Chapter 34

Years Ago

NAWALAN ng pagpipilian si Jasmine. Napilitan siyang lumayas sa mansion ng mga Fehr at mamuhay ng mag-isa. Mahirap. Wala siyang sapat na pera para mabuhay ng mag-isa.

Walang malapit na kaibigan si Jasmine. Simula nang magka-isip siya, bahay eskuwela lamang ang kanyang buhay. Noong buhay pa ang ina niya ay ganoon rin siya. Kailangan niya rin kasing tulungan ang kanyang ina para magtrabaho. Kapag nasa eskuwelahan naman, ang palagi niya lamang na focus ay ang pag-aaral. Noong mag-college siya, ganoon rin ang buhay niya.

Walang mapupuntahan si Jasmine. Mahirap rin para sa kanya ang makahanap ng trabaho. Wala siyang kilala na magrerekomenda sa kanya. Halos isang linggo muna siyang nagpalaboy-laboy sa kalsada bago siya makahanap ng trabaho---taga hugas sa isang carinderia.

Napakaliit lang ng kita ni Jasmine para maipagpatuloy pa niya ang pag-aaral niya. Demanding rin ang amo niya. Ang gusto nito ay buong araw siya na nasa carinderia. Pero tinanggap na lang ni Jasmine ang lahat. Maliit man ang suweldo, kahit papaano ay may libre rin naman siyang pabahay at pagkain. Pinatuloy siya ng amo sa bodega ng bahay ng may kaliitan rin naman na bahay ng mga ito.

Inipon ni Jasmine ang naging kita niya para ipagpatuloy ang pag-aaral. Pagkatapos ng dalawang taon sa pagtatrabaho bilang taga-hugas, nakaipon siya nang maayos para makapagsimula. Umalis na siya sa carinderia at naghanap ng bagong trabaho.

Natanggap si Jasmine bilang crew ng isang fast food restaurant. Bahagyang naging maayos ang buhay ni Jasmine. Mabait ang manager niya. Pinayagan siya nitong magtrabaho at mag-aral rin. Ito rin ang naghanap ng school at umasikaso ng scholarship niya roon. Libreng nakapag-aral si Jasmine ng kolehiyo. Naka-ipon rin siya at nabalikan ang dating pinagkaka-utangan nila ng Tiyahin. Unti-unting binayaran niya ang naging utang nila nang maaksidente ang kanyang ina ang ina.

Nakatapos si Jasmine ng kolehiyo. Naka-graduate siya bilang guro. Ang naging problema nga lamang ni Jasmine ay kung paano siya kukuha ng board exam. Pangarap niyang maging professional teacher. Paano ay nang maka-graduate siya ay saka naman umalis ang mabait na manager. Magma-migrate na ang pamilya nito sa ibang bansa. Napalitan ito ng bagong manager.

May pagkamasungit si Sir Arthur. Mahigpit ito sa kanilang mga empleyado. Pinagbawal rin nito ang maging part-time na lamang ang mga empleyado sa trabaho. Naka-ipon man si Jasmine dahil mas lumaki ang suweldo niya ay naging kulang pa rin. Pinagmadali na kasi siya ng pinagkaka-utangan na bayaran nang buo ang naging utang nila ngayong alam nitong nakatapos na siya ng kolehiyo.

Nahuli sa pag-file si Jasmine para sa board. Hindi na rin niya ipinilit dahil wala pa siyang pambayad para sa review center. Naniniwala naman siya sa kakayahan niya. Pero gusto niya na makasigurado. Na-postpone ang pangarap ni Jasmine. Nagpatuloy muna siya sa pagiging fast food crew. Hindi rin kasi siya natanggap bilang teacher dahil wala pa siyang lisensya.

Nagbago ang buhay ni Jasmine nang maging manager si Sir Arthur. Hindi niya ito kasundo, hindi kagaya ng dati niyang manager. Hindi, hanggang sa isang araw ay sila na lamang dalawa ang natira sa fast food restaurant.

“Sir---?” nagulo si Jasmine nang makitang habang nakatingin sa cell phone ay umiiyak ang manager. Na-curious siya. Naging concern rin. Kahit hindi sila malapit sa isa’t isa, boss niya pa rin ito. Bahagi pa rin ito ng buhay niya. Kakilala pa rin niya ito. “May problema po ba kayo? May maitutulong po ba ako?”

“Jas, can you stay?” may sakit sa boses na pakiusap kay Jasmine ni Sir Arthur.

“Ano po iyon, Sir?”

“Gusto ko lang na may makakausap. Kung puwede ka, sumama ka muna sa akin.”

Alas onse na ng gabi. Pero hindi naman iyon kaso kay Jasmine. Along the way lang ang dorm na tinitirahan niya. Hindi naman mahigpit ang land lady niya. Tanghali pa rin ang shift niya kinabukasan.

Pumayag si Jasmine. Nakilala na rin naman niya ang amo. Mukhang harmless naman ito. Dinala siya nito sa isang twenty-four hour coffee shop. Ibinili pa siya nito ng makakain.

“Have you ever been in love?” bungad na tanong ng amo.

Tumango si Jasmine. “Problema po ba sa pag-ibig ang sasabihin niya?”

Tumango ito. Huminga nang malalim ang lalaki. “Love…napakasarap na damdamin. Napasakit rin kapag nawala sa `yo.”

Naisip na kaagad ni Jasmine ang problema ng boss. Malamang ay iniwan ito ng girlfriend nito. “I’m sorry, Sir.”

Mapait na ngumiti si Sir Arthur. “Buti ka pa, nakakahingi ng sorry sa akin. Samantalang si Ramon---“

“Ramon?” kumunot ang noo ni Jasmine. Kakaibang pangalan iyon para sa isang babae.

Sinalubong ni Sir Arthur ang mata ni Jasmine. “I’m gay, Jas.”

Nagulat si Jasmine. Ganoon pa man, hindi niya pinahalata. Pansin nilang lahat na may pagka-silahis ang manager. Pero walang sino man ang naglakas ng loob na magtanong. Ayaw rin naman niyang isipin. Ayaw niyang makialam. Mali ang manghusga ng kapwa. Alam na niya ang pakiramdam na iyon. Hindi niya gagawin iyon sa ibang tao.

Umiyak sa balikat ni Jasmine si Sir Arthur. “I’m a closet gay. Hindi puwedeng malaman ng pamilya ko ang tunay na katauhan ko. Ako lang ang nag-iisang anak at apo na lalaki sa pamilya. Paniguradong masasaktan ang pamilya ko kapag nalaman ang sikreto ko. Sikreto lang rin ang relasyon namin ni Ramon. Pero sa kabila ng lahat, minahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero kagaya lang rin siya ng ibang lalaki. Hindi niya ako kayang tanggapin sa kung sino ako. Pera lang ang habol niya sa akin noon.

“Ayokong sumuko kay Ramon. Mahigit isang taon rin ang relasyon namin. Akala ko ay masaya siya. Pero nakatagpo siya ng babae na bagong mamahalin. Ayokong pumayag. Hinabol ko siya. Ilang buwan akong ganoon. Ipinipilit ko ang sarili ko kay Ramon kahit alam ko na wala na talaga akong pag-asa.

“Nasasaktan ako. Kung naging mahigpit man ako sa inyong mga empleyado ko, blame all of this. May pinagdadanana ako kaya ganoon palagi ang mood ko.”

Tumango si Jasmine. “Naiintindihan ko po, Sir.”

Nasaktan na rin si Jasmine. Masasabi niyang nakaapekto rin iyon sa pagkatao niya. Naging malulungkutin siya. Maraming beses na nakikita na lamang niya ang sarili na umiiyak. Lahat na lang ng mahalaga sa kanya ay kinukuha. Palagi niyang tinatanong kung bakit ang unfair ng buhay? Bakit hindi siya puwedeng maging masaya?

Ang pagiging mainitin ng ulo ng boss ang naging epekto naman rito ng sakit. May kanya-kanyang pag-cope up mula sa sakit ang ibang tao.

Nagpatuloy na umiyak si Sir Arthur sa balikat ni Jasmine. Naghanap ng sasabihin si Jasmine para mapagaan ang loob nito. Inisip niya ang pinagdaanan niya kay Ali at inisip kung ano rin ang nakatulong sa kanya noon.

“Masakit ang mag-let go. But most of the times, it hurts more to hold on. `Wag niyong kalimutan na mahalin rin ang sarili niyo. Dahil sa mga ganitong pagkakataon, ang tanging makakatulong lang sa atin ay ang sarili natin, Sir. Ikaw ang may isip. Ikaw ang may puso. Tanging ikaw lang ang makakaayos niyan dahil ikaw ang may hawak ng lahat ng `yan.”

Ngumiti si Jasmine. Nagpatuloy siya. Tinapik-tapik niya ang balikat ng amo. “Magiging maayos ka rin, Sir. Someday. One day. Hindi nga lang siguro ngayon.”

Kumurap-kurap si Sir Arthur. “You have been through a heartbreak, too.”

Tumango si Jasmine. “Parang fairy tale ang love story ko, Sir. I’ve been in love with a man named Aladdin. Pero nasa real life tayo, eh. Wala kaming happily ever after.”

Hindi kailanman sinabi ni Jasmine sa kahit sino ang pinagdaanan niya kay Ali. Pero may kung anong puwersa ang nagbigay sa kanya ng lakas para magkuwento rin. Siguro ay dahil kahit hindi malapit, pinagkatiwalaan siya ng boss. Nakaka-relate rin siya sa pinagdadaanan nito.

Ngumiti ang amo pagkatapos niyang magkuwento. “Mula ngayon, Arthur na lang ang itawag mo sa akin.”

“Pero Sir---“

Ngumiti ito. Pinisil nito ang balikat niya. Pagkatapos ay may kinuha itong envelope sa bag. “Sa `yo na rin ang pera na ito. Ito ang pera na ibinalik sa akin ni Ramon nang subukan kong gamitan siya ng pera para bumalik sa akin. Mas nararapat para sa isang kagaya mo ang pera na ito. Narinig ko na gusto mo raw kumuha ng board. May binabayaran ka rin daw na utang. Malaking pera ito. Masasagot na lahat ng problema.”

Nanlaki ang mata ni Jasmine. “Hindi ko po ito matatanggap---“

“Tse! Tumigil ka! Tinanggap mo ang kuwento ko sa `yo. Tinanggap mo ang paanyaya ko kahit alanganing oras na. Hindi mo ako hinusgahan sa pagkatao. Nararapat lang sa isang kagaya mo ang pera na ito.”

Sa nangyaring iyon, pakiramdam ni Jasmine ay pumasok siya muli sa isang fairy tale. Si Sir Arthur ang naging Genie ng buhay niya.

NASABI ni Jasmine na naging lubos na maayos ang buhay niya nang makapasa siya sa board exam. Naging mabilis at madali rin na nakakuha siya ng trabaho pagkatapos noon. Nakaalis siya sa fast food restaurant at naggawa ang pangarap na trabaho. Ipinagpasalamat niya ang tagumpay at ginhawa na nararamdaman sa dating manager at ganoon rin kay Arthur. Simula nang gabing iyon, naging magkaibigan na sila.

Naging maayos na guro si Jasmine. Si Arthur naman ay nagkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa. Kinuha nito iyon para tuluyan na maka-move on. Naisip nito na kapag naging malayo ito kay Ramon, mawawala na rin ang kahibangan nito sa lalaki.

Walang problema si Jasmine sa ginagawa. Masaya siya sa pagtuturo. Kinagigiliwan siya ng mga estudyante niya. Gusto rin niya ang co-teachers niya. Pero nang dumating ang ika-dalawang taon ni Jasmine sa pagtuturo, may isang pangyayari na bumabagabag sa kanya.

Third quarter. Kuhanan ng grade card ng mga estudyante niya. Tuwing ganoong quarter ay patakaran sa eskuwelahan na magulang o guardian ng bata ang kukuha ng grade card.

“Miss Jasmine Rivera,” natulala ang isang magulang kay Jasmine. “K-kamukha ka ng isang kilala ko. Do you know Mr. Robert Rivera?”

Nanginig si Jasmine. Pangalan iyon ng kanyang ama. Hindi siya sumagot. Natulala lang rin siya sa sinabi ng magulang.

“I heard that she has a daughter. Ikaw ba iyon, Miss Rivera?”

Paano kung kilala ng magulang nito ang ama ni Jasmine sa paraang kilala ng lahat? Masama. Magnanakaw. Naalala niya ang naging akusasyon ng mga tao sa kanya tuwing nakikilala ang parteng iyon ng pagkatao niya. Hindi nagtitiwala ang lahat sa kanya. Nasira ang reputasyon niya. Tinitignan siya ng mga tao bilang kagaya rin ng kanyang ama.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Mahalaga sa isang guro ang reputasyon. Hindi makakaya ni Jasmine na masira ang pinaghirapan niya kapag nalaman ng lahat ang nakaraan niya. Nagdesisyon siya na magsinungaling. Umiling siya.

“Okay. Mabuti kung ganoon. Hindi ko yata makakayang pag-aralin ang iba ko pang anak rito kung sakaling malaman ko na may guro sila na may masamang lahi,”

Napayuko si Jasmine. Lawyer ang magulang na iyon ng kanyang estudyante. Naisip niya na baka kliyente nito ang isang tao na may naggawang masama ang kanyang ama.

Natakot si Jasmine. Kahit matagal na niyang nilimot, binabagabag pa rin siya ng kanyang nakaraan. Hindi niya iyon matatakasan. Paano kung hindi lang ang ina ang makakilala sa kanya? Paano kung marami pa ang makaalam ng sikreto niya? Sisirain noon ang buhay niya, ang lahat ng pinaghirapan niya.

Simula ng araw na iyon ay nababagabag si Jasmine. Natatakot siya na dumating ang araw na masira siya bilang guro dahil lamang sa nakaraan niya. Pero mababago niya ba iyon? Habang buhay niya na dadalhin ang pagkatao niya.

Lumipas ang mga buwan. Nagkita silang muli ni Arthur. Nagkaroon ito ng isang buwan na bakasyon sa Pilipinas. Binisita nito ang pamilya at ganoon rin siya.

Hindi naman nawawalan ng contact sina Jasmine at Arthur. Hindi nga lang sila madalas na nag-uusap. Pero ang alam niya, maayos naman ang lalaki. Masaya raw ito sa trabaho sa ibang bansa. Hindi nga lamang niya nakita iyon nang magkita sila. Mukhang kagaya rin niya ito. Nababagabag. Natatakot.

“May problema ba? Tungkol ba ito kay Ramon?”

“Naka-moved on na ako kay Ramon. Tungkol ito sa pamilya ko…”

“Hmmm…?”

Bumuntong-hininga si Arthur. “Nahahalata na yata nila ang tungkol sa pagkatao ko. Nagalit sa akin si Papa. Hindi niya gusto iyon. Ako lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya. Gusto nila na makapag-asawa ako.”

“Oh...”

“Anong gagawin ko, Jas? Pusong babae rin ako. Walang babae na tatanggap sa akin.”

“You are a good man, Arthur.”

“Mabait lang. Pero hindi ko kayang ibigay ang gusto ninyong mga babae. Heck, ni wala nga akong kaibigan na babae. Walang malapit. Ikaw lang siguro ang maituturing ko. Insecure kasi ako sa inyo, eh.”

Natawa si Jasmine. “Puwede ba, Art.”

“Eh ano ngang gagawin ko? `Wag na `wag mo akong sasabihan na manligaw ng iba, ha! Iniisip ko pa lang, nandidiri na ako.”

“Puwede ka naman na makiusap sa babae, kung ayaw mo talaga na aminin sa pamilya mo ang totoo. Aminin mo muna ang pagkatao mo. Who knows `di ba? May tatanggap rin sa `yo.”

Tinitigan siya ni Arthur. “Puwede ka ba, Jasmine?”

“Huh?”

“Wala kang boyfriend. Alam mo ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung balak mo na mag-asawa pa. Pero kung hindi ay baka puwedeng pag-isipan mo ito…”

Napaisip nga si Jasmine. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ali, wala na siyang maisip na lalaking mamahalin pa. May mga nagtatangka naman na manligaw sa kanya. Pero hindi kailanman napantayan noon ang damdamin niya kay Ali. Nagdesisyon na siya kahit maaga pa na hindi na muli magmahal pa. Maayos na siya sa buhay niya.

Pero magiging talagang maayos iyon kung makakaalis siya sa anino ng nakaraan. Magiging mahirap. Pero kung mababago niya ang identity niya o kahit ang apelyido man niya, mababawasan ang makakilala sa kanya.

Kung magpapakasal si Jasmine kay Arthur, mababago ang apelyido niya. Magiging bagong tao na siya. Mahirap ng maungkat ang nakaraan. Bukod roon, matutulungan niya pa ang taong may malaki siyang utang na loob. Ang taong dahilan ng kasiyahan na nararamdaman niya ngayon sa pagtupad ng kanyang pangarap at pati na rin pagsagot ng kanyang problema.

Nang muling makipagkita si Jasmine kay Arthur, buo na ang desisyon niya.

“Ipakilala mo ako sa pamilya mo bilang fiancé mo.” walang pag-aalinlangan na wika ni Jasmine.

Handang gawin ni Jasmine ang lahat basta matakasan lang niya ang masama niyang nakaraan.

Present

KOTA na si Ali sa paggawa ng mali. Kaya naman sa halip na mag-inom o kaya ay magbulakbol para kalimutan ang sakit, pinili niya na magtrabaho pa rin. Kailangan niyang mag-moved on.

Trabaho. Iyon na lang siguro ang kaya niyang gawin ngayon. Pero sa tingin niya ay ginagawa rin niya ng mali. Dahil pinipilit at galit siya sa mundo dahil sa nararamdaman na sakit, mainit palagi ang ulo niya. Hindi niya matanggap ang nangyari.

Talo na si Ali. Sumuko na sa kanya si Jasmine. Ang pag-iwan nito sa kanya pagkatapos ng mainit na gabi na pinagsaluhan nila ay ang huling alas niya.

Isinuko ni Jasmine ang katawan nito sa kanya para lang iwanan siya. Mali siya ng akala na iyon na ang hudyat na hinihintay niya na pareho sila ng nararamdaman ni Jasmine. Hindi siya nito iiwan kung mahal pa rin siya nito. Mali siya na isipin rin na ang nangyari ang magpapatali sa kanya kay Jasmine. Iniwan pa rin siya nito. Mas pinili pa rin nito ang lalaking nakatakda para rito kaysa sa kanyang pinag-alayan nito ng sarili nito.

Kung ano ang gustong palabasin at gawin ni Jasmine, ayaw na munang isipin ni Ali. Ang tanging nararamdaman na lang niya, hindi siya mahalaga rito. Inaasahan na dapat niya iyon. Pinilit lang naman niya si Jasmine. Pero umasa rin siya ng positibo dahil sa nakikita niyang kilos nito. Nasaktan lang siya. Pinili pa rin nito ang fiancé nito kaysa sa kanya.

O iyon ang akala ni Ali.

Sa kalagitnaan ng pabulyaw na sermon ni Ali sa sekretarya niya ay dumating si Jasmine. Pinalambot nito ang pinatapang niyang sarili. Madalas na galit siya sa nakaraang araw dahil sa nangyari. Alam niya na mali pero hindi niya mapigilan. Sa trabaho niya nailalabas ang frustrations at sakit niya.

“Ali?” mukhang si Jasmine ay nagulat rin sa asal na nakita nito sa kanya sa harap ng sekretarya.

Namutla si Ali. Tumihim siya. Tinignan si Jasmine ng kanyang sekretarya. “I’m sorry, Ma’am. Mali rin po kasi ako ng naggawa at---“

“Pero hindi ganoong asal dapat ang pinakikita mo. Puwede kang mag-correct ng tao pero hindi ang sigawan mo siya,” pumamaywang si Jasmine kay Ali.

“I’m sorry,” nawika ni Ali sa sekretarya. Nasabunutan rin niya ang ulo. Nakakahiya nga ang kanyang ginagawa.

Ngumiti ang sekretarya. “Okay lang po, Sir. Naiintindihan ko naman po na may pinagdadaanan kayo.” Tumingin kay Jasmine ang sekretarya. “Kung sa inyo po ang problema ni Sir, sana po ay maayos na rin para hindi na po kami maapektuhan. Mabait naman po talaga si Sir.”

Umalis na ang sekretarya. Tuluyang pinapasok ni Ali si Jasmine sa kanyang opisina.

Humalukipkip si Jasmine. “I know how the girl feels. I won’t tolerate that,”

Kumibot-kibot ang labi ni Ali. “Hmmm...so may pakialam ka na rin sa akin? You care for my employees.”

“Promise me you won’t do that again.”

Kinuha ni Ali ang baywang ni Jasmine. “I promise kung babalik ka na muli sa piling ko.”

Hindi alam ni Ali kung bakit nagbalik si Jasmine. Pero ayaw na niyang magtanong ng bakit. Gusto na lang niyang i-appreciate. Napakasaya niya ngayong bumalik muli si Jasmine.

Hindi na naman siguro masama kung bibigyang kahulugan ni Ali ang pagbalik ni Jasmine. Hindi na iyon pagpipilit pa. Nagkusa na ito. Na-miss rin ba siya nito?

Huminga nang malalim si Jasmine. “You still love me.”

Hinalikan ni Ali si Jasmine. “I will love you forever.”

Niyakap ni Jasmine si Ali. “K-kahit hindi ako ang tamang babae para sa `yo? I’m no princess. I’m a criminal’s daughter.”

“You will be a princess if you’ll have me. And as with your last statement, we will change your past. Pakakasalan kita. Babaguhin ko ang pangalan mo. Hindi na mapapakabit muli sa pangalan ng ama mo ang pagkatao mo. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat tungkol sa `yo. I’m a powerful man. You know that. Wala ng huhusga pa sa `yo.”

Tinitigan lang ni Jasmine si Ali.

Tumikhim si Ali. Inisip niya ang mga sinabi. Masyado ba iyong mayabang? Mali pa rin ba iyon? Natuto na siya. Mali ang pinipilit ang isang bagay.

Hindi naman pinalaki si Ali na spoiled. Pero desperado lang talaga siya na maging kanya si Jasmine muli kaya naggawa niya ang lahat. Ngayon, gagawin na niya ang tama. Hindi na niya pipilitin si Jasmine.

“If you would let me, of course.” Tumikhim muli si Ali. “How’s your fiancé?”

Umiling si Jasmine. Itinaas nito ang kamay. Wala ng singsing roon.

Lalong naging maganda ang pakiramdam ni Ali. Pero nang maisip na may nasaktan si Jasmine dahil sa kagustuhan niya o nila man na dalawa ay sinundot ng konsensya si Ali. Mali pa rin iyon. “P-pinilit mo rin ba siya?”

Umiling lang si Jasmine. “Ginusto rin niya ito. It was unfair to both of us, you know. Pero hindi ko muna gustong pag-usapan. Ang masasabi ko lang muna, wala ng problema kay Arthur. Walang dapat na alalahanin. Ginagawa natin ang tama sa pagkakataong ito.”

“I-if then, is this the start of happily ever after?”

Umiling muli si Jasmine. “That’s why I am here. May kailangan talaga ako na hilingin sa `yo.”

Kumunot ang noo ni Ali. Wala na itong fiancé. Wala na dapat silang problema.

“Ano iyon?”

“Your mom’s schedule. Kailangan namin na mag-usap.”

HINDI mapapantayan ng kaba ni Jasmine noong nag-thesis, unang demo teaching at pati na rin nang unang araw ng kanyang pagtuturo ang kaba na nararamdaman niya ngayon. Dalawang araw pagkatapos niyang makausap si Ali ay bumalik si Mrs. Fehr sa Pilipinas galing sa isang business trip. May pagkakataon na siya na makausap ito.

Kailangan na makausap ni Jasmine ang ina ni Ali. Kailangan niyang gawin ang tama.

“What are you doing here?” puno ng taray na wika ni Mrs. Fehr nang makita siya sa opisina nito. Pinaglipat-lipat nito ang tingin nito kay Jasmine at sa sekretarya. Matanda na ito pero nanatili pa rin na maganda. Pero nang makita siya, tila nangulubot lahat ng balat nito. Parang kaunti na lang rin ay magtataasan ang gintong buhok nito na namana sa British na ina. Nainis ito sa pagkakita pa lamang sa kanya.

Namutla ang sekretarya. “It was Sir Ali, Ma’am. Siya po ang nag-utos na ilagay si Miss Rivera sa guests niyo ngayong araw.”

“Well, I don’t like her. Call the guards and---“

“Nasa building rin si Ali. Alam niya ang tungkol sa pagpunta ko rito. I think it is also a waste of time to do that. Pipigilan rin niya kayo.”

Sinubukan siyang takutin ng babae. “Hindi niya ako susuwayin! Kilala ko ang anak ko. Kapag ginawa niya iyon, alam niya ang mangyayari sa kanya. He might lose all the wealth he have. Sa akin ipinamahala ng asawa ko ang oil company---“

“Kung kilala niyo ang anak niyo, sana ay alam niyo na hindi ganoon kahalaga sa kanya ang kayamanan ng pamilya niyo. Sabik siya sa simpleng buhay. Pero sa tingin ko ay hindi rin niya mararanasan iyon. Kung kilala niyo talaga ang anak niyo, alam niyong hindi lang ang oil company ang puwede niyang pamahalaan. He has business of his own…”

Ang gusto lang ni Jasmine mula kay Ali ay ang puso at ang tiwala nito. Hindi mahalaga sa kanya ang yaman nito. Sanay siya sa hirap. Pero gusto niyang kausapin ang ina nito. Gusto niyang mabuhay ng mapayapa.

Umiling si Ali. “Hindi mo na kailangan na gawin iyon. Hindi problema si Mommy. She can’t harm us. Wala akong pakialam sa pagba-blackmail niya. Ang laki ko na. May sarili na akong business. I can provide for you,” protesta kaagad ni Ali nang sabihin niya ang gusto niya.

“It’s not about you losing the company like what a typical teleserye have in line. Ayoko lang ng gulo, Ali. Ikaw na lang ang nag-iisang anak ng Mommy mo. Siguradong hindi siya papayag na mapunta ka lang sa isang kagaya ko.”

“Wala na akong pakialam sa nakaraan mo. I’ve learned my lessons well. It was just you that I want, Jasmine. I have taken a lot of steps away from you. Pinalipas ko ang mga taon na wala ka. But yet, I find myself coming back to you. It was always you. Kung ano man ang iisipin ni Mama o ng mga iba pang mapanghusga na tao, let them all be damned!”

“Masama ang nakaraan ko. Pero hindi ko hahayaan na makulong na lang ako roon. Hindi ko mababago ang nakaraan ko pero mababago ko ang hinaharap. Hindi ako gagaya sa ama ko o sa mga inakusa ng lahat sa akin sa bahay niyo. Hindi kita nanakawin sa pamilya mo ng ganoon-ganoon lang gaano man katindi ang nararamdaman kong ito sa `yo…”

“Karamihan roon ay kasosyo niya ang kaibigan niyang si Eric!” hindi pa rin nagpatalo ang ina ni Ali.

“I know. But everything is doing well. Isa pa, hindi naman mahalaga sa kanya ang pera. Ganoon rin ako. Ang tanging gusto ko lang ay ang makuha ang approval niyo. Dahil pagkatapos ng lahat, parte pa rin kayo ni Ali. Gusto kong gawin namin na tama ang lahat.”

Tumiim ang bagang ni Mrs. Fehr. Maya-maya ay nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mukha nito. Tumingin ito sa relo nito.

“Fine. Say your piece for five minutes inside my office.”

Nagliwanag ang mukha ni Jasmine. Tila nabunot ang lahat ng tinik sa puso niya. Ngumiti siya. Sa halip rin na ang sekretarya ang magbukas ng pinto papunta sa personal na opisina ni Mrs. Fehr, si Jasmine na ang gumawa noon.

Nanlaki ang mata ni Mrs. Fehr nang makita ang mga nakalagay sa table nito.

“Hindi ko tinignan ang sarili ko kagaya ng tingin sa akin ng ibang tao. I can’t control the past. Tapos na iyon. Wala na akong magagawa para mabago ang lahat ng nangyari sa nakaraan, sa akin man o sa magulang ko. But then, I look in the future. I plan what I want and aim for it. I became successful. Nakuha ko ang lahat ng awards at certificates ng mga ito dahil hindi ako tumingin sa nakaraan ko. In short, my past did not limit me on who I become.”

Namutla si Mrs. Fehr sa naging litanya ni Jasmine. Nagpatuloy si Jasmine sa pagpapaliwanag kung paano niya nakuha ang mga trophy at medals na inilagay niya sa opisina nito bago ito pumasok. Tinulungan siya ni Ali at pati na rin ng sekretarya nito.

Love doesn’t find a way. People who are in love does…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.