He smoothed her lower lip with his thumb. She opened her lips when air rushed into her lungs. He leaned in close and brushed her lips over hers.
Nagsisimula nang lumalim ang halik nang bigla silang maghiwalay. “What’s wrong?” tanong niya.
“Five seconds lang ang ibinigay sa akin ng Kuya Torque mo para halikan ka. Iyong susunod daw sa engagement party na.”
“Engagement party pa? Kailan pa iyon?” tanong niya sa mataas na tono.
Ni hindi pa nga nila napag-uusapan ni Deive ang engagement party. Higit sa pagpapakasal, gusto nilang I-enjoy ang relasyon nila nang normal. Na parang di sila dumaan sa kasunduan at nagliligawan. Kung kailan gusto niya ng mas mahabang panahon para sa kanilang dalawa, saka naman maghihigpit ang pinsan niya.
Nagkibit-balikat ito at tumayo. “Wala akong magagawa. Siya ang batas. Babantayan daw niya ang kilos natin habang nandito pa tayo sa Villa Celesta.”
Umihip ang balahibo niya at pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya kahit wala naman. Nang silipin niya ang kuwarto ng Kuya Torque niya sa second floor na nasa pagitan ng kuwarto nila ni Deive ay bukas ang ilaw niyon. Nakabantay nga ito sa kanila ni Torque at di siya magtataka kung tumatagos man ang mga mata nito sa higanteng puno ng camachile.
Kung nasa isang horror story marahil sila ay pwedeng maging panginoon ng Villa Celesta si Torque at may mga mata ang lahat ng bagay sa paligid para magsilbing espiya nito. Magandang material para sa isang istorya pero hindi iyon nakakatuwa nang mga oras na iyon.
“May time limit na kiss. And what else is in that nonsensical rule list?”
Tumayo si Deive at inabot ang palad sa kanya. “Our time is almost up. Malapit nang mag-ten o’clock kaya kailangan na kitang ihatid sa kuwarto mo.”
Humawak siya sa kamay nito at tumayo. Nakadama siya ng lungkot dahil tapos na ang masayang araw nila ni Deive. She hated those rules!
“Mas madali ang buhay mo kung makikipag-date ka sa isang normal na babae. Walang rules, walang time limit, walang curfew and you don’t have to put up with the weirdness.”
He laced his fingers with hers and smiled dreamily. “I intend to have you despite the odds. Gusto kong hawakan ang kamay mo dahil ayokong mag-isa ka lang sa dilim.
And if you decide to step into the light, I still want to hold your hand. Para masilaw ka man sa liwanag, I am here to tell you that it is okay.”
“That is an immense task, you know. Hindi normal ang mga pinagdaanan ko sa buhay. I have so many fears that I can’t confide in you yet.”
They were so dreadful; she didn’t want to rehash them yet. Hindi pa siya malakas para harapin ang mga takot niya.
“It’s okay.” Pinisil nito ang baba niya. “Kahit daw kay Marina marami ka pang hindi sinasabi. Hindi ko naman hinihingi sa iyo na magkwento. I will patiently wait for that
day that you will trust me enough.”
“Thank you.” She’ll work on her fear. Ayaw niyang habambuhay na manatili sa dilim. At ang pasensiya lang ni Deive ang kailangan niya.
MAGKASALUBONG ang kilay ni Callea nang bumaba sa sala. Napilitan siyang lumabas ng lungga niya dahil may bisita daw siya ayon kay Marina. Nasa gitna ng sala at nakaupo sa sofa ang publisher niyang si Mattheu. May mga nakabalot ding regalo sa tabi nito.
Sinalubong agad siya nito nang bumaba siya sa hagdan. “Finally! Akala ko wala ka nang balak na babain ako. How’s my most bankable talent?” tanong nito at hinalikan ang likod ng palad niya.
“So what brought you here, boss?”
Kapapasa lang niya ng pinakahuli niyang project. Wala na siyang utang dito. Matagal pa naman ang renewal ng contract niya. Maliban na lang kung plano nitong taasan ang sweldo niya.
“Dinadalaw ka. Nagdala ako ng pagkain at regalo dahil maganda ang sales ng novels mo.”
“You don’t really have to bother. Masaya na akong na-publish ang mga libro ko at bumebenta.” Umupo siya sa sofa. “But thanks anyway.”
Kumislap ang mata niya nang I-serve ni Marina ang rocky road cake. Nawala tuloy ang indifference niya. Parang bata niyang sinunod-sunod ang subo ng cake.
“I have a favor to ask, Callea.”
“What is it, boss?”
Pagdating sa cake, open siya sa kahit anong bagay. Nakakalimutan niya na isang lobo ang boss niya. Hindi ito pupunta doon ng walang ibang pakay. At inilabas na nito ang ultimate weapon nito kaya pakiramdam nito ay di siya makakatanggi.
“Um-attend ka ng book signing natin.”
Tanging tunog lang ng bagsak ng tinidor sa platito ang naririnig. Nang maubos na niya ang cake at uminom siya ng juice ay nasulyapan niya ang pag-asam sa mga mata nito. “I am afraid it is a no, boss.”
“Pero maraming fans ang naghahanap sa iyo. Ttataas pa ang sales ng libro mo kapag nakilala ka nila.”
“I want to remain incognito. I am sorry, boss.”
Yumuko siya at naramdaman ang panginginig ng kamay niya nang ihawak niya sa tuhod niya. Ayaw niyang humarap sa maraming tao. At sa mga book signing, kailangan din niyang humarap sa mga readers na mukhang professional. It means showing her face to the public. Tama na. Ayaw na niya.
“You can’t blame a man for trying. Pero pag-isipan mo rin, Callea.”
Nanatiling nakatungo si Callea kahit nang makaalis na si Mattheu. Nakarinig siya ng yabag ng paa na tumigil sa harapan niya. “Sino iyon? Manliligaw mo?”
Nang iangat niya ang tingin ay nakatayo sa harap niya si Deive. Galing ito sa farm ng Kuya Torque niya. Kailangan daw kasi nitong magpasikat. At ang alam niya ay kakausapin pa nito ang Kuya Lee niya para humingi ng advice sa negosyo dahil isang financial analyst ang pinsan niya.
“Ha?” tanong niya dahil di agad nakuha ang tanong nito.
Dumilim ang mukha nito. “Iyong lalaking iyon. Manliligaw mo ba? Pormang-porma, ah! Siya ba ang may dala ng cake?” At masama ang tingin nito sa cake na idinulot kay Mattheu kanina na di nito nagalaw.
“Publisher ko iyon. He wants me to attend the book signing.”
Saka lang ito kumalma at umupo sa tabi niya. “Ah! I see. Kailan daw?”
Nagkibit-balikat siya. “Not interested. Hindi naman ako sasama.”
“Sayang. Ipinakita sa akin ni Sidney ang forum ng mga stories mo. Ilang book signing na pala ang di mo pinupuntahan. Kahit nga daw solong book signing mo pupunta pa rin sila. Can’t you do it for your fans?”
“Deive, hindi ako sanay humarap sa maraming tao lalo na’t di ko kilala.”
“Bakit hindi mo subukan?”
“No! Ayoko sa maraming mga tao at nakikita nila ang mukha ko.” Umiling siya. “Basta hindi ako pupunta! Masiyahan na silang makita ang mga gawa ko. Iyon lang ang pwede kong I-share sa kanila.”
Naglaban ang tingin nila ni Deive. Sa huli ay huminga ito nang malalim. “Okay. I won’t force you if you don’t want to.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “May iba pa pagkain na dala ang publisher mo?”
Ngumiti siya at tinawag si Marina subalit nalungkot siya nang di umabot sa mata ni Deive ang ngiti nito. Nafu-frustrate na rin siguro ito sa kanya pero sana ay pagtiisan pa siya nito. Huwag sana siya nitong bibitiwan.