Chapter Epilogue

Ang mahinay na musika mula sa five-piece orchestra ang umagapay kay Callea habang naglalakad siya sa pathwalk patungo sa makeshift altar na nasa harap ng higanteng puno ng camachile ng Villa Celesta.

Nagmistulang ginto ang pagtama ng papalubog na araw sa white lace gown niya na imported pa mula sa Paris. Kahawig iyon ng gown na isinuot ng Lola Celesta niya. Isa-isang nailawan ang lalakaran niya sa bawat paghakbang niya.

Nakangiting inilahad ni Deive ang kamay sa kanya nang makarating siya sa altar. Mangilan-ngilan lang ang imbitado sa kasal at pawang malalapit lamang sa kanila. Ang mga malalapit nilang kapamilya at kaibigan ang naroon. Kinuha rin niyang abay si Marina na first time nakapagsuot ng gown.

Hindi na natuloy ang engagement party nila ni Deive pero nagdesisyon siyang ituloy na lang sa kasalan para wala nang makahadlang pa.

“Deive, nanlalamig ang kamay mo,” bulong niya dito.

“Excited kasi ako para mamaya.”

“Ano bang meron mamaya?” inosente niyang tanong.

“First night natin, siyempre!”

Tumikhim ang pari. “Masyado yatang nag-fast forward ang ating ikinakasal. Nandito pa kaming mga bisita ninyo.”

Nakita niya ang pagngiti ni Deive at yumuko ito. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya habang ginaganap ang seremonya. As if he was anticipating something.

Nang iangat nito ang belo ay para halikan siya ay mataman siya nitong tinitigan. “I love you, Callea. Kahit pa anong maging itsura mo, iyon pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo.”

“Thank you for staying with me, Deive. I love you, too.”

Tinanglawan sila ng maliwanag na buwan sa paghihinang ng mga labi nila. Hindi na katatakutan ang maiisip niya ngayon tuwing sasapit ang gabi at sisilay ang liwanag ng buwan. Pag-iibigan na lang nila ni Deive ang maiisip niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.