“S-SIGURADO ka?” may pag-aalinlangan ang boses ni Eric nang sabihin ni Ariel ang desisyon rito. Maaga pa lamang kinabukasan ay naroroon na ang lalaki. Napakaganda ng ngiti nito nang salubungin niya. Halatang na-miss talaga siya nito.
Tumango si Ariel at nakagat ang ibabang labi. Natatakot siya sa naggawang desisyon kahapon. Pero wala naman masamang sumubok. “Sasama ako sa `yo pabalik ng Maynila.”
Bumakas ang saya sa mukha ni Eric. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Hindi mo ito pagsisihan.”
Ngumiti si Ariel. Iyon rin ang gusto niyang asahan.
Sa kabila ng pagdedesisyon ni Ariel, pinagpaalam pa rin siya ni Eric sa mga magulang. “Nakilala ka na rin naman namin, Eric. Pinagkakatiwalaan rin namin si Ariel. Ang habilin ko lamang ay siguraduhan mo na iingatan mo ang unica hija namin na ito.” Wika pa ni Tatay Ruben.
“Siyempre naman po. Pero sigurado po ba kayo na hindi niyo gustong sumama? Bakasyon lang naman po. Para na rin po sa inyo. Para makagala kayo.”
Umiling si Nanay Alicia. “Naku, hindi naman kami mahilig sa mga gala. Isa pa, mahina na kami para sa ganyan. Siguro sa susunod na lamang kapag ako ay malakas-lakas na. Madalas kasi nitong mga nakaraan talaga akong atakihin ng rayuma.”
Tumango-tango si Eric. “Kung ganoon po, iiwan ko na lamang ang satellite phone para makausap niyo rin palagi si Ariel.”
Tumango ang dalawa. “Saka bakasyon pa rin lang naman dalawa? Ibabalik mo pa ang anak ko dito.”
Tumawa si Eric. “Sasanayin ko lang po siya. After a week ay babalik rin kami ng Alonia para bumisita. Maraming salamat po sa pagtitiwala.”
Ganoon ang naging plano. Dahil mag-nobyo pa lang sila, ibabalik rin siya ni Eric sa Alonia. Ngayon nga lamang ay dadalhin siya nito para makilala ng pamilya nito at para na rin nga masanay siya sa mundo nito. Mas maigi na raw na maagang masanay kaya dadalhin na siya nito. Gusto rin siyang makilala ng pamilya nito ayon rito.
“They would love you.” Sagot ni Eric sa tanong niya kung magiging maayos ba ang lahat. Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok.
“Sigurado ka?”
“Nasabi ko na sa kanila ang tungkol sa `yo. They were excited, lalo na si Cindy.” Si Cindy ay ang nag-iisa at bunsong kapatid na babae ni Eric.
Nagtiwala muli si Ariel kay Eric. Bagaman kinakabahan pa rin siya sa kabila ng paniniguro ni Eric.
Nang makarating si Ariel sa bahay nina Eric ay para siyang nakapasok sa fairy tale. Dinala siya ng kanyang Prince Charming sa kastilyo ng mga ito. Para kasing totoong kastilyo ang bahay ng mga ito. Nag-aabang rin roon ang pamilya ni Eric. Niyakap siya kaagad ng isang babae na sa tantiya niya ay si Cindy.
“I’m so finally glad to meet you!” masayang wika pa nito. Mukha itong mabait. Sa bati pa lamang nito sa kanya, nawala na ang tensyon ni Ariel. Welcoming ang aura nito. Ipinakilala rin nito ang fiancé nitong si Kit.
Ipinakilala siya ni Eric sa mga magulang. Bineso siya ng ina at nakipagkamay at niyakap siya ng ama ni Eric. May ibinulong rin ito sa kanya.
“I am sorry.”
Kumunot ang noo ni Ariel. Pero nang ngumiti ang Daddy ni Eric ay hindi na niya naggawang magtanong. Para kasing ang ngiti na iyon ay indikasyon na huwag na siyang magtanong dahil okay na ang lahat.
Niyaya rin siya ng pamilya na pumasok sa loob ng bahay. Lunch nang makarating sila at makikita talaga na pinaghandaan iyon. Lahat rin ng iyon ay paborito niya.
“Mahilig sina Mommy sa sea food pero para sa `yo, pinatanggal ko ang recipe na may kasamang ganoon.” Inform ni Eric kay Ariel.
“Nakakahiya naman.”
“It’s okay, hija.” Sagot ng ina ni Eric. “We’re considering you now as part of our family. Mag-a-adjust kami para sa `yo.”
Lumambot ang puso ni Ariel. Hindi lang siya ang nagsasakripisyo sa sitwasyon. Ganoon rin si Eric at ang pamilya nito.
Love is about sacrifices.
Marami ang naging tanong kay Ariel ng pamilya ni Eric. Lahat naman iyon ay sinubukan niyang sagutin. Inaasahan na rin naman niya iyon. Iyon naman kasi ang dahilan para dalhin siya sa pamilya---ang ipakilala, ang makilala pa nang husto. Nagkuwento rin naman ang mga ito tungkol sa buhay ng mga ito.
Pagkatapos ng lunch ay naghiwa-hiwalay na ang pamilya. May trabaho kasi ang Daddy ni Eric, si Cindy at pati na rin si Kit. Kahit na ba nalaman niyang hindi na pipilitin na magtrabaho si Cindy dahil na rin sa pagdating ng kapatid, inaayos pa rin nito ang ilan pang mga trabaho sa opisina. Pinahaba lamang ang lunch out ng mga ito dahil sa pagdating niya. Ang Mommy naman ni Eric ay may dadaluhan na event. Si Eric naman ay nagrequest na hindi na muna papasok.
“Magpapahinga na lang siguro muna ako. Medyo nalulula pa rin ako sa pagsakay sa eroplano,” wika ni Ariel. Nalulula rin siya sa saya. Overwhelmed siya sa welcome ng pamilya. Hindi niya ganoong inasahan iyon. “Sa kuwarto ba ako ni Cindy matutulog? O isa sa mga guest rooms?”
Umiling si Eric. “Not in this house.”
“Ha? Bakit?” hindi pa nila napapag-usapan ni Eric ang accommodation. Pero inisip niya na sa bahay na rin mismo nito pero siyempre, magkaiba ng kuwarto. Iyon naman kasi ang point di ba? Ang magkasama sila.
Ngumiti si Eric. “Hayaan mo akong dalhin ka roon.”
Nagtataka man ay sumama na si Ariel kay Eric. Sa katabing subdivision siya nito dinala. Huminto ang sasakyan sa isang maganda pero simple lamang naman na bahay. Bungalow type rin iyon.
Sinalubong sila ng isang matandang babae. Hinawakan pa nito ang baba niya na para bang close sila. “Naku, ito pala si Ariel. Kaganda ngang bata!”
“S-salamat po...” nahihiyang sagot naman ni Ariel.
“Siya si Manang Elisa. Siya ang namamahala sa bahay.” Pagpapakilala ni Eric sa kanya sa matanda.
“Kanino ba itong bahay?”
Ngumiti lang si Eric. Hindi sumagot. Hinila siya nito papasok sa loob. Naging isang malaking gulat kay Ariel nang makita ang itsura ng bahay. Napaka-cool ng kulay---asul, kagaya ng dagat sa Alonia. Mayroon rin na isang napakalaking aquarium roon na puno ng magagandang isda.
Mababaw lang ang luha ni Ariel kaya napaiyak siya. Pakiramdam niya ay nasa Alonia siya. Niyakap naman siya ni Eric.
“I knew you would like it.”
“Pinaggawa mo ito para sa akin.”
Hindi alam ni Ariel kung paano. Magagawa ba iyon sa loob ng tatlong araw? Parang hindi.
“You’re special to me.”
“Eric...” napapaiyak pa rin si Ariel. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya mahawakan ng ayos ang kanyang emosyon.
“Naiintindihan naman kita, Ariel. Sa kagustuhan ko, may isasakripisyo ka. Alam ko na mahal mo ang Alonia. Pero magkaiba tayo ng mundo. Kaya naisip ko na ipaggawa ito. Para kahit isinama kita sa mundo ko, mararamdaman mo pa rin na naroroon ka sa mundo mo.”
“So sa `yo nga ang bahay na ito.”
“Sa atin.” Pagtatama ni Eric. “Nang una pa lamang kita na nakita, alam ko na ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Sa kabila ng tatlong taon natin na pagkakahiwalay, nanatili ka sa puso ko. Ipinaggawa ko ang bahay na ito noon pa. Ipinaayos ko na kagaya ng sa mundo mo dahil alam ko sa sarili ko na balang araw ay titira ka rin rito.”
Totoo nga ang hinala ni Ariel. Matagal ng pinaggawa iyon ni Eric. Lalo yata siyang natunaw at na-in love sa lalaki. So totoo nga. Ang bahay na iyon ay ang patunay na nagkagusto rin nito sa kanya noon. Pareho sila ng nararamdaman at kahit hindi nakita ang isa’t isa ay nanatili pa rin iyon.
“Napakasaya ko. Parang napakaayos na ng lahat ngayon.”
“So handa ka na talagang magbago ang buhay, ha?”
“Basta ba titira ako sa bahay na ito, eh.”
“Hmmm...may consequence ang paglipat mo rito ng permanente. You have to marry me.”
Napatingala si Ariel kay Eric. “Seryoso ka ba?”
“Of course.” May inilabas itong singsing sa bulsa nito.
Nanlaki ang mata ni Ariel. “Napakabilis ng lahat...”
“Mabilis?” tumawa si Eric. “Tatlong taon kong inantay na maging matagumpay para mabalikan muli kita, Ariel. Tatlong taon kitang minahal sa kabila ng pagkakahiwalay natin.”
“Eric...”
Hinawakan ng lalaki ang pisngi niya. “Hayaan mo na kasi akong magpaliwanag, puwede ba?”
“G-gusto ko lang naman kasi na huwag ng alalahanin ang nakaraan na iyon. I was hurt. Pakiramdam ko ay pinaasa mo lang ako.”
“I’m sorry for that. Pero ginawa ko lang talaga iyon para hindi ka na masaktan pa. Ayaw kong maging kagaya tayo nina Cindy at Kit. Ayaw kong paghiwalayin tayo ni Daddy dahil magkaiba tayo ng mundo.”
“Hmmm...”
“You knew we are worlds apart, right? Ganoon rin sina Cindy at Kit.” Ikinuwento nito ang tungkol sa relasyon ng kapatid at ng boyfriend. Ang kung paano pinaglayo ng ama nito sina Cindy at Kit.
“I saw how devastated Cindy when that happened. Minaninupala ni Daddy ang lahat. Alam ko iyon. Narinig ko ang pag-uusap nila ni Lolo na ito ang sadyang pinaglayo nito si Cindy at si Kit.”
“K-kaya ba ako sinabihan ng Daddy mo ng “sorry” kanina?”
Nagulat si Eric. “He did?”
Tumango si Ariel. “Hindi ko na lang ganoon na pinansin.”
“Hindi ko alam kung bakit nasabi niya iyon. Pero para sa akin, wala naman talagang kasalanan si Daddy. It was just me...” napapikit si Eric. “I’m sorry. Nagkamali ako ng nalaman. Inisip ko na hindi payag si Daddy sa atin. I feel that Lolo is so I thought he was against, too. Lalo na nang malaman ko ang ginawa niya kayna Cindy at Kit.”
“Naisip ko na rin naman noon na hindi talaga ako makakabilang sa mundo mo. Nakita ko sila dati `di ba? Pero pipi lang ako noon at hindi bingi para hindi maintindihan ang sinabi ng Lolo mo tungkol sa akin na hindi ako magiging parte ng mundo niyo.
“Nagsumikap ako na ayusin ang sarili ko para sa `yo, para masabi ko na bumagay ako sa mundo mo. Handa na ako noon. Kahit tatlong araw lamang iyon, nagkaroon ka ng malaking impact sa akin. Ikaw rin ang naging inspirasyon ko para makapagsalita muli. Gusto kitang mapasaya kapag nalaman mo na nakakapagsalita na ako.”
“Alam ko ang tungkol roon. Sinabi sa akin ng foundation but not all the details of you. And the last months before the accident, I’ve been seeing you afar...”
May isang alaala na pumasok sa isip ni Ariel. Ang yate na madalas niyang nakikita na pabalik-balik sa isla. “I-ikaw ang nasa yate?”
So hindi pala coincidence na kapareho ng yate ni Eric ang yate na iyon!
Tumango si Eric. “Binalikan kita, Ariel. Hindi ko nga lang gusto na makipagkita sa `yo nang malapitan. It will be complicated if I do. Natatakot ako na kapag mapalapit muli ako sa `yo habang hindi pa maayos ang lahat ay magiging malala ang sitwasyon.”
“Ang sarap pakinggan ng mga salitang `yan, ng katotohanan.” Napakaganda ng ngiti ni Ariel. “Ako kasi, hindi ko man amininin, inaantay ko pa rin ang pagbabalik mo. Napakabait ng Diyos na hinahanap mo rin pala ako sa kabila ng lahat.”
“I love you, Ariel. The first time I saw you, I knew you were the one. I don’t want to let you go but there are circumstances that are beyond my control. Naging matagal man bago ko maayos ang sitwasyon na ito pero masaya ako na naggawa ko. Mas masaya ako na sa kabila man ng taon na iyon, pareho pa rin ang nararamdaman natin sa isa’t isa. It was three hard years, yet, you stay inside my heart. Marami man na pagsubok na nagpasugat sa puso ko pero kapag naalala kita, gumagaling iyon. My heart was scarred but I believe it is perfect because you are the one inside.”
“Hindi na mahalaga ang nakaraan. Ang kasalukuyan na lang at ang hinaharap ang pag-usapan natin. Ang importante na lang sa akin ngayon ay kasama kita at mahal mo ako.”
Kumibot-kibot ang labi ni Eric. “Ayaw mo talagang pag-usapan ang nakaraan? Hindi mahalaga sa `yo ang dahilan ko kung bakit ko naggawang iwanan ka?”
Umiling si Ariel. “I love you and I trust you. Para sa ikabubuti natin ang ginawa mo noon `di ba?”
“I love you so much and thank you for the trust. Though gusto ko pa rin na ipaliwanag but I respect your decision for not having to. Now, puwede mo na rin ba na ipagkatiwala mo sa akin ang buhay mo?” tumingin si Eric sa singsing na hawak.
“Forever...” sagot ni Ariel at masayang tinanggap ang alok ni Eric na kagaya rin ng sagot niya. Forever in his arms, in his life.