TINANGHALI ng gising si Ariel. Naging mahirap kasi para sa kanya ang makatulog kagabi. Pinuno ni Eric ang isip niya. Nag-aalala rin siya rito. Sa yate nito ito natulog kahit na ba marami naman ang nagpapatuloy rito. Paano kung delikado ang matulog sa yate? Malalakas ang alon sa gabi. Baka madala ito.
Ilang beses rin na sinilip ni Ariel si Eric. Pero hanggang silip lamang iyon. Ayaw niyang maramdaman nito na pinapahalagahan niya ito. Hindi niya gustong umasa si Eric. Naniniwala pa rin siya na walang bukas para sa kanila na magkaiba ang mundo. Kailangan niyang pasukuin ang lalaki.
Pagkalabas ng kuwarto ni Ariel, nakaramdam na kaagad siya ng kakaiba. Parang napakaaliwalas ng bahay. Nakita naman kaagad ni Ariel kung bakit. Malinis ang bahay at may magaganda rin na bulaklak na nakalagay sa plorera sa sala. Bakit mayroong ganoon? Hindi sweet ang kanyang Tatay Ruben para bigyan nito ang kanyang Nanay Alicia.
Nakangiti siyang binati ni Nanay Alicia nang makita. “Mukhang naging napakaganda ng gising ng anak ko, ah. Tamang-tama sa ganda ng bahay.”
“Bakit nga po ba maganda ang bahay?”
Kumindat ang ina. “Eh sa maganda ang anak ko, eh.” Hinawakan pa ng ina ang mukha niya. “Kain na, Anak. Ang sarap ng luto ni Eric!”
“Nanay...” So si Eric ang may kagagawan ng lahat.
Ngumiti lang ang Nanay at pinagsilbihan siya. Mukhang wala na ang sama ng pakiramdam nito samantalang kahapon ay ilang beses itong dumadaing ng pananakit ng kasu-kasuan. Masaya ito. Gusto ba nito si Eric para sa kanya?
Pero ayaw pakaisipin iyon ni Ariel. Buo na ang desisyon niya sa kanyang isip.
Pero hindi sa puso.
Kumain na lamang si Ariel. Kagaya ng sinabi ni Nanay Alicia, masarap nga ang pagkain. Pero hindi pa rin iyon sapat para maging maganda ang mood niya. Iniisip kasi niya na hindi rin naman magtatagal iyon dahil hindi rin niya mapapagbigyan si Eric.
Pagkatapos ni Ariel sa pagkain ay inihanda na niya ang sarili sa pagpunta sa kubo para magtrabaho. Hindi dahil nandiyan si Eric ay kailangan na tumigil ng mundo niya kahit parang literal na tumitigil iyon kapag nagkikita sila. Hindi siya mabubuhay sa pag-e-entertain sa lalaki na alam niyang wala rin naman na patutunguhan. Pero habang ginagawa ay doon lang siya nakarinig ng ingay sa labas. May nagsisibak ng kahoy. Napakunot ang noo niya dahil ayon sa kanyang Nanay ay nasa bahay ni Pinunong Manuel si Tatay Ruben. Maya-maya pa raw babalik. Wala naman na mahilig magsibak ng kahoy sa tabi nila kung hindi ito lamang. Pinakain ni Ariel ang kuryosidad niya para lamang magulat.
It was Eric!
“A-anong ginagawa mo?” sa pagkakataon na iyon ay hindi na naiwasan ni Ariel na hindi sitahin ang lalaki. Napakalakas ng kabog ng puso niya sa pagkakita pa lamang rito. Nang mapatitig rin siya ay tila lalabas na iyon sa kanyang puso. Paano ay wala itong damit habang nagsisibak at naeeskandalo na naman siya sa napakagandang katawan nito.
Tumigil si Eric. Mahahalatang pagod pero nang makita siya ay nagningning ang mga mata nito. Naging napakaganda rin ng ngiti nito na nakapagpatunaw naman ngayon sa puso ni Ariel.
“Good morning,” bati muna nito sa kanya. “Tumutulong ako sa pamilya mo. `Di ba ganoon dapat ang ginagawa ng manliligaw?”
“Eric...”
“I’m determined, beauty. Sinabi ko na naman sa `yo `di ba?”
Tumalon ang puso niya. Beauty. Ni hindi pa nga siya nakakapag-ayos ng sarili, naggawa na siyang tawagin ni Eric noon. Ganoon ba talaga siya kaganda?
Huminga nang malalim si Ariel. “Na-appreciate ko naman iyon. Pero sana maintindihan mo na magkaiba tayo ng mundo, Eric.”
“Kaya ko nga ginagawan ng paraan `di ba? Kaya ako bumalik rito. Pumapasok ako sa mundo mo.”
Umiling si Ariel. “Kaya mo ba na magtagal rito?”
Lumapit sa kanya si Eric. “H-hindi ko masasabi. But if it what it takes to have you, I will do my very best.”
Napakurap si Ariel. Natigilan siya. Tila napaka-sincere ng sinabing iyon ng binata. Nagkaroon ng kasiyahan sa puso niya. Isang lalaking ipagpapalit ang marangyang buhay nito kasama siya. Sa simpleng pamumuhay na mayroon siya ay makikisama ito para sa kanya.
Anong mayroon kay Ariel at nagkaroon siya ng ganoong klaseng admirer? Wala naman silang masyadong pinagsamahan para mahulog ang loob ang lalaki sa kanya ng ganoon.
Pero ganoon ka rin naman `di ba? Kahit wala kayong masyadong ginagawa ni Eric at sandali lang ang mga naging moments niyo sa Maynila, nanatili pa rin siya sa puso mo.
Nakaka-amuse talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig.
Ngumisi si Eric. “Alam mo ba na ang mga pagtulala mo na `yan sa mga sinasabi ko ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako? It just means something. Kung determinado ka talaga na layuan ako, you wouldn’t be that affected to me.”
Hindi nakapagsalita si Ariel. Namula pa siya bagay para lalo lamang matukso ni Eric.
“You look lovelier when you blush...”
“Natutunan mo na rin ba sa pagbalik mo sa Maynila ang mambola?”
Ngumiti si Eric. “Marami pa akong matutunan at libre ako na i-share sa `yo ang lahat ng iyon.”
“Teka, paraan mo ba ito para lalo pang makipagkilala sa akin?”
“Kung ganoon ang nasa isip mo.”
“Hindi ako interesting na tao. Boring ako---“
“But the way I feel whenever I see you is interesting.”
Tumalon na naman ang puso ni Ariel sa sinabing iyon ng lalaki.
“Just give me a chance, Ariel. One week. Kapag wala ka pa rin talagang naramdaman sa akin for one week, titigil na ako.” Pagkokompromiso ni Eric.
Lugi yata si Ariel roon. Hindi titigil si Eric dahil alam ni Ariel sa loob-loob niya na hindi pa man ito nakakapagsimula ay may nararamdaman na siya para rito.
PINAGBIGYAN ni Ariel si Eric. Tutal, wala naman itong balak talaga na tigilan siya. Mukhang okay naman kay Nanay Alicia ang pagbibigay niya ng pagkakataon sa lalaki. Pero mukhang hindi kay Tatay Ruben. Hindi kasi siya nito binubuyo kay Eric hindi kagaya ng mga lalaki sa sayawan. Tahimik lamang ito kapag nakikita ang lalaki o kaya ay kapag nasa bahay ito.
Sa pangalawang araw ng isang linggo na ibinigay ni Ariel kay Eric ay niyaya siya nito na gumala. Gagamitin raw nila ang yate na nirentahan nito.
“If its okay to you, of course.” Pagpapaalam nito sa kanya.
Hindi naman nag-alinlangan si Ariel. Hindi naman kasi nakakaabala sa kanya. Sa tuwing oras ng trabaho niya ay hindi siya sinusundan ni Eric. Nagpapakita lamang ito sa kanya kapag tapos na iyon, gaya ngayong hapon. Mag-aalas singko na ng makauwi siya.
“O-okay lang.”
“Great!” masayang wika ni Eric. Inalalayan siya nito pasakay sa yate. Iyon ang unang beses niya kaya namangha siya sa ganda noon. May sariling kapitan ang yate kaya libre si Eric na samahan lamang siya sa pag-andar ng yate.
“Mabuti at saulo ng kapitan itong lugar.”
Nagkibit-balikat si Eric. “Iyon lang ang ginagawa namin kapag tapos na ako sa panunulungan sa inyo.”
Sa mga nakalipas na araw ay ganoon nga ang ginagawa ni Eric. Tumutulong ito sa paglilinis ng bahay nila, nagsisibak ng kahoy at sa pagkakaalam niya ay minsan na sinamahan nito si Tatay Ruben na mangisda para tumulong. Para itong ang tradisyonal na manliligaw na Pilipino. Hindi lang siya ang nililigawan nito, ganoon rin ang kanyang pamilya. Aliw na aliw rito si Nanay Alicia.
Hindi nagkomento si Ariel. Hindi na rin naman nagsalita si Eric. Nasa sampung minuto silang tahimik lamang. Pareho silang nasa deck ng yate at nakatingin sa napakagandang paligid. Napakamaaliwalas ng puso ni Ariel. Payapang-payapa. Madalas naman na nararamdaman niya iyon kapag napapatingin siya sa magandang lugar nila. Pero ngayon, may kasamang contentment rin ang kapayapaan na iyon.
And she knew it was all because of Eric.
Nagsalita lamang si Eric nang makita na palubog na ang araw. Pinatigil nito ang kapitan sa may pinakamagandang spot. Kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya.
“C-can I hold your hand, Ariel?”
“Hmmm...”
“I know masyadong mabilis. But I want to spend the end of this day that I feel really close to you.”
Isang linggo lang ito. Puwede ko naman sigurong pagbigyan ang sarili ko.... bulong ng isang bahagi ng isip ni Ariel. Pinakinggan niya iyon. Ibinigay niya kay Eric ang kamay.
Parehong nagkaroon ng magandang ngiti sa labi nilang dalawa. At si Ariel...mas lalo pang naging kontento ang damdamin. Now, she feels complete.
Nakakatakot ang pakiramdam. Gusto niya iyon dahil alam niya sa sarili na may nararamdaman siya kay Eric. Pero alam rin niya na hindi magtatagal ay kailangan na mawala ng kanyang gusto. Makakahanap ba sila ng paraan para sa kanilang magkabilang mundo? Hanggang ngayon ay naalala pa rin niya ang sinabi ng Lolo ni Eric. She will not be a part of their world...
Paulit-ulit na lang na ganoon kaya lalo lamang nasasaktan si Ariel. Ginusto niya na i-spare ang sarili sa sakit pero hindi naman niya mapigilan ang kanyang puso.
“Sunset is really beautiful.” Wika ni Eric habang ngayon ay nakatingin na sa sunset. Kapagkuwan ay tumingin naman ito sa kanya. “But you know what makes it more beautiful for me today?”
“Sadyang magaganda ang sunset rito sa Palawan...” pagbibigay impormasyon niya sa lalaki.
Umiling si Eric. “Para sa akin, pare-pareho lamang naman ang sunset. May araw, maganda ang kulay. But its more beautiful to me now because I’ve shared watching a beautiful scenery with a beautiful woman...”
Of course, namula si Ariel. Gusto niyang sabihin na pambobola lang naman iyon pero lahat naman yata ng mga salita galing kay Eric ay kinakikiligan niya. Presensiya pa lang nito ay malakas na ang tama niya.
Gaano man niya itanggi, maapektuhan at maapektuhan talaga siya kay Eric. Pero hindi niya kayang iwanan ang buhay na kinasanayan niya para sa lalaki. Sa isipin na iyon, inisip niya na hindi naman siguro ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Kung mahal niya ito, makakaya niyang tiisin ang lahat.
Pero hindi niya kaya. O hindi lang niya gustong aminin sa sarili niya. Natatakot siya dahil alam niyang sa kanilang dalawa, siya ang pinakakailangan na magsakripisyo.
BIHIRANG mag-ayos si Ariel ng sarili. Pero ngayong gabi ay sinigurado niya na maayos na maayos siya. Ito na ang ika-pitong araw ng pagbibigay niya ng pagkakataon kay Eric. Hindi niya alam kung ano ang plano ng lalaki para ngayong gabi pero sa bawat araw na nakalipas ay pakiramdam niya ay nagbabago ang isip niya. May pakiramdam rin siya na hindi na niya kayang malayo pa rito. Sinasabi niya na kaya siguro ganoon na lang siya kaarte ngayon ay dahil gusto niya na sulutin ang huling araw.
Pero hindi. Parang may gusto siyang patunayan. May kailangan siyang patunayan...
Naging mabilis ang isang linggo para magbago ang akala niya ay determinado na niyang isip. Pero ang pagugugol noon kasama si Eric at paggawa ng maraming aktibidad kasama ito ay nakapagpabago ng kanyang isip...
Walang schedule ang trabaho ni Ariel. Kung kailan lamang niya feel magpinta, doon lang siya nagtatrabaho. Kaya naman walang kuwenta ang holidays sa kanya. Kahit ang weekends ay parang balewala rin. Pero nang sumapit ang Linggo ay pinagpahinga siya ni Nanay Ursula. Naikuwento niya kasi rito ang tungkol sa hindi niya maggawang makatapos ng obra. Ayon rito, baka kaya ganoon ay kailangan niya na mag-unwind.
Iyon rin ang nasa isip ni Ariel. Kailangan niya na mag-relax dahil sa totoo lang ay nakokonsensya siya na nagtatrabaho pa rin habang parang sinisentensyahan siya. Isang linggo na lamang niya na makakasama si Eric. She should make the most out of it. Hindi siya nagtrabaho ng Linggo at inasikaso si Eric. Nagyaya ito na mag-caving sila sa isa rin sa sikat na cave sa Palawan.
Iisang beses pa lamang nakakapasok si Ariel sa kuweba. Noong una kasi niyang naggawa iyon ay ilang beses siyang nagkaroon ng sugat. Mahina siya. Ilang beses siyang nadapa at nadulas. Hindi na rin sana niya gustong umulit pero nang makita niya ang ningning sa mata ni Eric habang niyaya siya ay napasunod siya. Sabi nga nila, conquer your fear. Isa pa, kung masasaktan man siya, alam naman niya na nandiyan lamang si Eric para protektahan siya.
Hindi naman nabigo si Ariel sa kanyang pag-asa. Paano, nakaka-isang daang metro pa lamang sila sa kuweba ay natisod na siya. Nagkaroon ng sugat ang kanyang paa pero maliit lang iyon makakaya pa rin niyang maglakad sa kabila noon. Pero hindi ganoon ang nasa isip ni Eric.
Bahagyang umupo ang lalaki at tinapik ang likod nito. “I’ll carry you.”
“Ha? Kaya ko naman.” Nalagyan na ng benda ang sugat niya.
Umiling ito. “Masasaktan ka kapag pinilit mo pa na maglakad.”
“Hindi nga. Kaya ko nga at---“
Naputol ang pagsasalita ni Ariel nang nag-iba ng puwesto si Eric. Tumayo ito at hinawakan siya. He scooped her in his arms. Nahigit niya ang hininga sa gulat.
“Eric...”
“That feels better.” Ang laki pa ng ngiti ng lalaki.
“Mahihirapan ka. Mahaba pa raw ang cave sabi ng tourist guide.”
“Kayang-kaya kita. You’re just light as a feather, you know. And I like this set-up. Nakakaaliw ang bilis ng tibok ng puso ko.” Kinindatan pa siya ni Eric pagkatapos.
Namula si Ariel. Pareho kasi sila ng nararamdaman.
Nanunudyo ang tingin ng tourist guide. “Nararamdaman ko, Sir, malapit ka ng sagutin ni Ma’am.”
“Dahil diyan, bibigyan kita ng tip,” kinindatan rin ni Eric ang lalaking tourist guide.
“Ayun naman. Saka bagay kayo.”
“Sige, lalakihan ko rin.” Dagdag pa ni Eric.
Tumawa ang tourist guide. “Abuso na yata pero totoo talaga, Sir. Guwapo at maganda. Naks!” tumingin ang tourist guide kay Ariel. “`Wag na kayo pakipot, Ma’am. Saka para rin sa inyo `yan. Mahirap nga ang maglakad ng may sugat. Lalo na mamaya. May parte kasi ng cave na baha. Baka maimpeksyon pa ang sugat niyo. Mahirap na.”
Wala na rin naggawa si Ariel. In-enjoy na naman niya ang damdamin. Hindi naman nakakapagsisisi. Nag-enjoy rin siya. Masikip rin kasi ang cave kaya naman dikit na dikit siya sa katawan ng lalaki. Sa mga sandaling iyon, iisa lamang ang nasa isip ni Ariel. She could stay in those arms forever...
Hindi lang ang kuweba ang dahilan kung bakit parang gusto na magpalit ng desisyon ni Ariel. Iyon ay dahil na rin sa araw-araw na presensiya ni Eric. Kapag nakikita niya ito ay masaya na siya. Presensiya lamang nito ay sapat na. At iyon nga, kapag nagkakasama sila, nagkakadikit sila ay parang ayaw na niyang mawalay rito.
Makasama lamang ni Ariel si Eric ay kontentong-kontento na siya. Sa mga nakalipas pa na araw ay madalas rin sila na nagkakasama sa gabi. Magsisindi si Eric ng apoy sa tabing dagat at doon ay sabay nilang panonoorin ang dagat at mga bituin sa gabi. Minsan pa nga ay nag-ihaw sila roon ng marshmallows. Kinain nila iyon roon.
Wala silang masyadong napapag-usapan ni Eric sa nakalipas na linggo. Parang ang tangi lamang nilang ginagawa ay pakiramdaman ang damdamin sa isa’t isa. And it felt really good. Nakatulong rin ang hindi na pag-iisip pa ni Ariel tungkol sa bukas sa kanila. Ang resulta: nasanay na siya at nabuhay ang tiwala niya sa lalaki.
Hindi siya pababayaan nito sa kabila ng magkaiba nilang mundo.
Napakaganda ng ngiti ni Nanay Alicia nang makalabas siya sa kuwarto. Si Tatay Ruben naman ay kagaya pa rin ng dati ang reaksyon---poker face lang. Pero wala naman itong sinasabi sa kanya na hindi ito boto kay Eric. Hindi na rin niya ininda ang pagiging tahimik nito dahil sa paglipas ng araw ay tila nakapagdesisyon na siya. Ititigil na niya ang pag-iinarte niya sa hindi siya magiging parte ng mundo nito na drama niya. Pagkatapos ng lahat, iyon na lamang naman ang problema. Wala na si Ursula. Bagaman ikinagulat ng lahat ang tungkol sa pagkakasundo nila ni Eric dahil ang akala ng mga ito ay si Ursula ang kursunada ng lalaki, tinanggap na rin iyon kapagkuwan. Ganoon rin si Nanay Minerva. Sa pagkakaalam niya, tinawagan ito ni Ursula at sinabi rito ang naging plano. Nagpaalam rin daw ito na hindi na muna babalik sa Alonia dahil sa naging kasalanan sa kinakabitan na intsik. Masaya na rin daw ito na tinanggap pa rin daw ito ng intsik na iyon pagkatapos ng lahat.
Greedy man si Ursula pero may pagmamahal pa rin ito. Nang makita muli nito ang minamahal na lalaki sa kabila ng sabit, hindi pa rin nito naiwasan na balikan iyon sa kabila ng ginawa. Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig. Sa mga nakaraang pangyayari, napatunayan talaga ni Ariel iyon.
“Handa ka na ba, Anak?” masayang tanong pa ni Nanay Alicia. “Ku, ako ang kinikilig para sa `yo, eh!”
Alam ba ni Nanay Alicia ang mangyayari ngayong gabi? Napaisip si Ariel. Wala kasi siyang alam. Pero nararamdaman niya na may something special. Nasasabik siya.
“Maganda na ba ako, Nanay?” tanong niya sa ina. Umikot-ikot pa siya. Suot niya ang pinakamaganda niyang bestida.
“Kailangan pa bang itanong `yan? Kinaiingitan ka ng buong Alonia sa mga nakaraang araw para mabihag mo ang isang prinsipe pala na iyon na si Eric.”
Sa papuri pa lamang ng ina ay masaya na si Ariel. Pero nang yayain siya nito papunta sa bintana ay nagtakbuhan ang ngayon ay nasa dalawampu na yatang kabayo sa kanyang dibdib. Napakakisig ni Eric sa suot nitong checkered black and white na polo at maong na pantalon. Sa likod nito ay mga nakabihis rin na lalaki at may mga dalang gitara.
Harana. Iyon ang gagawin ni Eric! Natutop ni Ariel ang kamay sa kanyang bibig. Ang sabihin na nagulat siya ay kulang.
Harana. Uso pa ba ang harana? Pero ito ang lalaki...naging tradisyonal na manliligaw nga sa kanya. Haay, pakiramdam ni Ariel ay hindi lang siya ang pinakamaganda sa Alonia sa ginagawa ni Eric. Pinakamaganda rin siya sa mundo.
“Kahit ang Tatay mo hindi ako naggawan ng ganyan kaya napakasuwerte mo talaga, Anak.” Kinikilig pa rin na wika ng kanyang ina.
Nagkangitian sila Ariel at Eric. Doon nagsimulang tumugtog ang gitara.
“Pagpasensyahan mo na ang boses ko, ha? Not as good as yours...but I hope it will pass.” Kinindatan siya nito pagkatapos.
Speechless pa rin sa saya si Ariel.
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Ang kanta na iyon ay para sa mga magkarelasyon na lamang. Nanliligaw pa lamang si Eric sa kanya kaya mali iyon. Pero tila balewala iyon kay Ariel. She loved the meaning of the song. Para bang nagpapangako iyon ng habang buhay.
Habang buhay sa piling ni Eric. Ang isipin na iyon ay tila musika sa isip ni Ariel.
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin
Passable lamang ang boses ni Eric. Hindi kasing ganda ng kanya o kaya ay mga hinahangaan rin niya na singer. Pero para kay Ariel, iyon na ang pinakamagandang musika na narinig niya. Naiyak siya pagkatapos ng harana. Napayakap pa siya kay Nanay Alicia sa nag-uumapaw na emosyon.
“Nararapat ba sa akin ang saya na ito, Nanay?”
Hinaplos-haplos ng matanda ang likod niya. “Napakaganda at napakabuti mong bata, Anak. Deserved mo ang lahat ng magagandang bahay. Deserved mo na maging masaya. Napakasuwerte mo.”
Ganoon rin ang nararamdaman ni Ariel. Sadyang nahihirapan lang talaga siya na ipasok sa isip na makakaranas siya ng ganitong kasiyahan. Simple lang naman siya. Dati pang may kapansanan. Ano nga ba talaga ang mayroon sa kanya para mabihag niya si Eric ng ganoon? Ni hindi nga niya sigurado kung naalala na nito ang nakaraan nila. Wala naman kasi itong nababanggit.
Pero hindi na gusto pang magtanong pa ni Ariel. Hindi kasi maganda ang pinagtapusan ng sitwasyon nila noon. Iniwan siya nito noon. Isa iyon sa mga dahilan niya kung bakit niya pinipigilan ang nararamdaman. Pero ang Eric ngayon, bago na ito. Pinagbabago rin naman ng panahon ang tao `di ba? Ngayon ay gusto na niyang magtiwala rito na hindi siya nito iiwan. Pagkatapos ng lahat, nang mangako ito sa kanya ngayon ay tinupad naman nito. Binalikan siya nito. Hindi rin ito sumuko sa kanyang pagtanggi.
“At hindi ka dapat sa akin yumayakap. Payag na akong magpayakap ka sa guwapo na iyon...” nakangisi pa na wika ni Nanay Alicia.
Nang tanggalin ni Ariel ang yakap, nasa likod na niya si Eric. “My arms are free.”
Bakit pa ba ako tatanggi sa grasya? Bakit ko papaalisin ang kasiyahan ko? Nasa isip ni Ariel. Sinunod nga niya ang pambubuyo ng ina at damdamin niya. Niyakap niya si Eric.
“It’s been a week, beauty. Naalala mo ba ang usapan natin?”
Tumango si Ariel at sinalubong ang mata ni Eric.
“Ano na ang nararamdaman mo? Would you still push me away?”
Sa huling beses ay kinapa ni Ariel ang kanyang damdamin. Sa isipin na itutulak rin niya palayo si Eric ay tumutusok na sa puso niya. Sinasaktan siya noon. Bakit iyon ang pipiliin niya?
Pinili ni Ariel na huwag nang magsinungaling.
Umiling si Ariel. “Mahal na kita. Dati pa.”
Hinaplos ni Eric ang kanyang mukha. “Mutual feeling. Mahal na rin kita noong una pa lamang kita na makita tatlong taon na ang nakakaraan...”
Natulala si Ariel. Kung ganoon ay nakakakaalala na si Eric! Pero hindi niya ininda ang pasabog. Mas bumaon sa kanyang isip ang mga sinabi nito na kagaya rin ng kanya.
Minahal pa rin nila ang isa’t isa sa kabila ng mga nagdaang taon. Minahal rin siya nito noon at magpahanggang ngayon...