Chapter 32

“YOU’RE going to be the most beautiful bride,” wika ni Nancy---isa sa mga staff sa fashion design company na pinagtatrabahuhan ni Katrina. Kasalukuyang isinusukat niya ang wedding gown niya na siya mismo ang nag-design at tumahi. Kakatapos lang niya noon kaya excited na pinasukat sa kanya. Isa si Nancy sa may alam ng tungkol roon kaya sinamahan siya nito sa pagsusukat.

Halos tatlong linggo rin niyang tinrabaho ang sarili niyang wedding gown. Simula nang pumayag siya sa marriage proposal ni Rumple, plinano na niya ang wedding gown.

Tuluyan na ngang bumigay si Katrina kay Rumple. Naniniwala na siya na higit pa sa gusto talaga ang nararamdaman ng lalaki sa kanya. Matalino ito. Alam na nito na hindi basta-basta ang salitang kasal. It means a lot to her.

Ilang linggo ngayon ay kasal na nila ni Rumple. Minadali nila ang pag-aasikaso dahil pareho silang excited. Ganoon rin si Rumina. Naipaliwanag na nila rito ang lahat at siguro, ito ang pinakamasaya sa lahat.

Her daughter is going to have a complete family. Kasama si Katrina sa pamilyang gusto ng anak niya.

Hindi pa man naririnig ni Katrina kay Rumple ang salitang mahal kita, sapat na sa kanya ang marriage proposal nito. Kampante na siya. Marriage is a serious thing. Ibig sabihin lang noon, seryoso ito sa kanya.

“Thank you…” wika ni Katrina kay Nancy. Maganda ang ngiti niya habang tinitignan rin ang sarili sa salamin. The gown fitted her perfectly. Bumagay rin sa kanya ang design. Everything is really doing fine.

“O, siya, hubarin mo na kaagad `yan. Nakalimutan ko na masama nga pala isukat ang wedding gown…”

“Ha?” Parang ngayon lang narinig iyon ni Katrina. Marami naman silang customer sa company na isinusukat muna ang wedding gown bago ang kasal. Pero natutuloy naman iyon.

“Oo. Kasabihan iyon ng matanda. Wala namang masama kung susunod kaya hubarin mo na,”

“Hmmm…” Nakaramdam ng takot si Katrina. Siyempre, ayaw niyang mangyari iyon. Sa tingin niya ay mahal na talaga niya si Rumple. Hindi naman siya magugulo kung wala siyang nararamdaman para rito. Ayaw niyang masaktan ulit.

Sinunod ni Katrina ang sabi ni Nancy. Maya-maya ay nag-ayos na siya. Oras na kasi ng uwian. Excited na rin siyang umuwi. Kanina ay tinawagan siya ni Rumple at sinabing nagluto ito ng dinner para sa kanila. Nakausap rin niya si Rumina. Excited na naman ito. Paborito kasi nito ang luto ng ama. Isa pa, gustong-gusto rin nito na magkakasama silang tatlo. Pero naiintindihan naman nito at ni Rumple ang trabaho niya. Bumabawi na lang siya sa mga ito dahil gusto rin naman niyang makasama ang mag-ama niya.

Kaya nga lang, sa halip na mapauwi nang maaga ay may dumagdag sa schedule ni Katrina. Pauwi na sana siya nang may isang taong nag-aabang sa kanya sa labas ng opisina. Nakilala naman niya kaagad ito. It was Daimen.

“I want to talk to you,” wika nito pagkatapos niyang tanungin kung ano ang ginagawa nito roon.

“Ahmm, yeah. Pero nagmamadali ako---“

“It’s important. And anyway, it will not take for a while,” tumingin ito sa coffee shop sa harap ng opisina niya. “Just a fifteen minute talk while having coffee…”

Pumayag na rin si Katrina. Habang nasa coffee shop ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Daimen.

“`Wag mong pakasalan si Rumple. Niloloko ka lang niya,”

“Hindi ikaw si Rumple. Bakit naman ako makikinig sa `yo?” Pinili ni Katrina na magpakatatag at magpakalma kahit sa totoo lang ay naguguluhan siya. Ano ang pakay ni Daimen? Oo, alam naman niya na hindi siya gusto ng pamilya ni Rumple. Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya dahil hindi naman niya pakikisamahan ito. After all, mukhang hindi naman close ang dalawa. Wala na rin ngayon ang Lolo ni Rumple na siyang malapit rito.

May inilabas si Daimen. It was a document---isang last will and testament. Binasa niya iyon. Tungkol iyon sa kompanyang pagmamay-ari ng Lolo ni Rumple. Nakalagay ang stipulation roon.

Mapupunta lang kay Rumple ang kompanya ng Lolo nito kung magkakaanak at pakakasalan nito ang ina ng anak nito.

Namutla si Katrina sa nabasa. Ibig sabihin ba noon ay pakakasalan lang siya ni Rumple dahil kailangan nito ang kompanya?

“Sa tingin ko ay naintindihan mo na…” Nakangising wika pa ni Daimen.

Napalunok lang si Katrina. Nanginginig ang buong katawan niya.

“Importante `di ba? Narinig ko kasi na pakakasalan ka na daw ni Rumple. At sa tingin ko, ito ang pinakadahilan kung bakit. Alam na niya ang tungkol rito…”

“Stop. Ayaw ko ng makarinig pa ng mula sa `yo.”

“But you have to, Katrina. Dapat kasi noong una pa lang ay hindi mo na ipinagsiksikan ang sarili mo sa isang kagaya niya. Hindi marunong magmahal si Rumple. Hindi ka niya mamahalin. Napakarami rin na dahilan kung bakit. Mahirap ka, mababang babae ka. Pero alam ko rin ang ginawa mo sa kanya. Niloko mo siya. Sinong seseryoso sa isang babaeng nanloko sa isang lalaki? Wala. Matalino ang pinsan ko. Hindi iyon magpapakatanga sa isang babaeng kagaya mo.”

Tumayo na si Katrina. She thinks she had enough. “Aalis na ako.”

“All right. No problem. After all, I’ve said my piece now. Ikaw na ang bahalang mamili kung magpapakatanga ka pa rin samantalang niloloko ka lang naman niya.” Iiling-iling na wika ni Daimen. “Poor you, Katrina. Dapat ay kinilala mo na si Rumple. Kinailangan niya ng anak noon para sa kompanya. Pero nabago ang will kaya nabago rin ang kapalaran mo. Ngayon ay kailangan ka na niya. Kailangan ka niya para magamit sa mga tusong pamamaraan niya…”

Umalis na nga si Katrina. Pero ang mga salita ni Daimen ay hindi maalis-alis sa utak niya. Ang bigat-bigat ng dibdib niya.

Parang tama nga si Nancy. May sumpa ang pagsusukat ng wedding gown. Mukhang sa mga nalaman niya ngayon ay nag-aalinlangan na siya kung itutuloy pa nga ba niya ang pagpapakasal sa taong mahal niya…

“OH GOD. You are so good, Babe…” Paungol pa na sabi ni Rumple kay Katrina habang minamasahe niya ito. It was Sunday and it was rest day. Nasa afternoon siesta ngayon si Rumina kaya sila lang dalawa ni Rumple ang magkasama. Day-off rin ng Yaya ng anak niya. Nasa kuwarto sila ng lalaki. Nagpresinta siya na masahihin ang likod nito.

Ngumiti si Katrina. Ginawa niya pa ang “best” niya para mas masarapan pa ang lalaki. She was already give her best shot when Rumple turned. Hinawakan siya nito at kiniliti. She giggled but she felt more tickled when his lips did the thing. Pinaulanan nito ng halik ang katawan niya.

“You’re so lovely, you’re so sweet, you’re everything…” wika ni Rumple pagkatapos siyang bigyan nang mainit na halik sa labi. “I’m so lucky to have you…”

“You and Rumina is more than enough for me…”

“Oh, yeah?” Ang laki ng ngisi sa labi ni Rumple. Hinalikan ulit siya ito at humiga sa tabi niya. Inilagay nito ang isang kamay sa balikat niya. Niyakap siya nito. “You’re being extra sweet these past few days…”

“Ayaw mo ba noon?” Tiningala ito ni Katrina. Totoo ang sinasabi ng lalaki. Nang mga nakaraang araw ay nagbigay siya ng extra-effort sa pamilya nila. Maaga siyang gumigising para ipagluto ang mga ito ng almusal. Sinisigurado rin niya na hindi lang iyon basta almusal. Masarap at espesyal iyon. Ganoon rin ang hapunan nila. Maaga siyang umuuwi para sa mag-ama niya. May mga araw nga na hindi siya pumapasok para mas makasama niya ang mga ito.

“Gusto ko. Gustong-gusto ko. Kaya lang, medyo nakakaramdam kasi ako ng kakaiba, eh.” Tumingin ito sa kanya. “May hihingiin ka ba?”

Natawa si Katrina. “Ano ba namang klaseng tanong `yan?”

“People are like that. Kapag may kailangan, nagpapalakas. So tell me, kung may kailangan ka kaya nagiging sweet ka nitong nakaraan…”

“Hmmm… yeah.” Diretsong tinignan ni Katrina ang mata ni Rumple. “Your heart…”

Napakurap si Rumple. Maya-maya ay namutla ito at bahagyang lumayo sa kanya.

Nakagat ni Katrina ang ibabang labi. Inaasahan na naman niya ito. Pero masakit pa rin pala na makita ang reaksyon ni Rumple.

Tama nga si Daimen. Papakasalan lang siya ni Rumple dahil sa kompanya. Hindi siya nito mahal. Hindi nito maibibigay sa kanya ang puso nito.

Mali na tumuloy pa rin na magpakasal si Katrina kay Rumple. Pero dahil gusto niya ang lalaki, tatanggapin niya ang desisyon nito. After all, malaki ang kasalanan niya rito. Dapat ay maging okay lang talaga sa kanya na gamitin nito.

For once, Katrina should be fair.

“I-I’m sorry. Siguro ay masyadong malaking ang hinihingi ko sa `yo. Hindi ko rin dapat sinabi iyon. Pero puwede pa rin ba akong magsalita? Puwede ba akong humiling?”

Naglihis ng tingin si Rumple. “Tell…”

“C-can we postpone the wedding?”

Doon tumingin ulit si Rumple. Madilim ang mukha nito. “Anong sinasabi mo?”

“Kailangan ko pa ng oras para iparamdam na karapat-dapat akong mahalin mo…”

Namutla ulit si Rumple. “Katrina…”

Kinagat ni Katrina ang ibabang labi. Naiiyak siya. “A-alam ko na ang lahat. Kinausap ako ni Daimen. Gusto mo lang akong pakasalan dahil sa kompanya…”

Kinuwento ni Katrina kay Rumple ang pag-uusap nila ng pinsan nito.

“I-I want to give Rumina the family that she wanted to.”

“Yeah. Kahit unfair iyon…”

Bumuntong-hininga si Rumple. “You have to understand that this is also not easy to me. I don’t do love. I was not even love by my own parents. How can I love someone else?”

“You love Rumina…”

“Yeah. Pero anak ko siya at---“

“Walang pinagkaiba iyon. Nagmamahal ka pa rin. Ang sabihin mo, hindi mo lang talaga ako kayang mahalin...”

Hindi nakapagsalita si Rumple. Hindi na rin naman gusto pang marinig ni Katrina. Lalo lang siyang masasaktan.

Ang tanging nagawa na lang rin naman ni Katrina ay ang mangako sa sarili na hindi siya susuko. Gagawin niya ang lahat para mahalin rin siya ni Rumple. Magiging maayos rin ang lahat sa kanilang dalawa.

“I’M SORRY to disturbed both of you…” Nahihiya man pero hindi papaawat na pang-iistorbo ni Rumple sa mga kaibigan. Nahihiya siya kay Wulfric dahil kahit gabi na at alam niyang mas kailangan ito ng asawang si Red na nasa huling stage na ng pagbubuntis nito ay pinili pa rin siya ng kaibigan. Ganoon rin ang kaibigan niyang si Warren. Abala ito sa trabaho, sa girlfriend at pati na rin sa mga pamangkin nito.

Kaya lang ang dalawa lang kaibigan ni Rumple. Wala siyang choice. Sa tingin kasi niya, kailangan niya ng makakasama. Gulong-gulo siya. Niyaya niya ang mga itong makipag-inuman.

Tinapik ni Wulfric ang balikat niya. “It’s okay. Para namang hindi kami nahihiya sa `yo `di ba? Sinalo mo ang mga trabaho namin sa nakaraang buwan. Ano ba naman itong kaunting pang-iistorbo,”

Ganoon rin naman ang sinabi ni Warren. “Ano bang problema? Tungkol ba ito sa anak mo?”

Tumawa si Wulfric. “Masyado ka na talagang namomroblema sa bata. Mahirap ba talaga ang mag-alaga ng mga bata at mas nauna mo pang isipin na iyon ang problema kaysa sa babae?”

“Yeah. Napakabait naman kasi ni Snow. Walang kaproblema-problema…” Ngisi-ngising wika ni Warren. Tumingin ito sa kanya. “Pero si Rumina nga ba talaga ang problema? You see, I’ve known her and---“

“She’s changed. Okay lang kami ng anak ko. It’s really the mother…”

“Anong problema? Akala ko ba ay okay na kayo. Excited na si Red sa kasal niyo…”

Bumuntong-hininga si Rumple. Ikinuwento niya rito ang totoong dahilan kung bakit niya niyayang magpakasal si Katrina: para sa kompanya.

“You couldn’t be that mad, Rumple…” Tatawa-tawa pa si Wulfric. Parang hindi ito makapaniwala.

“Yeah. Hindi rin ako makapaniwala. Aanhin mo pa ang kompanya ng Lolo mo? I believe, Charm Tech is better than it. We are international…”

“Oo. Pero ayaw kong makita na nasisira ang isang kompanya na minsan na pinaghirapan ko rin…”

Alam na ni Rumple ang totoong lagay ng kompanya. Hindi iyon maganda simula nang iwan niya. Delikado rin ngayon ang kompanya at may bali-balitang nalulugi na raw.

Kilala ni Rumple si Daimen. Ma-pride ito. Hindi siya nito hahayaan na makialam. Kaya kailangan niyang gawin ang nasa will: ang magkaanak at pakasalan ang ina ng anak niya.

“At ano? Ang gusto mo namang makita ay masira ang isang buhay ng babaeng dapat ay pinapahalagahan mo?”

“Masira ang buhay?”

“Being on a marriage without love. That would be very unfair to Katrina. Alam ba niya ang sitwasyon?”

“Iyon na nga ang problema ko. Nalaman niya.”

“At nagalit siya sa `yo…”

Umiling si Rumple. “That’s the funny part. Tanggap niya ang lahat. Pero may sinabi siya: hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko siya minamahal.”

“At ang problema mo?” Nakataas ang isang kilay na wika ni Warren.

“Nakokonsensya ako.”

“Then you have feelings for her,” wika naman ni Wulfric. “Nakokonsensya ka dahil pinapahalagahan mo ang feelings niya.”

Ngumiwi si Rumple. “Paano kung mabait lang naman pala ako kaya ganoon?”

Inikutan siya ng mata ni Warren. “Sa ating lima, ikaw ang pinaka-least na masasabihan ng mabait. You are ruthless…”

“I just don’t know what to think anymore…” wika ni Rumple saka diretsong nilagok ang baso niya ng alak.

Tinapik ni Wulfric ang balikat niya. “Just admit your feelings for her.”

“I like her.”

“Just that?” Nakataas ang isang kilay na pangungulit ni Warren.

“Mahalaga siya sa akin. Ina siya ng anak ko.”

“Paano kung may ibang lalaki ang magkagusto sa kanya? Okay lang ba sa `yo?”

Tumiim ang bagang ni Rumple. Naalala niya si Arman. Hinawakan niya ang baso ng alak. Inis na inis siya kaya napahigpit ang hawak niya roon na sa huli ay ikinasira noon.

Tumawa si Warren. Nakipag-high five ito kay Wulfric na sa halip na maawa sa sitwasyon niya. Nabubog na siya pero ang mga kaibigan niya ay naggawa pang maglokohan? Unbelievable!

Inangilan niya ang dalawa. “What’s wrong with the both of you?”

Ngumisi si Warren. “Hindi mo lang siya gusto. Mahal mo rin siya. Ayaw mo nang may lalaking magkakagusto sa kanya.”

“Hindi puwedeng magka-step father si Rumina!” Naghahanap pa rin ng palusot si Rumple kahit sa totoo lang ay pinagpapawisan na siya. Pakiramdam niya ay may point si Warren. Pero ang hirap aminin. Magulo ang nararamdaman niya.

Nagkibit-balikat si Wulfric. Tumayo ito. “Well, kung iyon lang naman pala ang dahilan kung bakit naiinis ka, mabuti pang umalis na kami ni Warren. We are wasting our time here. Hindi ka rin naman aamin ng totoong nararamdaman mo…”

Pinaningkitan niya ng mata ang dalawa. “Tumigil ka. Kailangan ko kayo dito. Damayan niyo ako.”

“Pero hindi ka nakikinig sa amin.”

“Because that is stupidity! Paano ko mamahalin ang isang taong sinaktan at naging unfair sa akin?”

Ngumisi si Wulfric. “Ganyan rin ako kay Red dati. Ayaw kong aminin na mahal ko siya dahil sinira niya ang pamilya ko. But just like Andy’s words to me, walang batas ang pagmamahal…”

Sandaling natigilan si Rumple.

Nagpatuloy si Wulfric. “Many people told me that I am very stupid to love and marry Red. Pero sa tingin ko, mas tanga ako kung hindi ko siya mamahalin. Mas sasaktan ko ang sarili ko kung hindi ako aamin. Mas masasaktan ako kapag alam kong masasaktan rin siya…”

Napalunok si Rumple. “K-kapag ba ayaw mong masaktan ang isang tao, ibig sabihin noon ay mahal mo siya?”

Tumango si Wulfric.

“S-so mahal ko si Katrina…”

Ngumiti si Wulfric. “How does it feel to say those words?”

Matagal na napatitig lang si Rumple sa kaibigan. Maya-maya ay napangiti siya. “It’s good. It felt nice…”

Ngumiti rin si Wulfric. “Then you really love her.”

Ngumisi naman si Warren. “Okay rin pala itong si Wulfric `no? Tamang-tama na inistorbo mo. Based on experience ang sagot.”

“Oo. Pero pina-realize lang naman sa akin ni Andy ang lahat. Love is beautiful. It’s enduring and forgiving. `Wag kang matakot na aminin na in love ka. Sabihin man ng mga tao na tanga ka para magmahal ng taong niloko ka, hindi ka naman sila. They don’t have the right to judge. They don’t know what you feel towards that person. They don’t know what really a girl is doing to your system. Ang tanging pakinggan mo lang ay ang sarili mo, Rumple. Ikaw ang nakakaramdam kaya ikaw lang ang makakasagot kung ano nga ba talaga ang tamang gawin…”

Lalong lumawak ang ngiti ni Rumple. “Salamat. I feel better now.”

“So uwian na?” Ngising-ngisi si Wulfric. Parang excited na excited ito.

Umungol si Warren. “Maya-maya. Na-miss ko rin na makipag-bonding sa inyo. Takas muna ako sa mga bata ngayon…”

“Hindi mo ba mami-miss si Snow?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Rumple.

Ngumisi si Warren. “We can always have the time when the kids are asleep…”

Napailing-iling na lang sila Wulfric at Rumple. Pinagbigyan nila ang gusto na ngayon. Nag-inom sila. Pero ngayon ay hindi na dahil sa problema niya. It was for them to celebrate.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.