Chapter 27

“OKAY lang?”

Napalunok muna si Rumple bago sagutin ang tanong ni Katrina. Sa pagsuyod niya kasi ng tingin rito ay nanuyo ang lalamunan niya. She was wearing a black dress. Ilang inches rin ang taas noon mula sa tuhod nito. Spaghetti strap lang rin ang sleeve noon. But even with the daring cut, she still look presentable. Tamang-tama lang iyon para sa dinner na pupuntahan nila ngayong gabi.

“Y-you look amazing…”

Namula si Katrina. “Thanks. Maganda ang pagkakaayos nila sa akin…”

Tumango na lang si Rumple kahit gusto niyang umapela. Sa bawat araw na nakakasama niya ito ay nakikita niya na maganda talaga ito. Mas gumanda nga lang ito ngayon dahil naayusan.

Nalaman ng Lolo niya na may babaeng nakatira sa unit niya. He was busted. Pero hindi na lang niyang ginawang big deal iyon. After all, iyon naman ang gusto nito `di ba? Ang magkaroon siya ng apo. Inamin rin niya rito na nabuntis niya si Katrina. Niyaya siya nitong mag-dinner kasama ang babae. Pumayag na rin siya dahil mukhang sabik na sabik ito. Mahirap rin humindi sa isang taong alam mo na mamatay na. Hindi na nga lang niya dinetalye ang totoong dahilan ng relasyon nila. Nag-imbento siya. He said it’s a whirlwind romance. Nabuntis niya ito kaya pinatira niya sa bahay nila.

Nasabihan na rin naman niya si Katrina ng lahat ng pinag-usapan nila ng Lolo niya. Pumayag ito. Sinabihan rin niya ito na maghanda. Binigay niya rito ang card niya para makapag-shopping ito ng mga kakailanganin para maging presentable ito sa date. Nagpunta rin ito sa salon para magpa-ayos. Sinundo niya ito roon. Tama lang ang dating niya. Kakatapos lang nitong ayusan. Dahil maganda rin ang ayos, nabigyan niya nang malaking tip ang styler nito.

“Ikaw ang pumili ng damit mo?”

Tumango si Katrina. “Okay lang rin ba?”

You look perfect in it, nasa isip ni Rumple. Pero hinayaan niyang lumabas ang matigas na bahagi niya. “May taste ka,”

Ewan ba ni Rumple kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi siya sanay na pumuri ng mga tao. He had always been cold and he’s okay with it. Pero kakaiba ang epekto ni Katrina. Pinapalambot siya nito. Isa ngang patunay roon ang ilang beses na niyang pag-absent o kaya ay pagka-late sa trabaho.

Nag-aalala siya kay Katrina. Tuwing umaga ay masama ang pakiramdam nito. Mabilis rin naman itong maka-recover. Pero ayaw niyang maiwan ito. Gusto niyang masigurado na okay na talaag ito bago umalis.

Normal naman ang mga nangyayari kay Katrina. Pero ewan ba niya. May isang bahagi niya ang nagiging OA. Ayaw niya itong pabayaan. Inaalagaan niya ito. Kahit hindi naman dapat.

Lumiwanag ang mukha ni Katrina. “Talaga? Gustong-gusto ko rin ang damit na ito.”

“It suits you. It’s just right for the occasion. It also looks fashionable…”

“Hmmm… alam mo ba na gusto kong maging fashion designer?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay.

Mukhang napahiya naman si Katrina. Nagyuko ito. “I’m sorry. Mukhang nag-cross the line ako. Hindi dapat ako nagkukuwento ng mga personal na bagay sa `yo.”

Parang si Rumple pa ang napahiya. Tumikhim siya at bumawi. “I-it’s okay. Nagulat lang ako. You can tell…”

“Iyon nga. Gusto kong maging fashion designer. Mahilig akong tumingin ng iba’t ibang damit. Minsan nagde-design ako ng mga damit sa papel. Paborito ko rin na magtingin ng mga damit at ang i-classify ang mga design noon…”

“Can I see some of them?”

Umiling si Katrina. “`Wag na. Hindi naman iyon maganda.”

“Someone should have confidence on herself. Ipakita mo sila sa akin pag-uwi natin…”

“Hmmm…”

Hindi na siya sumagot sa usapan dahil sumakay na sila sa kotse. Tahimik si Katrina sa kotse kaya hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makababa sila. Ayaw pa rin sana niyang magsalita. Pero nang hawakan niya ito para alalayan ay napakunot ang noo niya.

“You’re tense.”

Ngumiwi ito. “Masisisi mo ba ako? Ipapakilala mo ako sa pamilya mo. First time na may magpapakilala sa akin.”

“First time ko rin na magpapakilala ng babae sa pamilya ko…”

Bumuntong-hininga si Katrina. Kinalma nito ang sarili.

“Ako ang bahala sa `yo.” Wika niya saka pinisil ang kamay nito. Pero sa loob-loob niya, gusto niyang mapangiwi. Sa totoo lang, kinakabahan rin siya. Pero iniisip na lang niya na sa Lolo lang rin naman niya ipapakilala si Katrina. Mabait ito at dahil nga may katandaan na, madali lang rin ito na mauto.

Pero mali pala ng akala si Rumple. Hindi lang pala ang Lolo niya ang makakasama nila sa dinner. Present ang pinsan niyang si Daimen at ang asawa nitong si Rita.

“What are you both doing here?” sa halip tuloy na pagbati, iyon ang unang nasabi ni Rumple.

“Lolo invited us,” ngingisi-ngisi na wika ni Daimen. “O, tama na `yang katarayan mo. Baka iwanan ka niyang girlfriend mo…”

“Shut up!”

Na-tense si Rumple. Sa totoo lang, hindi niya ganoon kagusto ang pinsang si Daimen. May pagka-spoiled kasi ito. Ganoon rin ang asawa nitong si Rita. Hindi ganoon kagandahan ang ugali ng mga ito.

Tumikhim naman si Katrina. Ang pagbati nito ang nagpabago at nagpagaan sa hangin sa bahay. Matamis ang ngiting ibinigay nito sa lahat, lalo na sa Lolo niya. Nagmano pa ito at kinumusta ang lagay ng Lolo niya.

“Mukhang mabait na bata.” Wika ng Lolo niya at tumingin sa kanya. Napangiti rin naman si Rumple. Pero kaagad rin iyong nawala nang sumabat si Daimen.

“Dapat lang, Lolo. Mahirap kayang humanap ng babaeng tatagal sa ugali nitong si Rumple…”

Pinanlisikan niya ng tingin ang pinsan. Tatawa-tawa lang naman ito.

Nagsimula na ang dinner. Nagsimula na rin ang mga tanong na inaasahan na rin naman niya.

“So how did you two meet?” Tanong ni Daimen.

“Sa bahay.” Si Rumple ang sumagot. Hangga’t puwede, ayaw magsinungaling ni Rumple. Kaya sinabi niya sa lahat ang totoo. “She’s my housekeeper but it doesn’t---“

“Housekeeper!” nanlaki ang mata ni Rita. Maya-maya ay tumawa ito at pati na rin si Daimen. “You’re joking us, right?”

Kumunot ang noo ni Rumple. “Ano namang mali roon?”

“A lot!” Nanlalaki pa ang mga mata ni Rita. “Kay tali-talino mong tao kung tignan ng lahat pero bobo ka pala sa pag-ibig. Sa lahat naman ng babaeng magiging karelasyon at anak mo, isang katulong pa!”

Yumuko si Katrina. Napatiim-bagang naman siya. Pinigilan niya ang sarili na sampalin ito. Oo, malamig siya at marami ang nagsasabi na masama ang ugali. Pero gentleman siya.

“At anong ugali rin `yan, Rita? Marangal na trabaho ang isang katulong.”

“Pero kahit na! Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nalaman na ang girlfriend mo ay mababang klase lang pala ng tao? Mag-isip ka nga! Hindi siya matatanggap sa society na kinabibilangan natin!”

“Ang pag-iisip mo ang mas ayusin mo!” Dinuro niya ang babae. Galit na galit siya. Tumingin siya sa Lolo niya na hindi naman niya mabasa ang emosyon. “I’m sorry, Lolo. Pero hindi ko kayong ipakilala sa inyo ang magiging ina ng anak ko kung ganitong klase ng ugali ang mga makakasalamuha ko.”

Tumango lang ang Lolo niya. Hindi niya tuloy mawari kung ano ba talaga ang naramdaman nito sa sitwasyon. Ganoon pa man, tama na ang nararamdaman niya. Gait na siya. He was not insulted yet he felt that he really was. Because of Katrina. Ayaw niya ng naiinsulto ito.

Pinatayo niya si Katrina. Niyaya niya itong umuwi. “O-okay lang naman---“

Pumikit si Rumple. Lalo siyang nainis. Okay lang? Paano magiging okay lang samantalang alam niyang nasasaktan ito? Minamaliit si Katrina ng mga kamag-anak niya!

“No. We will go…”

Pinilit niya si Katrina. Ang sama-sama ng loob niya. Pero may malaking bahagi rin niya ang nagsasabi na may point si Rita.

Siguro nga ay tama rin si Rita. Hindi siya nag-isip. Nagkamali talaga siya. Dapat ay namili siya. Dahil sa impulsive decision niya, may nasaktan siya. Unti-unti na niyang nagugustuhan si Katrina. Pero dapat ay naisip rin niya ang magiging lagay nito sa pamilya niya. Nasasaktan niya ito dahil sa nangyari.

Hindi na naman bago kay Rumple ang makasakit ng isang tao. Pero ibang usapan pagdating kay Katrina. Pakiramdam niya, siya ang nasasaktan para dito. Ayaw niyang masaktan ito.

Ah, puwedeng-puwede na talaga niyang aminin. Pinapahalagahan niya si Katrina kaya ganito na lang kaloko ang damdamin niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.