Chapter MLB 33

“GOODNIGHT, Lolo.” Kinintalan ni Callea ng halik sa noo ang Lolo Tomasino niya. Ipinagdala niya ito ng tsaa sa kuwarto at pinainom ito ng gamot.

“Huwag ka munang tutugtog ng piano mamayang hatinggabi at paki-off muna ang mga nakakatakot mong sound effects. Baka matakot ang bisita natin. Kahit ang Kuya Lee mo kaunting kaluskos lang sa gabi nagpa-panic na. Isa pa iyong takot sa multo,” bilin nito.

“Opo. Hindi po ako magtatrabaho ngayong magdamag dahil ipapasyal ko pa kayo ni Don Jorje sa underground cemetery.”

Nakumbinsi ni Deive na manatili muna sa Villa Celeste si Don Jorje para makilala siyang mabuti. Siya ang magiging tourist guide ng mga ito bukas.

“Did I give you a hard time, hija? I feel like I failed you as a grandfather. Gusto kitang ipakasal sa lalaking di mo lubusang kilala. Gusto ko na ibahin ko ang pagkatao mo. Sa huli, mas na-appreciate ka pa ni Deive kaysa sa akin. Nakakahiya akong lolo, hindi ba?”

“Lolo, I know that you love me and you want what’s best for me.” Hinaplos niya ang noo nito. “Thank you for bringing Deive into my life. It was sheer luck, I know. Akala ko panggulo lang siya sa buhay ko. He turns out to be a gift instead.”

“Sana maging masaya ka pa rin kahit may palpak kang lolo.”

Niyakap niya ito. “You reared me well, Lolo. And I love you.”

“I love you, too.”

Nang lumabas siya ng silid nito ay natiyak niyang mas matatag ang relasyon nilang mag-lolo. Each of them learned more from each other. Natututo silang tumanggap ng mga kahinaan at lakas ng isa’t isa. Sa huli ay respeto lang ang kailangan para magkasundo-sundo sila.

Pagbaba niya ng sala ay nakatanaw sa bintana si Don Jorje. “Gusto po ba ninyo ng tsaa?” tanong niya.

“Hindi na kailangan. Matutulog na rin naman ako,” anito at naglakad patungo sa silid na tinutuluyan nito. Sa silid na katabi ng library ito tumutuloy sa first floor dahil mahihirapan na itong umakyat sa second floor.

“I am sorry. Hindi intensiyon ng lolo ko na linlangin kayo tungkol sa akin. Gusto lang niyang makapag-asawa ako at magkaroon ng normal na buhay.”

“Balewala na iyon sa akin, hija. Tama naman si Deive. Di kita dapat husgahan dahil lang kakaiba ka. Wala kang sinasaktang tao. Gaya namin, gusto mo lang magkaroon ng sariling lugar dito sa mundo. From now on, I will respect that.”

Kumislap ang mata niya sa tuwa. “Totoo po?”

“Basta ba aalagaan mo ang apo ko. Mukhang ginayuma mo siya kaya ayaw nang umalis sa tabi mo.”

“Po?” Umiling siya. “Hindi ko po siya ginayuma…”

Humalakhak ito. “I am just joking. I want to know you better, hija.”

“Salamat po sa pagkakataon.”

“Puntahan mo na ang apo ko. Mukhang inaaway niya ang pusa mo.”

“SHOO! SHOO! Lumayo ka nga sa akin! Napipikon na ako sa iyo, Luna!”

Napatakbo si Callea nang marinig ang tungayaw ni Deive. Nasa puno ito ng camachile sa garden at kanina pa naghihintay sa kanya. Mukhang may giyera na naman sina Deive at Luna. Unang beses pa lang na nagkita ang dalawa ay magkaaway na ang mga ito. At madalas ay si Deive ang nadidisgrasya.

“Luna! Deive! Ano ba iyan?” nakapamaywang niyang tanong. Tumalon sa kanya at maagap niyang sinalo. Parang humihingi ng saklolo. “Deive?”

“Hindi ko inaapi ang pusa mo. Siya nga itong magulo. Lingkis ng lingkis,” iritadong wika ni Deive at pinagpag ang balahibong kumapit sa damit.

“Akala ko nga magkasundo na kayong dalawa.”

“Mabait ako sa pusa mo basta huwag siyang lalapit sa akin. Kinikilabutan ako kapag ikinikiskis niya ang katawan niya sa balat ko. I don’t really like cats. Mas sanay akong mga girls ang…”

“Mga girls ang ano?” Nagdilim ang mukha niya.

“Wala,” anito at tumawa.

“Sige! Ituloy mo. Mga babae ang dumidikit sa iyo?” Subukan lang nitong banggitin ang tungkol sa mga babae nito, ipapakalmot niya ito kay Luna. Kahit na siya ang pinaka-espesyal na babae sa buhay ni Deive, di pa rin maiiwasang ma-insecure siya sa mga babaeng vocal magpakita ng affection dito.

“Wala. Ang sabi ko hindi ako makapag-concentrate dito sa binabasa ko,” anito at iwinagayway ang cellphone.

Sinulyapan niya ang nakasulat sa window message. “Ano iyan?”

“Rules and regulation ng Kuya Torque mo.”

Inilahad niya ang palad. “Pabasa nga.” Bumagsak ang panga niya nang isa-isahin ang mga batas ng Kuya Torque niya. “Pwedeng mag-holding hands pero five seconds lang. Pwedeng halikan pero sa kamay at noo lang.” At ang iba pang rules ay dinaig pa ang panahon ni Maria Clara. “Daig pa ako ng teenager!”

Sadyang protective sa kanya ang mga pinsan niya. Napakadali sa mga ito noon na itaboy ang mga manliligaw niya. Intimidating ang Kuya Torque niya. Mukhang nadala nito ang habit hanggang sa pagtanda niya. Of course. Deive was someone to beware of. Hindi natatakot si Deive dito at nakuha pa nito ang interes niya. Deive was able to sneak off her cousin’s back and into her heart.

“Your cousin doesn’t trust me. Hindi maganda ang reputasyon ko. But I am willing to show him the new Deive. Sabi niya mawawala lang ang rules na iyan kapag engaged na tayo o kaya kasal na tayo.”

Niyakap niya ang tuhod niya. “Nakasalubong ko ang Lolo Jorje mo kanina. He apologized for judging me right away.”

“Nag-usap na rin kaming dalawa. Sabi niya kung nakabuti ka naman sa akin, sino daw siya para kumontra.” Humilig ito sa balikat niya. “They thought we were a perfect match at first. Tapos dismayado sila dahil mismatched nga tayo. But we are working things out, right?”

Kung pagbabasehan ang mga una nilang pagkikita, walang mag-iisip na magkakasundo sila. Sa track record nito sa naggagandahan, sopistikada at sexy na babae, malamang ay maninirahan na lang ito sa South Pole kasama ang mga penguin kaysa makasama siya.

Funny how he got used to her horrific taste. Parang normal na lang dito na makita siyang duguan minsan habang nagpi-piano. Nasanay na rin siya na sabihan nitong maganda kapag di sinasadyang nakita siya nitong walang make up.

“Nag-offer na sa iyo ang Lolo mo. Di mo na ako kailangang pakasalan. Why did you decide to stay with me?”

“At bakit pipiliin mo pa rin ako kahit na tumutol ang Kuya Torque mo?”

She didn’t expect that he’d throw the question back. Pinagdugtong niya ang dulo ng hintuturo niya at tumingin sa langit. “Well… una akong nagtanong sa iyo.”

“I think you are in love with me.”

Nang lumingon siya ay halos magkadikit na ang mukha nila. Hindi siya makagalaw at di rin niya maialis ang tingin dito. Siguro dahil sa huli nitong sinabi na in love siya dito. Di niya inaasahan na sasabihin nito iyon. At di rin niya alam kung ano ang isasagot. Di niya kayang alisin ang tingin dito dahil parang inamin na rin niya dito na in love nga siya.

O hindi niya kayang gumalaw dahil alam na niya kung ano ang susunod. He was about to kiss her and she couldn’t say no to him. She couldn’t stay away. Matapos mag-roller coaster ang emosyon niya sa buong araw na iyon, ang tanging gusto niya ay yakapin siya nito at halikan.

Ipinikit niya ang mga mata habang pigil ang hininga niya. She could feel her heart beating wildly. Maybe if he’d kiss her, she’d admit that she was in love with him. Just one kiss and she could forget about the rest of the world. Even her cousin’s ridiculous rules.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.