive.

Pagkababa ng telepono ay hinanap agad niya si Luna. “Luna!”

Lumabas siya ng kuwarto. Kapag tinawag niya si Luna ay lumalapit agad ito sa kanya. Naabutan niya si Marina na naghahanda ng pagkain sa kusina.

“Marina, nakita mo ba si Luna?”

“Hindi pa ba bumabalik?”

“Baka kung saan nakarating iyon.” Protective siya di lang kay Marina kundi maging kay Luna. May discrimination din maging sa mga pusa. Kapag lumalabas ito ng bakod ng mansion ay laging napapaaway sa ibang pusa. Naaapi rin ito.

“Ako na ang titingin. Baka nandoon iyon sa abandonadong bahay kasama ang mga pusang ligaw. Maya maya lang nandito na si Señorito Deive. Bantayan mo na lang ang niluluto ko, Señorita.”

Iniinin na lang ang sinaing ni Marina. Naluto na ang kanin ay di pa rin nakakabalik pati si Marina. Sumasal ang matinding kaba sa dibdib niya. Wala namang ibang pupuntahan sina Marina o Luna. Bakit wala pa rin?

Nilakad na niya ang gate para siya na mismo ang maghanap sa dalawa. Di pa siya nakakalayo sa Villa Celesta nang habulin siya ng pamangkin ni Mang Lito.

“Ma’am Callea, iyon pong kasama ninyong kuba sa bahay…” Napahawak ito sa tuhod at humingal.

“Nasaan si Marina?”

“Nandoon po sa may tumana ng tatay ko. Napagkakatuwaan ng anak ni konsehal at ng mga kaibigan niya. Inililigtas po kasi ang pusa ninyo.”

“Halika! Puntahan natin.”

“Señorita, tatawagin ko po muna ang tatay ko. HIndi mo magandang sumugod tayo doon nang tayo lang. Madami po sila.”

“Hindi. Pupuntahan ko na sila Marina ngayon.”

Di na siya nagpapigil pa dito. Tinakbo niya ang direksiyon ng tumana. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang mga bully ang mga batang iyon. Bumalik sa isip niya kung paanong pandirihan at ipagtabuyan si Marina. Gayundin si Luna. Ayaw na niyang maranasan pa iyon ng mga kaibigan.

Malayo pa lang ay natanaw na niya ang puno ng acacia na nasa kubo sa gitna ng tumana. Nadidinig niya ang tawanan ng mga kabataang lalaki. Lalo lang siyang kinabahan sa nakakatakot na tawanan ng mga ito.

“Sige. Akyatin mo iyan kung gusto mong makuha ang pusang kasing pangit mo,” anang pinakamatangkad sa grupo na sinegundahan pa ng mga kasamahan.

Paglapit niya ay nakita niya si Marina na nagpipilit umakyat ng puno. Hindi nito kayang dalhin ang katawan dahil sa kapansanan nito. Habang si Luna ay nakatali sa puno at umiiyak, parang nagmamakaawang pababain na ito.

Naglalaro sa kinse hanggang disisiete ang mga ito. Pawang matatangkad at may katawan. Suot ng mga ito ang uniform ng private high school.

Nagtawanan ang mga ito nang bumagsak si Marina. “Wala palang kwenta ito, Winston! Kahit anong gawin niyan, di iyan makakaakyat ng puno. Boring!”

Nagsidampot ng bato ang mga ito at pinagbabato si Marina. “Huwag. Tama na,” pagmamakaawa ni Marina. Pinagkrus nito ang braso para protektahan ang mukha. Subalit nagmistulang bingi ang mga bata at inilakas pa ang tawanan.

“Itigil ninyo iyan!” sigaw niya.

Lumingon sa kanya ang mga ito at natigilan sa pagbato. “Prinsesa ng dilim.”

“Huwag mong sabihing natatakot ka diyan?” maangas na sabi ng lider na si Winston at binatukan ang kasama. “Walang magagawa iyan. Ang ganda nga. Ni hindi mukhang nakakatakot.” At ito na ang nanguna sa muling pagbato kay Marina.

“Sabing tama na! Nasasaktan na si Marina.”

Tinakbo niya ang mga ito. Di niya inalintana kung baku-bako ang dinadaanan niya. Kailangan niyang iligtas ang kaibigan. It was so frustrating. Bakit sa mga istorya niya, napakadaling takutin ng mga masasamang loob? Bakit hindi niya magamit iyon para iligtas ang mga kaibigan niya? Bakit di na lang mahati ang katawan niya o kaya ay labasan siya ng pangil para nagtakbuhan na ang mga ito.

Wala siyang magagawa para pigilan ang limang kabataang lalaki. Wala din ba siyang magagawa para iligtas ang mga kaibigan niya. Nanunuot sa tainga niya ang iyak ni Luna at ang pagmamakaawa ni Marina.

“Huwag!” sigaw niya at mabilis na ihinarang ang katawan kay Marina. Sunud-sunod ang pagtama ng bato sa katawan niya bago natigilan ang mga ito nang makitang siya na ang nakaharang. Ininda niya ang sakit. “Di ba kayo titigil?”

“Umalis ka diyan, Miss. Huwag kang panggulo.” Dumampot ng malaking bato si Winston. “Umalis ka na diyan.” Nanatili siya sa kinatatayuan. Itinaas ni Winston ang kamay na may hawak na bato. “Isa, dalawa…”

“Señorita, di po kayo dapat sumunod dito. Umalis na po kayo.”

“Hindi ako aalis,” matigas niyang wika.

Kumawala sa kamay ni Winston ang bato. Niyakap niya si Marina at matinding sakit ang naramdaman niya sa pagtama ng bato sa noo niya. Mariin siyang pumikit. Kaya niyang tiisin ang sakit kahit ilang bato pa ang ibato sa kanya.

“Winston, andiyan na ang mga baranggay tanod,” kalabit dito ng kasama.

Narinig niya ang pagbagsak ng mga bato sa lupa at ang mga yabag ng mga ito na palayo. Nagpulasan din ang mga ito.

“Callea!” narinig niyang tawag sa kanya ni Deive at dinaluhan siya.

“Si Marina… si Luna…” Gusto niyang matiyak na ayos lang ang mga kaibigan . Sumigid ang sakit sa ulo niya at sinapo. Nang tingnan niya ang palad ay may bahid ito ng dugo. Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo sa mukha niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.