“SIGURADO ka na ba talaga na gusto mo ng mag-resign, Katrina? Sayang ang career mo…” Malungkot ang mukhang wika at payo ng manager ni Katrina. Ngayong araw ay pinasa niya ang resignation letter niya. Kinumbinsi rin niya ito na kung puwede, effective immediately iyon.
Tumango si Katrina. Nalulungkot rin siya. “Ito po ang tamang gawin ko ngayon…”
“Alam ko na malapit ka ng ikasal. Pero gusto mo ba talaga na ipagpalit ang career mo para roon? Puwede ka naman na maging mabuting asawa at ina kahit nagtatrabaho ka, ah. Many wives and mothers do that now…”
“Sa tingin ko po ay kulang pa ang nagagawa ko. Gusto kong ibigay sa mag-ama ko ang oras ko. Deserved nila iyon. Kailangan ko silang mas maalagaan at mas maasikaso. Magagawa ko lang iyon kung titigil ako sa pagtatrabaho.”
Bumuntong-hininga ang manager. “All right. Sa tingin ko ay buo na ang isip mo. Nalulungkot lang kasi magaling ka sa trabaho mo. Nakikita ko ang potensyal mo na mas gumaling pa kaysa sa mga nakuha mo na ngayon. But in the end, it will always be your choice. I just wish you all the best with your decision…”
“Thank you, Ma’am…”
Maya-maya ay nagpaalam na rin si Katrina sa manager. Ipinaalam rin niya sa mga kasamahan sa kompanya ang tungkol sa pag-alis niya. Nalungkot ang mga ito.
“Mami-miss ka namin…”
“Oo nga. Nakaka-bigla naman ang desisyon mo…” wika ng mga ito.
“Pasensya na kayo. Pero matagal-tagal ko na rin naman na pinag-isipan ito. Kailangan ako ng pamilya ko…”
Tumango ang mga ito. “Naiintindihan namin. Mag-iingat ka. We wish you happiness,”
“Ako rin para sa inyo…” Isa-isang niyakap ni Katrina ang mga ito.
Naiiyak si Katrina. Sa totoo lang, hindi madali ang lahat. Mahal na mahal niya ang career niya. Nanghihinayang rin siya na bitawan iyon. It was her passion. Naniniwala siya sa sarili niya na may mas magagawa pa siya.
Pero iniisip ni Katrina na ito ang makakabuti para sa pamilya niya. Sabihin man ni Rumina na naiintindihan nito ang trabaho niya ay iba pa rin. Alam niya na nalulungkot ito. Minsan na rin kasi itong nagtanong kung bakit ang Mommy ng mga kaklase nito ay nasasamahan ito palagi sa school at siya ay hindi. Alam niyang gusto rin nito ng hands-on Mom.
Ganoon pa man, isa rin sa pinakamalaking dahilan ay si Rumple. Kailangan niya ng maraming oras para maiparamdam rito na puwede siyang mahalin. Gusto niyang i-work ang relasyon nila. Ayaw niyang sumuko.
Lahat ng ito ay ginagawa ni Katrina para sa pamilya niya. Nasasaktan siya sa desisyon, oo. Pero alam naman niya na magiging worth it rin iyon. Mahalaga para sa kanya ang pamilya niya.
Paalis na si Katrina nang kompanya nang may tao namang dumating…para sa kanya? It was Rumple. Pareho silang napakunot-noo nang makita ang isa’t isa. Pero iisa lang ang sigurado niya na siya lang ang nakaramdam: siya lang ang lumakas ang tibok ng puso.
Paano naman na hindi? Mukhang pinaghandaan ng lalaki ang pagpunta sa opisina niya. Bihis na bihis ito. Naka-polo shirt at slacks pa. Pero ang pinaka-nakapagpaguwapo talaga rito ay may hawak itong bouquet ng pink roses.
Kaya naman nang iabot pa rin ni Rumple sa kanya ang mga bulaklak sa kabila ng pagkagulat ay natunaw ang puso niya. Napalunok muna siya bago nagsalita. “H-hey, bakit ka nandito?”
Hindi na niya naabutan na gising si Rumple kanina. Late na kasi itong nakarating kagabi at mukhang naka-inom pa. Ibinilin na lang niya ito sa Yaya ni Rumina na siyang nagiging kasambahay na rin nila.
“I just want to visit you on your work.” Nagkibit-balikat si Rumple. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. “Pero mukhang paalis ka yata.”
Tumango si Katrina. “Actually, pauwi na ako…”
“Ha? Bakit?”
Kinuwento niya rito ang pagre-resign niya sa trabaho.
“You shouldn’t do that…”
Nagkibit-balikat si Katrina. “Nasabi ko na sa `yo `di ba? Kailangan ko ng oras para iparamdam sa `yo na karapat-dapat ako na mahalin mo…”
“Hmmm… Bakit mo naman gagawin iyon? Mahal mo ba ako?”
Sinalubong ni Katrina ang mga mata ni Rumple. “Hindi kita pakakasalan kung hindi. Naniniwala pa rin ako na ang dalawang taong magpapakasal ay dapat na nagmamahalan. Mahal kita, Rumple. I want to be with you forever…”
Niyakap siya ni Rumple. “Then you don’t need to resign anymore. Hindi mo na kailangang mag-effort pa para mahalin rin kita. Because I already do…”
Nanginig yata ang buong katawan ni Katrina sa narinig. Napakalas siya sa yakap ni Rumple gaano man iyon kasarap. “A-are you sure?”
Ngumiti si Rumple. Hinalikan siya nito at hinaplos ang pisngi. “Yes, Katrina Santos. I will marry you because I love you. Hindi lang ito dahil sa kompanya. Gusto rin kita. Mahal kita. I can see my future with you. I don’t want to see you with another man. I don’t want to let you go. Gusto ko ng isang masayang pamilya kasama ka…”
Natunaw ang puso ni Katrina sa narinig. Naiyak rin siya. “Oh God…but how?”
Nagkamot ng ulo si Rumple. “Kailangan ba talagang tanungin kung paano? Puwede bang maniwala na lang?”
Humilig siya sa dibdib ni Rumple. “Yeah. Kaya lang, mahirap paniwalaan. Nakagawa ako ng kasalanan sa `yo. At sa tingin ko ay hindi pa ako nakakabawi. Paano mo ako mamahalin kung naging masama ako sa `yo?”
“You have a lot of times to make up in the future. Pero ang malaman na mahal mo ako, sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng iyon para patawarin kita…”
“Mahal kita. Sa tingin ko ay noon pa. Pina-realize mo sa akin na mali ako ng akala sa `yo at ng ibang tao. You are not really ruthless. You cared for me. You are there for me. Hindi mo ako pinabayaan kahit na ba hindi mo naman talaga ako responsibilidad…”
“Because I started to grow feelings with you. And then tragedy comes and---“
Umiling si Katrina. “We are misfortunate. Nakakalungkot isipin kaya `wag na nga lang natin gawin.”
“I agree. Ang hindi ko lang agree ngayon ay ang sinakripisyo mo para sa akin ang trabaho mo…”
“But love is sacrifice, right?”
“Yeah. Pero hayaan mo na lang na ako ang magsakripisyo. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. All I want is you. All I cared about is you and your feelings. Pakakasalan kita dahil mahal kita. Pero kung ayaw mo pa rin na maniwala, `wag na nga muna tayo na magpakasal. Liligawan na lang kita araw-araw…”
Natawa si Katrina. “I would love that. Pero mas gusto ko yatang makasal tayo pero nililigawan mo pa rin ako araw-araw…”
“Let me prove my love to you first…”
“You don’t have to. Isa pa, kailangan ka ng kompanya niyo. I heard it’s not getting well since you left. Gusto ko na akin ka. Pero ayoko rin na maging selfish. I had been and it’s bad. And love is not bad and selfish. It should be understanding. Naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon. Kailangan mo ako at si Rumina para sa kompanya. Considering what I did to you for years, kulang pa ang pangagamit na iyon para makabawi. But I’m so glad that it’s not just the reason why we have to be together…”
“Well, I’m more glad that I’ve also understand love now…”
“And that is?”
Hinalikan siya ni Rumple. “Love is enduring and forgiving. Love is understanding. Pero ang pinaka-best description? Love is you…”
Ibinalik rin naman ni Katrina ang halik kay Rumple. Niyakap nila ang isa’t isa. And in his arms, she already heard the sounds of a happily ever after.
THE END