NANGINIG si Ali nang mabasa ang message ni Jasmine. Nag-aalala siya sa ikinikilos nito kaya maya’t maya ay chine-check siya nito. Tinanong niya ang babae kung nasaan ito. Bilibid, Muntinlupa. Iyon ang sagot nito. Naguguluhan kaagad siya.
Ano ba ang gustong mangyari at palabasin ni Jasmine?
Hindi pa raw maayos ang lahat ayon kay Jasmine. Hindi niya maintindihan kung bakit. Kahit naman hindi pa rin nito sa kanya sinasabi ang dahilan kung bakit nasira ang engagement nito at ng dating fiancé ay sinigurado siya nito. Wala na daw dapat alalahanin roon. Wala na rin na dapat alalahanin sa kanyang ina.
Hindi masasabi ni Ali na tuluyan ng natanggap ng ina si Jasmine. Pero nang sabihan niya ito na wala itong choice ay hindi na ito nagsasalita pa. Hindi ganoon ang kanyang ina. Nagrereklamo ito. Nagrereklamo rin naman ito sa una. Bakit si Jasmine pa raw? Pero alam niyang ginagawa lang nito iyon dahil hindi nito matanggap na mali ito. Mataas ang pride ng kanyang ina.
Tama si Jasmine. Bakit ito kailangang husgahan ng mga tao dahil sa nakaraan nito? Ang masaklap pa, nakaraan iyon na hindi nito ginusto. Hindi nito iyon ginawa. Ang mahalaga sa lahat, nagsikap ito para mapalitan ang masamang nakaraan. Nagsikap ito para makuha ang pangarap nito. Naging matagumpay ito.
Nagtitiwala si Ali na makakasundo rin ni Jasmine ang kanyang ina. Hindi nga lang lubos ang pagtanggap sa ngayon pero darating rin ang panahon roon. Masyado pang maaga para mapabilis ang lahat. Pero alam niyang nagsisimula na iyon. May party na gaganapin sa mansion nila isang buwan mula ngayon. Birthday ng kanyang Mama. Inabisuhan siya nito na mag-imbita ng mga colleagues niya…
“I’ll invite Eric,” wika niya sa natagpuan na ngayong kaibigan pagkatapos ng mahigit buwan rin na pagkawala. Marami siyang colleagues pero hindi niya trip imbitahan ang mga iyon. Si Eric lang ang malapit sa kanya. “And of course, Jasmine.”
“Bahala ka!” kung dati ay kuntodo iling ito kapag naririnig man lang ang pangalan ni Jasmine, ngayon ay binibigay na nito sa kanya ang desisyon. Napangisi na lamang si Ali.
They were on the road of happily ever after. Pero napakatagal ng panahon na hinintay ni Ali para tuluyan na sumaya. Naiinip rin siya. Gusto niyang malaman kung ano ang gumugulo sa isip ni Jasmine. Kaya lang, gaano man na kulit niya rito ay ayaw pa rin nito na sabihin.
Nag-aalala siya sa ikinikilos ni Jasmine. At ngayong araw ay tumindi pa iyon. Anong naisip nito para puntahan ang isang lugar na pinakaaayawan nito?
“Puwede kitang dalhin sa maraming lugar pero hindi dito, Ali. Hindi sa lugar kung nasaan ang ama ko…”
Galit si Jasmine sa ama nito. Naapektuhan nang husto ang paglaki nito dahil sa nakaraan nito. Ang pinakakinakatakot pa ni Ali ay baka mag-isa lamang ito na pumunta roon.
Iniwan ni Ali ang ginagawa. Susundan niya si Jasmine. Anong gagawin nito sa lugar? Paano kung masaktan ito kapag kinatagpo nito ang ama? Kailangan niyang protektahan ang babae.
Pagdating sa Bilibid ay kaagad na hinanap niya si Jasmine. Itinuro naman kaagad ito ng guwardiya. Natigilan si Ali nang matanaw ito at ang isang matandang lalaki. Umiiyak ang lalaki at paluha na rin si Jasmine. Nakayakap rito ang lalaki.
Natunaw ang puso ni Ali. Hindi kaagad siya lumapit. Gusto niya lang tignan ang dalawa at panoorin ang nangyayari.
“Patawarin mo ako, Anak. Hindi lang pala kita napabayaan. Nakaaapekto rin ang pagkatao ko sa `yo. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Hindi ko sinasadya…”
“Hindi niyo kasalanan, Papa. Ang mga taong mapanghusga ang may kasalanan. Pero patawarin niyo rin ako. Nagalit ako sa inyo ng dahil roon. Maraming beses na hiniling ko na sana ay hindi niyo ako anak.”
“Hindi kita masisisi. Isa akong masamang tao at masamang ama rin. Kaya tama lang na makulong at parusahan ako, iyon ang nararapat sa akin. Ang pag-alala mo na ito sa akin ay sobra-sobra na para sa akin. Hindi nararapat para sa akin ito…”
“Napagtanto ko na hindi ako lubusan na magiging masaya kung hindi ko babalikan ang nakaraan. Kung hindi ko kayo patatawarin, paano maaayos ang buhay ko? Parte kayo ng pagkatao ko. Gusto ko na maging maayos ang lahat sa buhay ko.”
Pakiramdam ni Ali ay naiiyak na rin siya sa nakikita na eksena. Naisip niya kung siya ang nasa sitwasyon ni Jasmine. Sa tindi ng pinagdaanan nito sa mapanghusga na tao dahil sa nakaraan nito, tila napakahirap ng lahat para patawarin ang ugat noon. Pero ito ngayon si Jasmine at binabalikan ang taong iyon. Humihingi rin ng patawad.
She is a really good woman. Napakasuwerte niya para makatagpo ng isang babaeng kagaya nito.
Pagkatapos ng pag-uusap, hindi na napigilan ni Ali na lumapit sa dalawa. Kaagad siyang napansin ni Jasmine.
“Ali! A-anong ginagawa mo rito?” nagulat si Jasmine. Halatang hindi ito tumingin sa cell phone pagkatapos i-text sa kanya kung nasaan ito. Ilang beses siyang tumawag at nagtext rito. Sinabi rin niya sa text na sususndan niya ito.
Ngumiti si Ali. “Ako dapat ang magtanong niyan sa `yo. Hindi ka na nagreply sa text messages at tawag ko.” Tumingin si Ali sa ama ni Jasmine. May hawig ito sa matanda. Inilahad niya ang kamay. “Hello po. Kumusta po kayo? Ako nga po pala si Ali.”
Ngumiti rin sa kabila ng luha ang matanda. “Napakasaya ngayong dinalaw ako ng anak ko. Kaibigan ka ba niya, hijo?”
Hindi nagsalita si Ali. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kota na siya sa pag-presume. Siniko niya si Jasmine.
“B-boyfriend ko po siya, Papa.”
Ngumisi si Ali. “Ihaharap lang pala kita sa ama mo para malaman ko talaga ang estado natin.”
Ngumisi rin ang ama ni Jasmine. “Pakipot ba ang anak ko, Hijo?”
“Hindi naman sa ganoon, Papa.” Si Jasmine ang sumagot. “It’s complicated. Pero ngayong naayos ko na ang tungkol sa inyo, kaya ko na muli na ipagpatuloy ang relasyon ko kay Ali.”
Kumurap si Ali. “Kung ganoon---“
Pinindot ni Jasmine ang ilong niya. “I want things to be all okay before I really settle down. Gusto kong ayusin ang issues ko. Tama na ang paggawa natin ng mali. Dapat ay ayusin muna natin ang lahat bago tayo maging masaya.”
“And by this time, everything is okay now.”
Tumango si Jasmine. “It’s the start of our happily ever after,”
Kinuha ni Ali ang mukha ni Jasmine. Hinalikan niya ito. Nasabik siya masyado na gawin iyon. Nakalimutan niya ang mga tao sa paligid.
Natigilan sila sa tikhim ng ama ni Jasmine. Pulang-pula silang dalawa.
“I’m sorry, Sir.”
Nakangiting umiling-iling ang ama nito. “Wala naman na kaso sa akin. Pinapatunayan niyo lang na mahal niyo ang isa’t isa. Pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang lugar para gawin niyo `yan.”
Tumango silang dalawa ni Jasmine.
Kinuha ng ama ni Jasmine ang kamay ng dalaga. “Masaya ako para sa `yo, Anak. Maraming salamat sa pagdalaw mo sa akin. At ganoon rin sa `yo, Hijo. Alagaan mong mabuti ang anak ko.”
“Hindi niyo na po kailangan na sabihin. Kaligayahan ko po ang protektahan ang anak niyo.”
“Napakabuting marinig.”
Hindi na rin nagtagal sina Jasmine at Ali sa kulungan. Limitado lamang ang oras ng pagbisita roon. Ganoon pa man, naging worth while ang lahat. Nagniningning ang mata nito.
“Napakagaan ng loob ko. Nilabanan ko ang takot ko. Inalis ko ang galit. Napakasaya ko. Masaya rin ako na malaman na mahirap man ang buhay sa kulungan ay naka-survive si Papa. Maayos na rin daw kahit papaano ang buhay roon.”
Kinuha ni Ali ang ulo ni Jasmine para isubsob sa balikat niya. “I’m so proud of you.”
Tiningala siya ni Jasmine. “Sana ay naintindihan mo ako kung hindi pa ako pumayag na official na makipagrelasyon sa `yo. Gusto kong ayusin ang buhay natin gamit ang sarili kong paa. Ganoon rin ang sarili kong buhay. Dapat ay matagal ko na itong naggawa pero nag-iipon lang ako ng lakas ng loob.
“Naiintindihan ko. Pero totoo bang masaya ka na, Jasmine?”
Tumingin si Jasmine sa kulungan. Alinlangan ang ngiti nito. “Sabi ni Papa ay maayos naman siya sa loob.”
Tinitigan ni Ali ang girlfriend. “A life without freedom is like a life in hell. Do you want me to use my powers for the freedom of your Dad?”
Matamang tinitigan rin siya ni Jasmine. Napailing ito maya-maya. “I appreciate that. Pero hindi iyon tama. Isa pa, sinabi niya rin sa akin na may pag-asa na makalaya siya. Na-realize niya ang pagkakamali niya sa kulungan. Nagbagong buhay siya. Naging mabait siya roon. Isa siya sa mga taong nabigyan ng parole. Kapag pinalad, sa susunod taon ay puwede na siyang makalaya.”
“Well then, if you say so. Pero may naalala pa rin pala ako. Hindi pa rin maayos ang lahat para sa akin.”
“Dahil hindi pa lubos na tanggap ako ng Mama mo? I’m trying. Makakapaghintay naman siguro iyon. Ang mahalaga ay nakapag-umpisa na ako.”
“Hindi iyon. It’s still about your fiancé.”
“Oh, Arthur,” ngumiti si Jasmine. “Mamahalin mo pa rin ba ako kung alam mo na ex-fiance ako ng isang bakla?”
Nagulantang si Ali. “Ano?!”
“That’s it. Nagamitan lang kami ni Arthur. Hindi namin mahal ang isa’t isa. He used me to hide his true identity. Ako naman, ginamit ko siya para maalis sa pagkatao ko. If I will marry him, mapapalitan ang apelyido ko. Hindi na ako ma-associate sa isang big time na magnanakaw. Pero napagtanto ko na mali iyon. Dapat ay tanggapin ko kung sino ako. That’s why I also do this…”
“Oh, Jasmine. You knew that I am willing to change your name!”
“Wala ka pa naman sa oras na napag-usapan namin iyon ni Arthur. But you are telling that now so can I presume that you are ready to proposed marriage to me?”
“I would love to. So will you marry me?”
Natawa si Jasmine. “Be romantic, my Prince. Nasa harap pa rin tayo ng kulungan!”
Natawa rin si Ali. Hinalikan niya si Jasmine. “Romance is everywhere when you are my side. Hindi na kailangan ng romantic ambiance or flowers.”
Pinindot ni Jasmine ang ilong niya. “May point. I love you.”
“I love you more, my thief.”
Tumaas ang isang kilay ni Jasmine. “So you are also judging---“
“You’re a thief. You stole my heart. So dapat lang talaga na makulong ka. Sa bisig ko, sa piling ko.”
“I’ll gladly do that for a lifetime.” Kinindatan at pagkatapos ay hinalikan siya ni Jasmine.
THE END