Chapter 23

DALAWANG araw ang nakalipas bago nakapagpakita kay Ali si Eric. Masaya ito sa nabalitaan tungkol sa kanya pero hindi kaagad siya nito napagbigyan sa gusto. Ayon rito, may importanteng ginagawa raw ito.

“Its about Jasmine. Kung nakakaalala ka na, maiintindihan mo kung bakit kailangan kong unahan ito kaysa sa `yo, bro.” Sagot ni Ali nang magkita sila ay tanungin niya kung bakit ngayon lamang ito nakipagkita. Sa opisina pa nito sa may Makati rin naman sila nagpakita. Abala si Cindy at mga magulang niya kaya hindi na rin niya inabala pa ang mga ito para magpasama. Si Ursula, dahil parang gusto pang hulihin lalo ang loob niya ay sumama sa kanya. Nagpahatid si Eric sa driver nila patungo sa opisina ng kaibigan. Pero nang makarating pa lamang sa building ay nag-inarte na si Ursula. Nakakita ito ng Starbucks sa ibaba ng building at sinabing mananatili na lang raw roon habang nag-uusap sila ni Ali. Hindi nito alam kung ano ang pag-uusapan nila ng kaibigan kaya siguro wala itong gana.

Pabor kay Eric iyon. Hangga’t maari, ayaw niyang makiaalam si Ursula sa kanyang nakaraan.

“Ah, okay.” Baka babae niya si Jasmine, naiisip-isip ni Eric. Mukha kasing inspired ang lalaki. May ningning ang mata nito.

“Anyway, masaya ako na makita ka muli, Eric. I got really worried about you. Pero ang sabi ni Cindy ay kakaunti pa lang rin raw ang naalala mo.”

“Yes. That’s why I went here. Cindy said you are a close friend of mine.”

Tumango ito. “And?”

“Dahil diyan, may gusto akong itanong sa `yo. M-may girlfriend ba ako? I mean, secret girlfriend? O secret love? I have this feeling I am finding someone. Ang clue sa panaginip ko ay babae mula sa deaf and mute association...”

Umiling si Ali. “Wala akong kilala na naging girlfriend mo. Hindi ka mahilig sa babae. Isang beses lang kita na nakitang may kasamang babae...”

“Who is she? Pinakilala ko ba siya sa `yo?”

Tumango si Ali. Pero bago pa ito makapagsalita muli ay tumunog ang telepono. Sinagot muna nito iyon at napakunot ang noo.

“May kasama ka bang babae kanina?” tanong ni Ali, hawak-hawak pa rin ang telepono.

“Oo. Si Ursula. May problema ba?”

“She’s in trouble. May lalaki raw na nag-eeskandalo sa baba dahil sa kanya.” Imporma ni Ali. Naputol ang usapan. Sabay silang napababa ng kaibigan para makita si Ursula na hawak-hawak ng isang lalaki.

“Paano mo naggawa sa akin ito, Ursula? I gave everything to you!” galit na galit ang lalaki. Mukhang maayos pa naman ang lalaki sa suot nitong suit and tie. Mukhang kilala rin nito si Ursula.

Pero paano? Kabilang ba sa mundo nila ang babae na ito? May relasyon ba ito at ang lalaki na iyon?

Nakatalikod si Ursula kaya hindi sila nito nakita at ni Ali. “You gave everything to me? Sinong niloko mo? You can’t give your name to me, Tristan! Tama lang naman siguro na mapagod rin ako sa `yo.”

Lalong humigpit ang hawak ng naka-suit na lalaki. Namumula ang mukha nito, galit na galit. Parang anumang oras ay masasampal nito si Ursula. Doon na lumapit si Eric.

“Anong mayroon rito, Ursula?”

Pinatigil niya ang lalaki mula sa pagkakahawak sa babae. Kaagad na nagtago sa likod niya si Ursula. “Eric...”

Tumingin si Eric kay Ursula. “Kilala mo ba siya?”

Umiling si Ursula. Nagtagis ang bagang ni Eric. Nagsisinungaling ang babae! Nahuli niya ito sa pakikipag-usap sa lalaki at mukha namang magkakilala ang dalawa. Tama lang talaga na maging masama ang pakiramdam niya kay Ursula. Hindi niya ito mapapagkatiwalaan.

Ang lalaki na ang hinarap ni Eric. “Sino ka sa buhay ni Ursula?”

“This is so absurd to talk in public. Pero masama talaga ang loob ko kaya kailangan ko na rin na sabihin. Tatlong buwan na nagtago sa akin ang babaeng ito! Ursula is my lover...”

“I see.” Walang emosyon na wika ni Eric. Huli ng nagsisinungaling si Ursula sa kanya. “You can have her again.”

“What?!” namumula ang mukha ni Ursula sa galit. “Basta-basta mo na lang ako ipapamigay, Eric? I am your girlfriend! Ipinakilala mo pa ako sa pamilya mo.”

“Wala akong girlfriend na nagsisinungaling.” Masama na kung masama dahil ginamit lamang niya si Ursula. Pero ramdam niya na may kasalanan rin ito sa kanya. Niloko siya nito dahil hindi nito sinabi na may karelasyon rin ito.

Tinalukuran ni Eric si Ursula. Tinawag siya nito pero hindi niya ito pinansin. Bahala na ito sa buhay nito.

Hinawakan ni Ali ang balikat ni Eric. “Ursula? Your girlfriend?”

“Its just a fraud. Mahabang kuwento.”

Namimilog ang mata ni Ali. “Alam mo ba ang origin ng pangalan mo, Eric?”

Naisip ni Eric ang naiisip ni Ali. “Yeah. What a coincidence.”

“At coincidence rin na ang babaeng sinasabi ko sa `yo ay Ariel ang pangalan...”

Lumakas ang kabog ng puso ni Eric sa pagkakarinig pa lamang ng pangalan ni Ariel. Oh how he missed Ariel! At ngayon, coincidence rin ba na ang babaeng mukhang espesyal sa kanya ay kapangalan nito? May namuhay na saya at pag-asa kay Eric sa nalaman. Hindi common na pangalan ang Ariel. Pero kasabay rin noon ay ang pananakit rin ng kanyang ulo. Naramdaman niya kaagad na iba iyon kaysa sa mga dating pananakit. Hinawakan niya kaagad si Ali. Pakiramdam niya ay matutumba siya. Napapikit siya at hindi na maggawang mabuksan muli ang mga mata...

TAHIMIK ang buhay ni Ariel sa Alonia at nagulo lamang iyon nang dumating si Eric at nanatili roon ng ilang buwan. Pero ngayon, kahit mahigit isang linggo ng wala ang lalaki ay magulo pa rin ang kanya. Naliligalig siya. Hindi siya makapagtrabaho, makakain at makatulog nang maayos. May isang bahagi ng puso niya ang nag-aalala. Malaking bahagi ang nasasaktan.

Kumusta na ba si Eric? Tinaboy niya man ito sa huli nilang pag-uusap ay hindi pa rin siya mapakali. Natagpuan na kaya nito ang pamilya? Maayos na ba ito? Nakakaalala na kaya ito? At ang higit sa lahat, gaano man niya itanggi na ayaw na niyang mangyari dahil gusto na niyang matahimik muli: totohanin ba nito ang pangako sa kabila ng pagtanggi niya rito? Babalikan ba siya nito?

Napakaraming tanong sa isip ni Ariel. Pero lahat ng iyon ay bumababa lamang sa isa: tungkol kay Eric. Nami-miss na niya ang lalaki.

“Hindi dapat...” iiling-iling na wika ni Ariel. Naiiyak na siya. Gaano man niya itanggi, nanatili pa rin si Eric sa kanyang puso. Nang gabi ng sayawan, naging napakarami man ng sumayaw sa kanya at mga pumunta pa ng bahay kinabukasan at sa mga sumunod na araw ay walang nakapagpaligalig sa kanya. Gaano rin siya kahit binubuyo na ni Tatay Ruben ang mga ito sa kanya. Marami rin naman ang makikisig at may mga pinag-aralan pero wala talagang mapili si Ariel.

Tanging si Eric lang ang nakikita at kinikilala ng puso ni Ariel.

Kinalma ni Ariel ang sarili. Nagpipinta na naman siya sa kubo. Wala pa siyang natatapos. Ipinikit niya ang mga mata. Huminga siya nang malalim. Hinayaan niyang mapuno ng sariwang hangin ang kanyang katawan. Kailangan niya na maging maayos. Kailangan na niyang maka-move on. Bahagyang naging maayos ang maligalig niyang sarili.

Hanggang sa magmulat siya ng mga mata at makakita ng puti at magandang yate na papunta sa pampang `di kalayuan sa kanyang kubo. Ilang buwan rin na hindi niya nakita ang bumibisita ang yate na iyon na naging inspirasyon niya sa isang obra niya.

Hindi masigurado ni Ariel kung mapapangiti o ano. Buti pa ang yate na ito, paulit-ulit na bumabalik. Ngumiti na lamang si Ariel. Kailangan niya na maging positibo kahit kaunti. Ang buhay ng isang tao ay hindi palaging kagaya ng kanya: bigo.

Wala sila sa Disney, naisip ni Ariel. Ang Disney ang nagpakita na maganda ang naging happily ever after ni Ariel sa kuwentong Little Mermaid. Pero ang totoo ay hindi naman talaga happy ending ang original na kuwento. Naisip-isip ni Ariel na siguro nga, hinango ang buhay niya sa original na kuwento ng Little Mermaid. Wala siyang happy ending. Hindi rin sila magkakatuluyan ng prinsipe na iniligtas niya.

Pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Ariel nang hindi kagaya noon ang nangyari sa yate. Lumapit ang yate sa dalampasigan. Lumakas ang tibok niya, lalo na nang makilala ang lalaki na nasa loob at kumakaway.

“E-Eric...” naiusal ni Ariel. Si Eric ang kumakaway at parating. Tinupad nito ang pangako sa kabila ng kanyang pagtanggi. Binalikan siya nito!

Malamang ay nirentahan nito ang yate na dating pabalik-balik na tinatanaw ang isla.

Hindi makagalaw si Ariel sa kinatatayuan. Kahit nakababa na ng yate si Eric at nakalapit na sa kanya ay tulala pa rin siya. Hindi siya makapaniwala.

“Hey,” napakaganda ng ngiti ng lalaki. Napakalinis rin na tignan nito ngayon sa puting three fourths na polo shirt at itim na pantalon. Ngayon ay hindi na lang si Eric ang bumalik. Bumalik rin ang Eric na nakilala niya noon---ang kung ano ito sa pampisikal. Nanatili rin naman itong makisig sa kabila ng pamumuhay sa Alonia ng ilang buwan. Pero ngayon, ibang-iba na ito. Naroroon rin sa mata ni Eric ang kislap. Mukhang nakabuti rito ang pagpunta sa Maynila.

“Hi...” nahihiyang sagot niya. “Anong ginagawa mo rito? Bakit?”

Natawa si Eric. “Ano bang klaseng tanong `yan? Sinabi ko na sa `yo na babalikan kita `di ba?”

Umiling si Ariel. “Hindi ako naniwala.”

Tumango si Eric. “Kaya nga pinapatunayan ko ngayon. Bigyan mo ako ng pagkakataon, Ariel.”

“Si Ursula---“

“Wala na kami ni Ursula. Bumalik na rin siya sa lover niya. At ang nangyari sa amin, wala naman ang lahat ng iyon. Naisip ko lamang na gawin siyang pain para makaalis ako sa isla at maging buo ako. Kailangan ko na mahanap ang pamilya ko. Though alam ko na nasa isla na ito ang mas makakapagpabuo sa akin...” kinuha ni Eric ang kamay niya.

Sinalubong ni Ariel ang mata ni Eric. Malakas ang tibok ng puso niya. Pero tama ba iyon? Tama ba na bigyan niya ng pagkakataon si Eric?

Gusto ng puso ni Ariel. Pero iyon ba ang tama? Ngayong nakabalik na ito sa buhay nito, dapat ay hindi na. Hindi siya parte ng mundo nito. Hindi magiging kailanman.

Gusto man na panaigin ni Ariel ang puso, mas pinakinggan niya ang isip. Minsan kasing pinairal niya iyon ay nasaktan lamang siya.

Kinuha ni Ariel ang kamay. “I-I’m sorry...”

“Ariel...?” bumakas ang lungkot sa mukha ni Eric.

Umiling si Ariel. “Tigilan mo na ako, Eric.”

Napakurap si Eric. “Hindi mo talaga ako gusto.”

Hindi nagsalita si Ariel. Sinusubukan niyang iparamdam rito iyon. Tinanggihan niya ang lalaki sa maraming beses na kagustuhan nitong makipaglapit sa kanya. Malamang ay naniniwala nga ito roon. Dapat ito na maniwala roon. Hindi puwedeng hayaan ni Ariel na magulo ang buhay niya dahil sa malaking pagkakaiba nila ng lalaki.

Kahit masakit para sa kanya na hindi ipakita. Kahit lihim lamang ang lahat...

Kailangan na sumuko ni Eric para sa ikapapanatag ng buhay ni Ariel. Ganoon ang inaasahan niya na gagawin nito. Tama na ang minsan. Nasaktan na rin naman siya.

“Nasasabi at nararamdaman mo lang `yan dahil hindi ko naggawang iparamdam sa `yo ang nararamdaman ko sa mga nakalipas na buwan. Hindi ko naggawang makapagpakilala nang ayos, ang makalapit pa sa `yo dahil kay Ursula. Pero hindi na ngayon. Wala na siya. Alam ko na rin ang pagkatao ko. Ngayon ay maayos ko ng magagawa ang pakay ko sa `yo. Kung kailangan kong dumaan sa tradisyon ng panliligaw, gagawin ko. I really like you. I’m crazy about you. And I will do everything to make you have the same feelings, too.” Puno ng determinasyon na wika ni Eric.

Nayanig ang mundo ni Ariel.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.